A Letter For Blue 7
7
Feruary 20.. Araw ng JS prom natin at ikaw ang ka-date ko sa gabing iyon.
Sabay-sabay na nagsayawan ang mga magka-kapares sa gitna. Kasabay no'n ay lumingon ako sa'yo at humawak sa batok mo. Nagsimula tayong magsayaw na kapwa may ngiti sa mga labi. Tila napaka-tahimik ng buong paligid habang nasa ganoon tayong sitwasyon.
Walang ingay.. Walang music.. Na para bang tayo lang dalawa ang nagsasayaw sa gitna ng gym.
Ang sarap sa pakiramdam.
Hinapit mo ako papalapit sa'yo kaya ramdam ko na ang katawan mo, kasabay noo'y niyakap mo ako ng mahigpit.
Bumitaw ka at nginitian ako, at sa ikalawang pagkakataon, hinalikan mo ako sa labi..
Natapos ang prom at isinama mo ako sa iyong kotse.
Magkayakap lang tayo sa back seat at kapwa nakangiti.
Hanggang sa halikan mo ulit ako.. Malalim, mapusok, matagal.
Sumasabay ako sa halik mo, senyales na mahal na mahal talaga kita.
Yumakap ako sa'yo.. Napahiga tayo sa back seat at nakaibabaw ka sa'kin.
Unti-unting gumalaw ang mga kamay mo papunta sa kung saan.
Masyadong malalim ang paghahalikan natin, halos 'di ko na namalayan na pareho na tayong walang saplot.
Bumitaw ka sa paghalik at tiningnan ako sa mata, nagtatanong kung puwede ba?
Ngumiti ako.. at nangyari ang dapat mangyari.
>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top