Chapter 47

    

     

I pushed him away as I slightly went back to my normal thoughts.

Bakit ba ako nakikipaghalikan dito? He's not my boyfriend anymore! After two years, ngayon na lang kami naging ganito kalapit tapos hahalikan niya ako nang gano'n na para bang hindi namin nasaktan ang isa't isa noon?

"A-Ano bang ginagawa mo?" I asked, looking away as my face heated.

He gulped, staring directly into my eyes. Ibinalik niya ang pagkakapatong ng dalawang kamay sa magkabilang gilid ko habang malapit na malapit pa rin ang mukha sa akin.

"Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko sa 'yo. I've lived my life without my sun that warms everything in me. I lived in the coldness . . . loneliness . . . because you weren't with me. I don't think I can do that anymore."

I gulped as I remembered that my nickname Sol means so much to him before since it means sun—the sun that lights up his world. And hearing everything from him now made my heart hurt.

"Y-You've been doing well for the past two years. You can do more . . . w-without me."

He shook his head. "The thing is, Sol . . ." He sighed, looking down for a moment before looking at me once again. "Solari . . . I never not loved you in those two years. And even if I can tolerate more years without you, ayaw ko na."

I looked away. "H-Hindi ako gano'n. Noong . . . noong nakipaghiwalay ako sa 'yo, okay na ako no'n. Sanay na ako no'n nang wala ka. Kayang-kaya ko na nang wala ka kaya binitiwan na kita." I bit my lower lip. "And for the past two years . . . masaya naman ako kahit wala ka."

He sighed as he held my chin, making our eyes meet again. "Are you . . . really happy without me?" I didn't answer. "Are you genuinely happy . . . without me?"

Hindi ko magawang sumagot. Alam kong dahil sa tama ng alak 'to pero dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin kanina, hindi na ako makapag-isip ulit nang maayos. Paulit-ulit lang na nagpi-play sa isip ko ang halik na 'yon.

Makalipas ang dalawang taon . . . may labing dumampi na naman sa labi ko. At ang labing 'yon ay ang huling labi na dumampi din dito bago pa mangyari ang lahat.

"Sol . . ."

Nahigit ko ang paghinga sa ginawa niya ulit na pagtawag. I gulped before looking away. I was about to push him so I could leave when he kissed me once again.

"Klein . . ." I warned him.

Sa halip na alisin ang labi niya sa akin, kinuha niya ang dalawang braso ko saka inilagay sa batok niya, bago ako iniupo nang mas maayos sa hood ng kotse habang siya ay mas lalong idinidiin ang sarili sa akin. I shut my eyes tightly as I wrapped my arms tighter before kissing him back.

Ngayon lang naman. I'll blame it on the alcohol tomorrow, then I'll move on once again.

I felt his hands on my thighs as he kissed me more aggressively. He was about to carry me when we heard a loud noise from the car horn. Our lips automatically parted from each other, making me go back to reality.

Fuck, what am I even doing?! Hindi ganito ang expectation kong unang interaction namin after two years!

I pushed him away so I could finally leave. Yung sasakyan na bumusina pala kanina ay kay Trevor. Hindi kasi gaanong tinted ang kotse kaya nakita ko kaagad.

I was about to go there straight when Klein grabbed my wrist, making me face him once again.

"Y-You're leaving me again?" he asked.

Guilt flashed on my face, I know. I am hurt too, seeing how he's like that now.

I gulped. "Klein . . . two years na tayong hiwalay. We shouldn't be doing that."

His hand slid down to my palm, slightly squeezing it. "I missed you."

My eyes heated. I looked away as I tried to remove his hand from mine. "I need to go home, nandito na si Trevor."

He sighed. "Are you leaving me for him?"

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Ano bang sinasabi mo? Klein, matagal na tayong wala."

"Alam ko." He gulped. "Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi na ba tulad ng dati yung nararamdaman mo para sa akin ngayon?"

I sighed in defeat . . . in frustration . . . because, of all times that he's going to ask me that, ngayon pa kung kailan nandito na si Trevor, pinanonood kaming gumawa ng eksena dito?

