Part 15

RINGGG!! RINGGG!! RING!!
Pagtingin ko sa alarm clock 5:30 na. Kaya agad akong tumayo at kinuha yung mga damit ko at naligo.

Nagsusuklay palang ako nang may marinig akong busina ng kotse sa baba.

"Andeng!! Nandito si kenneth daw. "

"Pasabi saglit lang pa"

Kinuha ko na yung mga damit ko. Nang pagkakuha ko sa cabinet ko biglang nahulog yung isang plastic nagmamadali ako kaya pinulot ko na din at dinala ko. Bumaba nako at nakita kong kausap ni papa si kenneth at mukang nagkakatuwaan sila.

"Tapos na ko."

"Tara na?"

"Hala sige anak, Dalian mo na Aalis papala kayo netong batang to eh."

"Pagpasensyahan mo na yan si papa ha ganyan talaga yan."

"Oh anak magiingat kayo dun ah. Kenneth ikaw na bahala sa anak ko ha."

"Opo tito. ako po bahala sa matigas niyong ulong anak."

"Sige na sige na mahuhuli na kayo."

Umalis na kami agad. Nang nasa byahe kami Namumutla ako. Hindi ko kasi alam kung tama ba yung damit na dinala ko eh, Atsaka first time ko kaai yun.

"Okay ka lang? "

"Sino? Ako?"

"Meron pa bang ibang nandito?"*sabay ngiti

"Ay. Kinakabahan kasi ako"

"Bakit ka naman kinakabahan?"*Nakatingin parin sa kalye

"Kasi first time ko kasi to."

"Seryoso ka? Okay lang yan. Ako bahala sayo"*sabay tingin sakin at ngumiti.

Nang makarating kami sa cubao, Di ko namalayan na nakatulog ako nagising nalang ako nang marinig kong tinatawag yung pangalan ko.

"Andrea? Andrea?"

"Bakit ba? Natutulog pa ko eh. Mamaya na"

"Andrea nandito na tayo"

"Huh?"*unti unti kong minulat yung mata ko at nakaaninag ako ng isang taong nakatingin saakin

"Kenneth!"

Natulak ko si kenneth kasi nabigla ako nauntog siya sa bubong ng kotse niya at naramdaman kong malakas yung pagkatulak ko.

"Aray ko!"

"Ay. Sorry sorry. Kenneth sorry."

"Okay lang. Nandito na nga pala tayo."

Agad akong bumaba at pinagmasdan ko yung lugar, Ang ganda ng lugar. Puro puno tas madaming nahuhulog na dahon. Ang ganda talaga.

"Saan tayo dito?"*Humarap ako kay kenneth

"Dun muna tayo sa studio."

"Saan?"

"Doon, Deretso ka lang."

"Sige."

Pagpasok namin ng studio madaming babaeng sumalubong saamin.

"Hi mam,"

"Hello."

"Hi mam."

"Hello."

"Hi mam sir,"

"Hello."

"Kenneth bakit madaming babae dito? Lahat ba yan model?"*nagtatakang sabi ko

"Hindi, Lahat yan magaasikaso sayo."

"Ha? Seryoso?"

"Oo bakit?"

"Bakit hindi nalang sila gawin mong model mas maganda kaya sila saakin."

Ngumiti lang siya at nagulat ako nang biglang may baklang nagsalita at niyakap si kenneth.

"Kennethhh!! Hay nako!!"

"Tito rica, si Andrea nga po pala."

"Girlfriend mo?"*sabay tingin saakin

"Hindi gagawin ko lang pong model. Kapitbahay ko lang.Ay, Andrea si tito rica ko nga pala."

"Hello po."

"Ahh hello din."

"Siya yung aayusan mo tito."

"Ay madali lang naman yan eh. Halika dito iha."

"Tito ikaw na po bahala ah. Titignan ko lang kung saan anggulo yung maganda sa labas."

"Sige lang iho."

Sinundan ko lang yung tito ni kenneth na bakla at pinaupo niya ako sa isang upuan dun kung saan ako nakatapatsa isang malaking salamin at cabinet na puro makeup. Agad nila akong nilagyan ng makeup.

"Tito po kayo ni kenneth?"

"Ahmm, Tita niya ako."*Naglalagay ng foundation sa muka ko.

"Ay sorry po. "

"Okay lang yun iha. Tito naman talaga niya ako."

"Ilang taon na po kayo nag mamakeup?"

"Mag seseven years na."

"Kayo po ba nagmamakeup kapag may model si kenneth po?"

"Ay hindi, Hindi iha. Ikaw palang yung unang dinala ni kenneth na model niya dito saakin."

"Talaga po?"

"Hindi niya ba sinabi sayo?"

"Hindi po eh."

"Ikaw palang yung unang dinala niya dito. Iha tingin ka sa taas lalagyan kita ng concealer."

"Bakit po ako palang po?"

"Kasi mapili sa babae yan si kenneth."

"Ano pong ibig sabihin niyo?"

"Mapili siya sa mga magiging model niya. Para pag pinadala niya sa newyork, Papatok."

"Ahh."

"Osige iha, May damit ka bang dinala?"

"Meron naman po."

