Finale
"Class, dismiss! Goodbye, everyone!"
"Goodbye, Professor Solari!"
Tumango ako kasabay ng pagngiti bago sila pinanood na isa-isang lumabas ng classroom. Naupo na ulit ako sa upuan at niligpit ang mga gamit sa table dahil tapos naman na ang trabaho ko ngayong araw.
Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko, napalingon ako sa cellphone nang bigla itong tumunog. Mabilis na nawala ang mga ngiti sa labi ko nang mabasa ang pangalan doon ng ex-boyfriend ko. Napabuntonghininga ako bago sinagot ang tawag.
"Hello . . ."
"Solari . . . tapos na ba ang class mo?" he asked. "Ihahatid na sana kita pauwi."
Nagbuntonghininga ako. "Ace . . . hindi na. Kaya kong mag-commute."
"No . . ." He sighed. "Please, I just really want to talk to you. B-Baka . . . baka p'wede pang maayos. B-Bigyan mo pa ako ng isang chance."
Napasandal ako sa upuan kasabay ng pagpikit ng mga mata dahil makulit talaga siya. It's been three days since we broke up and he's still really insisting on talking to me . . . driving me home.
Nang matigil siya, pumayag na lang din ako. "Okay, mag-uusap tayo pero . . . wala akong maibibigay sa 'yo, Ace. Yun lang din ang isasagot ko."
He sighed in relief. "Thank you. Wait for me, I'll go there, hmm?"
Nag-okay lang ako bago ibinaba ang tawag. Tinapos ko na ang pagliligpit ng gamit bago ko pinatay ang mga ilaw at aircon sa loob ng classroom, sinarado ang mga bintana, saka lumabas at muling isinarado ang pinto. Iniwan ko sa faculty ang mga gamit na hindi naman kailangang iuwi bago nag-time out. Pagkatapos, naghintay na ako kay Ace sa labas ng university.
It's been a good four years since Klein and I finally ended it totally. Wala naman akong naging pagsisisi sa desisyon na 'yon. Marami naman akong natutunan sa mga panahong 'yon.
Ilang minuto lang akong naghintay, huminto na sa harap ko ang pamilyar na sasakyan. Lumabas mula sa driver's seat si Ace saka kinuha ang mga gamit ko bago ako pinagbuksan sa shotgun's seat. Pumasok ako ro'n at naupo bago niya isinaradong muli ang pinto. Inilagay niya sa backseat ang mga gamit ko habang ikinakabit ko ang seatbelt bago siya naupo sa driver's seat.
"Are you hungry?" he asked as he put his seatbelt on.
I shook my head. "Hindi naman."
Tumango siya bago nag-drive paalis. "We'll still eat to fill our tummies."
Bahagya akong napangiti dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan kong makipaghiwalay na lang sa kan'ya. He has been planning our lives all on his own. Sa lahat, siya ang nasusunod. Wala man lang siyang tinatanggap sa lahat ng mga sinasabi ko.
He's a manipulator, in my opinion, but not to the extent that he'll make me do such things that I didn't want in the first place. He's just low-key manipulating our relationship, to be precise.
Nang makarating kami sa restaurant, siya na rin ang um-order ng pagkain naming dalawa. Hinayaan ko na lang din dahil hindi naman na ito mauulit. This will be the last time that we'll be talking and eating like this.
"Ace . . ." I called him after the waiter left our table.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Yes, love?"
Napalunok ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. I know that it's been years already but, there is only one person who calls me by that endearment that I could never, ever, forget.
I gulped, staring at him. "My decision is final."
He gulped, looking away as I saw him clenched his jaw. "Can we . . . can we wait for the food first, Solari?" Tumingin siya sa akin nang nakakunot-noo. "Must you say that when we haven't even had a bite?"
Napabuntonghininga ako. "You said that we'll talk, right?"
"Yes! But I want us to eat first. Hindi ba p'wede 'yon?"
Napatango na lang ako nang marahan at hindi na nagsalita. Naghintay kami na mai-serve ang food sa amin saka tahimik na kumain ng steak na in-order niya . . . kahit sawang-sawa na ako dito dahil ito lang nang ito ang ino-order niya para sa amin palagi sa tuwing kumakain kami sa ganitong restaurant.
