Chapter 43
Friday came, I brought the ring inside its velvet to the school. Dinala ko rin yung ibang mga bagay na ibinigay niya sa akin, kasama na ang biniling dress at sandals ni Ate Valene para sa akin. Hindi ako sigurado kung papasok siya kasi last week, wala naman siya. Ibang tao lang din ang nagpasa ng weekly report niya.
Pagkarating ko sa campus, wala naman siya sa smoking area. Tiningnan ko ang oras sa suot kong wristwatch. Maaga pa naman. Siguro naman, this time, papasok na siya. Third streak na niyang absent if ever.
Nang makarating sa loob ng classroom, maingay ulit ang mga kaklase ko tulad ng palagi kong naaabutan tuwing Biyernes dahil siguro miss nila ang isa’t isa. Magkakahiwalay na rin kasi sila ng company.
“Solari!”
Ngumiti ako kay Eureka bago naglakad at naupo sa tabi niya.
“Ano ’yang dala mo?” she asked.
Ipinakita ko sa kan'ya ang loob ng paper bag. “Ito yung mga ibinigay sa akin ni Klein, pati mga ibinigay ng family niya. Isosoli ko lang sana.”
Sumimangot siya kasabay ng pagkuha ng velvet box sa loob. Binuksan niya ’yon at tumambad ang singsing na minsang nagprotekta sa akin sa sarili kong kamay.
“Sayang! Hay, nako!” Ibinalik na niya sa loob ng paper bag ang velvet box. “Ibigay mo sa pribadong lugar para hindi naman siya masyadong mahiya kung may makakita sa kan’ya.”
Tumango ako. “Sana nga pumasok, ’di ba?” I chuckled.
Nagkaroon kami ng kwentuhan kasama ang iba naming mga kaklase, hanggang sa pumasok na ang OJT Coordinator dahil ngayong oras ay kami ang hawak niya. Hindi ko nga alam bakit kailangan pa naming pumasok dito kung isang oras lang din naman ang itatagal namin.
May mga pinaliwanag siya tungkol sa mga estudyante na mukhang magtatagal pa sa work immersion sa dami ng absences.
“Olivarez! Sino ’to?”
Dahil ABM ang hawak ng OJT Coordinator, hindi niya rin kami kilala lahat. Tinatawag niya lang ang mga estudyante na ayon sa DTR, maraming late at absent, tapos hihingian ng paliwanag at letter.
“Nand’yan na po, ma’am.”
Napalingon kaming lahat sa kapapasok lang na si Klein. Nakatitig siya sa akin, dahilan para mapaiwas ako ng tingin kasabay ng paglunok.
Sa maikling segundo, nakita ko kung gaano kalaki ang ipinayat niya, inihaba ng bigote at buhok niya. Parang pagod pa rin ang itsura niya tulad noon--mas nga lang ngayon.
Narinig ko ang paglalakad niya. Pilit kong pinigilan ang sarili ko sa paglingon dahil ayaw ko na sana ulit makita ang ganoong tingin niya. Hanggang sa narinig ko na ang pag-upo niya. Ang layo na niya sa akin pero ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig niya.
Nagulat ako nang tampalin ni Eureka ang mga kamay na nasa kandungan ko. Tiningnan niya ako nang masama pero hindi na nagsalita. Napatitig ako sa daliri kong puro gasgas na naman.
Isa si Klein sa mga kaklase namin na magtatagal pa sa work immersion dahil sa dami ng absences niya. I tried not to show that I care pero ang hirap . . . ang hirap hindi lumingon sa kan’ya.
Matapos makapagpasa ng weekly report, nagpaalam na si Ma’am Rhea sa amin.
“Bago kayo umalis, pakihintay ang homeroom teacher dahil idi-distribute na niya ang graduation pictures n’yo.”
Mabilis na nagpalakpakan sa tuwa ang mga kaklase ko, kasama na ro’n si Eureka sa tabi ko.
“Yun lang. See you next week, GAS-12 Galileo. Goodbye, class!”
“Goodbye, Miss Rhea!”
Pagkaalis niya, siya namang pagpasok ng homeroom teacher namin. Marami pa siyang mga sinabi tungkol do’n bago niya kami tinawag isa-isa para kuhanin ang graduation pictures namin.
“Yung mga hindi matatawag, saka n’yo lang makukuha ang graduation pictures n’yo, kapag natapos n’yo na ang required hours for work immersion, ha?”
Iba’t ibang boses ng pagrereklamo at pagdadabog ang narinig namin nang dahil do’n.
