Chapter 45

  

 
Nagtuloy-tuloy lang ang program. 

Nagsimula na rin ang pagbato ni Eureka ng bouquet sa mga babaeng hindi pa kasal. Kaya naman kahit na ayaw kong sumali, hinila ako ng mga pinsan ni Eureka patayo saka kami nagtipon-tipon sa harap. Siguro, mayro’n din kaming twenty dito, o wala pa.

“Sa akin mo ibato, Eureka!!!” malakas na sabi ng mga pinsan niya.

Hmmp! Palibhasa, mga may jowa!

Tumikhim ako bago  pumwesto sa may likuran pero itong mga pinsan ni Eureka, inilagay ako sa harap nila na para bang doon dapat ang p’westo ko! Magrereklamo na sana ako pero napatigil din kaagad nang makita si Klein na nanonood sa amin . . . nakatingin din deretso sa akin.

“Ready?!” malakas na sabi ni Eureka.

“Yes!!!” sigaw ng mga kasama ko.

“One . . . two . . .”

Okay, yuyuko na lang talaga ako.

Lumingon sa amin si Eureka bago ngumiti, saka muling tumingin sa harap.

“Three!”

Handa na sana akong yumuko para iwasan ang bouquet niya pero nagulat ako nang makita ko mismo siya sa harap ko . . . parang naghihintay na pulutin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

I was about to crouch and take the bouquet from the floor when someone else took it, making me feel like my heart went with it.

Hala . . . bakit mo kinuha . . . ?

Gusto kong sumimangot pero parang nagulat na lang talaga ako sa mga nangyari. Hindi ko na rin nagawang mag-react.

“Hala, bakit kinuha!” bulong ni Yumi sa kumuha ng bulaklak.

“Eh, bakit? Bawal?”

Hindi ko kilala kung sino ang kumuha pero siguro . . . dapat lang na magpasalamat ako sa kan’ya dahil hindi ko na kailangan pang bumalik dito sa harap at mahiya sa dami ng tao dahil sa part naman ng garter. Sobrang awkward pa naman n’on! Ewan ko ba kay Eureka bakit isinama pa ‘yon sa program.

Nakangiti akong umalis doon kasama ng ibang single women na hindi nakasalo sa bulaklak. Naupo ako sa tabi ni Klein saka humigop sa champagne na inihatid ng waiter sa amin.

“I think, that flower was supposed to be yours,” he said.

I gulped, looking away. “I . . . I don’t want to get it, though.”

Tumango siya nang bahagya. “Okay, so . . . why?”

I shrugged. “Superstition lang ang ibig sabihin n’on at isa pa, nakakahiya kung mananatili pa ako ro’n para sa garter.”

Bahagya siyang ngumiti. “Sabagay.”

Sumunod na ang pagtanggal ni Gilbert ng garter sa leg ni Eureka. Since naka-one inch below the knee dress lang siya, hindi na niya kinailangan na itaas pa nang mabuti ang dress para maabot ng ngipin ni Gilbert ang garter.

Mapulang-mapula naman ang mukha ni Eureka habang tinatanggal ni Gilbert ‘yon dahil sa sobrang hiya. Sumabay pa ang mga tawanan at hiyawan naming mga nanonood lang.

Nang matanggal na ang garter, nagtipon-tipon na rin ang mga bachelor na siyang sasalo ng garter. Siyempre, kinailangang pumunta ro’n ni Klein dahil ang KJ naman niya kung ayaw niyang maki-cooperate.

I mean . . . alam kong allergic siya sa tao pero sobrang dalang lang ikasal ng mga kaibigan namin! Maki-cooperate sana siya, ‘di ba?

Pinanood ko siyang nahihiya na pumwesto sa harap, kung saan din ako nakapwesto kanina. Ilang sandali pa, in-announce na ng MC ang pagbato ni Gilbert sa garter.

“Okay, ready?!” he said. “One, two . . .”

I bit my tongue as I played with my fingers when Gilbert started counting. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sobrang conscious! Bwisit!

“Three!”

Gusto ko sanang ipikit ang mga mata ko pero lalo yatang nanlaki ang mga ‘yon dahil nakita ko kung paano napunta sa likod si Klein, kasabay ng pagbagsak ng garter sa kamay ng isa sa mga kaibigan ni Gilbert. Nagpalakpakan ang lahat habang nagtatawanan.

Ilang sandali pa, bumalik na ang mga kalalakihan sa sari-sarili nilang upuan habang tinatapos naman ng dalawang nakakuha ng bouquet at garter ang parte ng program na ‘yon.

