Chapter 48

    

 
Hindi ko sinagot 'yon. Pinanood ko lang na mamatay ang screen ng cellphone habang itinatali ang buhok.

Kung sinagot ko 'yon, siguradong magtataka si Kuya Lirio. Sasabihin pa n'on, ang bilis kong sinagot n'ong si Klein na ang tumatawag samantala kahit isang reply sa mga text ng mga kaibigan niya noon, hindi ko talaga ni-reply-an.

Baka mamaya, ano pang isipin ng malisyosong 'yon.

Hindi na siya ulit tumawag pa pagkatapos n'on. Kahit na noong nagsisimula na ulit akong gumawa ng short story na project ko sa Creative Writing, hindi na talaga siya tumawag! Nakakain na ako ng dinner, nakaligo at nakapagkape na ulit, hindi na talaga siya tumawag!

Bwisit na 'yan. Bilis namang sumuko n'on! Ibinaba ko na ang cellphone sa side table at nagtalukbong ng kumot sa sobrang sama ng loob ko.

Matapos niya akong halik-halikan noong isang linggo . . . matapos niyang sabihing gusto at mahal niya pa rin ako . . . hindi niya ulit ako ko-contact-in. Tapos, n'ong c-in-ontact ako't sinubukan ko lang naman ang tapang niya . . . ganito gagawin.

Sinampal ko ang sarili ko dahil sa lahat ng naisip.

What the fuck are you even thinking, Solari??? Break na kayo ng tao! Naka-move on ka na sa kan'ya bago pa man kayo maghiwalay, 'di ba?! Hindi ka nga umiyak kahit isang beses sa loob ng dalawang taon na 'yon, eh. Ano naman sa 'yo kung hindi ka ulit contact-in ngayon?

Napabuntonghininga ako bago ipinikit ang mga mata. "Matulog ka na, 'wag ka nang tanga, please," bulong ko sa sarili.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagpipilit na makatulog nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Masama ang loob kong kinuha 'yon dahil nga nagpapaantok ako, tapos may magti-text naman ng alas-onse ng gabi!

Nang makita kung kanino nanggaling ang text, nanlaki pa ang mga mata ko. Tuluyan na ngang nawala ang antok ko, lalo na nang bumangon ako mula sa pagkakahiga.

+639632235929
Hi. Are you still awake?

Kumakabog ang dibdib ko habang nakatitig lang sa screen ng cellphone. Napakagat ako sa mga kuko ng kaliwang kamay dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong ire-reply ko.

Makalipas ang ilang minuto, lumunok ako bago nag-reply.

Me:
Sino ka?

Akala ko matatagalan bago siya mag-reply. Wala pa yatang thirty seconds nang ma-receive ko ang message niya!

+639632235929
Klein. :)

I gulped as I typed my reply once again.

Me:
Ohh, hi!

+639632235929
Can we talk?

Me:
Masyado nang gabi para d'yan. Hindi na ako nagpupuyat, eh.

+639632235929
I mean, tomorrow.

Nag-init ang mukha ko nang dahil do'n. Langya, masyado naman akong assuming na tatawag siya sa akin ngayon para lang makipag-usap!

Ano ba, Solari! Umayos ka nga! Ex mo na 'yan kaya 'wag ka masyadong pahalata na nagkakaroon ka na naman ng expectations! That's just absolutely wrong!

Me:
Ohh, hindi ko lang alam.

+639632235929
Uhm, sandali lang naman. Gusto lang kitang makausap ulit.

+639632235929
Kung hindi talaga pwede, I can go to your place, doon ka pa rin naman nakatira, 'di ba?

Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Hoy, Olivarez! Anong akala mo, basta-basta ka na lang makakapunta ulit dito after not showing your face—even your shadow—to my mom?! Anong iisipin ng nanay ko? Na nakipagbalikan ako sa 'yo kaya nagkikita ulit tayo?!

Hindi!

Me:
Uhh, no, 'wag please.

Me:
Importante ba? Pwede naman kitang puntahan kung sakali man...

Akala ko magiging mabilis ang reply niya this time, kaso, lumipas na ang limang minuto, saka pa lang siya nag-reply sa akin.

