Chapter 58

   

   

"Mukhang napapadalas ang paglabas ninyo ni Klein, ah?" unang sinabi ni Mama oras na matapos kaming magdasal bago mag-breakfast.

Tumikhim ako bago sumubo ng pagkain. "H-Hindi naman, 'Ma."

It's Thursday today. It's been a few days since Klein and I went to the Kart City Tarlac and since then, hindi ko na ulit binuksan ang topic ng tungkol sa aming dalawa.

I was afraid to know and to confirm that he doesn't want me back . . . yet. Well, he may be planning in the future but it still hurts me now that he's contented with being just friends with me.

After all the kisses we shared and the making love we did a few weeks ago . . . kontento pala siyang maging kaibigan lang ako.

"Siya rin ba yung naghatid sa 'yo noong . . . sobrang na-late ka ng uwi?"

Muntik na akong masamid dahil sa itinanong ni Mama. Bwisit na 'yan, kababanggit ko lang sa isip ko, naitanong naman niya kaagad ang tungkol do'n!

Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin. "Oo, Mama." I gulped. "Bakit pala?"

"Boyfriend mo na ba ulit 'yon?"

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "H-Hindi! Mama, lumalabas lang naman kami! M-Magkaibigan lang kami ngayon!"

Mabilis na magbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina, curious lang talaga siya, ngayon parang galit o dismayado siya sa akin.

Bakit? Gusto niya bang magkabalikan kami ni Klein?

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago uminom ng tubig.

"Sigurado kang lumalabas lang kayong dalawa?" tanong niya nang nakaangat ang kaliwang kilay. Hindi ako nakasagot. "Kung hindi naman pala kayo magbabalikan, bakit nagkikita pa kayo ng hanggang gabi at lumalabas, pumupunta sa kung saan nang kayong dalawa lang ang magkasama?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa biglaang pag-iba ng tono niya. "Mama, ano bang gusto mo? Magkabalikan kami? Hindi kasi, Mama. Magkaibigan lang kami."

Muli siyang nagbuga ng malalim na buntonghininga. "Hanggang saan kayo dadalhin ng pagkakaibigang sinasabi mong 'yan, Solari?! Matalino ka! Alam mo kung anong tama at mali! Sa tingin mo, tama 'yang ginagawa ninyo ha?!"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit biglang naging ganito si Mama ngayong umaga samantala maayos naman siya makitungo sa akin kanina. Bigla na lang siyang nagagalit nang wala namang dahilan.

"Mama . . ." I sighed. "Ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba nagagalit? Hindi ko maintindihan. Ipaliwanag mo naman sa akin," mahinahong saad ko.

Humigpit ang hawak niya sa kutsara't tinidor bago padabog itong binitiwan, dahilan para mapapikit ako nang mariin. Itinuon niya ang buong atensyon sa akin habang tinititigan ako ng galit niyang mga mata.

"Kilalang-kilala kita dahil anak kita. Hindi ko man alam ang ginagawa mo sa lahat ng oras, alam ko kung kailan ka nagsisinungaling sa akin, Solari." She gulped. "Matalino ka! 'Wag mong ibaba ang dignidad mo para sa isang taong hindi ka kayang panindigan!"

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung bakit parang mas kinabahan ako ngayon matapos marinig ang sinabi niya. Para akong aatakihin sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Tumingin siya sa kamay kong may suot ma singsing bago ibinalik ulit sa akin ang tingin.

"Kung mananatili kang kaibigan lang sa mga gan'yang klaseng tao, tumigil ka na. Itigil mo na ang lahat ng mayroon sa inyo ni Klein kung wala rin naman kayong patutunguhan!"

Mabagal na umagos ang luha ko sa pisngi nang dahil do'n. "H-Hindi ko pa rin po maintindihan." I sobbed.

Nagbuntonghininga siya. "Alam ko kung anong ginagawa mo kasama ang lalaking 'yon!" she shouted. "At hindi ko gusto na magkaibigan lang kayo pero ginagawa ninyo 'yon!" Hinampas niya ang lamesa kasabay ng pagtayo, dahilan para muli akong mapapikit. "Bakit ibinababa mo ang sarili mo para sa kan'ya?! Bakit hinahayaan mong gawin niya 'yon sa 'yo?!"

Right . . . she's talking about what happened between me and Klein. Hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yon pero sa ngayon . . . takot na takot ako.

Takot na takot ako sa mga maririnig ko.

Yumuko ako at umiyak nang umiyak. "I-Isang beses lang po—"

"Isang beses ngayon, pero noon hindi!"