“That was really . . . embarrassing,” he said.

I chuckled. “Iniwasan mo naman.”

He smiled a little. “Because you didn’t take yours.”

Napakunot-noo ako nang dahil do’n pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Ilang sandali pa, nagsimula nang mag-serve ng foods ang mga waiter sa amin, senyales na start na para kumain.

Dapat nga kanina pa! Nagugutom na ako, ha! Ngayon lang ba naluto ang steak n’yo at hinintay n’yo pang mangalahati ang program?!

Charot.

Nagsimula nang kumain ang mga bisita habang tumutugtog ang magagandang kanta sa malakas na speaker. In-announce na rin ng MC na start na ng picture taking with the newlyweds per table kaya naman nagpakahinhin ako habang kumakain.

S’yempre, kailangan maganda rin ako sa kasal ng best friend ko!

“Uhh . . . may problema ka ba?” Klein asked.

Bakit ba kausap nang kausap sa akin ‘to? Kanina ko pa napapansin, ah.

Umiling ako bago ngumiti nang bahagya. “Why?”

He shrugged. “Parang ang ano mo lang kumain . . . ang hinhin.”

Gusto ko siyang kunutan ng noo oras na sabihin niya ‘yon saka simangutan, dahil, anong ibig niyang sabihin do’n?! Parang may laman ang mga salita, ah! Bwisit siya, ah!

“Bakla!!!”

Ibinaba ko ang steak knife at tinidor bago lumingon sa tumawag sa akin na si Eureka. Dinampian ko ng table napkin ang mga gilid-gilid ng labi ko bago ako tuluyang tumango saka siya niyakap.

“Congrats talaga! Shuta ka!”

Tumawa siya bago kumalas sa yakap. “Nakakainis ka, gusto ko na ring mag-asawa ka! Bakit hindi mo sinalo yung flower ko!!!”

Natawa ako nang malakas dahil do’n. “Ayaw ko pa, gaga! Masarap ang buhay-dalaga, ‘no!”

Sumimangot siya. “Hmmp!” Lumingon siya kay Klein na nakikipagkumustahan kay Gilbert. Nakipagbeso naman ako do’n. “Ay, ito pala si Klein! Buti naman at nagkatabi kayo sa table!”

Napakunot-noo ako nang dahil do’n. Ilang sandali pa, sumingit na si Gilbert.

“Let’s take the photo first. Mamaya na ang catch up.”

Tumango kami bago nakipag-picture sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa, lumipat si Eureka sa tabi ni Gilbert kaya naman katabi ko na naman tuloy ngayon si Klein.

Hindi ko talaga alam kung nanti-trip ang mag-asawang ‘to, eh.

Nararamdaman ko rin ang pagdampi ng kamay niya sa akin na parang nagkakadikit. Ang gaslaw naman kasi ng dalawang ‘yon! Siksik nang siksik, akala mo masikip sa pwesto nila, eh!

Tumatawa si Gilbert at Eureka bago nagpasalamat sa photographer.

“Ohh, buong table na!” malakas na sabi ni Eureka kaya naman umayos na ang lahat habang kami naman ni Klein ay bumalik na sa upuan.

Nagsimula nang magbilang ulit ang photographer.

“One . . . two . . .” Bahagyang lumapit sa akin si Klein dahilan para mapalingon ako. Nakatingin pa rin naman siya sa camera. “Three!”

Hindi naman marunong maghintay ‘tong photographer na ‘to!

Ilang ulit pa siyang kumuha ng pictures bago lumipat ng table ang bagong kasal para sa picture taking. Itinuloy na namin ang pagkain habang ang mga waiter naman ay nagsimula na ulit mag-serve ng champagne.

Natatawa ako bago sumubo ng panibagong hiwa ng karne. “Lalasingin yata tayo ng mga waiter bago makarating sa after party, ah?”

Bahagyang tumawa si Klein. “Hindi ka malalasing d’yan. 12% lang naman ang alcohol content n’yan. That’s just one-fourth of the usual alcoholic beverages that you usually drink.”

Wow, bold of him to say that! Akala mo, alam niya kung anong iniinom ko, ah! Baka iniinom niya? Maka-you, ha?!

Bakit ba ang init ng ulo ko?

Tinapos ko na ang pagkain dahil tatlo na lang yata kaming natitirang kumakain sa table namin. Inubos ko na rin ang ikalawang serving ko ng champagne. Medyo naiinitan na rin ako dahil sa epekto niya pero hindi pa naman ako lasing.

