Chapter 40
Mabilis akong yumakap sa kan’ya mula sa likuran habang nasa gitna kami ng kalsada. Napatigil na rin siya sa paglalakad.
Para kaming tanga na nasa gitna ng kalsada ngayon.
“Solari?”
Tumalikod siya para makita ako. Hinawakan niya ang mukha kong basang-basa ng luha at walang tigil sa paghikbi, habang ang mga driver naman na nagdaraan ay galit na galit at panay ang pagpapatunog ng sasakyan sa inis nila.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay kong nanginginig bago kami tuluyang tumawid. Nang nasa sidewalk na, tumigil na kami sa paglalakad.
Muli siyang humarap sa akin. Hinawakan niya ang mukha kong basang-basa pa rin ng luha dahil sa walang tigil na pag-agos nito, kasabay ng mga hikbi na sunod-sunod kumakawala sa bibig ko.
“Bakit nandito ka? Anong nangyari?” he asked.
I sobbed continuously. “I-I was so . . . s-scared.” I cried. “B-Bakit ka tatawid n-nang gano’ng karami ang s-sasakyan na dumadaan?”
Gusto ko nang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako makapagsalita nang dahil sa mga hikbi na paulit-ulit lumalabas sa bibig ko. My body’s still trembling, so do my cold hands too.
“Tatawid lang ako.” He gulped. “Sasakay ako ng tricycle para makapunta sa ’yo.”
Napaangat ang tingin ko, kasabay ng pag-awang ng bibig ko, nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko na nagawang magsalita pa. Pinunasan niya ang pisngi kong nabasa ng luha pero wala din nagawa ’yon dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
“Why are you here? Alam ba ng mama mo na nandito ka?” he asked. “And why are you trembling? What are you scared about?”
My eyes heated once again. “I’m so w-worried. Akala ko . . . m-magpapasagasa ka na.”
Umawang ang bibig niya. Ilang sandali pa, bahagya siyang tumawa bago ako hinila at niyakap. “I’m sorry that I made you feel worried. Papunta na ako sa ’yo pero heto ka . . . pinuntahan pa ako. I’m so sorry, love.”
For a moment, I felt ashamed of myself. I felt betrayed because he sounded so fine but look at me now . . . a fucking mess because of too much anxiousness I’ve felt.
Maybe it's my anxiety that made me do this . . . to run to him . . . to think that he might do the same thing that Kuya Lirio told me about before.
Sobrang natakot ako. Pakiramdam ko, walla nang puwang sa puso ko ang ibang emosyon dahil sa takot na naramdaman ko. Ni hindi ko na magawang sumagot pa sa kan’ya dahil ang tanging nagagawa ko lang ay umiyak nang tahimik.
Para akong pagod na pagod nang isinakay niya ulit ako sa tricycle. Sumama siya sa paghatid sa akin pauwi at uuwi rin daw kapag nakita niyang nakatulog na ako sa kama ko.
Pagkarating namin sa bahay, sinalubong kami ni Mama na nag-aalala.
“Oh, ano? Kumusta na? Nagkita na ba kayo ni Klein? Kumusta raw siya? Oh, nand’yan ka pala, hijo.”
Pati si Mama . . . nag-alala sa wala. Ano bang ginawa ko?
“Akyat na po ako.”
Iniwan ko na silang dalawa sa baba at dumeretso na sa k’warto ko. Ibinalot ko ang sarili ng kumot saka ipinikit ang mga mata.
Hindi nagtagal, narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko.
Yumakap siya sa akin mul sa likod bago nagsalita. “I’m really sorry, I had you worry that much.”
I closed my eyes as I smelled the alcohol in him. Sa dami ng tumatakbo sa isip ko kanina, ngayon ko lang ’to napansin.
May oras uminom, pero walang oras na mag-reply sa akin.
“Umuwi ka na, Klein. Nakainom ka.”
He sighed. “I missed you.”
“Mag-usap na lang tayo sa mga susunod na araw.”
He sighed once again. “Love . . .”
I gulped, shutting my eyes tighter. “Ibinibigay ko yung space at oras na kailangan mo para sa sarili mo. Ibigay mo sa akin ’to ngayon, please.”
Matapos kong sabihin 'yon, humigoit ang yakao niya bago ako hinalikan sa ulo.
“I love you. I’ll be back. Merry Christmas, my love.”
Kumalas na siya sa yakap bago ko narinig ang paglalakad niya palayo at ang pagsarado ulit ng pinto ko.