Mas lalo akong napaiyak dahil totoo nga . . . alam ni Mama ang lahat ng tungkol sa akin.

"Tayong dalawa lang ang magkasama sa bahay na 'to! Pareho tayong babae! Sa tingin mo, hindi ko malalaman? Sa tingin mo, hindi ko kayang basahin ang bawat galaw mo?"

Itinago ko ang dalawang kamay sa ilalim ng lamesa at nagsimulang paikutin ang bulaklak ng singsing habang nanginginig ang mga kamay.

"Hinayaan kita noon kasi alam kong ibinigay namin sa 'yo ang kalayaan para magdesisyon para sa sarili mo. At alam kong alam mo ang tama at mali kaya nagtiwala ako sa 'yo sa kabila ng lahat ng takot ko." She paused. "Pero ito, hindi ko matatanggap ito, Solari! Hindi ka makikipagtalik sa taong kaibigan mo lang naman!"

The small flower on my ring was not enough to protect me because as soon as I heard Mama shout the last thing she said, my fingers automatically found my skin and scratched it so hard, it turned red and slowly bled. I continued crying.

"Hindi kita pinag-aral para ibaba ang dignidad mo sa isang taong hindi ka kayang panindigan! Kung hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa 'yo, itigil mo na 'yan! Layuan mo na ang lalaking 'yan kung ayaw mong ako pa ang gumawa ng paraan para siya na ang lumayo sa 'yo!"

In that instant, fear embraced my whole body. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Mama . . . hindi ko na po ginagawa 'yon kasama siya."

"Ginawa mo na! At hindi malabong maulit 'yon!"

Umiling ako. "Hindi ko kayang layuan si Klein. Mahal ko pa po siya. M-Mahal niya rin ako."

Humugot siya ng malalim na buntonghininga bago muling sumigaw. "Solari, wala kayong relasyon! Kung talagang mahal ka ng lalaking 'yan, hinding-hindi siya magdadalawang-isip na balikan ka bago ninyo ginawa ang bagay na 'yon ulit! Mag-isip ka! Tumigil ka sa kahibangan mo dahil hindi ka namin pinag-aral para magpakatanga sa lalaki lang!"

Uming ako nang umiling dahil do'n.

"Hindi ko alam kung bakit ngayon ka pa nagkaroon ng pakialam." I sobbed. "Noon naman, kapag kailangan kita, lagi kang nandoon sa bahay ni Caleb kasi nag-aalala ka sa kan'ya. Kasi mas okay ako kaysa sa kan'ya, sabi mo. Mas kailangan ka niya. Kasi nand'yan ka naman at madaling tawagin kung sakaling kailangan kita. Si Caleb, hindi. Si Caleb, walang magulang na kasama. Kaya ibinibigay mo sa kan'ya yung mga atensyon at pagmamahal na hindi naibigay sa kan'ya ng mga magulang niya."

Pinunasan ko ang pisngi na basa ng luha pero nabalewala rin ito dahil muli itong nabasa.

"Kapag nali-late ako ng uwi kasi may extra activities na ginawa sa schoo, kung may project na ginawa sa bahay ng kaklase ko o kung hindi naman, kapag may mga practice, lagi akong nagmamadaling umuwi para maabutan yung dinner time kasi sinabi kong uuwi ako . . . kasi gusto kong sabay tayo kumain. Pero tuwing mangyayari 'yon, lagi kang wala. Lagi akong kumakain mag-isa dito habang ikaw, kasama siya doon."

She took a deep breath. "Solari! Hindi ba't napag-usapan na natin 'to?"

I heaved a deep sigh. "Alam ko, Mama! Na mas kailangan ka niya noong mga oras na 'yon! Pero hindi porke mas kailangan ka niya, hindi na kita kailangan!" I sobbed. "Kapag wala ka dito sa bahay, wala rin akong magulang na kasama! Wala si Papa, nasa abroad at komplikado ang time difference. Hindi ko rin masyadong makausap kahit na gusto ko! Parang wala rin akong magulang tulad niya!"

I harshly wiped my tears away as I continued talking.

"Kapag ikaw naman ang kausap ko, sa halip na i-comfort mo ako, kagagalitan mo pa ako't sisisihin sa lahat ng pagkakamali ko . . . na para bang hindi ko pa alam 'yon. Palagi mo na lang ipinapamukha sa akin na mali ko, na kasalanan ko kaya nangyayari ang mga bagay na 'yon. Sa tuwing nagkakasakit ako, lagi mo rin akong sinisisi kahit na ang unang kailangan ko, alagaan mo ako."

Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin.

"Ang problema sa 'yo, Mama, nagagalit ka kaagad. Hindi ka muna magtanong kung ano yung buong nangyari. Sumisigaw ka kaagad. Nagsesermon ka kaagad. Hindi naman 'yon ang kailangan ko ngayon." I covered my face as I cried more. "Nasasaktan ako ngayon, Mama, pero bakit ang una mong sinabi . . . ibinababa ko ang dignidad ko para lang sa isang lalaki?"

"Dahil 'yon ang pinapakita mo!" matigas na saad niya.

Ibinaba ko ang mga palad at muling tumingin sa kan'ya. "Yun lang ang tinitingnan mo, Mama!" I looked down. "His psychological battles became worse because of me. He lost me because I gave up easily, two years ago. Ngayon, hindi ko kayang . . . bitiwan ulit siya nang gano'n lang kasi natatakot na akong magkamali ulit. Kasi mahal ko pa yung tao at gano'n din siya sa akin."

Sobs continuously went out of my mouth as I talked. "Oo, mali nga siguro ako noong ginawa ko 'yon kasama siya pero consensual 'yon! Hindi kami lasing pareho! Nagtanong siya kung gusto ko pa bang ituloy o 'wag na lang pero sabi ko, gusto ko! Na gusto ko mangyari 'yon!"

I cried more as I tasted the tears on my lips.

"Hindi ko ibinaba ang dignidad ko para sa kan'ya. Walang nawala sa akin, Mama. Hindi bumaba ang dignidad ko dahil lang ibinigay ko ang pagkababae ko sa taong mahal ko. Wala akong tinapakang tao sa naging desisyon ko. Wala kaming niloloko. Wala akong pinagsisihan dahil ginusto ko, Mama. Kahit mali sa paningin ng lahat . . . wala akong pinagsisihan kasi mahal ko yung tao. Label lang naman yung wala sa amin, pero kami pa rin naman yung taong nagmamahalan . . . two years ago."

I sniffed, wiping the tears on my cheeks.

"Wala rin problema sa akin kung aalagaan mo si Caleb na parang isang tunay na anak pero kung gagawin mo 'yon . . . hindi ba p'wedeng dito na lang siya tumira? Hindi ko kasi kaya nang wala ka dito, Mama. Hindi ko kaya nang hindi ka nakikita nang matagal habang nandito ako sa bahay. Hindi ko kaya nang ako lang mag-isa dito, Mama."

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya matapos kong sabihin 'yon.

"Hindi ko kaya hindi dahil ayaw kong gumawa sa bahay. Hindi ko kaya nang mag-isa dito . . . nang hindi ka nakikita. Kasi . . . kasi nanay kita." My voice broke. "Y-Yun lang naman yung gusto ko, yung makita ka dito pagkauwi ko kahit na palagi mo akong dinidiwaraan sa lahat ng maliliit na pagkakamali. Walang p-problema sa akin kahit mag-alaga ka pa ng marami basta nakikita kita palagi dito, Mama. Yun lang naman yung pinupunto ko noon na hindi ko maipaliwanag nang mabuti."

Pinunasan ko ang mga luha bago tumayo at isinukbit ang bag.

"Hindi ko po lalayuan si Klein. Hindi ko kayang sundin 'yan, Mama. I've done him wrong enough. I can't leave him just like that. And I love him. I'm staying with him. I'm sorry."

Hindi ko na tinapos pa ang breakfast na hindi ko man lang napangalahati. Nagmamadali akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep saka sumakay doon. Nagbayad ako ng oamasahe papunta sa bahay ni Klein.

Nang makarating, bumaba na ako at naglakad papunta sa bahay niya. Habang ginagawa 'yon kinuha ko ang cellphone saka siya tinawagan. Pinakinggan ko 'yon na mag-ring nang mag-ring pero hindi niya sinasagot. Isang beses ko pa ulit siyang tinawagan at pinakinggan ang pagri-ring sa kabilang linya bago ako makalapit sa bahay niya.

Lumabas siya ng gate kasama ang isang lalaki. Mukhang nagkukwentuhan pa sila habang yung motor niya, naka-park sa labas. Nakita ko na tiningnan niya ang cellphone na hawak pero hindi niya pinansin ang pagtawag ko. Ibinulsa niya ito bago iniabot ang susi sa lalaking kasama.