Nang matapos, inayos ako ang fork at steak knife sa plato bago ibinalik sa kan'ya ang atensyon.
"Ace, kahit na isang libong beses tayong mag-usap, hindi na magbabago ang desisyon ko." He looked away, drinking from his glass of water. "P'wede naman na siguro akong magsalita, 'di ba? Tapos naman na tayong kumain."
He didn't talk so I assumed that he's going to listen to me.
"You've been a great guy to me for more than two years of our relationship. I loved you, you know that. But . . ." I sighed. "I can't marry you."
Ibinalik niya ang tingin sa akin. "So, you're going to leave me? Agad agad? Hindi ba p'wedeng manatili kang girlfriend ko hanggang . . . hindi ka pa handang magpakasal sa akin?"
I scratched the lower part of my index finger. "I can't stay." I sighed. "Wala sa isip kong . . . magpakasal sa 'yo. How can you settle for someone who doesn't think of marriage? You've been planning it all. You know what to do and what you want for the both of us but . . ." I shook my head. "Hindi ko kayang magpakasal sa 'yo."
He sighed. I saw his hands fisted. "Why? What's wrong with me? Why can't you think of your future with me?"
I bit my lower lip, looking away. "Maybe . . . maybe I don't love you that much."
Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya. Naramdaman ko rin ang paggalaw niya na parang gusto niyang hampasin ang lamesa pero pinipigilan niya lang ang sarili. Napabuntonghininga na lang ako.
"You're still not over with your alcoholic ex-boyfriend."
Napaangat ako ng tingin sa kan'ya habang nakakunot-noo. "What?"
He scoffed, leaning on the back of his seat. "Your ex-boyfriend. You're still not over him?"
I sighed, laughing because of his question. "Do you possibly think that I will enter a relationship kung hindi pa ako naka-move on do'n? It's been years! Ikaw yata ang hindi pa nakaka-move on."
He looked away. I continued scratching my index finger, but it's harder now. "Kinwento ko 'yon sa 'yo kasi gusto kong maging honest sa 'yo. Kasi mahal kita." I bit my lower lip. "Totoong minahal kita, Ace."
"Pero hindi mo ako kayang pakasalan."
I sighed. "I'm . . . still taking my MA. I only graduated two years ago. Ngayon ko pa lang nagagawa yung mga bagay na gusto kong gawin noong estudyante pa lang ako. Paano ako magse-settle kaagad?"
Tumingin siya nang deretso sa mga mata ko. "I told you, I'm willing to wait."
I shook my head. "Hindi na." I sighed. "Tulad ng sinabi ko, wala sa isip ko ang . . . magpakasal . . . sa 'yo."
He sighed, looking down. "But why? Mahal mo ako pero hindi mo ako kayang pakasalan?"
I nodded. "You were . . . always the one to lead the relationship. You're always the one who controls and decides for the both of us. Kahit kailan . . . hindi mo ako pinakinggan. Nagplano ka ng buhay na kasama ako sa hinaharap pero . . . hindi mo ako tinanong kung anong gusto ko. Lahat ng plano mo, plano mo lang. Wala ako do'n."
Mabilis na pumatak ang mga luha ko dahil sa totoo lang, nasasaktan ako na kailangan naming matapos sa ganito, pero hindi ko na kasi makita ang point ng relasyon namin. Hindi na ako masaya. Dumadalas ang away naming dalawa at kahit kailan, hindi niya ako pinakinggan sa mga gusto kong sabihin.
He only loves himself . . . he never truly loved me the way he always told me.
"You loved me . . . but you never really loved me the way you always thought." I sighed. "You loved yourself too much . . . you forgot about me."
After we talked about that, mukhang naintindihan na rin ni Ace ang mga gusto kong sabihin. Hindi na siya nagtanong pa. Noong nag-aya na akong umuwi, pumayag kaagad siya at pinag-drive ako hanggang sa amin.
Nang makarating kami sa kanto, pinatigil ko na siya. "Dito na lang."
