Chapter 55

  

The following days, wala pa ring pinagbago sa mga nararamdaman ko.

Ginagawa ko pa rin naman ang mga dapat gawin. I’m still studying, taking my birth control pills regularly, then completing my reaction papers. Ang hindi ko na lang yata magawa, tapusin ang short story na deadline na in two weeks. 

Feeling ko nga, hindi ko na alam kung paano ko itutuloy sa dami ng tumatakbo sa isip ko, eh.

Habang naghihintay ako ng jeep pauwi, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko ‘yon at binasa ang text mula kay Eureka.

Eureka:
Busy u later?

I replied.

Me:
Hindi naman. Bakit?

E

ureka:
Punta ka sa bahay ni Gilbert! Chika chika lang. Hehe

Me:
Magbibihis lang ako.

E

ureka:
‘Wag na, hindi ka naman nag-u-uniform! Kung gusto mo pahiramin na lang kita dito!

Napailing na lang ako at sinabing sige saka ibinalik sa bulsa ang cellphone. Sumakay na ako ng jeep at nagbayad hanggang sa babaan nila Gilbert. Makalipas ang mahigit sampung minuto, bumaba na ako sa harap ng subdivision saka naglakad papasok.

Nang makarating sa harap ng bahay nila Gilbert, nag-doorbell kaagad ako. Habang naghihintay na pagbuksan, napalingon ako sa motor na paparating. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagpa-panic ko dahil kahit na ilang beses lang akong nakasakay do’n, kilalang-kilala ko ‘yon!

Papaalis na sana ako nang biglang bumukas ang gate, kasabay ng paghinto ng motor sa gilid ko. Nagtanggal siya ng helmet bago iginalaw ang ulo, kasabay ng paggalaw ng buhok niya, bago ako nag-iwas ng tingin.

Ano bang iniisip ni Eureka?!

Tumikhim ako bago naunang pumasok. Dumeretso ako sa loob ng bahay dahil base sa text, nandoon daw si Eureka.

Pagkarating ko ro’n, nandoon nga siya, kumakain ng ice cream! Lumingon siya sa akin saka ngumiti nang malawak habang nasa bibig pa ang kutsara. Kumaway pa siya sa akin para papuntahin ako sa kan’ya habang ako, napapairap na lang dahil hindi ko alam kung ano bang gusto nitong babaeng ‘to!

Naglakad ako papalapit sa kan’ya saka naupo sa tabi. “Bakit mo ako pinapunta?”

Ngumiti siya bago yumakap sa braso ko. “Sorry na! Na-miss lang kita!”

I sighed. “Hoy! Nagkita pa lang tayo kahapon!” Napalingon ako sa bintana kung saan kita ko si Klein na dumeretso sa garden. Ibinalik ko ang tingin kay Eureka. “Anong plano n’yo, ha?”

Bahagya siyang ngumiti bago ibinaba ang ice cream sa center table. “Gusto kang makausap ni Klein kaso hindi niya alam kung paano. Pakiramdam daw niya, may . . . misunderstanding kayo?”

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. “Wala namang pinag-usapan, bakit magkakaroon ng misunderstanding?”

She shrugged. “Maybe . . . doon sa sorry?” I didn’t answer. “Pero kung ayaw mo naman siyang kausapin, ayos lang. Nirerespeto ka naman niyan. Madalas din naman ‘yan dito the past few months, nag-iinuman sila ni Gilbert.”

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. “Madalas silang uminom?”

Bahagya siyang tumawa. “Hindi araw-araw! At moderately naman. Alam ni Klein kung hanggang saan lang siya. Hindi pa siya nalalasing at hindi pa sumosobra ang alcohol intake niya, ‘wag kang mag-alala.”

Bahagya akong napatango dahil kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag. Pero bigla kong naalala . . . noong kasal ni Eureka, marami siyang nainom!

“Medyo . . . marami siyang nainom no’ng kasal mo, ah?” I asked.

She shrugged. “Sabi naman ni Gilbert, noong umalis ka, dumeretso na siya sa guest room at natulog. Baka kaya rin wala siya the whole week after ng kasal? Baka bumawi dahil sumobra.”

Bumawi? Paano naman siya babawi n’on? Psh.

Nanatili lang ako sa tabi ni Eureka, nakikipagkwentuhan habang kumakain na rin ng ice cream. Hindi na namin masyadong pinagtutuunan ng pansin ang pinanonood dahil natuon na ang atensiyon naming dalawa sa pag-chi-chikahan, hanggang sa nakita ko na madilim na pala.

“Bakla, gabi na. Hindi ako nagpaalam kay Mama,” sabi ko habang inililigpit ang gamit.

