Part 14
Pagising ko, agad na akong naligo at nagsuklay. Pagbaba ko nakita ko si mama naghahanda ng almusal.
"Ma alis na ako."
Pero hindi niya pinakinggan yung sinabi ko patuloy lang siya sa ginagawa niya. Umalis na ako at pumunta kung saang restaurant sila kym at kamille
Nang papasok nako ng restaurant nakita ko agad sila kamille at si kym nagtatawan at nakita ko din yung lalaking nakatalikod.
Agad akong lumapit sakanila at umupo sa tabi ni kenneth. Nasa harapan ko si kamille. Nakatingin lang siya ng masama at biglang tumayo
"Aalis na ako. Nasira na araw ko. "
Agad akong tumayo at pinigilan siya"Kamille, Sandali lang."
"Anong kailangan mo sa akin?"
"Kamille, look. Sorry na."
"Wow. after mong pagsabihan mo ko nang ganun? "
"Sorry na nga diba? Narealize ko na tama ka na nagpakatanga nanaman ako."
"Buti naman alam mo. Pero tapos na yun. Napagsalitaan mo na ako nang masasakit na salita. Bitawan mo nga ako."
Nakatingin lahat ng taong nasa restaurant saamin ni kamille pagkaalis ng kamay ko sa braso niya agad siyang naglakad
"Akala ko pa naman magiging ayos lahat. Sayang naman pag momodel ko kung nakisamangot lang ako."
Agad siyang huminto at humarap saakin. "Mag aano ka kay kenneth?"
"Oo sana kaso."
"Seryoso ka ba dyan. Handa ka na ba magbago? "
"Sana nga kaso. Ayoko na kasi Magkaaway na tayo eh "
"Tatanggapin ko yung sorry mo. kung handa kang magbago."
"Eto na nga ohh. Kakausapin ko na nga si kenneth eh. "
Agad niya akong niyakap at hinila niya ako kung saan nakaupo sila kenneth.
"Okay na kayo?"
"Kami pa.diba andrea? "
"Solid kami ano ba kayo."
"Solid nga din yung pagkatingin ng mga tao sainyo eh."
"Medyo nakakahiya pero okay lang yun atleast naging ayos kami."
"Ay! Andrea si kenneth nga pala. Kenneth si andrea siya yung.."
"Oo kilala ko."
"Andrea. "
"Kenneth."
"So ikaw yung photographer? "
"Oo ako nga, Okay lang ba sayo na?"
"Oo. Basta kikita ako ha? Kasi nagsarado na yung ihawan namin eh ayoko naman mag trabaho si papa eh."
"Ang swerte pala nang tatay mo sayo."
"Hay nako. ang swerte talaga ng pamilya niyan kay andrea talaga. Kaso may kahinaan nga lang yang babaeng yan."
"Kamille!?"
"Alam ko na. Pagibig yan no?"
"Ano ba kayo kamille,kym nakakahiya."*Tinakpan ko yung kalahating muka ko
"Anong nakakahiya? Eh dyan naman din mahina si kenneth eh."
"Talaga? "
"Kym ano ba! " *Hinampas si kym.
"Magkakasundo kayo niyan ni neth. Diba neth?"
"Man nakakahiya ka."
"Ano kaba kenneth, Wag ka mahiya kay andrea, Yang bestfriend ko nako. Masiyahin yan. "
"Di naman gaano."
"O tama na nga to mamaya mapikon pa sila eh. Umorder na nga kayo! "
Habang kausap nila kym at kamille yung waiter humarap ako kay kenneth at tinatanong ko siya medyo naiilang din ako kasi nagustuhan ko siya dati
"Uhmm, Bakit mo naman naisipan na gawin model ako? Eh nagtitinda lang naman ako dun saatin?"
"Wala lang naman kakaiba kasi yung itsura mo"
"Anong itsura ko? Unggoy ba? "
"Hindi ano ka banaman. I mean yung ganda mo kakaiba. "
"Ahh."
"Sigurado kabang ayos lang sayo? Baka makaabala ako ah."