+639632235929
Ohh... gano'n ba? O sige, I'll just send you my new address if you insist.

Naks naman sa insist! It's not like I was the one who insisted on seeing you! Ikaw itong may gustong makipagkita sa akin!

Matapos niyang i-send ang buong address, nag-reply na ako.

Me:
Okay. What time?

+639632235929
Anytime you're free. Just text me an hour prior.

Ikaw nag-a-arrange ng meeting, tapos gusto mo, ako masunod sa oras? Ako pa pahihirapan nitong mag-isip!

Me:
Give me an exact time of the meeting, please, so I can adjust my schedule.

I chuckled after sending my reply. Feeling artista talaga, eh! Pero totoo namang busy ako! Next month, final exam na at deadline na ng short story ko sa Creative Writing!

+639632235929
Ohh... okay. Then, let's meet by 4:00 p.m. Is it okay?

Me:
Yup. Noted. See you.

+639632235929
Okay, see you tomorrow. :)

I didn't give him a reply anymore. Ibababa ko na sana ang cellphone sa side table nang mag-reply ulit siya.

+639632235929
Good night, Sol. :)

Kumabog ang dibdib ko pagkabasa n'on pero mabilis ko lang din na ibinaba ang cellphone sa side table matapos i-exit ang lahat ng application. Niyakap ko nang mahigpit ang yellow na teddy bear ni Caleb habang pinakikiramdaman ang dibdib ko.

More than a year ago, I was so sure to myself that I've already moved on . . . na ang dahilan kung bakit hindi ko man lang nagawang umiyak noong nakipaghiwalay ako kay Klein ay dahil . . . dahil okay na ako nang wala siya . . . na naka-move on na talaga ako habang kami pa.

Sigurado ako do'n, kaya nga hindi ako gaanong naaapektuhan sa tuwing nagkakasalubong kami sa loob ng university, eh. Kasi maayos na ako. Tanggap ko nang hindi kami para sa isa't isa.

Pero dahil nagkita at nagkasama kami ng isang araw . . . dahil sa halik na ibinigay niya sa akin . . . at dahil sa paulit-ulit na pagsabi niya na mahal niya pa rin ako . . . na gustong-gusto niya pa rin ako hanggang ngayon . . . parang nagulo na naman ang lahat.

Ipinikit ko ang mga mata at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa teddy bear.

🌙

Kinabukasan, pagkatapos kumain ng tanghalian, una kong ginawa ay maghanap ng damit na isusuot para sa appointment ko mamayang 4:00 p.m. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon pa talaga ako na-conscious sa isusuot ko, samantala sanay naman akong lumabas ng bahay nang naka-short at shirt lang!

"Ano ba 'yang hinahanap mo, Solari? Kanina ka pa nagkakalkal d'yan, tingnan mo, napakakalat ng k'warto mo!" malakas na sabi ni Mama habang nakasandal sa hamba ng pintuan.

"May lakad ako ng 4:00 p.m.," paliwanag ko habang itinatapat sa akin ang mga damit na nakukuha ko, tinitingnan sa salamin kung bagay ba.

"Lagi ka namang umaalis ng weekend, hindi ka naman gan'yan kakalat maghanap ng isusuot! Sino ba 'yang pupuntahan mo, ha?"

Napalunok ako bago napatingin sa sariling reflection sa salamin.

Sino nga ba si Klein para paghandaan ko nang ganito? Bakit ba ako nagkakaganito ngayon? Umaasa ba ako na . . . magkakabalikan kami dahil lang sa mga nangyari noong gabing . . . pareho kaming nakainom?

Tumawa ako bago ibinaba ang damit na hawak. "Ewan ko ba, 'Ma. Hindi ko na rin alam ang nangyayari sa akin."

Suminghap siya. "Ano bang nangyari sa 'yo? Simula nang umuwi ka noong kasal ng kaibigan mo, ang laki na ng pinagbago mo. Ang tagal kitang hindi umiyak pero simula no'n, bigla-bigla ka na lang lumuluha d'yan. May problema ka ba? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?"