“It’s part of the memo. We’re told to do this for the students who didn’t take work immersion seriously. Maraming absent, late, or under time, kilala n’yo na kung sino kayo. At sa mga hindi uma-attend dito every Friday without valid reasons, alam n’yo na rin kung sino kayo.”
Nagsimula na siyang magtawag alphabetically pagkatapos.
Napasimangot ako dahil alam ko na yung mga tinawag kanina ni Ma’am Rhea, sila yung mga late makakakuha ng grsduation pictures. At kasali si Klein doon.
“Eureka Cabrera!”
Malawak ang mga ngiti niyang tumayo bago kinuha ang graduation pictures niya kay Ma’am Sandy.
“Bakla ka, ang ganda ko!” malakas na sabi ni Eureka sa akin na siyang tinawanan ng lahat.
“Solari Dominguez!”
Tumayo ako para kuhanin na rin ang sa akin. Hindi ko muna tiningnan ’yon dahil baka mamaya, epic fail pala!
Pagtalikod ko para maglakad pabalik sa upuan, napatigil ako dahil nakita ko si Klein na nakatitig pa rin sa akin. Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin saka itinuloy ang paglalakad.
“Patingin!” Kinuha ni Eureka ang graduation pictures ko saka tumili nang mahina. “Bakla, napakaganda!!! Nakakairita!!!”
Tumingin na rin ako sa picture. Tiningnan namin isa-isa ’yon. Napatigil ako sa isang 8R kung saan may hawak kaming nakabilot na diploma na props lang naman talaga. Sa picture na ’to, kitang-kita ang singsing na suot ko at totoo naman ang sinabi ni Eureka.
Maganda talaga ako dito at halatang masaya.
Hinagkan ng daliri ko ang singsing bago ibinalik ito sa envelop.
“See? Maganda talaga ako, Eureka!”
Umirap siya. “Maganda din ako! Kaya nga magkaibigan tayo!”
Tumawa kami pagkatapos.
Nang matapos na ang bigayan ng graduation pictures, pinauwi na kami. Tama nga ang hinala ko kanina dahil hindi rin ibinigay ang graduation pictures ni Klein. Nalungkot tuloy ko nang dahil do’n.
Habang paalis kami ng classroom, hinarang ko si Klein. Nakita ko ang pagtataka niya nang dahil do’n. Itinago ko sa likod ang paper bag na hawak ko kasabay ng paghawak nang mahigpit sa handle nito.
“P-Pwede ba kitang makausap?” He nodded slightly. I gulped, looking away. “P-Privately.”
Nakita ko ang bahagyang paglingon niya sa likod ko bago ang pag-igting ng panga. Ilang sandali pa, tumango siya bago naunang umalis. Sumunod lang ako sa kan’ya nang tahimik.
When I told him that we need to talk privately, masyado niya yatang pinersonal 'yon. Nandito na kami ngayon sa loob ng Chem Lab kung saan kami pumupunta sa tuwing maaga kaming nakakapasok.
This is where we kissed so much every morning.
“May . . . hindi ka pa ba nasasabi?” mahinahong tanong niya.
Sobrang dilim sa loob dahil sa blinds na nakasara at nakapatay na ilaw. Pero kahit gaano kadilim, kitang-kita ko ang lahat ng emosyon na ibinibigay ng mga mata niya sa akin.
I took a deep breath before handing him the paper bag full of gifts and things I received from him and his family.
“I-Ibabalik ko lang sana ’to. Hindi yata tama na nasa akin pa ’yan kasi h-hiwalay naman na tayo.”
Nakita kong muli ang pag-igting ng panga niya kasabay ng paghugot ng malalim na buntonghininga at pag-iwas ng tingin.
“Pati ang kay Ate, isosoli mo? Alam mong ayaw niya ’yon.” Ibinalik niya ang tingin sa akin, dahilan para mapatingin ako sa ibaba. “Wala akong kukuhanin d'yan Solari. Sa ’yo na ang lahat ng 'yan, naghiwalay man tayo o hindi.”
I gulped before looking at him once again. Kinuha ko sa loob ang velvet box na naglalaman ng singsing saka iniabot sa kan’ya. Mabilis na rumehistro ang sakit sa mga mata niya oras na makita ’yon.
“Kahit ito na lang. K-Kahit ito lang, kuhanin mo. Nakita ko ang presyo niyan, Klein.” Nalipat ang mga mata niya sa akin pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya. “Hindi ko matatanggap ’to.”
