Chapter 50

     


"Solari . . ."

Mabilis akong nagpunas ng mga luha nang marinig si Caleb sa loob ng k'warto ko. Tumikhim ako bago lumingon sa kan'ya nang may masamang tingin.

"Sino nagsabi sa 'yong pumasok ka sa k'warto ko?" tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay.

Bahagyang umawang ang bibig niya bago nag-iwas ng tingin saka tumikhim. "Ahh . . . pasensiya na. Sabi kasi ni Tita, i-check daw kita."

Umirap ako bago naupo pabalik sa swivel chair. "Hindi ako test paper para i-check, Caleb."

Narinig ko ang pagtawa niya. Hindi ko na nakita ang sunod niyang ginawa. Nagulat na lang ako na nasa gilid na siya ng kama ko at hawak ang yellow na teddy bear, 'yong regalo niya sa akin from Blue Magic noong eighteenth birthday ko.

"Hoy, bitiwan mo nga 'yan!" bulyaw ko.

Ngumiti siya bago ibinaba 'yon sa kama. Pinag-unan pa at kinumutan, parang tanga ampota. Naglakad na siya papunta sa study table saka naupo ro'n.

"May . . . problema ka ba?" tanong niya.

In-exit ko na ang WattNote site at nagpatugtog na lang ng kahit na ano sa YouTube. Pero bago 'yon, inialis ko na rin ang ad blocker na inilagay ni Klein noon dito.

Ano pa bang karapatan kong makinabang sa lahat ng ginawa niya para sa akin noon? Wala naman na kami.

"Marami. Gusto mo ba bigyan kita?"

Muli siyang tumawa. "Gusto kong uminom. Gusto mo akong samahan?"

Napalingon ako sa kan'ya nang dahil do'n. Nag-angat ako ng kaliwang kilay nang dahil sa sinabi niyang 'yon. "At bakit kita sasamahan?"

Nagkibit-balikat siya. "Tinatanong ko lang kung gusto mong sumama."

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. "M-Mamaya?"

"Oo." He chuckled slightly. "Dito na lang din para hindi na kita ihatid."

I scoffed before looking at him. "Hindi rin naman ako papayag na sa inyo uminom, Caleb. Tapang ng hiya mo, ah? Ikaw na nga nagpasama, gusto mo ako pa dumayo sa 'yo?"

Humalakhak siya. "Okay, then. Kumain na tayo sa baba?" he asked. "Ipinagluto ka ni Tita Esme ng paborito mo kasi pakiramdam daw niya, wala kang ganang kumain lately at mukhang may dinaramdam ka. Samahan mo siyang kumain para hindi naman sayang yung effort niya."

Nakaramdam ako ng guilt ng dahil do'n. Sumikip ang dibdib ko dahil sa dagdag na sakit na naramdaman. Nagbuntonghininga ako bago nag-iwas ng tingin sa kan'ya.

"Sige, bababa ako. Magbibihis lang ako."

Tumango siya bago tumayo saka lumabas ng k'warto. Pinatay ko na ulit ang bulok kong computer bago kumuha ng mas komportableng damit na pamalit. Nang matapos magbihis, bumaba na rin ako.

Taimtim kaming nagdasal bago nagsimulang kumain ng hapunan.

Nang matapos kumain, hindi na ako pinagawa pa ni Mama sa kusina. Lumabas naman si Caleb para bumili ng maiinom namin sa 7/11. Sana, isa lang ang bilhin niya dahil dalawa lang naman kaming iinom at sa pagkakaalam ko, nito lang din siya natutong uminom—o last year yata, no'ng nawala yung girlfriend niya.

Bumalik siya nang may dalang isang bote ng Black Label. Inayos ko na rin yung iinuman namin sa backyard dahil mas okay uminom do'n. Kung sakali man magsuka kami dahil sa kalasingan, at least nasa labas na at hindi na kami didiwaraan ni Mama.

Nagluto si Mama ng sisig. Nagdala naman ako ng chichirya sa likod at dalawang shot glass habang naghihintay sa nilulutong pulutan. Binuksan na ni Caleb ang alak saka sinalinan ang dalawang shot glass. Nakipag-cheers pa siya bago kami sabay na uminom ng una naming shot.

"Putang ina," sabi ko kasabay ng pagkalukot ng mukha sa sama ng lasa nito.

Tumawa siya. "Siguradong didiwaraan ka ni Tita Esme kapag narinig ka n'on."

I scoffed before I started eating chips. "Araw-araw naman madiwara 'yon, may bago pa ba ro'n?"

He chuckled as he poured our glass with the Black Label once again. "Kumusta ka na ba? How have you been in the past weeks?"

