Chapter 44

  

 
Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga habang nakatingin sa singsing na nakalagay sa sirang velvet box.

“Dadalhin ba kita?” tanong ko na para bang sasagutin ako nito.

Muli akong nagbuga ng malalim na buntonghininga bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang maghahatid sa akin sa reception ng kasal nina Eureka at Gilbert.

“Constantine! Nasaan ka na?”

“Fuck you, Sol!” I laughed. “Nandito na ako sa harap ng bahay n’yo. Ano, susuduin pa kita sa loob? Prinsesa?”

Mas lalo akong natawa. “Okay, bababa na.”

Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin sa huling pagkakataon bago umalis. 

Maganda naman ang dress na napili ni Trevor kaya nga no’ng sinukat ko, nagustuhan ko kaagad. Bagay na bagay ang white stilettos ko sa pastel pink na kulay ng dress ko. 

Magaling din mag-ayos ang hair and makeup artist na pinadala ni Eureka kaya naman pakiramdam ko tuloy ngayon, maid of honor ako kahit na civil wedding pa lang at pagkapanganak pa niya ang church wedding.

Masyado naman kasing binonggahan ngayon ang reception! Hindi talaga papakabog ang kaibigan ko, eh!

Hindi rin ako nakasuot ng salamin dahil ginamit ko ang clear contact lenses ko na may grado. Bihira ko lang gamitin ’to dahil nakakairita ’to sa lahat! Ngayon lang, tutal, kasal naman ni Eureka. Kapag puro kain at inuman na lang ang gagawin, aalisin ko na’t ibabalik ang salamin.  

Inilagay ko na ang velvet box, wallet, cellphone  at kung ano-ano pang mga kailangan sa white handbag bago ako lumabas ng k’warto. Nakita ko sa living room si Mama na nanonood ng TV kaya naman lumabas muna ako para tawagin si Con na inip na inip na nakasandal sa kotse.

“Con! Tara muna!”

Naiirita siyang nagbuntonghininga bago tinanggal ang suot na sunglasses bago sumunod sa akin papasok sa loob.

“Bakit? Tara na!”

I chuckled. “Picture-an mo kami ni Mama.”

Umirap siya bago tuluyang sumunod sa akin sa living room. “Hindi lang driver, photographer pa!” 

I laughed once again before sitting beside Mama. “’Ma, picture!”

Tumingin si Mama sa camera saka ngumiti. Tumayo pa kami at nag-picture ng ibang pose bago ako nagpakuha ng solo dahil ipapadala ko kay Papa.

“Alis na kami, Mama!”

Tumango si Mama habang inihahatid kami sa gate. “Magsabi ka kung anong oras ka uuwi! Tumawag ka, ha? ’Wag kang magpapakalasing do’n, lintik ka!”

Tumawa ako sa huling sinabi niya. “Hindi ako malalasing, ’Ma!”

Sumakay na ako sa shotgun’s seat kasabay ni Con na nasa driver’s seat. Ikinabit ko na ang seatbelt kasabay niya, saka siya nagsimulang mag-drive.

“So, bawal mag-plus one pero ginawa mo akong driver?” He chuckled. “You should treat me to lunch, woman.”

“Next time! Ilakad pa kita sa Destinee mo.”

Umirap siya bago binilisan ang pagda-drive pagkarating ng highway. “That woman doesn’t even remember me, so how can you do that?” He chuckled. “Ikaw? Balita ko, invited si Klein.”

I smirked before shrugging. “And so? Walang bago. We’re studying in the same university, Mr. Constantine Dominguez, just so you know.”

He scoffed. “When will you get tired of calling me that?”

“I won’t.”

Ang ganda kaya ng pangalan. Ayaw niya lang daw dahil tunog pambabae.

He sighed in defeat. “Anyway, why did you stop entertaining suitors? Ang dami kong acquaintances na nahuhumaling sa ’yo, hindi mo naman daw nire-reply-an.”