Nagkaroon pa ng another picture taking sa stage kasama ang newlyweds. Itong mag-asawa, akala mo pinagti-trip-an talaga kami dahil sabi, per table ang pagkuha ng picture, pero katulad kanina, nag-request ulit sila sa amin ni Klein ng bukod na pictures dahil kaming apat daw ang magkakasama palagi noong senior high!

Nakakahalata na ako, Eureka, ha! Parang hindi mo pinagmumura si Klein noon, ah?!

Nang matapos, tahimik na lang akong nag-cellphone habang hinihintay na tuluyan nang matapos ang program. Ang tagal-tagal! Ang haba-haba! 7:00 p.m. na rin pala, pero nandito pa rin kami!

“Now, we will open the dance floor to everyone!” sabi ng MC kasabay ng pagpatay ng ilaw at tanging mga party lights na lang ang nakabukas.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Klein nang dahil do’n. Mabilis akong nag-iwas ng tingin kasabay ng pagtikhim. Itinuon ko na lang ang pansin sa cellphone. Sakto, nag-text si Trevor.

Trevor:
Enjoying the party?

I smiled because I read his name. He asked me to change it from Pres to his real name dahil ayaw niya naman talaga sa posisyon niya. Napilitan lang dahil ni-nominate siya out of fun ng friends niya, tapos binoto naman ng majority.

I replied. 

Me:
Y

up. Waiting na lang sa after-party, then uuwi na.

Trevor:
May maghahatid ba sa ‘yo?

Me:
Marami naman yatang available na car dito pero kung hindi, I can ask my cousin to pick me up.

Trevor:
Ask me, instead. I’ll pick you up. :)

Me:
W

ow. Hahaha. May sasakyan ka na?

Trevor:
Wala hahaha. Nandito naman si papa, I can borrow his car.

Trevor:
Just text me when you want to go home. I’ll come for you.

“Uhh . . . Sol . . .”

Mabilis na tumayo ang mga balahibo ko matapos marinig ang boses niya na tinawag ako sa pangalan na ‘yon. Usually, my default reaction when someone tries to call me with that name is a loud nagging and continuous swearing.

But when it comes to him . . . parang nag-e-error ang utak ko’t nawawala sa sarili.

Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya. “H-Huh?”

He gulped, taking a deep breath, before he talked. “S-Shall we . . . dance?”

Iginalaw ko ang ulo habang nakatingin sa palad niyang nakalahad sa harap ko ngayon. Gusto kong tumanggi dahil hindi ko na alam paano umakto sa kan’ya nang ganoon pero . . . pero parang ang bastos naman.

“Uhm . . . why me?” I asked nervously.

He smiled. “Ikaw lang ang gusto kong isayaw.”

I bit my lower lip as I felt my heart start to beat crazily. “W-Why don’t you try asking t-them?”

Bahagya siyang tumango bago marahan na ibinaba ang kamay. “May . . . magagalit na ba sa ‘yo kapag . . . pumayag kang isayaw ko?”

Napakunot-noo ako bago tumawa nang bahagya. “Wala. Sino namang magagalit?” I asked. 

He shrugged. “So . . . y-you don’t want to dance?”

I really wanted to bite my fingernails right now since the part of my hand that I wanted to scratch is covered with his band aid. Pero siguro . . . para matigil ang kaba na ‘to . . . baka kailangang harapin ko na lang yung dahilan ng mga kaba ko.

I sighed before smiling at him. “S-Sige na nga.”

Track suits and red wine
Movies for two
We'll take off our phones
And we'll turn off our shoes . . .

Damn . . . that song is not only familiar but used to describe the both of us when we’re still together. This is his favorite song before. Noong naghiwalay kami, araw-araw at oras-oras ko yata ‘tong pinakikinggan . . . hanggang ngayon.

Sa halip na tanggapin ang kamay niya, tumayo na lang ako. Nakita ko ang pagtataka sa kan’ya bago tumayo. Nilahad niya ang braso para yata sabay na kaming pumunta sa dance floor. Talagang sa gitna pa siya pumunta, eh.

We'll play Nintendo
Though I always lose
'Cause you'll watch the TV
While I'm watching you . . . 

Kinuha niya ang dalawang kamay ko. Sa oras din na ‘yon mismo, mabilis na kumabog ang dibdib ko at tumayo ang mga balahibo ko. Inilagay niya ang mga ‘yon sa batok bago inilagay ang dalawang kamay sa baywang ko, saka kami nagsimulang magsayaw nang marahan.

There's not many people
I'd honestly say
I don't mind losing to
But there's nothing
Like doing nothing
With you . . .