Lumingon siya sa akin. "Why?"
Nagkibit-balikat ako. "Malapit na lang naman. I want to walk."
Tumango siya at pinatay ang makina ng sasakyan. Tinanggal ko na ang seatbelt at bubuksan na sana ang pinto nang pinigilan ako ni Ace. Napalingon ako sa kan'ya nang maramdaman ang paghawak niya sa braso ko.
"Solari . . . wait."
Napakunot-noo ako. "Uhm, why?"
He sighed. "I'm sorry." My eyes heated after hearing that. "I'm sorry that my attitude leads us to . . . this. I'm sorry for . . . being the one who always decides. I'm sorry for . . . not listening to you."
I nodded. "It's okay."
He smiled a little. "I really loved you. You were the best, Solari."
You were the best . . . you did nothing wrong . . .
Hindi ko alam kung bakit pumapasok sa isip ko palagi yung break-up text message sa akin ni Klein noong senior high kami. Sobrang tagal na pero hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa.
"T-Thank you."
He nodded. "C-Can I . . . kiss you? For the . . . last time?"
I smiled a little. He gulped before leaning forward as I felt his lips on mine. He held my head back as he pulled me closer, kissing me more. I kissed him back as I held his right hand that's holding my face.
It went a little longer that we were both panting when our lips parted. He kissed my forehead before he talked.
"I want the best for you, Solari. I want to see you genuinely happy."
I nodded. "Ikaw din."
Matapos kong sabihin 'yon, lumabas na ako ng sasakyan niya. Pinanood ko itong umalis bago ako tumalikod at naglakad-lakad. Papadilim pa lang at medyo malamig ang hangin. Parang mas gusto kong maglakad-lakad na muna ngayon at magpalamig.
For the past almost four years after Klein and I ended everything about us, hindi na ulit kami nag-usap. We said hi whenever we bumped into each other, be together when our mutual friends invited the both of us, smiled whenever our eyes met . . . but we never really went out alone anymore.
Pagkatapos ng gabing 'yon, I didn't have the chance to review for the final examination so I almost lost my place in the dean's list. I finished the short story that was due that same week but got the lowest grade for that.
"Your world building is not creative. There were a lot of plot holes and full of filler chapters. Your main character does not have a character development at all. Problems were very irrelevant. The story was rushed only to have an open ending. This is not something I've expected from you, Miss Dominguez. All in all, this does not pass the creative writing that I taught all of you."
Napailing na lang ako nang maalala ang sariling reaksiyon matapos mabasa 'yon. Really, Solari? A Kiss To Reminisce? You wrote your own love story with Klein? You ended the story with the main character, reminiscing the whole story until the break up? Sobrang cliche, ha!
"Still, you've got clean writing. Grammars were almost perfect, technical errors were just minor and it's almost not noticeable at all. You've got a long way. This is not your best story. You have a lot to offer and I believe that you'll soon write a story that will bring out the best in you."
I still thanked Miss Loisa for giving me those criticisms because I know that I needed that to improve. Not only that. She does not only point out the mistakes. Nakita niya rin kung anong kapuri-puri sa short story ko kaya naman masaya pa rin ako.
Yun nga lang, creative writing gone wrong. None of the requirements for the story was met. Tinanggap ko nang buong puso ang 85 na grades para doon dahil alam ko, mataas pa nga 'yon kung tutuusin. She could have just given me a 75 mark, ayos lang naman.
I really fucked up that last week of that semester. I was scolded by Papa for having a lower grades pero tinanggap ko 'yon. Wala naman siyang alam sa nangyayari. Mabuti na lang talaga, na-comfort ako ni Mama.
Not that Papa expected so much from me. Alam niya lang na hindi ko pinagbuti no'ng semester na 'yon. Alam niyang naging pabaya ako, considering that I didn't have a flat one grade at that time.
Eureka, on the other hand, left Gilbert's place noong magsimula ang bakasyon. Sa amin siya tumira for the whole week bago siya umuwi sa parents niya. I expected more from Gilbert, though. I didn't know he's capable of doing and requesting such a thing.