"K-Klein, uuwi na ako."

"I can drive you home, too."

"You're under the influence of alcohol, you know you can't," I said.

"Then we'll stay the night here. I . . ." He looked down, looking confused on what he wanted to say. "I want to spend more time with you."

I sighed as I forcefully removed his hand on mine. I saw how hurt he was because of that.

"Klein, sa susunod na tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing. Kapag sigurado ka na sa mga sinasabi mo."

Umiling siya. "Hindi ako lasing. Alam kong alam mo 'yan. I'm just a little more talkative when I drank but you know, of all people, hindi pa ako lasing. Kaya lahat ng sinasabi ko ngayon . . . kaya kong ulitin lahat sa 'yo kinabukasan . . . o sa mga susunod pa."

Umiling ako. "Uuwi na ako."

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na pinansin pa. Sumakay na lang ako sa shotgun's seat saka ikinabit ang seatbelt.

"Are . . . are you alright?"

I glanced at Trevor who looked worried. I smiled a little and nodded.

"I want to go home." I bit my lower lip as my eyes started to heat once again. "U-Uwi mo na ako."

Bahagya siyang tumango bago nagsimula na ulit mag-drive. Tahimik kaming dalawa buong byahe. He wasn't asking me anything kahit na alam kong nakita niya 'yong nangyari kanina. Habang ako, nasa labas lang ang tingin dahil pakiramdam ko, sa loob ng dalawang taon, iiyak na ako.

Pero hindi . . . ayaw ko. 'Wag ngayon.

Nang makauwi, dumeretso kaagd ako sa k'warto para kumuha ng tuwalya at bathrobe, saka naligo sa bathroom. Pagkatapos n'on, nagbihis ako ng pantulog saka nahiga sa kama, hindi na nag-abala pang magpatuyo nang buhok.

As I closed my eyes, I remembered how Klein told me his plan two years ago. He was about to get help . . . kaso iniwan ko pa siya. Ipinatong ko ang braso sa mga mata para pigilan ang mga luhang gustong lumabas.

"Don't you dare cry, Solari. Two years na kayong wala! Your regrets won't take you anywhere," I whispered to myself.

Kinabukasan, 10:00 a.m. nang magising ako. Masakit na masakit ang ulo ko nang bumaba ako sa dining area. Naupo lang ako doon at hindi nagsasalita. Gusto ko sanang magkape pero hindi ko magawang pilitin ang sarili kong magtimpla dahil parang wala akong ganang gawin lahat.

Napatingin ako kay Mama nang maglagay siya sa harap ko ng bowl. Tumikhim siya bago magsalita.

"Kumain ka niyan nang mabawasan ang hangover mo!"

Napalunok ako bago tiningnan mabuti ang laman ng bowl. Mabilis na nagtubig ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na chicken soup na najdoon. Ito rin yung iniluto sa akin ni Mama na itinuro ni Klein noong unang beses akong uminom at malasing.

"Oh? Bakit ka umiiyak?!"

Umiling ako bago pinunasan nang marahas ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Ang sakit-sakit ng lalamunan ko dahil do'n at pakiramdam ko, ang sikip-sikip ng dibdib ko.

For the two years that passed, this was the first time that I cried . . . and it's funny because the reason is this chicken fucking soup.

"A-Ayaw ko niyan, 'Ma!" sabi ko bago itinuro ang chicken soup. "Ayoko niyan!"

She scoffed. "Sira ka ba?! Ikaw humihiling sa akin niyan sa tuwing nalalasing ka, tapos sasabihin mo ngayon na ayaw mo!"

Umiling ako nang umiling kasabay ng pagluha. "Ayaw ko niyan, hindi ako kakain niyan. Ayoko niyan!"

Matapos kong sabihin 'yon, umiyak ako nang umiyak na parang bata. Tinakpan ko ang mukha saka umiyak pa nang mas malakas. Wala nang nagawa pa si Mama kung hindi ang manahimik na lang at alisin doon ang issng bowl ng chicken soup.