Napatigil ako sa pagnguya dahil sa tanong niya. Pakiramdam ko, sobrang tagal na panahon na no'ng may huling nagtanong sa akin niyan. Parang wala akong matandaan nitong mga nagdaang araw o linggo.

Kung meron man kasing nangumusta sa akin, hindi naman yung mga nagdaang linggo ang kinumusta nila. Yung naramdaman ko lang yata at that moment.

Ewan.

"Hmm . . . ayos naman."

"Then . . . p'wede ko bang malaman kung bakit ka umiiyak kanina?"

I gulped before drinking my shot. Muling lumukot ang mukha ko pero hindi na ako napamura tulad kanina. Kumain na lang ako nang kumain ng chips nang hindi na manatili ang matinding lasa ng alak sa dila ko.

"Hindi."

He chuckled. "Okay, then. Magkwento ka na lang kapag handa ka na."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Nilabas ni Caleb ang cellphone saka naghanap ng movie sa Netflix. Nakita ko pa ang wallpaper noong in-unlock niya ang cellphone. 'Yon yata yung kinukwento sa akin ni Calista last year na classmate daw niyang may mga cut sa balat.

Ang ganda naman pala. Sayang naman kung hindi sila magkatuluyan ng pinsan kong 'to.

Inilapag niya ang cellphone nang naka-landscape, nakaharap ang screen sa amin. P-in-lay niya ang Elite series.

Napanood ko na 'yan. Hmp!

"Manood na lang tayo habang umiinom, kung ayaw mo magkwento," he said while pouring our glass with the whiskey.

I chuckled. "Napanood ko na 'yan. Gusto mo kwento ko sa 'yo?"

Sinimangutan niya ako bilang tugon. Iniusog niya ang shot glass papalapit sa akin bago siya kumuha ng chips. Nasa screen na ng cellphone ang atensyon niya.

"Bakit hindi ikaw ang magkwento?" I asked.

After I found out from Calista that his girlfriend ran away more than a year ago, pumunta kaagad ako sa kan'ya kasi nag-aalala ako. Alam kong hindi naman ako ang pinakamabait na pinsan niya lalo na't ilang taon masama ang loob ko sa kan'ya dahil sa selos. Pero noong nalaman ko talaga 'yon, sobrang nag-worry ako.

Alam ko yung pakiramdam nang . . . hindi nagpaparamdam yung taong mahal mo. At alam kong mas masakit yung sa kan'ya kasi, hanggang ngayon, wala pa siyang balita tungkol sa babae.

He chuckled. "Ano namang ikukwento ko?" Ngumisi siya. "Hindi talaga ako sanay nang mabait ka sa akin."

I rolled my eyes at him. "Excuse me, mabait talaga ako, Caleb! Masyado mo lang sinagad pasensiya ko noon dahil sinosolo mo si Mama kaya kapag nakikita kita, umiinit ang bungo ko!"

"Ohh, tama na ang away! Ito na ang pulutan ninyong dalawa."

Napalingon kami kay Mama na may dalang isang bowl na puno ng sisig. Muntik na akong natawa kasi ang dami-dami! Mag-fi-film ba kami ni Caleb ng mukbang dito?!

Ibinaba niya 'yon sa lamesa bago kami tiningnang mabuti. "Huwag kayong magpapakalasing dalawa. Hindi ko kayo aalagaan, bahala kayo d'yan!"

Tumawa ako. "Hindi ako kayang lasingin ng isang bote, Mama, lalo na't may kahati pa!"

Tumawa si Caleb. "Hindi ako magpapakalasing, Tita. Gagawa pa akong activities."

Tumango si Mama. "Oh, sige. Maiwan ko na kayo r'yan." Lumingon siya sa akin. "Tawagin n'yo na lang ako sa k'warto, kakausapin ko lang ang ama mo."

Tumango ako saka ngumiti bago siya tuluyang umalis. Ibinalik ko ang tingin kay Caleb na ngayon at sinisimulan na ang sisig.

"Kumusta ka naman, Caleb?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya habang ngumunguya. "Gano'n pa rin. Pero marunong nang makisama." He chuckled.

Bahagya akong ngumiti. "Tama 'yan. Makipagkaibigan ka sa mga tao, pero 'wag na 'wag kang sasali ng frat, ha!" bulyaw ko. "Kung gusto mo ng bubugbog sa 'yo, nandito naman ako. Hindi mo kailangan 'yan!"

Parang nagulat siya sa biglaan kong pagsermon pero sa huli, tinawanan na lang ako.