Nagbuntonghininga ako nang malalim bago naupo sa waiting shed. Hinubad ko ang suot na sapatos nang makaramdam naman ng ginhawa ang paa ko. Isinandal ko ang ulo sa gilid at pinanood ang mga sasakyan na nagdaraan.
I remembered how Eureka and I talked about what happened between Klein and me. Naikwento ko na kasi sa kan'ya na wala na talaga kami ni Klein. Hindi na kami magbabalikan.
"Are you okay?" she asked while rubbing his tummy.
I nodded as I wiped my tears after telling her everything. "Oo. Magiging okay din ako."
Ngumuso siya. "Kailan naman kaya? Tanga mo, bakit kailangan mong gawin 'yon bago mag-final exam? P'wede namang after na ng semester."
I chuckled. "Ayos na 'yon. Iniwasan ko naman siya no'n buong araw kaso tadhana na yata yung naglalapit sa aming dalawa para makapag-usap kami." I laughed as I felt my chest hurting. "Sobrang sakit, ah." I tried to laugh it off again but it only made me cry more. I hugged Caleb's teddy bear. "Pero alam ko namang tama yung desisyon ko."
Nagbuntonghininga siya bago inialis ang unan na nasa pagitan namin bago siya bumangon at pinunasan ang mga luha ko.
"Tama nga ang desisyon mo . . . hindi ka naman masaya."
I bit my lower lip, nodding. I looked at her as I tried to smile. "At least . . . umiiyak na ako ngayon." I laughed. "Ibig sabihin . . . magiging okay na rin talaga ako soon. I'll be able to feel emotions again after I cry my all."
My process of moving on was not so fast. It took me a year before I finally got the courage to entertain men once again. I had short-term relationships for more than a year before I met Ace . . . the only man who I got to be with for more than two years.
He was really a great man. Para akong prinsesa na hatid-sundo sa tuwing papasok ako sa university para sa MA ko, sa trabaho ko bilang professor ng English Literature sa university kung saan din ako g-um-raduate ng college, may mga packed lunch pa siya sa akin palagi.
Pero isa sa pinakanagustuhan ko sa kan'ya . . . yung suporta niya sa akin sa pagsusulat ko ng stories online. He even funded my self-published books last year! Masaya naman ako sa 50 people na nag-purchase n'on online.
He was really supportive despite the fact that my readers' comments always say that I wrote the worst ending ever.
"Endings are just endings. Hindi naman 'yan ang magpapakita ng galing mo as a writer. You were writing hundreds of thousands of words. Thousands or ten thousand of it at the end of the story will never invalidate your efforts as a writer. You're still the best writer for me, love, despite their criticisms in every ending of the story you wrote."
I sighed, smiling, as I remembered it all. Sayang lang dahil hindi naging sapat yung pagmamahal ko para isipin ang magpakasal sa kan'ya. Hindi rin naging sapat ang pagmamahal ko para manatili pa at sumunod sa mga desisyon niya.
Sa kabila ng lahat, hindi pa rin naman ako nagsisisi na naging boyfriend ko siya. Minahal ko naman siya. Totoo 'yon. Hindi ko man naibigay nang buo ang sarili ko sa kan'ya, tulad ng nagawa ko noon sa isang lalaking minahal ko nang sobra, alam kong totoong pagmamahal naman ang ibinigay ko sa kan'ya.
Nang dumilim na, napagpasyahan kong maglakad na ulit at dumeretso pauwi. Sakto naman dahil nakita kong nagluluto si Mama habang ka-video call si Papa. Ngumiti ako bago lumapit sa kan'ya.
"Hello, 'Ma!"
Lumingon siya sa akin bago ipinunas ang kamay sa suot na apron. "Oh? Bakit na-late ka yata?"
Nagkibit-balikat ako. "Kumain kami ni Ace sa labas."
"Akala ko ba hiwalay na kayo n'on?" tanong ni Papa na nasa screen ng tablet.
Ngumiti ako. "Kumain lang. Wala na, tapos na talaga."
Tumango-tango si Papa. "Basta't huwag kang magpapakasal nang basta lang, anak. Bata ka pa naman. Pag-isipan mong mabuti ang desisyon na 'yan dahil mahihirapan ka nang sobra sakali na magkamali ka."