Muling bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari noong senior high pa lang kami. Noong hindi niya pinapansin ang mga tawag ko kahit na naririnig at nakikita naman niya. This time, parang ipinakita sa akin nang harap-harapan yung mga dating naiisip ko lang.

Tatalikod na sana ako dahil nararamdaman ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko nang mapatingin siya sa akin. Umawang ang bibig niya bago tiningnan ang hawak kong cellphone. Bahagya akong ngumiti bago lumapit sa kan'ya. Ibinalik ko na sa bulsa ang cellphone na hawak kanina.

"M-May bisita ka pala . . ."

Napalingon sa akin ang lalaki na medyo mataba at matangkad . . . pero mas matangkad pa rin si Klein. Natural siguro 'yon sa pagiging six-footer niya.

"Ohh? Bata mo?"

Napaangat ako ng tingin sa lalaki. "Huh?"

Bahagya siyang tumawa bago tumingin ulit kay Klein. "Girlfriend mo?"

Tumingin ako kay Klein. Nakita ko kung paano umawang ang bibig niya, saka isinarado ulit ito bago lumunok. Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya bago sumagot sa tanong na hindi para sa akin.

"Ex. Ex-girlfriend."

Napalingon sa akin ang lalaki. "Ohh, you must be Solari!" Ako naman ngayon ang napaawang ang bibig. Tumawa siya bago naglahad ng kamay. "John. Ako si John. Pinsan ni Klein."

Tinanggap ko na lang ang kamay niya bago ngumiti.

"Hihiramin ko lang ang motor niya, nasiraan kasi ako, kailangan ko lang sa trabaho. Ibabalik ko rin naman mamaya kapag nakuha ko na sa pagawaan ang sasakyan ko," pagpapaliwanag niya.

Ngumiti ako bago iginalaw-galaw ang kamay para patigilin siya. "Hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin!" I laughed awkwardly as I looked at Klein who's not looking at me anymore. Ibinalik ko na ang tingin kay John. "You can do whatever you want with Klein, I don't need any explanations."

Ngumiti siya saka tumango. "Oh, sige. Maiwan ko na kayo." Lumapit siya kay Klein saka tinapik sa braso. "Sige, 'tol. Soli ko na lang 'to mamaya. Maiwan ko na kayo."

Tumango lang si Klein saka pinanood na umalis ang pinsan, dala ang motor niya. Naiwan kaming dalawa ni Klein na tahimik, hindi makatingin sa isa't isa.

"B-Bakit pala nandito ka?"

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "May gusto lang sana akong itanong."

He gulped. "A-Ano?"

I bit my lower lip before taking a deep breath. "M-Mahal mo ba ako?" Umawang ang bibig niya. "Mahal mo pa ba ako?"

Bahagya siyang ngumiti. "Oo naman, Solari. Mahal na mahal kita."

Sumaya ang puso ko sa narinig pero hindi ko maikakaila na may sakit pa rin . . . kasi mahal na mahal niya ako pero ganito pa rin kami.

"Kung . . . kung mahal mo ako . . . balikan mo na ako." My eyes heated when he shut his mouth, looking away as I caught a glimpse of pain in his eyes. "Bumalik ka na sa akin."

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago ibinalik ang tingin sa akin. "Solari . . ."

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko kasi alam kung . . . kung ano pang hinihintay natin." Umagos ang mga luha ko matapos sabihin 'yon. "Mahal pa rin naman natin yung isa't isa pero . . . pero bakit ayaw mong bumalik sa akin? Nakapag-usap naman na tayo. Magkakilala naman na tayo noon pa. Ano pa bang dapat gawin bago tayo bumalik sa dati?"

He gulped. "H-Hindi kasi gano'n kadali."

"Magiging mas mahirap kapag hindi mo sinubukan."

Nag-iwas siya ng tingin. "P-Pumasok ka na, mali-late ka." He turned his back on me as he held the handle of the gate. "Hindi kasi ako papasok ngayon at . . . hindi kita maihahatid. Wala akong motor." Muli siyang lumingon sa akin. "Sa . . . susunod muna tayo mag-usap. I'm . . . I'm really sorry."

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang pinapanood siyang humakbang papasok sa loob ng gate. Isasarado na sana niya 'yon nang magsalita ako.

"It's been two years and you're still isolating yourself whenever you don't feel like meeting or talking to anyone. You are still the same person I gave up on, two years ago. You're still doing that same thing you did that made me leave you."

I harshly wiped my tears away as I sniffed.

"You're still no better than the person who used to be, Klein. But I will wait until you finally decide to open your door and talk to me. This time, I will not give up on you easily."

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top