Blue

Isang malakas na suntok ang iginawad sa akin ni Indigo matapos nitong mai-abot sulat mula kay Red. Hindi pa siya nakontento roon dahil matapos niyon ay agad niya akong itinayo atsaka kinuwelyuhan.

"Gago ka, Blue! Anong ginawa mo kay Red? Hindi ba ipinagkatiwala ko siya sa 'yo, tapos ano? Ikaw lang pala ang mananakit sa kanya. Wala ka talagang kwentang kaibigan!" Galit na galit nitong wika kapagkuwan ay isa na namang suntok ang dumapo sa aking mukha.


Hindi ako makaimik o makapag-salita man lang, matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon. Pakiramdam ko'y nabuhol ang aking dila dahil hindi ko man lang matugunan ang kanyang mga sinasabi.

Siguro nga'y gago ako, dahil pati ang taong gusto ng kaibigan ko ay nagawa kong sulutin.

Unti-unti ko nang nalalasahan ang tila kalawang na likido na nagmumula sa aking labi. Nang pahirin ko iyon gamit ang likod ng aking kamay ay nakita ko ang sarili kong dugo. Napangisi ako atsaka marahang tumayo.


"Tapos kana ba?" Walang emosyon kong tanong rito habang nakatingin ng derestso sa kanya. Ngunit tila lalo pa siyang nangggigil dahil do'n, kaya agad siyang lumapit sa kinaroroonan ko atsaka marahas akong itinulak sa nakahilerang upuan. Agad ko namang naramdaman ang paghapdi ng aking likuran dahil sa ginawa niyang iyon.


"Eh talagang gago ka pala eh! Ano bang ipinagmamalaki mo ah, porque sikat ka dito sa campus at lahat ng babae ay nagkakandarapa sa 'yo kaya pati si Red na wala namang ginawa sa 'yo, ay dinamay mo? Pare, pinagkatiwalaan kita, at alam kong alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya pero binalewala mo lang lahat ng iyon. Sana hindi na lang kita naging kaibigan!" Nanggagalaiti nitong saad na akmang susugod pa kung hindi lang dumating si Black at napigilan siya.

"Tama na, Indigo, pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante. Baka makarating pa ito sa guidance counselor at mas malalagot tayo kapag gano'n ang nangyari, " awat sa kanya ni Black dahilan upang tumigil siya at kumalma.

Napatingin naman ako kay Black na seryosong nakatingin din sa akin. Nakita ko ang lungkot at pagkadismaya sa kanyang mga mata, kaya agad kong ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin.


Ano pa nga ba ang aasahan ko? Parang tinraydor ko na rin sila dahil sa ginawa ko. Siguro nga'y ako na ang pinaka-walang  kwentang kaibigan.


Nang tuluyan na silang makaalis sa classroom ay saka lamang ako lumabas. Agad akong dumeretso sa rooftop ng aming building kahit pa lahat ng madaanan kong estudyante ay nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin pa at nagpatuloy na lang ako sa aking destinasyon.

Nang makarating ako roon ay agad akong naupo sa paborito kong pwesto, ito ay sa pinaka-dulong bahagi ng rooftop. Dito ay malaya kong napagmamasdan ang lahat mula sa aking kinaroroonan. Napabuntong hininga ako at kapagkuwan ay kinuha ko sulat sa aking bag. Binuksan ko ito ata agad na binasa ang nilalamon ni'yon.


Pakiramdam ko'y naninikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga ng maayos matapos kong mabasa ang liham ni Red.


Nararamdaman ko na lang ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking mukha. Ang sakit! Sobrang sakit! Pakiwari ko'y milyong-milyong patalim ang tumutusok sa aking puso. Basang-basa na rin ang papel na hawak ko dahil sa mga luhang kanina pa nag-uunahan sa pagbagsak. Kasabay ng aking pagluha ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.


Maging ang panahon ay nakikisimpatya na rin sa aking nararamdaman. Napatingala ako sa kalangitan at hinayaan ang aking sarili na damhin ang bawat patak ng ulan, habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang aking mga luha. Hindi ko alintana ang malakas na buhos nito at maging ang malakas na ihip ng hangin. Patuloy lamang akong nakatayo at nakatanaw sa himpapawid.


Ang laki ko talagang gago! Paano ko ba nagawang saktan ang isang gaya ni Red. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Paano ko nga ba naatim na agawin siya mula kay Indigo? Nang dahil sa ginawa ko'y nasira ang aming pagkakaibigan. Sa totoo lang, kulang ang suntok at masasakit na salita para mapag-bayaran ko ang mga nagawa kong kamalian. Sana ay mapatawad pa ako nila ako. Hindi ko naman talaga intensyong paasahin siya at saktan, dahil nadala lamang ako nang aking emosyon. Hindi naman siya mahirap mahalin pero dahil kaibigan ko si Indigo ay pinilit kong huwag mahulog ang aking loob sa kanya.


Wala rin sa plano ko na may mangyari sa amin no'ng gabing magka-date kami sa prom. Kaya naman pagkatapos nang gabing iyon ay iniwasan ko na siya, ngunit hindi ko akalaing magbubunga ang ginawa naming iyon. At ang pinakamalala pa'y ako mismo ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang ipinagbubuntis. Ako pumatay sa sarili kong anak at iyon na ata ang isa sa pinagsisisihan ko. Kung  pwede lang at kung kaya ko lang ibalik ang oras ay ginawa ko na, para hindi na mangyari pa ang mga nangyari.

Patawad, Red. Patawad, Indigo. Patawarin ni'yo ako sa aking mga nagawa. Patawarin ni'yo ako kung naging makasarili ako. Kung sakali mang mag-krus muli ang ating mga landas, sana'y maging kaibigan ko pa rin kayo gaya ng dati.


Napapikit ako atsaka napangiti, kasabay nito'y dinama ko ang malamig na simoy ng hangin. Tumigil na rin sa pagbuhos ang malakas na ulan at unti-unti nang sumisilip ang araw. Huminga ako ng malalim pagkuwa'y umakyat ako sa pader na hanggang dibdib ko ang taas na nagsisilbing harang upang hindi mahulog ang sinumang narito sa rooftop.


Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang mangilan-ngilang  estudyante na naglalakad. Hindi man lang nila ako napansin pero mas maigi na iyon para hindi ako makatawag ng pansin.


Sorry mom. Sorry dad. Sorry, if I had to do this. Sorry for the disappointments, and sorry for everything. Sorry, dahil ito lang ang naisip kong paraan para mawala ang bigat na nararamdaman ko ngayon.


Ipinikit kong muli ang aking mga mata at sinamyo ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat, kasabay nito'y nagsimula na akong humakbang sa ere patungo sa aking malungkot na katapusan.




The End











Author's Note:

Hey guys! So ayan na po ang POV ni Blue na nire-request niyo. And sorry kung naging ganito ang katapusan ng kwento nila Blue-Red-Indigo kasi ito na talaga ang naka-plano kahit noon pa man.

So yeah.. maraming salamat sa mga nagbasa, nagbabasa at sa babasa pa lang nito.. Lubos po akong nagagalak sa binigay niyong suporta. Hahahaha. Basta salamat sa inyo dahil nakarating kayo hanggang dito sa dulo.
Sana po ay may napulot kayong aral sa maikling kwentong ito.


Gusto ko din nga palang mag THANK YOU kay ImaXlover para sa paggawa ng napaka-ganda nitong book cover. Labyu behhh... 😘😘😘

-CapriceKiara💕💕💕💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top