Ikaapat
Sa wakas, uwian na.
Nilagay ko na ang notebook ko sa bag tsaka tumayo na at naglakad palabas ng room. Andiyan parin ang mga tingin ng mga kaklase ko habang ako'y naglalakad palayo pero binalewala ko na lamang at naglakad nalang.
"Hi," sabi ng lalaking bigla nalang sumabay sa akin.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko at mabilis naglakad palayo pero pilit parin siyang sumabay.
"Wala naman, Miss Eve," tsaka siya nagsmile ng nakakakilabot. Kaya naman nabigla ako at bahagyang napatigil sa paglalakad. Nahalata naman niya kaya lumingon din siya sa akin.
Tiningnan ko siya sa mata. Andiyan na naman ang mga tingin niya na nakita ko nung una. There was a slight amusement in his eyes. I may not know everything but I'm sure about one thing, he's scheming for something. But I'm not sure about what it is.
"What's wrong?"
I then maintained my proper posture at nagpatuloy na sa paglakad papuntang ibang direksyon.
Nobody at school knows my name. They only knew my surname. Di rin naman required na full name ang kailangan sa papel o mga exams. Sa enrolment lang naman iyan required. Pero paano niya nalaman ang second name ko?
Okay na sana pero nailang na naman ako nung bigla nalang siyang sumulpot at naglakad na naman pasabay sa akin kaya sinamaan ko na siya ng tingin.
Napatingin naman siya sa akin.
"Why are you staring?" nakakunot noong tanong niya. Tsk. Ungas. Painosente. Tsk.
"Please stop following me," matabang kong sabi at tinitigan siya ng malamig tsaka huminto sa paglalakad.
Pero nabigla na naman ako ng nakangisi na siya habang nakatingin sa akin.
"I'm not following you," natatawang sabi niya at nilagay na sa bulsa niya ang mga kamay tsaka naglakad na papalayo.
"By the way, Nice to meet you Miss Eve."
Nangilabot na naman ako habang tinititigan ko siyang maglakad papalayo.
What was that?
***
"Hmmm hmm" Naririnig ko na si Mommy na naghahum. Alam kong nagbebake na siya ngayon. Ganiyan siya eh. At alam ko ring may importanteng dadating ngayon.
"Oh hi dear! Wanna try some?" nakangiti niyang bati sa akin at inilahad ang isang piraso ng cake niya pero hindi ko siya pinansin at naglakad papuntang ref.
Uminom lang naman ako ng tubig at derederetsong umalis na sa kusina. Narinig ko pa nga siyang napasigh. Weird. Why does she have to act like that in front of me? As if naman, may pakialam sila sa "only" daughter nila. Tsk.
Inopen ko muna ang laptop ko tsaka naglog in sa Facebook. Nagloading pa siya ng ilang segundo at sa wakas, nagpakita na rin. May tatlong friend requests, 2 messages sa inbox at 4 na notifications.
Inopen ko muna ang notif ko tsaka bored na tiningnan.
>Ally Amison shared pepengpinakamalupet's photo
>Gin liked Hotaru's photo
>Erza reacted to Lucy's post
>Elle shared your post
Next, message board. I did not bother to open the messages. Puro pagaaway lang kasi eh. Tapos yung isa, group chat galing sa mga di ko kilalang tao pero somehow napabilang ako dito.
>Juvia Fullbuster: Hi Miss Argon. I just wanted to tell you that I really hate you for being so "papansin" sa bf ko. Back off becau.......
>Forsskal Babies <3: Erza: Gutom na ako T_T [167 more msg]
See? Mga walang kabuluhang bagay. Tss.
Next, sa friend request. Halos pumompyang na ang dibdib ko sa mga naktia kong pangalan.
>Yuuki Asuna [Confirm][Delete]
>Xenon [Confirm][Delete]
>Sky Freezerrrr [Confirm][Delete]
Shit.
Binasa ko nga lang ang pangalan niya, nakakapangilabot na. tsk.
Inaccept ko na ang dalawang nauna, now, iaaccept ko ba ang fr niya?
Of course. Not. Hindi ko naman siya kilala at hindi din kami kaibigan sa totoong buhay. Pero wait, kelan pa ba ako nagkaroon ng kaibigan? Tss.