" Osige, Magpalit kana. Nandun lang yung cr. "

Agad kong kinuha yung gamit ko at Pumunta na ako sa cr. Nang isukat ko lahat ng damit na nasa isang bag ko. Para akong jologs, I mean. Nakakahiya naman kung ang ganda ganda ng makeup sakin na para talaga akong babae tapos mag popolo lang ako tapos magrurubber shoes lang ako.

Nang makita ko yung isang plastic na nadala ko agad ko sinilip kung ano ba yung laman non. Pagkabukas ko nakita ko yung mga dress na pinili ni Eleanor para saakin. Nang ilantad ko nakita kong maganda nga.

Sinukat ko pero parang di ako komportable, Kasi banaman halos ibenta ko na yung hinaharap ko sa dress na red na yun. napagpasyahan ko na lang na yun na yung suotin ko.

Paglabas ko nakita ko agad si tito rica, Nakatingin lang siya saakin at titig na titig habang palapit ako ng palapit. Nakatingin din yung ibang babae at mukang pinaguusapan nila ako

"Tita rica!"

"Ay, Ang ganda. Ganda naman. Nakakatibo ka naman. Baka mamaya maging lalaki ako. "*Inikutan ako.

"Tita naman eh. may problema ako."

"Ano yun?"

"Wala akong heels."

"Ay yun lang ba? Karla kuha mo nga siya nang heels."

"Kaya pala ikaw yung gusto ni kenneth na maging model eh."

"Tita naman eh."

"Ay ang sarap. ang sarap pala talaga pakinggan ng tita"

Tumawa lang ako at agad nang bumalik si karla at ibinigay yung heels sa akin.

"Mam, Eto na po. "

"Salamat ate ha."

"Mam, Pwede pag sumikat kayo. Pwedeng wag niyo akong kalimutan?"

"Ate karla naman para naman akong sisikat eh magpipicture lang ako."

Biglang pumasok si kenneth sa loob ng studio nang makita niya ako, napahinto siya sa paglalakad at Natulala lang. Parang nagiba tingin niya saakin.

"Kenneth! "

"Kenneth?"

"Karla, Paki galaw nga yang si kenneth. "

"Sir kenneth."

"Ay. Okay ka na ba?"

"Oo ikaw okay ka lang ba?"

"Oo tara na? "

Hinawakan ako ni tita rica sa likod sabay nginitian at binulungan ako "Nagangandahan sayo yan."

Pagkalabas namin ng studio na uuna si kenneth at parang nagmamadali siya.

Nasalikod niya lang ako kasi sobrang bilis niya maglakad.

"Uy! Kenneth!"

"Bakit?"

"Bakit ba parang nagmamadali ka?"

" ha? Kasi baka."

Nagsasalita palang siyang bigla akong matisod dahil hindi ako sanay mag heels. Napaupo ako kaagat kasi may sumakit sa binti ko.

"Aray ko!"

Napatingin siya agad saakin at Tumakbo papunta saakin. Hinawakan niya agad yung binti ko.

"Masakit ba? "

"Hindi naman"

Hinilot niya yung medyo nasa paanan ko, Habang hinihilot niya nagkatinginan kami sa isa't isa. Kaya tumayo na ako agad pati siya.

"Okay ka pa ba?"

"O..oo."

"Tara na?"

"Sige."

Binagalan niya na yung paglakad niya. Hanggang sa makarating kami kung saan kami magpipicture.

"Panong gagawin ko?"

"Magpose ka lang nang kung ano ano."

Nagposing ako nang kung ano ano. Yung mga nakikita ko sa magazine ginagaya ko. Nang matapos kami Magpicture bumalik na kami sa kotse.

"Okay pa ba?"

"Pagod nga eh. Ang init kasi."

"Kain muna tayo?"

"Sige mabuti pa nga, Gutom na gutom na kase ako"

"Muka nga eh"

"Ang sama neto."

"De biro lang. San tayo kakain?"

"Kahit saan."

Nang makarating kami sa seaside sa moa, Agad kaming pumunta sa makakainan, Siya yung umorder samathalang ako umupo na ako agad sa labas kung saan tanaw ko yung, Dagat.

"Bakit dito sa labas?"

"Nandyan ka na pala. Wala naman. Parang ang ganda kasi ng view eh."

"Oo nga eh. Kasing ganda mo."

"Wag mo nga ako bolahin alam mo naman naniniwala ako."

Ngumiti lang siya, Nang matapos siya kumakain parin ako. Kinuha niya yung camera at tinignan yung mga kinuha niya kanina.

"Eto nalang yung ipapasa ko."

"Patingin nga ako."

Nang iharap niya saakin yun yung picture ko na nakafierce ako.

"Bakit ayan?"

"Bakit naman hindi?"

"Eh nakasimangot ako dyan eh."

"Hindi para lang na normal, Na kahit nakasimangot na okay parin."

"Ganda ko parin diba."

"Oo nalang."

"Kelan mo ba ipapasa yan?"

"Bukas na agad, kasi baka mamaya mahuli ako sa pagpasa eh."

"Hindi mo na ieedit yan?"

"Hindi, Para kasi sakin okay na to. Maganda na."

"Ganun. "

"Oo."

Nang matapos kami kumain, Umuwi na kami.Nang pagpasok ko sa gate nakating sakin si papa.

"Oh. Pa! "

"Nak, Okay sakin si kenneth ba yun?"

"Pa.. "

"Edi hindi na anak, Sige magpahinga ka na sa taas."

"Sige po. Si papa talaga."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top