A Letter For Blue 3
3
Sobrang naiilang ako habang kumakain tayo no'n sa iisang table. Katabi ko sina Black at Indigo habang katapat kita at katabi mo naman si Violet. Nasasaktan ako. Ang sweet ni'yo eh. Nagsusubuan kayo sa harap ko. Nakayuko lang ako habang kumakain, ayaw ko kasi kayong makita. Masakit eh.
"Uy Blue! Kaibigan ko nga pala si Red. Hindi ko kasi alam kung kaibigan ang tingin sa kanya ni Indigo eh.'' Pabirong sabi no'n ni Black.
''Gago!'' Tanging sagot ni Indigo.
Napangiti na lang ako. Ang kulit talaga nilang dalawa. Oo, aware akong may gusto sa'kin si Indigo. Hindi ako nag-a-assume, nagbibigay lang talaga siya ng motibo. Dinadala niya ang bag ko, tinatanong kung nakauwi na ba ako, kung nakakain na ba ako, kung okay lang ba ako. Hindi ko rin naman napapansin 'yon hanggang sa palagi siyang inaasar ni Black.
''Hi Red.'' Unang beses mong binangggit ang pangalan ko. Sobrang natuwa ako dahil 'di ko akalain na babatiin mo ako. Napangiti lang ako ng malapad at hindi na nakasagot sa sinabi mo. Napuno ng kilig at ligaya ang puso ko. Iba ka talaga Blue.
>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top