Napalunok ako bago naupo sa gilid ng kama. "Wala naman."

Muling suminghap si Mama. "Sige na, maghanap ka na ng maisusuot mo. Alas-dos na ng hapon, gumayak ka na."

Matapos niyang sabihin 'yon, umalis na siya. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama habang tinitingnan ang mga nakakalat na damit sa sahig. Natatawang umiling ako bago pinagpupulot ang lahat ng 'yon saka ibinalik sa closet.

Hindi na dapat ako nagkakaganito. Ano bang nangyayari sa 'yo, Solari?

Naligo na ako at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng pastel pink na short at ni-tuck in doon ang puting V-neck shirt. Nagsuot din ako ng puting sneakers at itim at maliit na shoulder bag, lalagyan ng mga importanteng gamit ko. Siyempre, dinala ko rin ang singsing na ibinigay niya sa akin.

It's just the right time to . . . to give it back to him, right? Kung hindi niya pa rin tatanggapin, ibenta niya na lang. Hindi ko kayang tumanggap ng singsing na nagkakahalaga ng halos five digits galing sa ex-boyfriend!

Matapos makapag-ayos, isinuot ko ang bagong eyeglasses ko saka nag-spray ng pabango, bago lumabas ng k'warto. Bumaba ako sa hagdan at nakita sa likod si Mama, nagwawalis.

"Alis na ako, 'Ma."

Lumingon siya sa akin. "Sige, mag-iingat ka. Mag-text o tumawag ka kapag pauwi ka na, ha?"

"Oo, 'Ma."

Matapos kong magpaalam, naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep na daraan sa barangay kung nasaan ang address na ni-send sa akin ni Klein. Medyo malayo siya pero malapit naman sa university kaya hindi naman siguro ako maliligaw.

After thirty-five minutes, bumaba na ako sa landmark na nakasaad sa text ni Klein. Nag-text na rin ako sa kan'ya.

Me:
Naglalakad na ako papasok.

Inikot ko ang paningin sa lugar. Walang masyadong bahay. Mapuno kaya malamig ang hangin sa lugar. Ngayon ko lang nalaman na lumipat na ng bahay ang pamilya niya. Ano na kayang nangyari doon sa bahay nila dati? Sayang naman kung hindi na matitirhan pa 'yon.

Huminto ako sa harap ng bahay na may number tulad ng nasa address na bigay niya. Medyo maliit 'yon kompara sa dating bahay nila at halatang hindi pa tapos dahil may parte na wala pang pintura at hindi pa nakapalitada. Litaw na litaw pa rin ang hollow blocks doon kaya siguradong magkakaroon pa ng pagbabago ang bahay na ito kung sakali. Ang gate naman nito ay kulay cream na ngayon, hindi tulad ng sa dating bahay nila na blue.

Lumapit ako sa doorbell at pinindot ng dalawang beses. Tahimik akong naghintay na pagbuksan ako ng gate. Hindi ko na rin napigilan ang sariling kutkutin ang mga kuko habang nasa likuran ko ang mga kamay.

Ilang sandali pa, bumukas na ang gate. Iniluwa nito si Klein na mukhang bagong ligo dahil amoy na amoy ko sa kan'ya 'yon.

"Uhh . . . p-pasok ka."

Tumango ako bago pumasok sa loob. Sumunod siya sa akin bago isinarado ang gate. Naglahad siya ng kamay para papasukin na rin ako sa loob ng bahay.

Nang makarating sa loob, may nakahandang pagkain sa maliit na dining area. Inikot ko ang kabuuan ng bahay. Halos walang gamit, kung tutuusin! Sobrang laki ng diperensya nito sa una nilang bahay!

Teka, weekend ngayon, ah? Bakit wala yatang katao-tao?

"N-Nasaan sina Ate Valene at ang parents mo?" tanong ko bago naupo sa bakanteng upuan sa dining area.

Bahagya siyang tumawa bago nagsalin ng juice sa mataas na baso. "Wala sila dito." Inilapag niya 'yon sa harap ko.

Napatango ako bago hinawakan ang basong may laman na malamig na juice. "Ohh . . . lumabas sila? Kasama ang parents mo?"

