Chapter 41

   

 
Nang nagkaroon na ng kaunting lakas, kinuha ko ang cellphone ko kay Mama. Baka nag-aalala na si Klein dahil nasa hospital ako ngayon. Gabi na rin at baka magtaka siya kung bakit wala pa ulit akong paramdam simula kaninang umaga.

Pagkakita ko sa cellphone, wala naman akong nakitang text galing sa kan’ya. Nakita ko lang ang text ni Eureka dahil nasabihan pala siya ni Mama. Sinabi niya rin na pupunta siya ngayong gabi.

Grabe, hindi kaya nag-aalala si Klein sa akin? Ni hindi man lang ako kinukumusta.

Sinubukan ko siyang tawagan para sana ipaalam ang kalagayan ko ngayon, pero hindi niya naman sinagot. Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero kahit isa, wala siyang sinagot doon.

Well . . . I guess . . . he doesn’t care about me.

Inialis ko na sa isip ko si Klein sa ngayon dahil gusto ko nang umuwi at kung magpapaka-stress ako sa kan’ya habang nandito pa ako sa hospital, lalo akong tatagal dito. 

Nag-selfie ako saka s-in-end ’yon kay Eureka sa messenger.

Me:
Wassup madafaka

M

abilis siyang nag-reply.

Eureka:
Otw na ako tanga ka

Hindi ko napigilan ang tumawa. Hindi ko tuloy alam kung nag-aalala ba sa akin ’tong si Eureka o hindi, eh!

Pagkarating niya ng hospital, dumeretso siya sa akin. Umalis naman si Mama dahil kakain daw muna siya.

“Hoy, ’tang ina nito! Sinabi nang ’wag ka nang babalik dito sa parehong dahilan, eh!” bulyaw ni Eureka bago kumuha ng orange saka binalatan. “Anong nangyari, ha?!”

I shrugged. “Anxiety disorder. May PTSD na rin yata ako.” I laughed and that made her look confused. “Lagi akong binabangungot, eh.”

Napakunot-noo siya. “Anong kinalaman ng bangungot sa PTSD? Gago, seryoso na masyado ’yon, ah!”

Napabuntonghininga ako bago ikinwento ang lahat kay Eureka. Paulit-ulit naman siyang nagmura nang dahil doon at galit na galit siya dahil hindi ako nagsabi.

“Hayop ka!” bulyaw niya bago ako sinubuan ng orange. “Hindi naman siguro PTSD 'yan! ’Wag naman sana! Pero grabe, ang lala ng epekto ni Klein sa ’yo. Seryoso ka bang hindi mo pa ibe-break ’yan?” She laughed. “Charot.”

Tinawanan ko siya. “Ikaw talaga, puro break ang nasa isip mo. Kapag kayo, naghiwalay ni Gilbert, nako. Pagtatawanan kita!”

Tumawa siya nang dahil do’n. “Kahit maghiwalay kami, hindi naman ako dependent sa kan’ya, bakla! Kaya ko mabuhay nang wala siya, ’no. Hindi naman ako tulad ng iba d'yan!” pagpaparinig niya bago tumawa. “Oh? Eh ’di ano nang sinabi ni Klein? Nag-aalala?”

Napanguso ako. “Wala naman siyang alam.”

“Ano?!”

Tumawa ako. “Hindi niya alam, okay? Hindi kami magkausap.”

Humugot siya ng malalim na buntonghininga bago ibinaba sa gilid ang orange.

“Gago, hindi ka man lang ba kinukumusta ng gagong ’yan?! Putang ina ng lakaking 'yan, kakalbuhin ko talaga ’yan! Walang kaalam-alam na yung girlfriend niya, mamamatay na amputa!”

Napatingin ako sa loob ng ward at nakita na nakukuha na ni Eureka ang atensiyon ng ibang tao. Tinampal ko siya nang matahimik.

“Wala na tayong magagawa, hayaan na natin. Wala siyang alam, eh. Ayos lang ’yon."

“Tanga! Hindi ayos ’yon! Gago ka ba? Kapag ikinasal ka d'yan, ako unang-unang tututol sa kasal ninyo! Wala na akong pakialam kung magalit ka sa akin basta ayaw ko nang ginaganyan ka ng hayop na ’yan, putang ina!”

Sobrang dalang magmura ni Eureka noon pero maririnig mo talaga sa kan'ya lahat ng masasakit na salita sa tuwing nasasaktan ako ng mga taong minamahal ko. Tulad na lang ngayon.

“Tama na ’yang katangahan na ’yan, Solari! Hindi lang si Klein ang lalaki sa mundo. Maraming better sa kan’ya. He's not the best. He's not even that good, in my own opinion. Turuan mo sarili mong bitiwan yung mga taong walang ibang dulot sa ’yo kundi sakit at stress. Hindi mo deserved ’yan!”

