Una
"I'm sorry," huli kong sinabi at tumalikod na. Dahan-dahan akong naglakad habang nakatakip ang nanginginig kong mga kamay sa bibig ko. I can feel my tears running down my face. Pain. That's what I'm feeling right now.
"Oh, you should be!" Narinig kong sigaw niya habang papalayo na ako. Hindi ko na siya nilingon pa at napapikit na lamang ako ng mariin. Pilit kong itinago ang aking mukha sa panyong dala ko habang naglalakad. Ayan na naman ang mga titig nila. Mga nanghuhusga. Naaawa. Natatawa at nandidiri. Masisisi ko ba naman sila? Sa lahat ng pinagdaanan ko, I know from the fact that people do judge. They always believe what they saw without knowing what actually happened before they knew. And that's what made them the suspects.
But right now? Wala na akong pakialam sa lahat ng sasabihin nila. Oo, masama ako. I always turn people down. Aminado ako doon. Alam ko ang pagkakamaling ginagawa ko. Pero hindi ko naman gustong gawin 'to ah. Naiipit lang din ako. Napilitan. I'm so ashamed of myself. Bakit pa umabot sa puntong ito?
Oh yeah. Right. Mahina nga pala ako. Too weak. And I'm disgusted with myself.
I held back my tears and wiped my face. Bakit ba umiiyak ako? Wala naman akong kasalanan. Kung talagang kaibigan ko siya, alam niya dapat kung bakit ko ginawa iyon. Alam niya dapat kung ano ang nararamdaman ko. Matagal na nga kaming magkaibigan pero sa isang kumpas ko lang, maniniwala na siya agad na gagawin ko na talaga iyon intentionally? May rason kasi ang lahat ng bagay. And I was so stupid to believe that she will seek for reasons with why I did that. Pero yun pala, bibitawan niya lang din pala ako.
And what pains me more was seeing my best friend glare at me as if she never knew me.
Ganito kasi iyun,
FLASHBACK *30 MIN. EARLIER
Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school. PE naming ngayon at ang laro namin ay dodge ball.
Pumwesto na kami sa pwestong inassign sa amin ng instructor. Girls lamang ang maglalaro dahil football ang sa mga lalaki. Katabi ko si Vanessa, kaibigan ko. Tapos sa kanan ko naman ay si Denise. Ang secretary ng aming section. Sa unahan ko naman, bali sa ibang team, ay si Maria, ang muse namin, ngunit medyo malayo lamang sa akin ng ilang metro. Syempre, ako ang president at si Vanessa naman ang vice. Mga kaibigan ko silang lahat. Pero mas kumportable ako kay Vanessa.
So iyon ang posisyon namin at nasa gitna namin ang mga bola.
Tumunog na ang whistle ng Instructor namin kaya kanya-kanya kaming salo, kuha at iwas sa mga bola na hinahagis sa amin. So far, hindi naman kami natatamaan dahil once matamaan ka o matumba, out ka na sa laro.
"Pres! Sa likod!" narinig kong tawag sa akin ng isa kong kaklase kaya tumakbo ako para iwasan ang bolang tatama sana sa akin. Binigyan ko na lamang siya ng ngiti at nagpatuloy na naman kami sa habulan at iwasan.
Tumakbo ako palayo sa mga kalaban. Medyo hinihingal na kasi ako sa larong ito. Pero nagulat ako nang isa sa mga kalaban namin ang naghagis ng bola sa akin. What the... Ah hindi tumama.
Nasalo ko ang isang bolang tatama sana sa akin at walang ano-ano'y hinagis ito sa likod ko kahit hindi ko tingnan. Alam ko namang walang tao dun dahil nasa may dulo na kami ng court at ako lang ang nasa dulo pero bakit ko nga ba hinagis iyon? Hehe. Wala lang. So far, hindi naman iyon nagkacount sa score. Pero nanlaki ang mga mata ko nung marinig kong may dumaing at lumagapak sa sahig.