"Hindi ko naman kailangan 'yon. Maayos naman ang buhay ko kahit wala 'yon."

I scoffed before drinking my shot. "Sinasabi ko lang! Talamak sa university natin 'yang pagre-recruit sa fraternity. Kapag nabalitaan kong sumali ka d'yan, ako na mismo mag-hazing sa 'yo!"

Humagalpak siya ng tawa dahil do'n.

Muli kaming binalot ng katahimikan. Ang tanging naririnig lang namin ay yung pinanonood niya sa cellphone. Uminom na lang kami at kumain nang hindi na nag-uusap pa.

Lumipas ang oras, mahigit kalahati na ang nabawas sa iniinom namin pero hindi pa rin naman ako tinatamaan. Ewan ko rito kay Caleb, medyo namumula na siya, eh. Feeling ko namumula na rin ako pero hindi ko naman makita.

"Hindi mo pa rin siya nahahanap?"

Mabilis siyang napalingon nang dahil sa tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin bago nagsalin ng whiskey sa shot glass namin.

"Hindi pa rin."

I nodded. "Feeling ko naman, okay siya. Magtiwala ka lang na nand'yan siya . . . na buhay siya. Magtiwala ka lang sa kan'ya."

Bahagya siyang ngumiti bago uminom. "Nagtitiwala ako sa kan'ya . . . tulad ng sinabi mo noon na magtiwala ako sa kan'ya . . . na magiging okay siya."

I smiled because he really did remember that thing I told him before. Nagsimula na akong kumain ng sisig nang mapatigil dahil sa tanong niya.

"Ikaw? Bakit ka umiiyak kanina?" I gulped, looking away. "Naalala ko dati, sinabi mo sa akin na hindi ka pa umiiyak sa loob ng isang taon. Na . . . gusto mong umiyak pero wala kang mailuha."

Minsan, nagtataka ako kung bakit ang dami-daming natatandaan nitong si Caleb na mga sinabi ko kahit na hindi naman talaga dapat tandaan. And then I realized, pinsan ko nga pala siya. Pareho siguro kaming may long-term memory.

I slightly chuckled before drinking my whiskey. "Natandaan mo pa 'yon?"

He smiled. "So . . . okay ka na ba? Kasi nailabas mo na yung luha na gusto mong ilabas noon."

Mabilis na nangilid ang mga luha ko. This time, ako na ang nagsalin ng alak sa mga shot glass namin. Pagkababa ng bote sa table, ininom ko kaagad ang shot bago pilit na ngumiti sa kan'ya.

"Hindi. Mas okay pa yata ako noon kaysa ngayon."

Tumawa ako pero 'yon yata ang naging cue ng mga luha ko para maglabasan. Mabilis ko rin 'yon pinunasan habang pilit na tumatawa.

"Sorry." I laughed. "Hindi ko mapigilan, sorry."

Caleb's just looking at me. Wala naman akong makitang ibang emosyon sa mga mata niya. Ang alam ko lang, medyo lasing na rin siya at malamlam na ang mga mata.

"For the past two years, I tried so hard to cry. I even thought that the reason why I couldn't do that is because . . . I-I've moved on. Na baka naubos na yung pagmamahal ko sa kan'ya." I sobbed. "Kaso . . . h-hindi."

I covered my face with both of my hands as I cried harder.

"For the past two years . . . I've been doing so well with my life without him. Samantala siya pala . . . nagsa-suffer ng inner battles niya. Nagawa ko pa siyang iwan at sukuan sa mga oras na kailangang-kailangan niya ako." Sobs came out of my mouth continuously. "I was so selfish. I don't deserve everything I have now."

Umiling siya bago nagsalin ng alak sa mga baso namin. "Hindi mo naman alam. Hindi mo kasalanan 'yon."

I shook my head. "Alam ko. Alam kong may problema na siya noon . . . na kailangan niya ng tulong. Pero sinukuan ko siya . . . iniwan ko siya dahil lang . . . dahil lang napagod ako."

He nodded slightly. "Sa pagkakakilala ko naman sa 'yo, kahit hindi tayo close, hindi ka naman basta sumusuko, Solari. I can bet everything I have that you've endured and cried enough before you finally gave up. You have your own battles too, Solari. It's not wrong to choose yourself once in a while."

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala na akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak pagkatapos n'on. I cried everything thinking that I'd be fine the next day.

But days have passed, I felt horrible still . . . and I couldn't get my energy back after finding out everything from him. I started blaming myself . . . and I don't even have the will to study anymore.

Just how can I possibly do everything I used to love doing after knowing that someone suffered even more after leaving him for choosing my own peace?

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top