Sa huli, nagluto na lang ulit si Mama ng soup na may real crab and corn. Nang kumalma na ako sa pag-iyak, kinain ko na 'yon.

Chicken soup is better than this, for me, pero hindi ko talaga kayang kumain ng gano'n sa ngayon.

Buong araw, wala akong ginawa kung hindi ang uniyak nang umiyak. Hindi naman na nagtanong sa akin si Mama kaya wala na akong sinabi. Sana isipin na lang niyang stressed ako sa paparating na finals in a few weeks. Third year na ako after this kaya mas pressured. Yun na lang sana ang isipin niyang dahilan.

The following days, nagsimula na ulit akong pumasok pero alam ko sa sarili na hindi ito yung dating ako . . . I mean, hindi ganito kababa ang energy ko noon, unlike ngayon na wala talaga akong ganang pumasok.

I don't even want to review anything kahit na may long quiz kami mamaya sa World Literature.

"Solari, five pesos daw para sa questionnaire," sabi ng classmate kong si Destinee na pinopormahan ni Constantine. Siya rin ang Treasurer kaya naman trabaho niya talagang maningil.

Kumuha ako sa bulsa saka iniabot sa kan'ya ang twenty pesos.

"Ibayad mo na rin ako, wala akong barya, eh. Iaabot ko na lang mamaya," dagdag niya.

"Psh, nang-i-scam ka na naman!"

Pinagtawanan na lang niya ako bago ako sinuklian ng ten pesos. Ibinulsa ko na lang ulit 'yon at saka muling tumulala sa white board. May thirty minutes pa naman bago magsimula ang long quiz. Kung normal na araw 'to, isa na ako sa mga classmate naming nagre-review ngayon.

Narinig kong nagsalita sa harap si Trevor, ang class president namin, para sa klase ng long quiz mamaya. Wala na akong pinakinggan pa do'n dahil tinatamad talaga ako at wala ako sa mood mag-review.

Bahala na kung babagsak.

Ilang sandali pa, naupo si Trevor sa tabi ko, sa usual seat ni Destinee na naniningil pa rin sa mga kaklase namin hanggang ngayon.

"Hindi ka yata nagre-review?" tanong niya.

Napabuntonghininga ako bago nagkibit-balikat. "Wala akong gana."

Tumango-tango siya. "Isang linggo ka nang gan'yan. Simula nang ikinasal ang kaibigan mo, gan'yan ka na."

Bahagya na lang akong natawa dahil, matapos ng pag-uusap namin ni Klein, matapos naming maghalikan ng dalawang beses no'ng gabing 'yon, hindi niya man lang ako ni-contact. Hindi ko nga rin siya nakikita sa loob ng university. Biyernes na ngayon pero wala talagang senyales ng presensya niya.

Matapos kong ma-guilty sa mga ginawa ko noon . . . ganito pa rin pala siya hanggang ngayon. Nasa dugo niya talaga maging ghoster, eh.

Napalingon ulit ako kay Trevor nang may iniabot siya sa aking papel. Malinis ang sulat at naka-itemize doon ang mga lesson na nadaanan namin na tatalakayin sa World Literature . . . at ibinibigay niya sa akin 'to ngayon . . . twenty-five minutes bago magsimula ang long quiz.

"Bakit?" tanong ko.

Bahagya siyang ngumiti. "Reviewer ko 'yan. Hiramin mo na muna. Try mong mag-scan ng lesson kahit kaunti. 100 items lahat 'yon, eh."

Napaawang ang bibig ko sa huling sinabi niya. "Anong—anong 100 items?!" malakas na tanong ko.

Bahagya siyang tumawa. "Hindi ka nakikinig sa announcement ng prof."

Napakamot na lang ako ng ulo bago tinanggap ang papel na 'yon. "Thank you! Natatandaan ko naman ang iba pero, sige, scan ko na rin 'tong notes mo. Salamat."

Ngumiti siya bago bahagyang ginulo ang buhok ko. "Perks of having a long-term memory." He chuckled. "I know that you'll still get a high score without it but just to make sure that you won't fall down from the dean's list, mainam nang mag-scan ka na."

