Part 27
4 MONTHS LATER.
"Oh ma. Nasan na yung mga babeque? Nako mag aalas kwatro na kailangan na natin malabas lahat ng paninda."
"Saglit lang andeng! Nag huhugas pa ako nang plato."
Nagaayos si papa nang kadena nang bike ni butchay habang si butchay naman nanonood kay papa.
"Oh, Pa. Kaya mo pa ba yan? "
"Oo naman anak, Eh gagasino lang naman magayos nang bike. Diba butchay?"
"Papa, dalian mo yung mga kaibigan ko nagiintay na dun."
Nagayos na ako nang mga paninda namin. Bumalik na nga pala sa normal yung buhay namin. Di na ako nagkulong sa kwarto.
Nang matapos si papa magayos ng bike lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko.
"Andeng.. Sorry ha?"
"Pa naman.. Okay lang yun. Kung hindi talaga kami hindi talaga diba?"
"Nak pasensya ka na talaga."
"Okay lang yun pa! Ang importante okay lahat tayo."
Biglang dumating si mama hawakhawak yung platong may mga isaw at nakisali sa usapan namin.
"Oh anong kadramahan na naman ba yan?"
"Eto kasing si papa masyadong madrama eh."
"Hay nako. Ganyan talaga yang tatay mo. Kaya nga ang haba haba ng love letter saakin niyan nung kabataan namin eh."
"Ikaw kaya yun. Pinikot mo nga lang ako eh."
"Anong ako?! Hoy Ikaw yung mahaba no? Wag mo ngang ipasa saakin. Eh paghinihiwalayan nga kita lumuluhod ka pa sa harap ko eh."
"Baka"
"Tigilan niyo na nga yan ma pa. Dito pa talaga kayo naglalambingan para kayong mga bata."
"Eh kasi tong mama mo eh."
"Anong ako nana.."
Biglang dumating si kamille hingal na hingal katatakbo.
"Andrea.."
"Oh kamille? Ilang metro ba yung tinakbo mo at parng pagod na pagod ka? "
"Andrea.. Halika pumasok tayo sa loob may papakita ako sayo."
"Huh? Ano?"
Hinila niya ako paloob ng bahay at sumunod din sila mama. Pinaupo ako ni kamille sa upuan at pinindot yung tv namin.
>>>TV<<<
Nikki gil: Hey! We're back! We have something to tell you.
Billy: what is it dj nikki?
Nikki: hay nako dj billy, Narinig mo na ba yung balita?
Billy: Ano yun dj nikki? Hindi pa eh. Excited na akong malaman.
Nikki: Hay nako Dj billy. Magcoconcert daw dito sa pilipinas Ang 5sos!
Billy: talaga dj nikki?
Nikki: Oo! At kasama pa nila ang ultimate boy band na kinahihiligan nang buong bayan ang ONE DIRECTION!
Billy: Talaga Dj nikki? Mukang masaya yan 5sos at ang 1D pupunta nang bansa!
Nikki: Excited nakong makita si zayn harry liam niall and louis!
Billy: Kelan ba yan dj nikki?
Billy: Sa friday na yung concert nila sa moa ground dj nikki!
Pinatay ko agad yung tv at tumayo ako.
"Wala namang kwenta yang pinakita mo eh."
"Nak okay ka lang?"
"Ako pa ma. Yun lang naman eh."
"Bitter ka lang eh."
"Hindi kamille. Ikaw nga tumigil tigil ka sa kalokohan mo."
Lumabas na ako nang bahay at nagtinda na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top