Minsan talaga, hindi ko gusto ang takbo ng isipan ko. Yung feeling na, ikaw lang din ang nagooppose sa sarili mong disesyon? Konsensya ba tawag dun? Luh.
*tok tok tok*
Binuksan ko naman agad ang pinto at sumilip. Pero hindi ko na nagawa iyun dahil dinaganan kaagad ako ng isang maliit na nilalang kaya napahiga kami sa sahig.
"Ate Eve!"
"Oh Atria! Nakabalik na pala kayo?" Masaya kong tugon at binuhat ang paslit na dumamba sa akin.
"Opo. Ngayon lang po. Kumusta na po pala kayo Ate?" nakangiting tanong niya tsaka bumaba na sa pagkakabuhat ko at nahiga sa kama.
Umupo naman ako sa may ulunan niya tsaka hinimas ang kaniyang buhok. Napangiti nalang ako sa kaingayan niya.
"Ito, okay lang. andyan ba sila Tita Victoria?"
"Opo. Andun po sila sa baba at may pinaguusapan kasama parents mo," bibong sabi niya at nagsimula nang lumundag sa kama.
Natawa nalamang ako.
Si Atria Mavis Cruz. Isang 6 years old na bata. Fortunately, pamangkin ko siya at isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko. Lubos nga akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil biniyayaan niya ako ng pamangking mapagmahal kagaya niya.
Sayang lang talaga dahil baka hindi na siya magtagal sa mundong ito.
May sakit si Atria sa puso. Kaya napilitan sila Tita na doon na manirahan sa States para lang maipagamot siya. Kaya lubos akong nalungkot noong isang araw, namalayan ko nalang na wala na siya sa dati nilang bahay. Lumipat na kasi sila.
Pero okay na din iyon. Tanggap ko naman eh. walang permanteng tao sa mundo.
"Halika Ate! Punta tayo sa baba!" magiliw niyang sabi. Hinawakan niya ako sa kamay at hinigit na ako pababa.
"Tita, tito, mano po," nagmano muna ako tsaka umupo na sa sofa tsaka tumahimik.
"Oh! Ang laki mo na Eve ah!" Si Tita talaga. Ngumiti nalang ako ng bahagya
"H-Hindi naman po masyado," nahihiya kong sagot.
"May boyfriend ka na ba hija?" nagulat naman ako nang magsalita si Tito na katabi lang ng upuan ni Tita.
"Po? Wala pa po," mabilis ko namang sagot. Boyfriend? Hindi ako pinapayagan. Wala din namang nanliligaw sa akin. Wala kasing forever.
"Hindi pa kasi pwede Harold," Sumabat na si Dad at tiningnan ako ng matiim. Napayuko na lamang ako.
"Bakit hindi? Ilang taon ka na ba Hija?" nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin kaya nailang na naman ako.
"17 pa po. Mage-18 next week."
"Yun naman pala. So pwede ka nang magkaroon ng legal na boyf-"
"That's enough Harold. Hindi pa siya pwedeng magkaboyfriend. Ang bata pa niya. Hindi pa siya handa sa mga ganiyang bagay," maotoridad na suhestyon ni Daddy.
Nagsalubong naman ang kilay ni Tito Harold. Magsasalita pa sana siya nang pinigilan na siya ng asawa niya at tsaka hinawakan ang kamay. Huminahon naman siya kaagad at nagbuntong hininga.
"Ipapagpatuloy niyo ba talaga ito Fred?" nagaalalang tanong ni Tito kay Dad.
Anong ipagpapatuloy?
"*ehem* Huwag dito Harold."
"S-Sige kain muna kayo," suhestyon ni Mom tsaka binigyan kami ng cake na binake niya kanina. Pampawala na din ata sa namumuong tensyon.
"So kamusta ang negosyo?"
Nagsimula na silang magusap tungkol sa business at dahil wala naman akong pake doon, nagpaalam muna akong aalis ng bahay. Tututol pa sana si Dad kaso nandyan si Tita kaya pinayagan nalang nila ako. Buti naman. >:]
Pagkatapos kong magayos, lumabas na ako ng bahay. Pero bigla nalang may tumakip ng panyo sa ilong ko kaya hindi ako agad nakareact dahil sa bigla! A-anong nagnyayari? Bakit parang kinikidnap ako?
Nagpumiglas pa ako ngunit tuluyan na talagang dumilim ang paligid at tuluyan na akong bumagsak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top