Umirap siya. “Solari, bente anyos ka na!”

“Ano naman? Baby pa rin ako ng nanay ko!”

Tinawanan na lang niya ako bago nakipag-beso sa akin. “Mag-ingat sa pag-uwi! Ipapahatid sana kita kay Gilbert kaso umiinom. Hindi naman magaling mag-drive ‘yan.” She chuckled.

“Ayos lang, may jeep pa naman niyan. Sige, salamat sa ice cream!”

“Ingat, mahal na araw!”

Tinawanan ko na lang siya bago lumabas na ng bahay. Dumeretso ako para magpaalam na rin kay Gilbert dahil pumunta siya kanina sa living room para makipag-beso sa akin saka siya bumalik sa garden. Lumingon pa sa akin si Klein nang makita ako ro’n pero nag-iwas ako ng tingin.

“G-Gilbert, uwi na ako. Salamat!”

Umawang ang bibig niya bago lumingon kay Klein, saka lumingon ulit sa akin. “Uhh, hatid na ba kita?”

Umiling ako. “Ayaw ni Eureka na ihatid mo ako dahil nakainom ka.” We laughed. “May jeep pa naman d’yan. Sige na, uuwi na ako.”

Tumango na lang siya. “O sige . . . mag-iingat.”

Bahagya akong ngumiti bago sila tinalikuran nang hindi tinatapunan ng tingin si Klein. Hindi ko alam kung bakit para akong hihimatayin kapag napapalingon sa kan’ya. Lalo na’t naaalala ko pa yung nangyari sa aming dalawa noong huling magkasama kami . . .

At kung paano siya nag-sorry dahil do’n.

Lumabas ako ng gate at naglakad palabas ng napakatahimik na subdivision.

Sobrang boring talaga ng neighborhood ng mga mayayaman, grabe! Wala ka man lang makitang tao sa labas! OA din sa laki ang mga bahay na parang ang dami-daming tao ro’n! Sa bahay nga namin, nalalakihan na ako kahit na normal na laki lang naman, eh.

Malapit na akong makalabas ng subdivision nang may bumusina saka tumigil na kotse sa tabi ko. Napakunot-noo ako dahil kotse ni Gilbert ‘to, ah? Bakit nandito?

Tumigil ako sa paglalakad do’n, saka humarap at bahagyang yumuko, kasabay ng pagbaba ng bintana sa driver’s seat. Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagtayo nqng deretso at paghakbang palayo nang makita si Klein na nandoon.

“Tara na . . . ihahatid na kita.”

I gulped, looking away. “N-Nakainom ka.”

Bahagya siyang tumawa. “Hindi ako umiinom kanina. Si Gilbert lang ‘yon. Kaya nga malakas loob magpahiram ng sasakyan, eh.”

Napalunok ako pero hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko nga rin siya mabigyan ng tingin dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. At kahit hindi ko tingnan, alam kong naglalaro na naman ang mga daliri ko ngayon!

“Sol . . .”

Mabilis na tumayo ang mga balahibo ko kasabay ng paghigit ko sa hininga nang marinig ang boses niyang tinawag ako n’on. Lumunok ako ulit bago nagbuntonghininga. Naglakad ako papunta sa shotgun seat saka binuksan ang pinto bago sumakay sa loob. Pagkasaradong muli ng pinto, ikinabit ko na kaagad ang seatbelt nang hindi siya tinitingnan. Pagkatapos n’on, nagsimula na siyang mag-drive paalis.

Grabe, sobrang rupok ko naman! Tinawag lang ako sa pangalan na dati kong kinasusuklaman, bumigay kaagad ako!

“Uhh . . .” Napakuyom ako nang kamao na nasa kandungan ko nang marinig ang boses niya. “Gusto sana kitang . . . makausap.”

Tumikhim ako bago tumingin sa labas. “T-Tungkol . . . s-saan?” What the fuck is that stutter, Solari?!

“For the . . . last time.”

Tumawa ako nang mapait. “Tama na, h-hindi mo naman na kailangang mag-sorry. Consensual naman ’yon, Klein. Wala namang dapat ika-sorry unless you regret it.”

He took a deep breath. “I didn’t regret anything. Everything.”

Napalingon ako sa kan’ya. “What?”

He gulped as he gripped on the steering wheel tighter. “I was just sorry for kissing you . . . for making love to you after I smoke cigarettes.”

Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya. “Huh?” Wala talaga akong naintindihan sa pinupunto niya, sa totoo lang.

Lumingon siya sa akin sandali. “I am pretty sure that I told you before . . . I will not kiss you after smoking cigarettes. That I’ll kiss you before that. Hindi ba’t sinabi ko ’yon noon?”

