Part 12
Pagkagising na pagkagising ko agad akong tumayo at nagtuhog ng mga paninda nag hain ng tanghalian at nilabas ko nalahat ng mga paninda saka ako pumasok at nagsuklay at lumabas.
"Andeng.. Okay ka lang ba?"
"Opo. Ma, baka mamaya umalis ako kasi baka dumating si loueh, Alam niyo naman po yun kung saan saan ako pinagdadala. Ma, Ikaw na bahala mamaya ah?"
"Nak.."
"Sige ma, Magtitinda muna ako. "
Umupo ako sa tapat ng ihawan namin. Dumating si kamille at tumabi sa akin.
"Okay ka lang ba? "
"Okay lang bakit naman?"
"Mabut."
Hindi ko pa siya pinatatapos magsalita agad na akong tumingin sakanya nang nakangiti at nagsalita
"Lalo na magkikita kami ni loueh mamaya, Mabubuo nanaman araw ko."
Napatingin si kamille saakin at hinawakan niya ako sa likod nang malungkot.
"Andrea.."
"Bakit kamille? "
"Gusto mo ba munang magpahinga? Kaya ko naman magbantay dito eh."
"Ano ka ba. Okay lang ako. Mamaya isipin ni loueh na wala ako dito kasi hindi ako yung nagtitinda. okay lang ano ba. "
"Andre.."
"Kamille, Hayaan mo na muna siya."
Narinig ko yung boses ni papa mula sa likod ko, Nang pagtingin ko kay papa nakatingin siya kay kamille.
"Oh pa! "
"Anak.. Ayos ka lang ba dito?"
"Oo naman pa. Bakit kayo lumabas mamugan kayo pa masama sa kalusugan niyo yun"
"Nak.."
"Tito Aalis muna po ako, Andrea. alis nako."
"Ay ganun ba? Bakit? Di mo ako sasamahan dito? Dito ka muna habang wala pa si loueh! "
"Andrea kas."
"Anak, May pupuntahan pa yata si kamille, Hayaan mo muna siya. Sige na kamille."
"Sige po tito. sige andrea."
"Bakit kaya ang aga umalis ni kamille siguro may date nanaman yon. "
"Nak, Gusto mo magbakasyo muna tayo? Sa cebu? Uwi tayo kila lola mo? "
"Pa. kung gusto niyo. Kayo nalang. kaya ko naman dito eh. Lagi naman kasi akong pinupuntahan ni loueh. "
"Anak."
"Pa. Okay lang. "
"Anong pinaguusapan niyo? "
"Ma, Kasi tong si papa gustong pumunta tayo sa cebu kila lola."
"Talaga? "
"Kasi."*hindi pa tapos magsalita si papa agad na akong nagsalita.
"Eh sabi ko nga kay papa. Kayo nalang kasi nandito naman si louis lagi eh, Alangan naman na iwan ko yun. "
Napatingin lang si mama kay papa. Nang ilang minutong tahimik kami Agad ni mama kinuha yung pamaypay saakin.
"Alam mo anak, Namiss ko na magpapay at magtinda"
"Talaga ma? "
"Oo anak. Nakakamiss din pala. "
"Ayos yan ma! Kasi mamaya pupunta dito si loueh"
"Nak."
"Hay nako ma. Ako na dyan para mamaya di kayo mapagod. "
Agad kong kinuha yung pamaypay at nagpaypay ako ng mga paninda habang pumasok naman sila mama at papa sa loob ng bahay.
Ilang oras ako nagintay. Pero hindi dumating si louis nang gabi na yun.
"Andrea. pumasok ka na. Magligpit kana."
"Ma. Dadating pa si louis!"
"Ano ka ba anak. Alasdose na. Hala ligpitin na natin to. "
Nang maligpit ni mama hinila niya ako papasok nang bahay. Hindi talaga dumating si loueh.
Agad na akong pumasok sa kwarto ko at humiga. Siguro lang sobrang busy ni loueh ngayong araw kaya di nakapunta dito. Baka bukas pumunta na yun dito.
Tinignan ko yung cellphone ko pero wala din siyang text kaya ako nalang nagtext.
Text message:
Me: Hey!
12:54
Me: where are you?
1:05
Me: i've been waiting for you all day.
1:45
Me: tomorrow? Let's have a lunch?
1:56
Me: Or chill in your house?
2:03
Me: Hey. Are you sick?
3:00
Me: let me know pls.
3:20
Me: I'm worried about you.
3:28
Me: Reply back!
4:10
Me: hey
4:25
Me: uh.oh. I'm sleepy.
4:30
Me: Goodnight see you tom okay?
4:55
Nakatulog ako sa sobrang pagiintay ng mga text niya inabot na nga ako ng umaga kaaantay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top