Tumawa ako bago naupo. "Sus! Bakit? Nahihirapan ka ba ngayon kay Mama?"
Tumawa silang dalawa. "Ang kapal naman niyan kapag sumagot ng oo!" bulyaw ni Mama.
"Nako, Solari, anak. Sobrang gaan sa buhay maging asawa ng mama mo." Ngumiti siya sa akin. "Sana makahanap ka rin ng taong magpapagaan ng buhay mo sa haba ng panahon, tulad namin ng mama mo."
Napangiti na lang ako bago nakipagkwentuhan sa kanilang dalawa. Hanggang sa naghain na ng pagkain sa lamesa si Mama, hindi pa rin nila pinapatay ang video call. Kumakain na rin si Papa kahit na nasa Qatar siya. Pakiramdam ko palagi, tuwing ganito ang nangyayari, parang magkakasama kami.
"Akalain mo 'yon, dalawa na ang guro sa pamilya natin!" masayang sabi ni Mama kay Papa. "Hindi ko talaga akalaing magiging teacher din 'yang si Caleb! Hindi ko mahulaan noon kung anong gusto sa buhay. Sa huli, naging teacher din."
Napangiti ako dahil kahit ako, hindi ko talaga naisip 'yon.
"Tingnan mo itong si Solari, nakipag-away pa ako r'yan noon dahil tutuparin niya raw ang pangarap ko! Akala niya yata, nagbibiro ako noong hindi ko siya pag-aaralin kapag Education ang kinuha niyang kurso. Aba, kinuha nga ang gustong course pero sa huli, naging teacher pa rin!"
Nagtawanan kaming tatlo nang dahil do'n.
"Bakit, 'Ma? Nagagawa ko pa rin naman ang gusto ko habang tinutupad ang pangarap mo."
Tumingin sa akin si Mama nang medyo nangingilid ang mga luha. Ngumiti siya sa akin. "Kahit na. Hindi mo na kasi ako dapat iniisip. Buhay mo 'yan, eh. Pangarap mo dapat ang sinusunod mo, anak."
"Tama ang mama mo, Solari. 'Wag mo na kami masyadong isipin. Gawin mo lang ang gusto mo."
Ngumiti ako sa kanila. "Gusto ko naman 'tong ginagawa ko. Pangarap ko na matupad ang pangarap ni Mama. Okay naman ako, nakakapagsulat pa rin ako at nakakagawa ng mga story. Nakagawa na rin ako ng sariling aklat. Ano pa bang mahihiling ko? Hitting two birds with one stone 'to!"
Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan hanggang sa natapos kaming kumain ng hapunan. Pinagpahinga na ulit ako ni Mama at siya na ang naghugas ng mga pinagkainan. Siyempre, kausap niya pa rin si Papa.
Grabe, miss na miss ang isa't isa. Wala pa yatang isang buwan simula nang bumalik ng Qatar si Papa, eh.
Pero sana nga . . . tama si Papa. Sana, mahanap ko rin yung taong magpapagaan ng buhay ko sa haba ng panahon . . . tulad nila ni Mama.
***
Nang mga sumunod na mga buwan, pinagpatuloy ko lang ang pag-aaral ng MA at pagtatrabaho. Nag-iipon din ako dahil gusto ko ulit mag-produce ng aklat since marami ang nagre-request, gaano man daw kapangit ang ending. Kahit kasi payment first basis, kailangan ko pa rin talaga ng malaking puhunan.
Kung bakit ba naman kasi ang hirap nang makapagpasa ngayon ng manuscript sa iba't ibang publishing house. Parang dati, hindi naman. Sana pala, noon pa ako nagpasa ng manuscript at hindi masyadong nagpakalugmok sa break up namin ni Klein kahit na wala naman na kaming relasyon noong mga oras na 'yon.
Isang araw, habang naghihintay ako ng bus na masasakyan pauwi, pumatak naman ang ulan. Nagmadali akong pumunta sa waiting shed para sana sumilong pero hindi pa ako nakakarating doon, naramdaman ko nang hindi na ako gaanong nababasa ng ulan.