Hanggang sa makauwi kami ni Mama noong gabing ’yon din. Sinamahan kami ni Eureka na asikasuhin ang lahat sa pag-discharge ko bago siya umuwi sa kanila.

Nang malaman na nagpapahinga na si Mama sa k’warto niya, sinubukan ko ulit tawagan si Klein ng ilang beses. Nagri-ring ang cellphone niya kaya alam kong alam niyang tumatawag ako, pero hindi niya sinasagot.

I have no choice. Pagod na ako sa ganito.

Kinabukasan, pagkagising ko, gumayak kaagad ako. Pinagalitan pa ako ni Mama nang dahil do’n.

“Gagala ka na naman  alam mong kalalabas mo lang ng hospital!”

Tumawa ako bago nagtimpla ng kape. “Uuwi kaagad ako. May kailangan lang kausapin.”

“Sinasabi ko sa ’yo, Solari! Kapag ikaw, bumalik na naman ng hospital, hindi na kita babantayan!”

Tinawanan ko na lang siya dahil alam ko namang hindi totoo ’yon. Masyado niya akong mahal para gawin ’yon.

Matapos kumain, umalis na ako at sumakay ng jeep. Sinusubukan ko pa rin tawagan si Klein pero hindi niya sinasagot. Hindi ko alam kung bakit wala na akong ibang maramdaman sa tuwing ini-snob niya ang calls at texts ko. Siguro dahil alam kong gagawin na niya ’to . . . na hindi ko na kailangang ma-disappoint kasi expected ko na ang lahat.

Pero bukod do’n . . . hindi na talaga. Hindi na ako masaya sa amin, nand’yan man siya o wala. Mahal ko siya pero hindi na kasi tama yung ganito.

Nang makarating sa bahay nila, nag-doorbell ako. Pinagbuksan kaagad ako ni Ate Valene at mabilis na niyakap.

“Mabuti naman at nand’yan ka na!” sabi niya bago kumalas sa yakap. “Palabasin mo nga ng lungga ang kapatid ko, lumalabas lang ’yan kapag kakain o maliligo tapos hindi kami kakausapin!”

Ngumiti ako bago tumango.  Sabay kaming pumasok sa loob. Inihatid niya rin ako sa harap ng k'warto ni Klein. Siya na rin ang kumatok.

“Nandito si Solari!”

Matapos niyang sabihin ’yon, umalis na siya at iniwan ako. Ilang sandali pa, binuksan ni Klein ang pinto.

“Pasok ka.”

Tumango ako bago sumunod sa kan’ya. Isinarado na ulit niya ang pinto bago sumunod sa akin papasok sa loob. Hinanap ko kung nasaan ang cellphone niya. Nandoon siya sa computer table at mukhang naririnig naman niya ’yon pero hindi niya lang talaga pinapansin.

“Kumusta?” tanong ko bago naupo sa gilid ng kama.

Naupo siya sa swivel chair bago humarap sa akin. “Gano'n pa rin.” Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. “Ikaw? Kumusta?”

Ngumiti ako nang maliit. “Na-confine ako sa hospital kahapon.” Mabilis na lumamig ang kamay niya, kasabay ng pag-awang ng bibig niya. “Nawalan ako ng malay. Medyo malala yung atake ng anxiety ko. Pero nakauwi din naman ako kaagad kagabi kaya okay na ako.”

Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. “Bakit . . . hindi ka nagsabi?”

Nasaktan ako nang dahil do’n. Pakiramdam ko tuloy, kasalanan ko pa. “Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.”

Napayuko siya kasabay ng lalong paghigpit ng hawak niya sa akin. Ilang sandali pa, nakita ko na ang paggalaw ng mga balikat niya. Umiiyak siya pero parang wala na lang sa akin.

Hindi ko na maintindihan.

“Lagi akong binabangungot gabi-gabi. Lagi kong napapanaginipan na . . . nagpapasagasa ka. At ayaw ko 'yon. Hindi ko matanggap ’yon kaya palagi akong nagigising nang nanginginig at . . . hindi makahinga.” 

I smiled a little as he cried on my lap. 

“Simula noong gabing hinabol kita sa tawiran, parang naubos ako. Sa pagsunod ko sa 'yo nang hindi nag-iisip, parang wala nang natira sa sarili ko. Kung iisipin kasing mabuti, handa na rin pala akong magpasagasa no’ng gabing ’yon, ’wag ka lang mawala?”

I laughed and that made him cry harder.

“Simula din noon . . . alam ko sa sarili ko na . . . hindi ko na ’to gusto. Hindi ko na gusto yung . . . relasyon na ’to.”

Hinila niya nang marahan ang mga kamay ko. Tumingin siya sa akin gamit ang namumula at luhaang mga mata.

