Part 26

Ilang araw din akong nagantay para makabalik na nang pilipinas. Ilang araw akong depressed sa lahat ng mga nangyayari. Ilang araw akong nakakulong sa kwarto.

Pagkalabas na pagkalabas namin ni kenneth sa airport madami taong nagsilapitan saakin. Nagpapapicture autograph at Nagtatanong about sa mga nangyari.

Walang ginawa si kenneth at yung ibang guard na protektahan ako at harangan lahat ng lumalapit saakin.
Derederetso lang ako hanggang sa makasakay kami.

Pagkauwi ko sa bahay, Nakita ko sa labas na nagsisigawan sila mama at papa sa loob ng bahay. Pagpasok ko nang pintuan tumahimik sila at tumingin lang saakin.

Nilapitan ako ni papa pero mas pinili kong umakyat nalang muna at magpahinga.

"Andeng okay ka lan.."

"Pa, Magpapahinga muna ako pagod ako eh. "

Pumasok ako ng kwarto at tumingin lang sa bintana. Ilang araw akong nakakulong lang sa kwarto.

Natutulog ako nang biglang may gumigising sa akin.

"Andrea.."

"Oh? Kamille.. Bakit? "

"Andrea labas tayo."

"Kamille, Ayoko muna. Gusto ko munang mapagisa."

"Pwede ba akong humingi nang pabor sayo? "

"Ano naman yun?"

"Kwentuhan mo naman ako kung bakit ka nanaman naging ganyan."

"Kami.."

"Ang tagal mong nawala, Namimiss ko nanaman yung bestfriend ko. "

Umupo ako sa tabi ni kamille, Naawa ako sa kanya dahil kahit anong mangyari saakin nandun parin siya sa tabi ko pero mas naawa ako sa sarili ko kung bakit madaming naapektuhan sa mga kalokohan ko. Kaya nagkwento ako sakanya lahat.

"Nagkita kami.."

"Anong nangyari? "

" Nageexplain kasi siya eh... Inexplain niya na mahal niya ako. Alam mo yun? Yung pinakamasakit na narinig ko yung iniwan niya ako kasi para saakin daw...Alam mo naman kung ano yung naging buhay ko kamille nung nawala siya diba? Alam mong muntikan ko nang hindi makaya lahat."

"Anong sinabi mo sakanya?"

"Wala. Sinabi kong hindi ko siya kailangan. Hindi na ako naniwala kahit alam kong konti nalang Maniniwala na ako sa lahat ng mga sasabihin niya.. "

"Bakit hindi mo sinubukang maniwala?"

"May paniniwalaan ba dapat ako? Kung nung una palang mas pinili niyang iwan ako at sumama dun sa babaeng iniwan na siya. Tapos ngayong huli sasabihin niya.. Idadahilan niyang si papa na binago raw lahat ng plano. Ang layo lahat nang sagot. Pero iba nararamdaman ko nang sabihin niya lahat sakin yun parang may tamang mali."

"Natanong mo na ba sa papa mo kung totoo ba lahat ng sinasabi niya Inintidi mo ba lahat kung anong pinagsasabi niya? O mas naniwala ka agad sa sarili mong nagsisinungaling siya? "

"Anong ibig sabihin mo kamille?"

"Hindi lahat nang nasa paligid mo walang tinatago. Pag mas lalo mo pang sinuri kung ano talaga ang puno't dulo malalaman mo kung bakit ka nandyan."

Tumingin ako kay kamille, Habang lumuluha siya nang paunti unti. Naisip ko agad yung mga sinabi ni louis saakin na si papa daw binago lahat ng plano, na hindi ito yung buhay na gusto niya saakin.

Agad akong bumaba at Nakita ko si papa at mama natayo sa kusina nagsisigawan agad akong lumapit sakanila

"Pa. Ma. May alam ba kayo lahat sa mga nangyayari saakin?"