I laughed. “Ayaw ko sa mga kakilala mo, Con. Baka mamaya, ano pang gawin sa akin.”

Humagalpak siya ng tawa. “Eh ’di nakatikim sila nang matindi-tindi sa akin!” 

Pati ako ay natawa dahil handa talagang nakikipagbugbugan ’to kapag may nasasaktan sa aming mga babaeng pinsan o kapatid niya. I remembered the first time I drank alcohol with them. Brokenhearted si Veronica that time but Con doesn’t seem to care kahit iyak na nang iyak ang ate niya. The next days, nabalitaan ko na lang na nakipagsuntukan ito sa ex ni Veronica.

He’s such a cute little brother kahit na mas matanda siya ng dalawang taon sa akin. Sayang wala akong kapatid. Hindi ko tuloy naranasan yung gan’yan.

After more than thirty minutes of driving, nakarating na kami sa hotel and resort kung saan gaganapin ang reception ng kasal. Since civil wedding, hindi na ako pinapunta sa mismong ceremony dahil ihanda ko raw ang sarili ko para sa church wedding nila. Pumayag naman ako kaya dumeretso na ako sa reception.

Pagdating ko sa lobby, ipinakita ko ang invitation para sa kasal nila. Dinala naman ako ng lalaki sa event’s place sa sixth floor.

The place is beautifully organized. Kulay pink at white ang theme, saktong-sakto sa suot ko ngayon. Inikot ko ang paningin sa lugar at naghanap ng kakilala pero dinala ako ng lalaki sa table number three kung nasaan daw naka-assign ang pangalan ko ayon sa invitation.

Naupo ako ro’n at tahimik na naghintay. Wala pa ang mga ikinasal, pati ang pamilya ng dalawa. Siguro napaaga ang dating ko.

Habang tinitingnan ko ang oras sa cellphone, nag-serve naman ang waiter sa akin ng chips at nag-offer ng champagne pero tumanggi ako dahil 4:30 p.m. pa lang! Hindi magandang uminom kaagad!

I was patiently waiting for the newlyweds, eating my chips politely, when my eyes darted to the entrance. Napalunok ako nang makita ang nakaitim na suit, kapapasok lang sa reception hall. Itinuro ng lalaki ang table niya . . . dahilan para mapalingon siya sa gawi ko.

Si Klein.

Tumango siya bago naglakad papalapit dito. Napalunok ako kasabay ng pagbaba ng tingin ko sa plato nang dahil do’n.

Ilang sandali pa, naghila siya ng upuan sa tapat ko, saka naupo do’n. Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya at muntik nang mapaawang ang bibig dahil, kung anong ikinagwapo niya sa malayuan, mas lalo siyang g’wapo sa malapitan!

Bagay sa kan’ya ang naka-brush up na buhok. Ang g’wapo. Napakalinis niyang tingnan ngayon.

“Hey.”

Parang nabalik ako sa katinuan nang batiin niya ako. Tumikhim ako bago pilit na ngumiti sa kan’ya.

“Wala kang kasama?” he asked.

I gulped, looking away. “Wala.” I smiled a little. “Bawal yatang mag . . . plus one.”

He nodded slightly. “Kung pwede, isasama mo yung . . . naghatid sa ’yo?”

Napakunot-noo ako nang dahil do’n. Paano niya naman nalaman na may naghatid sa akin, eh kadarating niya lang?!

“Si? Constantine?” I laughed. “Buti kung sumama ’yong bugnutin na ’yon!”

Napaawang ang bibig niya bago nag-iwas ng tingin. “Si Con pala. Akala ko inihatid ka n’ong kasama mo sa mall noong nakaraan.”

Bahagya akong napangiti dahil naalala ko kung paano niya ako tinrato no’ng araw na ’yon. Somehow, I don’t mind it anymore. Parang yung galit ko, valid lang no’ng araw na ’yon mismo. Tapos, wala na ulit.