Nagbuntonghininga siya bago sumandal sa lamesa saka yumuko. “I'll give you five seconds to withdraw your hand.”
Napaawang ang bibig ko.
“Five.”
“P-Pero, Klein, hindi--”
“Four.”
I bit my lower lip. “You should sell it or give it to someone else--”
“Three!” he shouted that made me jump.
I heaved a sigh. “Kung ayaw mong kuhanin, iiwan ko--”
“Two!”
My eyes started to heat. “Klein, hindi na ako mapoprotektahan nito.”
“One!"
After he shouted that one word, he took the velvet box from my hand and threw it on the ground. He even stepped on it, making the box to be broken and ruined.
“Kung ayaw mo na sa akin at sa relasyon natin, ’wag mong idamay lahat ng ibinigay ko sa ’yo, lalong-lalo na yung singsing na ’yan! Binili ko 'yan kasi mahal kita at ayaw kong makitang nasasaktan ka sa sarili mong mga kamay, Solari!”
Mabilis na nagbutil ang pawis ko nang magsimula na siyang sumigaw ulit nang gano'n.
“Ngayon, kung ayaw mo, itapon mo na lang, ’wag mo nang isoli sa akin! Para namang isinosoli mo na rin yung pagmamahal na ibinigay ko nang buong-buo sa ’yo!”
He sniffed, making me look at his face once again.
He’s crying. I bit my lower lip as my heart started to best three times faster.
“’Tang ina, oo na! Tinanggap ko naman nang buo yung desisyon mo, eh. Kasalanan ko kaya nga pumayag ako kahit na tutol na tutol ang buong pagkatao ko!”
I gulped as I looked down on the floor. I don’t want to see that face anymore. I don't want to see his hurting face this close. I can't.
“Pero ’wag mo namang isoli kasi lahat ng ’yan . . . lalong-lalo na yung singsing na ’yan . . . tanda ’yan ng pagmamahal ko sa ’yo! Alam kong okay ka na! Pero pwede bang hintayin mo namang maging maayos ako bago mo ako patayin ulit?”
Muli akong napalunok. Ni hindi ko na magawang magsalita.
“Mahal na mahal kita, eh.” He cried more. “Pero hindi ko na alam ang gagawin ko.”
Tinakpan ng dalawang kamay niya ang mukha kasabay ng muling pagsandal sa lamesa.
“P’wede bang . . . huwag mo muna akong lapitan at kausapin? Kung ganito lang din naman kasakit ang mararamdaman ko kapag malapit ka . . . mas mabuti pa ngang lumayo ka muna. Lumayo muna tayo sa isa’t isa kasi . . . kasi hindi ko pa kaya.”
Matapos niyang sabihin ’yon, iniwan niya akong nakatayo ro’n saka lumabas ng Chem Lab. Ni hindi ako makalingon, makapagsalita o makagalaw kahit kaunti pagkatapos n’on.
Lumipas pa ang ilang minuto bago ko na-absorb lahat ng sinabi niya. Nagbuntonghininga lang ako bago pinulot ang sira nang velvet box. Mabuti na lang, buo pa ang singsing. Maisosoli ko pa sa kan’ya ’to kapag maayos na siya. Ibinalik ko ito sa loob ng paper bag.
Lumabas ulit ako ng Chem Lab, dala ang paper bag na naglalaman ng mga bagay na konektado kay Klein. Hindi niya tinanggap kahit na yung singsing lang.
Sana tinanggap na lang niya.
Habang bumabyahe ako pauwi, isa lang ang na-realize ko.
Hindi pa rin ako naiyak . . . sa kabila ng lahat ng sakit na naramdaman ko noong oras na sinabi niyang huwag na akong lumapit pa sa kan'ya.
Siguro nga, okay na ako sa break up namin. Normal lang naman ang masaktan sa gano’n dahil nakikita mong nasasaktan ang taong minsang minahal mo, ’di ba?
Siguro nga, naka-move on na ako bago pa man kami tuluyang maghiwalay.
Siguro nga . . . mahal ko pa siya hanggang ngayon . . . pero okay na ako nang wala siya.
Siya na rin ang nagsabi . . . huwag ko na siyang lapitan o kausapin.
Siya na rin ang nagsabi . . . lumayo na kami sa isa’t isa.
Ang dami kong sinunod sa mga sinabi niya noon. At itong mga huling sinabi niya . . . ang huling mga bagay na susundin ko mula sa kan’ya.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top