"Nak anong ibig sabihin mo? "

"Pa, Nagkita kami. Nagkita kami ni louis. Pa sabe niya saakin nabago lahat daw ng plano, Hindi raw ito yung buhay niya saakin. Pa ba't ikaw yung sinasabi niya? May alam ka ba?"

"Nak.. Ano..Ano yun.."

"Tama na. Tama na lahat ng kasinungalingan mo. Aminin mo na dyan sa anak mo na nagkamali tayo!"

"Ma?"

"OO ANDREA.May alam yang tatay mo. May alam KAMI! Kasalanan lahat ng tatay mo kung bakit ka nagkakaganyan."

"Ma? Pa?"

"Anak kasi.."

"Naalala mo bago ka umalis, diba iba yung dinahilan ko sa tatay mo? Sinabi kong magbabakasyon ka lang. Hindi ko sinabing magmomodel ka. Kasi kahit alam kong pinoprotektahan ka lang ng tatay mo sa mga bashers haters sa lahat ng makakasakit sayo, Mas ginusto kong maging tama yung mali. Mas ginusto kong malaman mo lahat ng to."

Umiiyak nako habang nagsasalita si mama habang si papa naman nalulungkot at di makatingin saakin. Hindi ko parin maintindihan lahat, Tumakbo na ako pataas ng kwarto

Agad akong sinalubong ni kamille, Niyakap niya ako habang umiiyak ako.

"Kamille, Kahit ikaw lang magpakatotoo sakin ngayon."

"andrea.."

"Ikaw naman magkwento saakin kung ano yung totoo."

"Andre.."

"Kamille nagmamakaawa na ako. Hindi ko na alam gagawin ko hindi ko na alam kung sino pang pagkakatiwalaan ko."

"Andrea matagal ko nang alam na mahal na mahal ka ni louis, Alam kong ikaw yung dahilan ng bawat ngiti ni louis. Alam ko yung dahilan kung bakit ikaw lagi yung gusto niyang makasama. "

"Kamille bakit hindi mo sinabi agad saakin."

"Kasi andrea. Naunahan ako nang tatay mo eh. Naunahan kami ni louis ng papa mo. "

"Hindi ko maintindihan."

"Andrea maniwala ka man o hindi bago ka umamin saakin na gusto mo si louis mas nauna niyang sabihin sa tatay mo na mahal ka niya."

"Eh bakit Hindi niya sakin sinabi? Bakit biglang may eleanor?!"

"Kasi, Sinabi ng papa mo sakanya na Hindi magiging ordinaryo yung buhay mo pag minahal ka niya, Hindi magiging maayos yung buhay mo kapag pinagpatuloy niyang mahalin ka. Halos araw araw hindi nakakatulog si louis nang malaman niyang hindi kayo pwede..Nagpatulong si louis kay eleanor para palabasin na sila na ulit para tigilan mo nang mahalin siya. Pero hindi, Hindi mas lalo mong pinahirapan si louis nang pinakita mong minamahal mo parin siya na nandyan ka parin kahit sinasaktan ka na niya.. Kaya napilitang umalis dito si louis para makalimutan mo yung nararamdaman mo para sakanya kahit napaka bigat sa loob niya. Gusto niyang magkaroon ka nang ordinaryong buhay andrea ayaw niyang nilalapitan ka ng media ng mga reporters mga haters at lahat ng makakasakit sa damdamin mo.hindi ko narin kayang magtago sayo, Kaya nung nabigyan ka agad ng opportunity para makapunta kung nasaan siya ginusto kong pumunta ka dun. Dahil alam kong pagkikitain kayo ng nasa taas at naging tama nga ako. "

Mas lalong nawala yung mundo ko nang marinig ko lahat kay kamille yung totoo. Pinili kong saktan si louis habang iniisip niya lahat ng ikakapahamak ko. Eto na ata yung pinakamasakit na maramdaman sa mundo yung sinasaktan mo yung taong walang inisip kung di protektahan ka.

Hindi ako lumabas ng kwarto nang isang buwan iniyak ko lang nang iniyak sa kwarto. Nagkulong ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top