Ramdam ko ang mga tingin niya sa akin, habang ako, sa ibaba lang nakatingin. Pigil na pigil din ang paghinga ko dahil hindi ko pa yata talaga kayang maging ganito kalapit sa kan’ya. Lalo na’t . . . ganito kami. Sobrang lapit. 

Nararamdaman at nakikita ko rin ang mga pagala-galang photographers sa loob, kumukuha ng pictures ng mga nagsasayaw ngayon. Alam kong may pictures na rin kami ro’n pero hinayaan ko na.

“I . . . asked Gilbert to use this song for this program,” he started. I nodded slightly as I listened to him talk without looking at him. “I also asked for the list of songs that will be playing . . . para malaman ko kung ano yung kanta na tutugtog bago ito.”

Dumb conversations
We lose track of time
Have I told you lately
I'm grateful you're mine . . .

Slowly, I lifted my head and looked at him. Sakto rin ang pag-flash ng camera sa amin na hindi ko na pinansin.

“Ahh . . . bakit?”

He smiled. “I want to dance with you when this song plays. Mabuti na lang . . . pumayag ka.”

I smiled, looking down again. “Ayaw ko talagang sumayaw, medyo masakit kasi ang paa ko. Saglit lang naman siguro ‘to kaya . . . pumayag na ako.”

We'll watch The Notebook
For the 17th time
I'll say "It's stupid"
Then you'll catch me crying . . .

Naramdaman ko ang pagtango niya. Wala na ulit nagsalita pa sa aming dalawa. Pinagpatuloy na lang namin ang pagsayaw nang marahan habang pansin na pansin ang distansya sa pagitan ng katawan naming dalawa, kompara sa ibang mga nagsasayaw ngayon dito.

“Uhh . . . a-are you wearing contact lenses?” he asked again.

I looked at him and nodded slightly. “Oo. Bakit?”

He smiled. “Hindi masyadong halata pero may kakaiba kasi talaga.”

I chuckled slightly. “Clear contact lenses lang kaya medyo sparkly ang eyes ko.”

“Ohh.” He chuckled. “M-Mas bagay sa ‘yo yung . . . salamin.”

We're not making out
On a boat in the rain
Or in a house I've painted blue
But there's nothing
Like doing nothing
With you . . .

Napaawang ang bibig ko dahil do’n. Halos iluwa ko na ang puso ko dahil parang gusto na niyang lumabas sa loob ng katawan ko sa sobrang bilis at lakas! Kung hindi nga lang malakas ang tugtog, baka narinig na rin niya, eh.

“Ahh . . . t-talaga?” I chuckled. “Makati nga ‘to sa mata, to be honest. Plano ko talagang alisin ‘to at ibalik ang salamin mamaya sa after party.”

He smiled once again. This time, his smile shows that he’s really happy. I know because I’ve seen the different kind of smile that he has, two years ago. And I know how to distinguish it very well . . . until now, I guess.

So shut all the windows
And lock all the doors
We're not looking for no one
Don't need nothing more
You'll bite my lip and
I'll want you more
Until we end up in a heap on the floor
Mmm . . .

“Uhh . . .” My voice trailed off. “I-Is this still your favorite . . .song?” I asked out of nowhere.

Gusto ko na lang tampalin ang sarili ko dahil do’n kasi, bakit ko itatanong ‘yon?! Eh ‘di nalaman niyang natatandaan ko pa yung mga gano’ng bagay tungkol sa kan’ya!

He sighed, smiling, making his breath hit me. “Always.”

I nodded. “N-Noong pinaalam mo sa akin yung kanta, I learned to love the song too. I’ve been listening to it . . . e-everyday.”

He nodded. “Well . . . am I supposed to say this?” My forehead creased. “But . . . I know.”

You could be dancing on tabletops
Wearing high-heels
Drinking until the world
Spins like a wheel . . .

“Huh?”

“Maybe you forgot but I am still following your Spotify account. We’re still following each other . . . actually.”

I looked away.

What does he mean? Is he checking my Spotify activity? Hindi ko nga naisip gawin ‘yon kahit na isang beses noon!

But tonight your apartment
Had so much appeal
Who needs stars?
We've got a roof . . .

“Ahh . . .” I chuckled.

He nodded. “I’m sorry.”

I smiled. “It’s okay.”

But there's nothing
Like doing nothing
With you
Mmm . . .

He smiled back. “Sol . . .”

I looked at him. “Hmm?”

“You looked . . . the best tonight.”

No, there's nothing
Like doing nothing
With you.

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top