"Huh? Hindi ayos lang. Ikaw? Sigurado ka bang ako na yung gagawin mong modelo?"
"Oo naman. Ang tagal."
"Andrea! Nako ang tagal ka na niyang tinitignan sa baha."*tinakpan ni kenneth yung bibig ni kym
"Ang sabi ni kym ano, Ang tagal ko nang pinagplaplanuhan na iapproach ka about sa ganitong bagay kung interesado ka."
"Ahh, Akala ko naman kung ano."
Bintawan na ni kenneth yung bibig ni kym saka sumenyas siya kay kym.
"Sorry na."
"Bakit ka nagsosorry ka kenneth?"*Nagtatakang tanong ko
"Ahh, Kasi ano inunahan niya akong magapproach sayo eh nakakahiya naman baka sabihin mo pinadaan ko pa sa iba."
"Ahh, Hindi okay lang kayo naman wala saakin yun."
"Mamaya na yan kumain muna kayo. "
Nang matapos kami kumain, Agad kaming umalis at sumakay kami s kotse ni kenneth.
"Dito na ako sa likod."
"Dun ka na andrea sa harap. Tabi nalang kami ni kamille dito."
"Oo nga andrea."
"Ayos lang ba kay.."
"Oo naman. Sige."
Pumunta siya sa kabilang pintuan at pinagbuksan ako nang pinto.
"Thank you."
"No problem."
Habang nagbyabyahe kami sa highway biglang nilaksan ni kenneth yung kaanta at may pinindot si kenneth at nagbukas yung bubong ng kotse.
Ang hangin hangin, Sa sobrang kamanghaan ko nawala na sa isip ko si louis. Napatingin ako kay kenneth habang nag dridrive siya tumingin din siya at ngumiti.
Nang makarating kami sa bahay ko Pinagbuksan ako ni kenneth ng pinto samanthalangbsila kym at kamille tulog sa likod.
"Thank you."
Ngumiti lang siya at nang papasok nako nang gate humarap ako sakanya bubuksan niya na sana yung pintuan ng kotse niya
"Kenneth."
"Bakit?"
"Makakastart na ba tayo bukas? "
"Kung okay lang sayo."
"Sige bukas nalang. Anong oras? "
"Ikaw. ikaw bahala,"
"6 nang umaga? "
"Tama tama! Para pag dating sa venue may araw na. "
"Sige. Ako ba pupunta sainyo?"
"Hindi susunduin nalang kita dito."
"Di ba parang nakakaabala? "
"Hindi naman, Sa cubao pa tayo mag shoshoot eh."
"Magcocommute ba lang tayo?"
"Magkokotse."
"Tayo lang ba?"
"Ahh. kung gusto mo isama mo si kamille para di kama-ilang?"
"Hindi okay lang."
"Okay lang naman saakin."
"Baka kasi mainip lang si kamille. Ayos lang saakin. "
"Sige."
"Sige."
"Una na ako."
"Sige"
"Sige."
"Uhmm,Ingat kayo"
"Salamat sige una na kami."
"Sige"
"Uhmm,Sige thankyou andrea."
"Thank you din sainyo."
"Sige una na talaga ako."
"Sige Ingat na."*Natawa ako bigla kasi ilang beses pa yung una na sila.
Agad na akong pumasok sa gate. Nakita ko sila papa nakatingin saakin.
"Sino yun anak? Si kyle na ba yun? "
"Ayan nanaman kayo eh."
"Sino yun ate?"
"Butchay. Kaibigan ko lang sila ate kamille mo."
"Eh sino yung nagdridrive anak?"
"Si..Ke"
"Pagsabihan mo yang pangalwa mong anak. Baka mangyari nanaman yung nangyari sakanya. Hindi na yan natuto"
Agad akong napatingin kay mama nang bigla siyang magsalita saakin ng ganun. Napatingin lang si papa saakin
"Umakyat kana. Ako na bahala dito."
"Sige po."
Agad na akong umakyat at pumasok sa kwarto. Inayos ko lang lahat ng gamit ko at natulog na din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top