“Hindi.” I chuckled. “Hindi naman siya kilala nina Eureka at Gilbert. Baka ma-OP pa.”

He nodded. “I’m . . . sorry for the way I treated you last time. I didn’t mean it. I'm just kind of . . . pissed off that day.”

I smiled a little. “It’s okay. I didn’t mind it, actually.”

It’s funny how we’re talking now. Dalawang taon na ang nagdaan simula noong huling beses kaming nag-usap ng ganito.

Ganito pala ang pakiramdam kapag walang galit sa ex.

Ang gaan lang. Nakaka-miss yung mga alaala na pinagsaluhan naming dalawa pero alam ko sa sarili ko na hanggang doon lang ’yon. Hanggang memories na lang.

Naalala ko tuloy ang usapan namin ni Calista noong magkasama kami. Pilit niyang sinasabi na miss ko na, both, ang person at ang memories with that person, kahit na pinagpipilitan ko rin na memories lang ang nami-miss ko.

Well . . . ngayon ko siguro masasagot ang tanong na ’yon. Kung memories nga lang ba ang nami-miss ko o pati yung tao.

Ilang sandali pa ng pananahimik namin, dumating na ang bagong kasal kasama ang pamilya nila. Tumugtog nang malakas ang dating paborito kong kanta bago sila sumayaw sa gitna ng harapan ng reception.

You say you'll be down in five
The smell of your perfume
Is floatin' down the stairs
You're fixin' up your hair like you do . . .

Nagpalakpakan ang lahat kasabay ng pagtayo habang pinanonood na sumayaw ang dalawa sa tugtog ng magandang kanta na ’yon.

I know that I'll be a mess
The second that I see you
You won't be surprised
It happens every time, It's nothin' new . . .

N

apalingon ako nang marinig ko si Klein na kinakanta ’yon gamit ang mahina niyang boses. Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin sa kan’ya. Ibinalik ko na kina Eureka at Gilbert ang atensiyon.

It's always on a night like tonight
I thank God you can read my mind
'Cause when you look at me with those eyes
I'm speechless . . .

P

atuloy din si Klein sa pagkanta gamit ang mahina niyang boses. Gusto kong lumingon dahil gusto ko siyang makita na kantahin ’yon pero hindi ko magawa dahil . . . nahihiya na ako.

Naaalala ko kasi noong unang beses na pinatugtog ko ’yan. Hindi pa kami no’n at hindi niya pa ako nililigawan pero . . . pero alam kong sa sandaling ’yon, nagkaroon ng meaning ang kanta na ’to sa kan’ya . . . para sa aming dalawa.

Starin' at you, standin' there, in that dress
What it's doin' to me, ain't a secret
'Cause watchin' you is all that I can do
And I'm speechless . . .

Tulad ng nakagawian ko na’t hindi na maalis, nagsimula na namang magkutkot ang mga kuko ko habang tahimik na pinanonood ang bagong kasal sa harap.

You already know that you're my weakness
After all this time I'm just as nervous
Every time you walk into the room
I'm speechless . . .

N

agtuloy-tuloy ang pagsasayaw nila hanggang sa matapos ang isang buong kanta. Bumalik na kaming lahat sa pagkakaupo habang nagsasalita ang MC.

Wala pa ba yung ibang uupo dito? Bakit ba late pa rin yung iba hanggang sa ganitong pagkakataon!!!

Nagsimula nang mag-serve ng chips ulit ang waiter. This time, may kasama nang drinks pero hindi champagne. Softdrinks na nasa clear glass.

Habang nagsasayaw si Eureka at ang papa niya, sakto namang dating ng mga uupo sa table na ito. Mga pinsan pala ni Eureka! Mabuti na lang at mga kakilala ko rin kahit papaano!

Hindi na ako pinalipat pa ni Yumi na naupo sa tabi ko. Nakipagkumustahan sila sa akin hanggang sa naramdaman kong may naupo sa kaliwa ko. Napaawang ang bibig ko nang makita si Klein.