"Vanessa!" sigaw ng mga kaklase ko at ng instructor ko tsaka dali daling tinakbohan si Vanessa. Lumingon naman ako at halos lumabas na ang puso ko nang nakita ko si Vanessa na walang malay sa sahig at nagdudugo ang ulo.
"Miss President, you're OUT!" tulala ko namang tinitigan ang instructor naming babae na masama na ang tingin sa akin.
"B-but-"
"How dare you?!" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Denise na naka frown. Magsasalita na naman sana ako nang mabilis kong nasapo ang aking kaliwang pisngi.
S-sinampal niya ako.
Gulat ko naman siyang tiningnan at walang sabi-sabing sinampal na naman niya ako ulit sa isa ko pang pisngi. A-ang sakit. Feeling ko bumakat yung kamay niya sa pisngi ko. A-anong nagawa ko sa kaniya?
"D-Denise? B-bakit mo ako sinampal?" naluluha kong tanong sa kaniya. Awtomatikong nangilid ang aking mga luha sa mata ko at nakakaawa ko siyang tiningnan.
Bakit niya ako sinampal?
"Hah! Ganiyan ka nalang ba talaga kainosente wannabe?!" She said while raising her eyebrows. Natulala naman ako sa sinabi niya.
"W-wala-h-hindi ko alam ang sinasabi mo," mahinahon ngunit nanginginig kong sabi. Yumuko nalang ako habang hawak parin ang mga pisngi dahil sa sobrang kahihiyan.
Nakikita ko ang ilan sa mga kaklase ko na binuhat na si Vanessa papuntang clinic. Ang iba naman ay nakikiusyuso na. Ultimo ang instructor namin, walang ginagawa upang pigilan si Denise.
"Bakit ginawa mo kay Vanessa iyon?! Ha?!" Nanggagalaiting sigaw niya at umiiyak na.
"W-wait, it's just an accident. I-I'm sorry," naluluha kong paliwanag.
"Accident? Oh Miss President of this go*amned Section! I saw everything! Lahat ng ginawa mo! At hindi mo na iyon maipapaliwanag pa. I saw you smirked at her! I saw how you glare and don't you say that I'm just saying bullshits because I saw you--!"
"Enough! Miss Secretary! Miss President! Stop it you two!" galit na sigaw ni Maam Mafe, instructor namin.
Natahimik naman kami dahil doon.
"Hindi ba kayo nahihiya! You're both an officer in this section yet you're acting like brats!" tuloy pa niya.
"Hah! Sino ba kasi ang numero unong brat dito?" mapangamon ni Denise habang nakatingin sa akin ng makahulugan. Napayuko na lamang ako.
"I said stop it! You two! Go to the Dean's Office!" malakas na namang sigaw ng instructor.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nagmadaling lumabas na sa gym. Oh my gosh! Nakakahiya!
Naglakad na ako ng mabilis patungong Dean's Office pero hindi ko maiwasang mangamba sa pinagsasabi ni Denise.
Anong ginawa ko sa kaniya? Bakit ganoon nalang siya kung makaasta sa akin? Anong pinagsasasabi niya?
What made her think that way? Wala naman akong ginawa sa kaniya ah. We were good friends. Alam niya kung ano ang mga ginagawa ko. At talaga bang naniniwala siya na gagawin ko iyon kay Vanessa? Smirk? Glare at her? Is she insane?
Pero hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya kanina. Yung about sa brat. Is she pertaining to me?
Well, masasabi ko namang oo, mayaman nga kami. Pero hindi naman ako yung tipong taong brat. Alam ko ang ginagawa ko. Matino naman ako ah. Pero may mga bagay talaga na wala akong control.
Ang masakit lang, ganun na pala talaga ang tingin nila sa akin. Porke mayaman na't lahat-lahat, bratinelya agad. Porke sopistikada at rich kid, ang sama na agad ng ugali. Huwag niyo namang lahatin ang lahat ng tao. Hindi naman kasi lahat, pare-pareho ang treatment ng pamilya. Minsan, ang iba, talgang binibigay nila lahat sa kanilang anak ng walang kapalit. Pero sa kaso naman ng iba, hindi lahat ng bagay, walang kapalit.