“Solari . . . patawarin mo ako.”

Ngumiti ako. “Hindi mo na kailangang humingi ng tawad. Hindi ako galit.” I gulped as lumps started to form in my throat. “Gusto ko na lang na maghiwalay tayo.”

Lalo siyang umiyak bago ako niyakap nang mahigpit. “I’m so sorry. I’m sorry. Solari . . . patawarin mo 'ko.”

I tapped his back. “Pumunta lang ako para . . . para sabihin lahat ng ’to sa ’yo. ’Wag mo sanang sisihin ang sarili mo masyado kasi . . . desisyon ko ’to. Ito na lang yung kaisa-isang bagay na kaya kong gawin para maalagaan ang sarili ko.”

I gulped once again before sighing.

“Siguro naman, ngayong hiwalay na tayo, magiging maayos ka na. Hindi mo na kailangang mangamba sa tuwing gusto mong mapag-isa kasi . . . wala ka nang obligasyon sa akin.”

He sobbed as he hugged me tighter. “No . . . Solari, no.”

I took a deep breath. “Sana, maging maayos na rin ako ngayong hiwalay na tayo.”

Kumawala ako sa yakap niya bago ako tumingin sa mga mata niya.

“Ginawa ko ’to para sa ating dalawa. Hindi ka okay . . . ako rin. Hindi kita kayang alagaan dahil kailangan ko rin alagaan ang sarili ko at . . . ganoon ka rin.” I smiled once again. “Hindi tayo pwedeng manatili sa isa’t isa nang ganito. Alam kong alam mo ’yan.”

Yumuko siya pero hindi na nagsalita.

“Hindi ako galit. Hindi masama ang loob ko. Ayaw ko na lang ng relasyon na ’to. Sana maintindihan mo ako, Klein. Hindi ko na kayang manatili sa ’yo.”

Tumango siya kasabay ng mga hikbi na lumalabas sa bibig niya.

“A-Aalis na ako.”

Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan ng k’warto niya. Napatigil ako nang magsalita siya.

“Solari . . .” he called me in his broken voice. “I love you.”

I bit my lower lip as my eyes started to heat. Gusto ko rin sanang umiyak pero wala namang luhang lumalabas.

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago lumabas ng k'warto niya. Marahan akong bumaba ng hagdan at nagpaalam sa parents at kay Ate Valene na uuwi na.

“Ha? Ang aga! Wala ka pang ten minutes dito, ah?” tanong niya.

Ngumiti ako. “Uuwi na ako, Ate. Thank you for being so good to me.”

Napakunot-noo siya bago lumapit sa akin.  Hinila niya ako palabas ng bahay saka nagtanong.

“What happened?”

I smiled a little. “Nakipaghiwalay na ako, Ate.”

“Ha? Bakit?!” Tinampal niya ang bibig pagkatapos. “Oo nga pala, laging gusto ng alone time ng kapatid ko.” She sighed. “Naiintindihan kita, 'wag kang mag-alala.”

I nodded, looking down. “Salamat po.”

“But . . . you’re still the best woman for my brother. I still want you for him. Sana . . . magkaroon kayo ng second chance soon, pero no pressure. I hope you’ll live your life well and be happy, Solari.”

I nodded once again. “Thank you, Ate. Ikaw rin.”

Nang naglalakad na ako palayo sa bahay nila, parang ang laki ng nawala sa buhay ko dahil lang nakipaghiwalay ako.

Somehow, I feel empty. I want to cry but there’s just no tears. I want to feel the pain but there’s just no emotions like that I’ve been feeling.

What happened to me?

Nang nakasakay na sa jeep, palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi ako umiyak. Kahit isang patak ng luha, wala. Nag-init lang ang mga sulok ng mga mata ko pero wala namang luha.

Sa kalagitnaan ng byahe ko pauwi, naka-receive ako ng text galing kay Klein.

Klein ❤️:
Love, I love you. You were the best. You did nothing wrong. It's just that... I’m so lost. I’m sorry.

Klein ❤️:
For the last time, I still want to greet you. Happy fifth monthsary. I love you and I will always do. Please take care of yourself.

I automatically gripped my chest upon reading it. I still can’t cry even though I badly wanted to but the pain after reading those messages tripled.

It’s our fifth month today. How cruel am I to break up with him? 

Bakit nawala sa loob ko?

Bakit ngayon ako nakipaghiwalay sa kan’ya?

Pero higit sa lahat . . . bakit ang bilis niyang pumayag? Bakit hindi niya ako pinaglaban?

Bakit ang bilis niya akong binitiwan when . . . all I want is for him to keep holding on to me?

Bakit siya pumayag nang gano’n gano’n lang?
 

;)
 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top