Chapter 49
"I couldn't believe it myself. Hindi ko alam kung anong pinagmulan ng lahat n'on. I became curious so I went to every therapy session that I had. The psychiatrist ask me a lot of questions that I didn't even realize, kinukwento ko na pala ang buong buhay ko."
Ibinaba ko ang mga papel, kasama ang envelop, sa lamesa saka umiyak nang umiyak.
"In getting the alcoholism diagnosis, I need to have at least two out of the eleven symptoms that it has, according to the DSM-5. Solari . . ." He sighed. "I have six which means my alcoholism is severe."
Mas lalo akong umiyak nang dahil do'n. Alam ko . . . nabasa ko na ang lahat sa mga papel na ibinigay niya pero mas masakit pa rin pala kapag narinig ko 'yon sa kan'ya.
"Muntik na akong i-rehab pero . . ." He chuckled. "Pero nangako akong dadalo sa lahat ng therapy. Gagawin lahat ng treatment na kailangan at babawasan ang sobrang pag-inom ng alak. I even compromised . . . that I will voluntarily go to the rehabilitation center if ever I didn't have any changes in me."
"Bakit hindi mo ako sinabihan?" I said in my broken voice.
Tumayo siya at naglakad papunta sa harap ko. Bahagya siyang naupo bago hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"I pushed you away. I told you things I shouldn't have that day in the chem lab. Since then, wala na akong lakas ng loob pang lumapit sa 'yo. Pinangungunahan na ako ng takot . . . ng hiya." Tumawa siya nang mahina. "Nakaramdam din ako ng inggit kasi, mula sa malayo, pinanonood kita. Hindi ko man lang nakitang naapektuhan o umiyak ka nang dahil sa paghihiwalay natin, samantala ako, sirang-sira."
Umiling ako nang umiling sa lahat ng sinabi niya. "No . . ."
"Pero naiintindihan ko. Mas okay pa nga 'yon . . . na sa loob ng dalawang taon na wala tayo sa isa't isa, hindi ka na nasaktan. Hindi ka na umiyak. Mas hindi ko yata kakayanin 'yon. Siguro . . . tama lang ang desisyon mo noon na sumuko na kasi pakiramdam ko . . . natulungan ka naman ng dalawang taon na paghihiwalay natin. Natulungan tayo."
Umiling ako nang umiling sa gitna ng malakas na pag-iyak. "I'm so sorry. I'm sorry for leaving you."
Umiling siya bago inialis ang suot kong salamin saka pinunasan ang mga luha ko. "Wala kang kasalanan. Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sa text noong naghiwalay tayo?" He smiled. "You were the best. You did nothing wrong."
I cried more. "I was never the best. P-Paulit-ulit kong . . . sinasabi na n-naiintindihan kita. P-Pero noong kailangang-kailangan mo ako, iniwan at sinukuan kita."
"At nakita ko sa 'yo kung gaano mo ako kagustong lumaban para sa atin . . . pero hindi ko ginawa." Sobs continuously went out of my mouth. "Kung normal na araw 'yon, sa tingin mo ba papayag akong umalis ka? Na iwan ako? Solari . . . hindi. Noong mga oras na 'yon, alam kong pagod na pagod ka na sa akin at wala rin akong lakasan para lumaban kaya wala akong nagawa kung hindi hayaan ka. Kaya wala kang kasalanan."
"No. Hindi . . ."
He cupped my face and brushed my cheeks with both of his thumb to wipe my tears away.
"Hindi mo kasalanan na hindi ako okay. Walang may gusto n'on. Kasalanan ko kasi . . . hindi kaagad ako nakinig sa 'yo. Sinabi mo na sa akin noon . . . kailangan ko ng tulong. Pero hindi ako nakinig. Sa halip . . . minasama ko pa." He gulped. "I'm sorry that you had to go through all of those things before because of me."
Bahagya siyang tumayo saka ako niyakap. Hindi ko man lang mahawang yumakap sa kan'ya pabalik dahil wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak sa dami g sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Love . . . don't cry anymore. I'm sorry, I made you cry again."
Hearing him call me that way again hurts even more.
Dalawang taon na kaming hiwalay. Dalawang taon na kaming nabuhay nang wala sa tabi ng isa't isa. Akala ko maayos na ako. Akala ko, normal lang kabahan sa unang pagkikita at pag-uusap namin makalipas ang dalawang taon.
Pero hindi pala.
Sa loob ng dalawang taon . . . pinaniwala ko ang sarili ko na maayos na ako bago pa kami maghiwalay . . . na hindi ko na siya mahal. Hindi ko magawang umiyak noon kasi pakiramdam ko, may kulang.
Ito pala 'yon.
Ito yung kulang.
Yung paliwanag . . . yung closure . . . yung nararamdaman niya. Yung dahilan kung bakit hindi niya ako pinaglaban noong sumuko ako sa unang pagkakataon.
Ngayong nakuha ko na yung kulang sa nararamdaman ko noon, bumalik lahat ng sakit. Umiiyak na ulit ako.
Nang mapakalma ang sarili, nagpaalam na ako sa kan'yang uuwi na.