Tumikhim siya bago nag-iwas ng tingin. “Uhh . . . t-they told me to move and sit here,” he said.

Tumango na lang ako at itinuon na lang ang atensyon sa program. Nagkaroon ng moment na sumayaw ang parents ni Eureka, tapos, parents ni Gilbert.

Sumunod ay isinayaw ni Gilbert ang Mama ni Eureka, tapos isinayaw na rin ng papa niya si Eureka bago muling nagsayaw ang bagong kasal.

Nagkaroon din ng pagbibigay ng message na kailangan, pupunta pa sa harap! Nakakaloka dahil hindi ako sinabihan ni Eureka na kasali ako do’n! Hayop na babaeng ’to!

“Miss Solari Dominguez, may we borrow some of your time to give a short message for our newlyweds?” the master of ceremony said.

Nag-aalangan akong tumayo habang pinaglalaruan ang daliri sa likuran ko. Sunod-sunod ang paglunok ko bago nagsimulang maglakad papunta sa harap.

“Bakla ng taon!” malakas na sabi ni Eureka, dahilan para tumawa ang mga bisita.

Kung p’wede ko lang siyang pakyuhin ngayon, ginawa ko na!

Nang makarating ako sa harap, iniabot sa akin ng MC ang mic.

“Uhm, hindi ako prepared. Hindi ako sinabihan na kasali pala ako dito.” I chuckled.

Tumingin ako kay Eureka at Gilbert na nakaupo nang magkatabi sa throne, magkahawak ang mga kamay. Ngumiti ako sa kanila bago nagsalita.

“I was the happiest person when I found out that my best friend since junior high school, is marrying her first love, first boyfriend and . . . last love.”

I bit my lower lip as I looked down, looking for the words that I want to say that will make sense to the newlyweds and the audience.

“Nagulat ako kasi masyadong maaga, pero masayang-masaya pa rin ako kasi . . . natupad na yung isa sa mga pangarap niya.”

I smiled at her. She did, too.

“I was the living witness of how much she adored that dream even before she met and fell in love with Gilbert. Kaya noong nagkakilala sila’t nahulog sa isa’t isa, noong makasama ko sila for years, I knew that there’s just nothing that will break them apart. They were fated to meet, fall in love and marry each other. They were just the best person suited for each other.”

I sighed as my heart started beating faster once again. I’ve been talking too much! I need to finish this right now!

“Uhm . . .” I gulped. “Ang point ko lang is . . . sobrang saya ko na ikinasal na kayo. Sobrang saya ko na tumuntong na kayo sa panibagong yugto ng buhay n’yo nang magkasama. Sobrang saya ko kasi . . . naging parte ako ng journey n’yo. If not, I would trade everything to be there and watch you both happily in love with each other.”

I chuckled. “Also . . . congratulations! I also want to say that . . . whatever happens, whatever problems you two might face in the future, you will get through it with the bond, love and trust that you built for each other. I’m still here if you need me. I will always be here. You can always count on me, hmm? Congrats again!”

After I said that, the guests gave me a round of applause as I gave the microphone back to the master of ceremony. Nakipag-beso ako at nakipagyakap sa dalawa.

“Bakla! Congrats!!!” I said.

Niyakap ako nang mahigpit ni Eureka. “Maiwan ka, may matinding inuman mamaya!”

Tinawanan ko na lang sila bago bumalik sa table. Tumayo si Klein na siyang ikinagulat ko, bago niya hinila ang upuan ko saka inilahad ang kamay.

Naiilang akong naupo doon. “T-Thank you.”

Naupo na rin siya bago may iniabot na pamilyar na bagay sa akin. Napalunok ako habang nakatitig do’n.

“Y-You have scratches on your . . . hand.”

He handed me a white band aid with a sun in the middle of it . . . just like the one I’ve always used the past months and years . . .

Just like the ones he gave me years ago.

:)

  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top