Nag-angat ako ng tingin at nakitang may payong nang nagko-cover sa akin. Lumingon ako sa may hawak n'on at nakita si Klein, bahagyang humihingal habang nakatingin sa akin.
"Hindi ka nagdadala ng payong?" tanong niya.
Bahagya akong ngumiti bago nag-iwas ng tingin. "Nasa . . . faculty."
Tumango siya bago kami nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa waiting shed, kasama ang ibang mga estudyante na naghihintay rin ng mga sasakyan nila pauwi.
"Wala ka bang sundo ngayon?"
Napalingon ako sa kan'ya. "Huh?"
Nagkibit-balikat siya bago isinarado ang payong. "Boyfriend mo. Hindi ka sinundo ngayon?"
Bahagya akong tumawa. "Apat na buwan na akong walang boyfriend, Mr. Olivarez."
Napalingon siya sa akin nang dahil do'n. "Huh?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya. "Bakit mo alam na hinahatid-sundo niya ako?"
"H-Huh?" Lumingon ako sa kan'ya, bahagyang nakangisi. Nakita ko ang sunod-sunod na paglunok niya habang paulit-ulit na iniiwas ang tingin sa akin. "N-Nakikita ko . . . lang."
Tumawa ako nang mahina bago ibinalik ang tingin sa harap. "Ikaw? May sinusundo ka ba dito?"
Tulad ko, hindi naman tumigil magmahal si Klein. I've seen him date women for the past four years. It hurt the first time pero alam ko naman na ako yung naunang magbukas ng pinto sa ibang tao kaya hindi na dapat ako masaktan.
Sa paglipas ng mga taon pagkatapos n'on, natutunan ko na lang din maging masaya para sa kan'ya sa tuwing nakikita siyang maayos kahit iba na ang kasama niya.
"Wala naman." Tumawa siya. "Sakto lang na nakita kita dito kaya . . . bumaba ako."
Tumango-tango ako. "What happened to your . . . girlfriend?"
He chuckled. "Iniiwan naman ako palagi."
Napalingon ako sa kan'ya. "Bakit naman?"
Bahagya siyang ngumiti, deretso pa rin ang tingin sa harap. "Hindi ko alam." He chuckled once again. "Parang nasa iba pa raw ang isip ko, sabi n'ong huli."
Napatango ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Lumunok ako bago nagsalita ulit. "Bakit kasi . . . hinahayaan mong maramdaman nila 'yon?"
He chuckled. "Ewan ko. Bakit nga ba?"
Nang lumingon ako sa kan'ya, nakita kong nakatitig siya sa akin. Magsasalita pa lang sana ako nang muli siyang magtanong.
"P'wedeng humingi ng favor?"
Napakunot-noo ako. "Ano 'yon?"
May kinuha siya sa sukbit na bag. Napaawang ang bibig ko nang makita ang pamilyar na aklat na hindi ko naman p-in-roduce para bilhin ng readers ko! Bakit siya may kopya niyan?! Lima lang ang kopya niyang sa buong mundo! Dalawa sa university, isa kay Miss Loisa,isa sa akin at isa kay Eureka!
Bakit mayro'n siya ng book na A Kiss To Reminisce?!
"P'wedeng papirma . . . Miss Author?"
Lalong umawang ang bibig ko. "S-Saan mo nakuha 'yan?!"
Tumawa siya. "Sa library ng university, matagal na. Pinilit ko lang si Miss Loisa na ibigay sa akin yung isang kopya. Mabuti pumayag."
Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. "B-Bakit kasi . . ." I sighed. "Nakakainis 'to."
Tumawa siya nang mahina. "Sige na, matagal ko nang gusto papirmahan sa 'yo 'yan, eh. Naluma na nga yung itsura kasi palagi kong binabasa."
Mabilis na nag-init ang buong katawan ko sa kahihiyan nang dahil do'n. Gusto ko na lang tumakbo paalis at magpakalunod sa malakas na ulan!