"Ihahatid na kita. May motor naman ako."
Umiling ako nang hindi siya binibigyan ng tingin. "Kaya ko. D'yan ka na lang. Salamat."
Muli akong tumalikod bago isinukbit sa kanang balikat ang bag.
He sighed as he held my wrist. "Solari . . . ako ang nagpapunta sa 'yo dito. Hayaan mo nang ihatid kita."
Nanatili lang ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Mabilis na nangilid ulit ang mga luha ko nang dahil do'n. Inialis ko ang kamay sa pagkakahawak niya.
"Magti-text na lang ako kapag nakauwi na."
Matapos kong sabihin 'yon, lumabas na ako ng bahay nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Deretso lang ang paglakad ko papunta sa sakayan ng jeep, kung saan ako bumaba kanina.
Hindi ko alam kung bakit ang sakit-sakit masyado ng nararamdaman ko ngayon. Dalawang taon na ang nakakaaan pero parang kahapon lang nangyari ang lahat tungkol sa breakup kung ipapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon, matapos malaman ang tungkol sa diagnoses niya.
Hindi ko matanggap na iniwan ko siya . . . kahit na alam ko sa sarili ko noong kami pa na may problema na siya na kailangan ng professional help.
Ang sikip-sikip sa dibdib.
Madilim na nang nakauwi ako pero nakaabot pa rin ako sa dinner. Nandoon din si Caleb tinutulungan si Mama na maghanda ng lamesa.
"Oh, nand'yan ka na pala! Hindi ka naman nag-text. Magbihis ka na't bumaba, maghahapunan na tayo," sabi ni Mama habang nagsasandok ng pagkain.
"Busog ako, 'Ma. Kayo na lang muna ni Caleb ang magsabay sa hapunan."
Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Mama. "Gano'n ba? Nagluto pa naman ako ng paborito mong afritada. Akala ko dito ka maghahapunan."
Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nagbuntonghininga na lang ako bago tinungo na ang hagdan at pumasok sa k'warto. Naupo ako sa swivel chair at napatitig sa monitor ng luma kong computer.
Itong computer . . . sira na siya at sobrang bagal na kung tutuusin pero hindi ko magawang itapon o alisin sa k'warto ko kasi . . . kasi nilagyan niya 'to ng ad blocker. Naglalaro siya dito ng League Of Legends noon, nagta-type ng para sa research project, tapos dito rin siya nagpapatugtog ng random OPM songs na hindi ako pamilyar.
I took a deep breath before turning it on.
If this was a normal day, I'd already curse a lot because of how long it took before I finally saw the app tiles on the desktop. Kaso, hindi. Pinanood ko lang na mag-loading nang mag-loading ang screen hanggang sa nire-refresh ko na nga ito nang paulit-ulit.
Ni-type ko ang website ng WattNote, kung saan ako nagpo-post ng stories at poems na ginagawa ko sa tuwing bored ako o kung gusto ko lang talaga magsulat. Practice na rin dahil tungkol naman sa pagsusulat ang kursong kinuha ko.
The past two years since Klein and I broke up, I garnered a lot of new readers and supporters. Yung dating isang libong followers lang, sampung libo na ngayon. Yung dating five-thousand reads lang, fifty-thousand reads na ngayon. I even met new readers na handang maghintay sa bawat update ko kahit gaano man katagal bago ko 'yon magawa.
Yung dating wala akong notification na natatanggap aside from readers adding my stories to their libraries, ngayon may comments na rin na nagsasabi kung gaano ako kagaling para sa kanila . . . na paborito nila ang mga story na isinulat ko.
Yung mga paboritong sinasabi nila . . . lahat ng 'yon, si Klein ang inspirasyon ko. Lahat ng 'yon . . . may parte siya.
I was able to write a good story that made my readers choose it as their favorites. I was able to improve my writing style because I never stopped writing the moment he and I broke up. I was able to have this growing platform . . . all because of him.
I bit my lower lip as I went to the "My Stories" part where I'll see all of the stories I published on this website. Inisa-isa ko ang mga story na may kinalaman kay Klein saka ito pinaglalagay sa Archived Stories.
Wala akong tinira kahit na isang story lang na may koneksyon sa kan'ya, gaano man ito kaganda para sa iba. Kahit na isa doon ang story na nagbukas ng maraming pinto sa akin para sa opportunity na makilala ng marami, in-archive ko na rin dahil pakiramdam ko . . . mali 'to.
Parang ginagamit ko siya sa sarili kong advantage. Parang . . . ginagamit ko ang lahat ng piangsamahan namin para mapunta ako sa kung nasaan ako ngayon.
I heaved a deep sigh as tears started falling from my eyes once again after seeing how little the amount of stories I have now.
Now, my readers will never have a chance to read their favorite stories again kasi . . . itinago ko na. Wala na rin akong balak na i-publish pa 'yon dahil hindi tama. Hindi ko dapat gamitin ang nakaraan namin ni Klein para sa ganitong paraan.
He suffered a lot alone because I left him . . . I gave up on him. The least thing I could do is this . . . remove the things I gained after losing him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top