Part 13
araw araw kong ginagawa kung anong nakasanayan ko at araw araw kong hinihintay si louis. Mag dadalawang buwan na hindi parin siya nagpapakita. Halos araw araw akong Nagaantay sumisilip sa labas kung nandun na ba siya.
Baka busy, baka may sakit. Baka.
Yan yung mga salita na paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko.
Hanggang sa dumating yung araw na napagod na ako kaantay. Pati pag bangon pagtitinda binitawan ko na. Dalawang linggo na ako nakakulong sa kwarto. Lalabas lang ako pag kakain pero babalik din ako at aabangan ko yung text niya. Hindi rin ako nagpakita kahit kaninong kaibigan maski si kamille na laging pumupunta sa bahay lagi kong sinasabi na wala ako. Na nag babakasyon ako.
Nang lumabas ako para kumain ng hapunan pababa ako nang makita ko si kamille na kausap si papa sa pintuan. Nang makita ko siya nakita ko din na nakatingin siya at agad siyang lumapit saakin.
"Hoy! Ano ba. "
Agad akong umakyat at hinabol niya ako hanggang kwarto. Hinawakan niya yung braso ko at napaharap ako sakanya.
"Ano bang problema mo? Ba't ka ba nandito?!"
"Andrea. Hoy umayos ka nga. Ako tatanungin mo kung may problema ako? Bakit hindi mo tignan yang sarili mo!? Bakit di mo tignan etong mga nakapaligid sayo."
"Bakit? Ano bang pake mo?! Ano bang mali sa sarili ko!? Anong meron sa paligid ko?!"
"Hindi mo alam? Hindi mo talaga alam?! Tignan mo yang sarili mo andrea. Tignan mo. tignan mo sila Tito at tita mga kapatid mo tignan mo maigi"
"Bakit? May problema ba sila?"
"Oo andrea. May problema sila. Hindi mo alam?! "
"Hindi naman sila nagsasabi na may problema sila. Hindi naman nila ako nilalapitan."
"Paano ka nila lalapitan? Paano NILA.. sasabihin sayo kung YUNG LALAPITAN AT SASABIHAN NILA AY YUNG MISMONG PROBLEMA!?"
Napatingin ako sa baba at nakita kong nakatingin sila lahat saamin ni kamille, Biglang tumulo yung luha ko..
"Wala kang karapatan kung anong nangyayari samin. Wala ka ding karapatan na paghimasukan kung anong nangyayari saakin kasi hindi mo alam nararamdaman ko."
"Putcha, Andrea ikaw nanaman? Eh sila natanong mo ba kung anong nararamdaman nila sa tuwing nakikita ka nilabg ganyan?!.."
"Wala kang alam!"
"You know? Stop hoping louis will be back for you! Iniwan ka niya. Stop hoping na mamaya andyan na siya na mamaya susunduin ka niya na mamaya magtetext siya na mamaya nasa tabi mo ulit siya HINDI NA! HINDI NA! kasi dalawang buwan ka na niyang iniwan! At yun yung rason kung bakit ka nag kakaganyan! "
"Wala akong pakielam sa sasabihin mo Umalis kana. Hindi ka namin kailangan."
"Ganun ba? Sige! Magaling ka eh. Sana tama ka ha. Tito kayo na bahala dito sa nagmamagaling niyong anak!"
Ptumakbo pababa si kamille, tumalikod ako at naglakad papuntang kwarto ko Pag pasok ko umiyak ako ng umiyak Hindi ako lumabas ng dalawang araw, Kahit katukin nila ako para kumain hindi ako lumabas.
Tumingin ako sa salamin at nakita ko yung sarili ko na, Parang batang kinuhanan ng candy at kinulong.
Narealize ko lahat ng sinabi ni kamille saakin, Pero hindi parin mawala saakin na maisip si loueh, Pinilit kong magbago,
Lumabas ako nang kwarto at bumaba ako. Nakita ko si butchay na Natutulog sa sofa samathalang sila mama at papa naglilitpit ng ihawan. Nagtaka ako kasi hapon palang bakit na nila tinatanggal
Napatingin sakin si papa at si mama nakatayo lang ako malapit sa pintuan namin palapit sakanila
"Andrea! "
"Ma. Bakit kayo naglilipit na agad?"
"Ikaw na kumausap sa anak mong yan."*Pumasok agad si mama sa loob ng bahay pinasa niya kay papa yung tanong ko. Ramdam kong galit si mama saakin.
"Nak kasi ano."
"Bakit papa? "
"Inubos lang namin yung paninda."
"Bakit hindi kayo bumili? "
"Hindi na namin kaya ng mama mo. Matanda na kami andrea. Madaming masakit na sa katawan namin."
"Eh pano tayo? "
"May konti naman tayong naipon nung nagtitinda ka pa. "
"Eh pani pag naubos yun?"
"Maghahanap naman ako nang trabaho anak."
Binuhat ni papa yung ihawan at ipinasok sa loob ng bahay. Sa pagkakataon na yun tumulo yung luha ko. Huli na ba yung lahat? Ganun ba talaga ako katagal nawala kaya nagkaganito?
Habang nakatingin ako sa kalsada nakita ko si kym naglalakad.
"Kym!"
"Oh. Andrea? Musta na?"
"Okk..Ayos lang."
"Hindi na kita nakikitang nagbebenta ah."
"Oo nga eh."
"Nagpaputi ka ba? Mukang nagpaputi ka ha?"
"Baliw, Di lang ako nalabas kaya ganito."
"Bakit nga ba?"
"Nagkaproblema lang."
"Ahh. Pagibig? "
"Sira ka talaga. Kamusta na? "
"Pogi parin. "
"Yan tayo eh. "
"Ano napagisipan mo naba? "
"Ang alin? "
"Yung maging model? "
"Pwede pa ba? "
"Oo naman. di pa kasi siya nakakahanp ng kagaya mo eh."
"Ganun? Kikita ba talaga ako dun? "
"Oo. 25,000 yung fee mo per day. "
"Seryoso?!"
"Oo nga. Ba't di mo subukan para maniwala ka diba? "
"Baka naman daring yun ah nako, Ayoko"
"Baliw hindi. "
"Sige sabihin mo! "
"Sige sige sabihin ko. "
"Kamusta kayo?"
"Nino? "
"Ni..Kamille? "
"Hindi pa nga rin ako sinasagot eh. Pero magkikita kami bukas kakain kami sa labas."
"Pwede bang sumama ako?"
"Pwede naman. Gusto mo isama ko na din si kenneth para mas magkausap kayo?"
"Osige isama mo. Pero gusto ko makausap si kamille ha?"
"Hindi na ba kayo naguusap?"
"Oo eh. Nagkatampuhan kami."
"Ahh sige. Bukas ha."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top