"Sa totoo lang, sobrang pangit ng ending. Authors have the power to manipulate the story, but instead, you chose violence and ended it with the male lead, stomping on the protection ring." He chuckled. "Sobrang pangit ng ending, sana ginawa mo na lang happy ending."
Tumingin ako sa kan'ya, bahagyang nakanguso. "It won't be realistic anymore."
He smiled. "Bawal bang mag-time skip? P'wede naman siguro na . . . nagkita ang protagonist at male lead years after . . . had a happy life together as they both reminisce their senior high school love affair."
Nag-iwas ako ng tingin dahil do'n. Hindi ko alam kung bakit gusto kong ngumiti ngayon dahil lang sa sinabi niya. Para akong tanga, hinuhusgahan na nga yung sinulat ko in my fucking face, tapos nagsa-suggest pa ng alternative ending dahil sobrang pangit daw ng ending na ginawa ko . . . at nakukuha ko pang ngumiti?!
"Sige na . . . pirmahan mo na."
Nagbuntonghininga na lang ako bago kumuha ng ballpen sa bulsa ng handbag at kinuha sa kan'ya ang aklat. Pagkabukas ko n'on sa dedication part, napatigil ako dahil may nakasulat. Sulat-kamay niya 'yon. Kilalang-kilala ko ang sulat-kamay niya. Napalunok ako bago binasa 'yon.
Solari Dominguez - Olivarez
"I love you" does not best describe how I feel for you.
- Justine Klein Olivarez
May nakalagay din na date sa ilalim nito. Hindi na kami nag-uusap noong mga panahong isinulat niya 'yon pero parang . . . hindi pa rin ako makapaniwala.
Inialis ko ang tingin doon at nagsimula nang sulatan ng dedication at sign sa ibabang parte ng page. Inilagay ko rin ang date para sa araw na ito.
Klein,
I hope you enjoyed reading it multiple times despite its very bad ending.
- Sol ❤️
Matapos n'on, ibinalik ko na sa kan'ya ang aklat. "Oh, ayan."
Tumawa siya. "Thanks, Miss Author."
Umirap ako sa kan'ya at hindi na siya pinansin pa. Tahimik kong pinaglaruan ang index finger ko katulad ng palagi kong ginagawa sa tuwing kinakabahan ako. Pakiramdam ko nga, kulang ito ngayon dahil parang sasabog ang dibdib ko ngayon dahil lang sa nabasa ko!
Bwisit na 'yan.
"Solari—"
"Oh, ano na naman?" kinakabahang tanong ko.
Tumawa siya. "Itatanong ko lang sana kung . . ." He gulped. ". . . kumain ka na ba?"
Napakunot-noo ako bago tumawa nang mahina. "Bakit? Hindi pa."
Ngumiti siya. "Ako rin, eh."
Ibinalik ko ang tingin sa harap. "Gutom ka na ba?"
"Oo." He chuckled slightly. "Kain . . . tayo?"
I smiled, still not looking at him. "P'wede naman. Saan ba?"
"Hmmm . . . I'll give you choices."
Napalingon ako sa kan'ya. Nakita kong may ginagawa siya sa batok niya, parang iniaalis ang kuwintas. Ilang sandali pa, inilagay niya 'yon sa palad saka iniabot sa akin.
"Wear this ring once again . . . and we'll eat at your house."
Napaawang ang bibig ko. "Nahihibang ka na ba?" natatawang tanong ko. "Sasabunutan ako ng nanay ko kapag ibinalik kita ro'n!"
He smiled. "Ipapakilala mo ako bilang kaibigan mo lang. Makikikain . . . gano'n." He gulped. "This time . . . magkaibigan lang talaga . . . muna."
Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pag-init ng mukha ko dahil naalala ko na naman kung gaano kami kapusok four years ago para mag-sex kahit mag-ex lang naman kami!
"Kung . . . ayaw mo naman, isusuot ko ulit sa akin 'tong kwintas pero . . . kakain pa rin tayo . . . sa labas. Kahit . . . saan mo gusto. Gano'n."
I smiled a little.
