Part 18

Friday na ngayon, Ngayon na yung araw na aalis kami at pupuntang newyork, Nakatingin lang ako sa orasan kasi susunduin ako ni kenneth.

Nakaimpake na lahat ng gamit ko. Lahat ayos na. Pero Parang May pinipilit akong isiksik sa isipan kong tanong na hindi ko malaman.

Nang marinig ko yung busina nang kotse ni Kenneth, Agad na akong tinawag nila mama at papa.

Nang makita ni papa na may dala akong tatlong bagahe nagulat siya.

"Saan ka pupunta?"

Napatingin ako kay mama at nang magsasalita na ako, Biglang nagsalita si mama.

"Pa sa."

"Magbabakasyon lang silang magkakaibigan sa newyork."

"Ahh, Ganun ba? "

"Opo pa."

"Magiingat ka dun anak ha? Madaming babae dun na nakataas na kili kili."

"Pa."

Niyakapa ako ni mama habang umiiyak at bumulong "Andeng. Magingat ka dun. Hanapin mo yung dapat mong hanapin. "

"Ma?"

"Sige na mahuli pa' kayo."

Biglang dumating sila kym at kamille, Agad akong niyakap ni kamille at naghabilin "Magiingat ka dun best ha? Nandito lang ako palagi. Mag online ka! Wag mo akong kakalimutan ha? Sana mangyari ang dapat mangyari."

"Oo naman hindi ko kayo kakalimutan. Anong mangyari?"

"Wala wala. Basta magingat ka dun ha?"

"Oo nga.. Oy kym.. Ingatan mo tong si kamille ha? Konyatan kita kapag umiyak yan"

"Oo andrea, Magingat ka dun ha?"

"Tara na andrea? "

"Tara na."

"Sige po tito't tita!"

"Sige kenneth wag mong pababayaan si andrea doon ha? "

"Opo."

Sumakay na kami nang kotse at nagpark sa park'n ride ng airport kung saan pwede iwan nang ilang araw buwan yung kotse.

Pagkacheckin namin Pumasok na kami sa eroplano at umupo na.

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman."

"Parang kinakabahan ka eh."

"Hindi ganito lang talaga ako, Pag nawawalay sa pamilya ko."

Ngumiti lang siya. At lumipad na din yung eroplanong sinasakyan namin. Nakatingin lang ako sa bintana at Iniisip ko parin kung ano yung mabigat sa damdamin ko.

3 araw kaming nasaeroplano lang nakaupo kaya medyo bored na bored kami. Nang pababa na kami sa airport. Tulog pala ako.

"Andrea andrea.. Nandito na tayo."

"Huh?"

Pagkagising ko nagsisibabaan na yung mga tao. Agad akong tumayo na at Naglakad na kami palabas ng eroplano.

"Finally."

"Nandito na ba talaga tayo? "

"Hindi pa ba halata? Andito na tayo."

Naglakad kami papunta sa main exit ng airportbagad naman may kotse na sumalubong samin para ihatid kami sa hotel

Nang makarating kami sa hotel Inakyat namin ni kenneth mga bagahi namin. Magkatapat lang naman yung kwarto namin ni kenneth

"Sige, Okay ka na ba dyan?!"

"Oo. Salamat. "

"Sige katukin mo lang ako dito kapag may kailangan ka ha? "

"Osige. Salamat ha?"

"Sige"

Pagpasok ko agad kong nilabas yung laptop ko at ginamit ko. Kinontact ko agad si kamille sa skype.

"Andrea!"

"Kamille"

"Oh kamusta na dyan?"

"Eto kararating palang namin."

"Maganda ba dyan? "

"Sakto lang naman. Kamusta na kayo? "

"Kung kami ni kym yung tinutukoy mo ayos lang kami kung yung pamilya mo naman mas lalong ayos sila. "

"Mabuti naman."

"Nasan si kenneth?"

"Nasa kabilang kwarto tig isa kami ng kwarto."

"Ahh."

"Osige kamille, Matutulog muna ako ha? "

"Sige lang best! Goodnight!"

"Sige."

Pinatay ko na yung laptop at humiga na ako sa kama at natulog na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top