Part20
Paglabas ko nang pintuan palabas din si kenneth halos magkasabay kaming lumabas. Nakagkatinginan kami at nginitian ko siya.
"Okay ka na ba? "
"Oo naman. Pasensya ka na kagabi ha?"
"Okay lang yun naiintindihan naman kita."
"Salamat kenneth."
"Ano? Tara na? "
"Kinakabahan ako."
"Bakit naman?"
"Paano kung matanggal ako?"
"Ikaw pa matatanggal? Eh baka nga ikaw pa yung gawing main cover eh."
"Sira. Ang daming matatangkad at mas sexy na magaganda pa saakin dun."
"Kakaiba ka nga sakanilang lahat."
"Sira ka talaga. tara na nga"
Nang makarating kami sa newyork fashion stage, Agad kaming pinapasok sa backstage kasi madaming tao at media ang nasa front door kaya sa back stage kami pinadaan.
"Hey guys. I like to remind you, you only have 4 hours left so fix yourselves! "
"Thank you madam."
Inayusan agad kami at pinagbihis na. Nakita ko si kenneth na dumaan nagngitian lang kami.
Nang kami na yung dapat lalabas sa stage. Hindi natuloy dahil Nagkulang kami ng isang member nawawala pa yung kasamahan namin, Kaya nag paperform sila ng banda na maaliw yung mga manonood.
Nakatayo ako sa backstage habang nakapila, Nakatingin ako sa mga kuko ko, at nagdadasal na sana hindi ako matanggal. Nakapikit ako nang marinig kong tinawag yung one direction na grupo napamulat ako bigla, Sinilip ko agad mula sa backstage kung sila louis nga ba yung nagpeperform.
Hindi ko makita kung sila nga ba o hindi, Pero may iba akong nararamdaman sa pagkakataon na yun.
Nang makompleto kami lumabas na kami sa stage. Nakaderetso lang yung tingin ko kahit alam kong may kumakanta sa gilid ng stage. Nang ako na yung rarampa. Nakafocus ako sa mga nanonood sa akin. Ni hindi ko magawang tignan kung sila parin yung kumakanta.
Pero nang pabalik na ako sa stage, pagtalikod ko Nakita ko si louis. Na kumakanta habang nakatingin saakin. Parang yung mundo ko naglaho at parang pinanghinaan ako nang loob.
Naglakad lang ako hanggang sa makarating na ako sa backstage. Dinaanan ko lang siya na parang wala akong nakikita.
Pagkababa na pagkababa ko ng stage, Agad akong pumunta nang cr.
Ilang beses kong sinampal yung sarili ko kung bakit wala akong nagawa nung nakita ko siya.
Palabas nako ng cr nang makita kong sa bandang kaliwa na nakatayo siya. Sa kanan ako dumaan para maiwasan siya. Pinunasan ko lahat ng luha ko habang naglalakad ako. Nagulat ako nang marinig ko ulit yung boses na lagi kong hinahanap.
"Andrea! "
Napahinto ako nang paglakad. Pero tinuloy ko rin. Parang wala lang akong narinig na tumawag saakin. Naglalakad ako nang bigla siyang humarang sa dinadaanan ko. Umiwas ako agad pero hinarang parin niya ako.
"Andrea."
Wala akong nagawa kundi tumingin lang sakanya. Ni hindi ko magawang magsalita.
"Andrea.."
"Please talk to me? Please? Oh. god."
"get out of my way."
"Andrea. let me.."
"Get out."
"Andrea.. look, I'm trying to fo.."
"Can you please?! ....I won't listen anymore. "
Nagsasalita palang si louis nang bigla akong nagsalita. Tumalikod nalang ako at dun na ako dumaan. Habang naiwan ko siya kung saan kami naguusap.
Hindi ko kayang ideny kung anong kapestehan yung nararamdaman ko ngayon, Kung anong kadramahan kung bakit pumapatak yung luha ko ngayon.
Habang naglalakad ako. Iniisip ko parin kung bakit yun lang yung nasabi ko, Kung bakit yun lang yung nagawa ko. Nakasabong ko si kenneth habang naglalakad ako.
"Uy andrea!"
"Kenneth."
"Andrea, Oka..."
"Nakita ko siya."
"Okay ka lang ba?"
"Kenneth bakit yun lang? Bakit yun lang yung nagawa ko."
Niyakap ako ni kenneth habang naiyak ako at umupo kami.
"Ano ba yung nagawa mo?"
"Kenneth, Sinabi ko lang na hindi na ako makikinig sakanya. Pero kenneth ang dami dami kong gusto sabihin at ipamuka sakanya.. Bakit ganun kenneth? Bakit ganun lang?!"
"Siguro hindi ka lang talaga handang makita siya. "
"Pero kenneth.."
"Tumahan kana. Tapos nanaman yung show.. Kumain nalang muna tayo."
Tumayo ako at nagpunas ng luha. Nilagay ni kenneth yung coat niya sa likod ko para hindi ako malamigan.
"Magpapahinga nalang muna ako."
"Pano ka kakain?"
"Uuwi nalang muna siguro ako."
Umuwi nalang ako. Pagkarating na pagkarating ko sa hotel dumeretso ako sa kwarto. Hindi pa ako nakakatungtong sa higaan umupo na agad ako sa sahig at iniyak ko lahat.
Inis na inis ako sa sarili ko kung bakit nagkakaganito lahat kung bakit nagkita pa kami, Kung bakit umiiyak parin ako ngayon. diba dapat Okay na'ko? Pero bakit nanghihina yung loob ko kapag nakakaharap ko siya. Ni hindi ko magawang sampalin o pagsalitaan ng masasakit na salita na gustong gusto ko gawin. Bakit napaka hina ko kapag siya parin kaharap ko.
Magdamag akong umiiyak sa kwarto ko, Maski ako naawa na ako sa sarili ko. Hanggang sa nakatulog nalang ako kaiiyak buong magdamag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top