Ito yata yung hindi ko naranasan kay Ace. Yung mabigyan ng chance na mamili. Lahat kasi para sa kan'ya, planado na. Mga gagawin sa isang araw, isang linggo, isang buwan. Pati yung mga gusto niyang mangyari kung sakali raw na kasal na kami. Napaka-choleric.
"Take your time. Umuulan . . . pa naman."
Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan. Malakas pa nga ang ulan at mukhang mamaya pa titila dahil madilim pa rin at makapal ang mga ulap. Gusto ko sanang hintayin yung pagtila ng ulan bago magdesisyon, pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon.
Humarap ulit ako sa kan'ya at sadyang ipinakita ang pagkuskos ng kuko ko sa daliri.
"Sa tingin mo, kailangan ko na bang bumili ng fidget ring? Hindi na kasi nawala itong mannerism na 'to," patay-malisya na tanong ko.
Umawang ang bibig niya. "H-Huh?"
Nagkibit-balikat ako bago kinuha sa palad niya ang protection ring ko noon na ginawa niyang pendant.
"P'wede rin palang huwag nang bumili, 'no? Akin na lang ulit 'to?"
Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago ngumiti nang malawak saka kinuha ulit ang singsing sa akin. Siya na ang nagsuot n'on sa kaliwang index finger ko.
"Bagay na bagay talaga sa 'yo." He chuckled.
I smiled. "Thank you." I looked at him once again. "So, friends? Again?"
He smiled as he extended his arm, asking for a handshake. "Friends . . . for now?"
I chuckled before accepting his hand. "Okay, then. Friends . . . for now."
"Saka na lang kita liligawan. Gusto ko munang . . . maging kaibigan ka ulit."
I laughed, nodding. "Ako rin."
Maybe it's just a right thing to do . . . to be just friends with him again . . . to take our time and be comfortable with the slow process.
The happiness I felt when he asked me to be friends first was very genuine. I know that the love I had for him was still there. I kept it and took care of it like a golden treasure. I never really tried unloving him because I know, he does not deserve it.
Loving him before has been one of the best decision I've ever made in my whole life. And even though it caused me so much pain, I still did not regret anything. Sa kan'ya lang naman ako naging masaya nang totoo . . . sa kan'ya lang ako nagmahal na walang naramdamang pagsisisi kahit na kaunti.
The story I wrote about us, ending at the part where we're both hurting . . . parting ways carrying our shattered hearts. After that, I've never—ever—wrote a good ending to make my readers satisfied. They all said that I wrote the worst ending but they still love the story anyway.
But the new story that Klein and I will be writing together now . . . it feels like it'll finally have the best ending that I could ever write in my whole life.
No . . . it does not only feels like. I am sure, this time, we'll have the best ending that everyone will ever love.
- THE END -
☀️🌙
Started writing: October 08, 2021
Finished writing: March 15, 2022
☀️🌙
(*・∀・*)人(*・∀・*)
Tapos na po ang story ni Solari and Klein! Hanggang dito na lang talaga! Pasensiya na, ito lang talaga ang kinaya ng aking powers. xD
Sana po nagustuhan pa rin ninyo. Open ending because for me, this is what best suits this whole story.
Wala po itong season two. Stand alone po ang lahat ng story under habit series. I hope that you'll respect my decision on writing an open ending for this story. Promise, as a writer, for me, this is the best ending for the both of them.
We don't want another rushed love like they had when they first fall in love with each other, right? Hehehe.
The only thing I can offer for you is a special chapter with Klein's POV and never-before-seen scenes pero this is only possible for the physical book. Like what I did to Cigarettes And Regrets. Hahaha. Pero anong malay ninyo? Baka mag-iba ang ihip ng hangin. Hmm . . . char.
Thank you again! I hope you enjoyed the whole story. Love ko kayong lahat! <3
Kita-kita na lang po tayo sa story ni Calista and Fierro! That story will be one of my favorite. Feeling ko, it will be the best book out of the three stories under habit series. It has one of the best prompts I've ever had and I will do my best to write it the best way I can do. Hihi.
Sana po suportahan n'yo rin po 'yon.
Maraming maraming salamat po ulit sa pagsuporta! Mahal ko kayo. Mwa! ♥
-mari 🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top