Napaawang ang bibig ko dahil do’n.

So . . . he’s talking about something that he said two years ago? He talked about it like it was such a big deal, hindi ko na nga masyadong natatandaan ’yon!

“Ahh . . .” Bahagya akong natawa. “You used to kiss and make love to me after smoking too two years ago . . . but you never said sorry. Pati noong kasal ni Eureka, I tasted the cigarette and alcohol in your mouth, but you never said sorry, kaya . . . na-misinterpret ko.”

Bahagya siyang tumango. “That was the only chance that I have to say sorry for that. But I’m not sorry because something happened between us.”

Bahagya akong tumango. “O-Okay, then.” I sighed. “At least . . . alam ko na.”

To be really honest, it really made me feel relieved. Buong akala ko talaga, nagso-sorry siya nang dahil doon.

“P’wedeng mag . . . tanong?” I asked.

Bahagya siyang lumingon. “A-Ano ’yon?” Ibinalik na niya ang buong atensyon sa daan.

Lumunok ako kasabay ng paglalaro ng mga daliri sa kandungan ko. “Uhh . . . n-noong tayo pa, t-two years ago, p-p’wede ko bang malaman kung . . . kung saan ako nagkulang? Kung . . . sa tingin mo, ano yung bagay na h-hindi ko nagawa na dapat . . . ginawa ko?”

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, kung bakit ko tinanong ’yon. Pero alam kong huli na ang lahat dahil kahit anong bawi pa ang gawin ko, hinding-hindi ko na makukuha pabalik ang mga tanong na binitiwan ko.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya nagbuntonghininga.

“Wala akong natatandaang . . . nagalit ka.”

Napalingon ako sa kan’ya dahil sa sinabi niyang ’yon.

“Naiinis ka, nagtatampo, pero kahit kailan, hindi ka nagalit sa akin. Doon ka yata nagkulang. Yun yata yung . . . bagay na hindi mo ginawa na dapat, ginawa mo, lalo na sa kung paano kita tinrato noon.”

Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko matapos kong marinig 'yon.

“Kasi . . . ako na walang karapatang magalit, nasigawan kita. Nagalit ako dahil lang hindi mo ako sinunod. Pero ikaw, hindi na kita kinakausap, hindi pinapansin ang mga text at tawag mo, hindi nagpapakita o nagpaparamdam sa ’yo. Pero hindi ka pa rin nagagalit. Pagbalik ko sa ’yo, palaging maayos lang ang lahat. Na parang ayos lang sa ’yo na itrato ka nang gano’n kahit na . . . hindi mo naman deserve.”

Pumatak ang luha ko sa kamay na nasa kandungan ko. Mabilis ko ’yong pinunasan habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

“Feeling ko . . . kung nailabas mo yung galit at sama ng loob mo kahit na isang beses lang . . . hindi ka mapupuno. Hindi mauubos amg pasensya mo. Hindi ka . . . bibitiw. Kasi, noong binitiwan mo ako, hindi ka pa rin galit noon. Wala pa rin akong makitang galit sa ’yo. Siguro, pagod na pagod ka nang tanggapin ako nang paulit-ulit at ipakita sa aking maayos lang ang lahat pagbalik ko sa ’yo kaya ka bumitiw. Pero sana hindi mo ginawa ’yon.”

I sobbed as I wiped the tears on my cheeks.

“Hindi mo naman kailangang tanggapin ako nang may ngiti sa labi pagkatapos ng ilang araw o linggo na wala ako. P’wede mo naman akong sigawan, sampalin, sumbatan, kasi gano’n naman dapat. Hindi naman tama ang ginagawa ko sa ’yo, eh. Alam ko ’yon.”

He heaved a deep sigh.

“Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kahit isang beses, hindi mo nagawang magalit. Sa halip, tinanggap mo ako nang paulit-ulit na parang okay lang ang lahat. Kung ibang tao ’yon, sa simula pa lang, binitiwan na kaagad ako.”

Tumigil na siya sa pagda-drive pero hindi ko magawang gumalaw para tanggalin ang seatbelt at lumabas ng sasakyan kasi wala akong lakas. At isa pa, alam kong wala kami sa harap ng bahay ko.

“Masyado mo akong inintindi dahil lang alam mong hindi ako okay. Nakalimutan mo nang intindihin ang sarili mo. Hindi ka rin naman okay noon.”

Sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig ko at hindi ko na nagawang pigilan pa.

“Masyado mo akong minahal . . . hindi mo na minahal nang tama ang sarili mo.”
 

:)
 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top