Naiilang siyang tumawa bago naghila ng upuan sa harap ko, saka naupo do'n. "Hindi sila dito nakatira."

Napakunot-noo ako. "Huh? Akala ko ba nagpalit na kayo ng address?"

Bahagya siyang ngumiti. "Nagpalit na ako ng address, hindi nagpalit na kami ng address."

Gusto kong umirap sa pagtama niyang 'yon na may pag-emphasize pa pero pinigilan ko na lang ang sarili. "Ahh . . . gano'n ba?" I chuckled. "Mabuti naman, may sarili ka nang bahay."

Nag-iwas siya ng tingin bago nag-slice ng cake at naglagay sa platito. "Bahay sana natin 'to . . ."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niyang 'yon. Napahawak akong mahigpit sa bagong nasa harap ko dahil bigla kong naalala . . . may lupa nga pala siya noon. Sinabi sa akin ni Ate Valene na dito sana kami titira kapag . . . nagsasama na kami.

Tumawa ako bago uminom ng juice. Inilagay niya ang platito sa harap ko. "G-Gano'n ba?" I laughed once again. "M-Mas okay naman siguro ngayon . . . t-tutal . . . mag-isa ka. W-Wala nang gagambala s-sa 'yo."

I looked away when I realized that he's been staring at me for quite some time already. Ilang beses na rin akong tumikhim at kahit na nakabukas ang fan sa loob, ramdam na ramdam ko ang pawis sa leeg at noo ko.

"Malungkot. Hindi 'to mas okay." He chuckled.

I pursed my lips. "B-Bakit naman? Hindi ba . . . noon . . . g-gusto mo na . . . p-palaging mag-isa?" Bahagya akong tumawa. "H-Hindi ba . . . nagalit ka pa nga noon sa akin kasi . . . kasi pinuntahan kita?"

Hindi siya nagsalita. Sa halip, tumayo siya at naglakad paalis, iniiwan akong mag-isa sa dining area. Pumasok siya sa isang k'warto na hindi naman kalayuan doon at bumalik nang wala pang isang minuto.

"If you . . . if you want to know what I did the past two years that we're not together . . . this is one of the things I did after . . . after our senior high graduation."

Iniabot niya sa akin ang isang white envelop. Naka-print doon ang kulay green at malaking pangalan ng isang psychiatric clinic maging ang address nito. Sa ibaba, nandoon ang buong pangalan niya at edad.

Nanginginig ang mga kamay kong kinuha 'yon sa kan'ya.

"Tulad ng sinabi ko sa 'yo noong gabing magkasama tayo sa after-party ng kasal nina Eureka at Gilbert . . . bago ka makipaghiwalay, I was planning to . . . to get help. I want to understand myself a bit more."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko habang pinakikinggan ang paliwanag niya. Mabagal kong binuksan ang envelop at kinuha ang papel sa loob nito.

"The first few months after the breakup was the hardest for me. I couldn't even help myself, so how can I ask for someone else's?" He chuckled. "I was beyond wrecked but I couldn't do anything because I perfectly understand why those things happened to us. Everything's my fault."

Binasa ko ang diagnosis ng doctor, kasama ang ibang mga test at screening na nandoon. Hindi ko gets ang ibang medical terms na ginamit pero base sa pagkakaintindi ko, kinailangan niyang mag-therapy and medication.

"The psychiatrist told me that . . . in order to get one of my two diagnoses, I must have at least five of the symptoms. And I have six of those."

Mabilis na pumatak ang mga luha ko nang mabasa nang paulit-ulit ang diagnosis sa kan'ya.

MDD or Major Depressive Disorder

Alcoholism or Alcohol Use Disorder

Hindi na dapat ako magulat dahil ang linaw ng sintomas sa kan'ya noong kami pa pero . . . pero ang sakit sa loob mabasa nito ngayon dahil ibig sabihin . . . tama lang talaga ako noon. Nakita ko pero sa halip na tulungan siya . . . iniwan ko siya.

Hindi ko na alam kung paano patatawaryin ang sarili ko.


:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top