Tumango ako bago tumawa nang mahina. "Sige, thank you."

Right after that, nang tumingin ako sa labas ng classroom, sakto namang nakita ko yung taong hinahanap-hanap at iniisip ko nitong mga nagdaang araw. Nakatingin siya sa akin habang nakaigting ang mga panga.

Nag-iwas ako ng tingin bago inialis ang kamay ni Trevor sa ulo ko. Ngumiti ako bago nagsimula nang mag-review.

Nang matapos ang klase sa araw na 'yon, hindi naman ako binigo ng utak ko dahil naka-88 pa rin ako na score. Sayang lang, hindi ko pa na-perfect pero okay na rin siguro 'yon. Kasama pa rin naman sa top ten highest scores.

Habang naghihintay ng jeep na sasakyan pauwi dahil medyo madilim na rin, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa. Kinuha ko 'yon at nakitang tumatawag sa akin si Kuya Lirio.

I chuckled inside as I realized . . . I am still in contact with my ex-boyfriend's best friend. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami nitong si Kuya Lirio. Palagi niya akong inaasar kay Klein nitong nagdaang dalawang taon pero tumigil din noong na-realize niya sigurong naka-move on na talaga ako.

Madalang na ulit kaming magkausap kaya medyo may gulat sa akin ngayong tumatawag siya. Tumikhim na muna ako bago ito sinagot.

"What's up?" I asked.

He chuckled. "Kumusta naman ang araw ng kaibigan ko?"

I rolled my eyes. "Hindi mabuti ang araw ko."

Tumawa siya nang tumawa. Ang OA talaga! Wala namang nakakatawa, eh!

Nang matapos tumawa, tumikhim siya. "May itatanong lang ako."

"Ano?"

Nang makakita ng jeep na masasakyan ko pauwi, pinara ko 'yon. Hinintay ko itong huminto sa harap ko bago sumakay sa loob.

"Hinihingi ng kaibigan ko yung bagong number mo. Ayos lang ba na ibigay ko?" Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya pero hindi ko na 'yon pinansin pa. "Kung hindi naman, ibibigay ko pa rin."

Tumawa ako bago kumuha ng pambayad ng pamasahe sa bulsa. "Bahala ka d'yan, ibigay mo nang ibigay! Hindi naman ako nagre-reply sa mga taong pinagbibigyan mo ng number ko."

Humagalpak siya ng tawa. Bakit ba tawa nang tawa 'to?!

"Kailangan mo 'tong reply-an!"

"Ayaw ko!" bulyaw ko.

"Saan itong one-hundred?" tanong ng driver.

"San Rafael po."

"Pauwi ka pa lang?" tanong ni Kuya Lirio.

"Oo, bakit?"

Tumawa siya. "Wala! Nagtatanong lang! Sige, ingat sa pag-uwi, mahal na araw ng kaibigan ko! Ibibigay ko na ang number mo sa kan'ya, ha?"

Napairap na lang ako bago nagpaalam sa kan'ya, saka pinatay ang tawag.

Feeling naman, re-reply-an ko mga pinagbibigyan niya ng number ko! Pang-ilan na ba 'to sa mga nireto niya sa akin? Wala pa yata akong ni-reply-an sa lahat ng 'yon kahit na isa!

Nang makauwi, dumeretso kaagad ako sa k'warto at binuksan ang laptop. Ipinatong ko 'yon sa study table saka in-open ang YouTube. Nagsimula na akong magpatugtog ng random OPM songs na na-discover ko recently.

Habang nagpapatugtog, nagsimula na akong magbihis. Sa kalagitnaan n'on, tumunog ang cellphone ko. Tumakbo ako ro'n habang isinusuot ang shirt. Nang tiningnan ko kung sino ang tumatawag, kumabog ang dibdib ko.

Hindi naka-save 'yon . . . pero alam na alam ko kung kaninong number 'yon. Kahit binura ko na no'ng nagpalit ako ng number . . . hindi ko pa rin pala nakakalimutan ang mga numero na 'yon.

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top