Minsan, napapatanong nalang din ako sa sarili ko, ganoon din ba ang tingin sa akin ni Vanessa?
Nakarating na ako sa office ni Sir Dean kaya kumatok muna ako sa pinto at tsaka pumasok na. Ako pa lamang ang nandito kasama ang Dean pero tinignan niya lang ako at may tinawagan sandali sa telepono. Hindi kami nagusap ng kahit na ano at tahimik na lamang akong naghintay hanggang sa dumating si Denise kasama ang magulang niya.
Masama ang tingin ni Mrs. Castro sa akin habang kalmado namang naglakad papasok Si Mr. Castro. Umupo sila sa tatlong upuan sa harap ko.
"Good morning Mrs. And Mr. Castro. Kindly wait a minute for her parents to come."
Kinabahan ako bigla nang malaman kong pupunta sila Mr. and Mrs. Argon.
I'm in a big trouble. Especially if they found out what really happened.
Nahinto ang pagmumuni ko nang may kumatok sa pinto at pumasok.
"I'm sorry but Mr. and Mrs. Argon can't attend my lady. Instead they sent me here to deal with this matter," our Butler, Sir George said.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman. Even though I'm a bit disappointed because they don't have time for me, I understand. And it feels better that way. Hindi nila malalaman ang nagawa kong katangahan.
When everybody is in there sitting positions, I was the one who spoke first.
"It was all an accident. I did not mean to throw that ball to Vanessa. She's my friend. I still can't forgive myself for hurting her. Now, I suppose Denise was telling us another story," kalamado ngunit propesyonal kong pahayag as if stating the fact.
"So you're telling us that our daughter is a liar?" maangas na tanong naman ni Mrs. Castro. Tinitigan ko lamang siya at ibinaling ang tingin kay Denise na nakayuko na at may namumuong luha.
Tsk. Drama Queen.
"I am not telling you that your daughter is a liar. I'm reminding you," maangas ko ring pahayag tsaka ngumisi ng malademonyo. Pinanlakihan naman agad niya ako ng mata.
"Nonsense! How could you say that in front of us without due manner? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang asal?" And with that, I go furious.
"How could I respect you if you're not respecting me too? Listen carefully Mrs. Castro, if you want me to respect you, look in the mirror and tell me, is your face respectful enough?" pabalang kong sagot.
"Miss Argon! Watch your manners!" sabat naman ng Dean pero inirapan ko lamang siya. Totoo naman eh, respeto daw. Pero kung makaasik sa mga magulang ko, parang alam na niya lahat. Kaasar lang.
"Aba! Denise, tell her what you told us about what really happened!" galit na asik ni Mrs. Castro sa nakayuko na si Denise.
Nabaling ang aming atensyon kay Denise na nagsimula ng masalita.
"I-I saw what happened. She saw Vanessa ran on the other side of the court. So she followed her without being noticed. But I did. I saw how she glared at her. I saw those devilish smirks coming out of her mouth. Her eyes are looking at Vanessa like she's a prey. And then with a perfect timing, she used the ball to hit her. Well, all of us knew that she's a sharp shooter. She's a real culprit," may pagkahalong pait niyang salaysay.
"Sinungaling! Alam mo ba ang pinagsasabi mo Denise? Ganiyan nalang ba kababa ang tingin mo sa akin?! Ha?! How could you say that? You knew from the fact that I couldn't even hurt a mouse and now you're accusing me with a crime I did not commit?" naluluha kong tanong. Bahagya kong pinatulo pa ang aking mga luha.
Tinitigan ko si Butler George. Alam niya ang ginagawa ko. All exactly as planned. It's time to deal with the bait.
At Hindi lang siya ang Drama Queen sa mundo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top