Oras na makompirma kong nakababa na siya, mabilis na bumuhos ulit ang mga luha ko dahil bumalik lahat ng takot na naramdaman ko kanina.
Paano kung wala ako doon? Paano kung nasagasaan nga siya, tulad ng iniisip ko?
Paano kung nagsisinungaling siya? Paano kung gagawin niya talaga yung sinabi ni Kuya Lirio sa akin noon?
Hindi ko kayang mamatayan ng mahal sa buhay . . . lalo na sa ganoong paraan.
Hinawakan ko nang mahigpit ang damit sa dibdib saka ako umiyak nang umiyak.
☀️
F
or days, I've been crying every night. I've been having nightmares about Klein, getting hit badly by a car and I am trembling so much in fear every time.
Ni hindi ko akalaing gagamit ulit ako ng kraft paper para lang makahinga nang mabuti.
Palaging pumupunta si Klein sa bahay pero ako naman ang wala sa mood para makipag-usap sa kan’ya. Ako naman ngayon ang parang pagod.
Pakiramdam ko, simula noong gabing ’yon, naubos na ako. Kung paano ako tumakbo at tumawid din nang hindi nag-iisip . . . nang hindi iniisip na baka masagasaan din ako.
Wala na akong ibang maramdaman kung hindi pagod sa lahat. I can’t even write a chapter. I’ve beed faced by a monster blank page since that night.
“Now . . . I understand.”
Napalingon ako kay Klein na nakaupo sa gilid ng kama habang nanonood lang ako ng random videos sa Facebook.
“Ganito siguro ang pakiramdam mo kapag ayaw ko makipag-usap sa kahit na sino.”
I almost scoffed. He won’t know how it feels to wait for something uncertain . . . to looked dumb, sending tons of messages and receive nothing.
Kinakausap ko naman siya. Hinahayaan ko siyang nandito sa bahay. I let him cuddle me whenever he wants . . . mga bagay na hindi niya nagawa kapag gusto kong gawin ’yon sa kan’ya.
Bago ang New Year’s Eve, nagpaalam siya sa akin na baka hindi siya makapunta dahil uuwi ang ibang relatives niya at magkaroon sila ng reunion. He said that he might be drinking for days.
Tumango ako. “Lagi ka namang umiinom kahit walang okasyon. Hindi ko alam kung bakit nagpapaalam ka pa.” I chuckled.
I know I sounded rude and offensive so I tried to laugh it out. But I can’t erase the fact that I really lost the fire in me . . . in this relationship with him.
I'm tired of everything. I don’t even want to do anything right now.
“I’m sorry,” he responded as he played with my hand while I was sitting in front of my computer.
“Saan?”
“For always drinking. For being an asshole boyfriend. I’m sorry, I can't be better.”
I bit my lower lip as I looked away.
He can’t be better . . . hindi niya kaya. Hindi niya kayang magsakripisyo para sa aming dalawa . . . kahit na maliit na bagay lang sana.
Gusto ko lang naman maging maayos siya. Gusto kong nandoon ako sa tabi niya kapag hindi siya okay. Bakit hindi niya ako hayaan? Gaano ba kahirap 'yon?
Am I a nuisance to his life?
Am I making him live a hard life?
Is he getting tired of my presence, that’s why he always feels that way lately?
“It’s okay. I accepted everything about you . . . and loved every bit of it. You don’t need to be sorry.”
His eyes glistened as he went closer, kissing my lips passionately. I closed my eyes and kissed him back, wrapping my arms around his nape.
It’s been a long time since we made love to each other. Ngayon na lang ulit.
Ngayon ko na lang ulit naalala kung bakit . . . bakit ginagawa ko ang lahat ng pag-intindi para sa kan’ya.
Kasi mahal ko siya.
Mahal na mahal ko siya.
☀️
Mabilis akong napabalikwas muli nang mapanaginipan ko ulit si Klein na nasagasaan nang malala. Hinawakan mo nang mahigpit ang dibdib ko saka umiyak nang umiyak.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nagkakaganito ako? Ang tagal na n'on, mahigit isang linggo na. Pero bakit binabangungot pa rin ako n’on?
Nanginginig ang mga namamahid kong kamay pero kinuha ko pa rin ang kraft paper bag sa drawer ng side table, saka doon huminga nang huminga.
“Inhale . . .” Tears fell as I took a deep breath. “Exhale.”
Paulit-ulit . . . hanggang sa makahinga na ulit ako nang maluwag at mabawasan na ang panginginig ng katawan ko. Namamanhid pa rin ang mga kamay at braso ko pero mas okay na ngayon.
Nang medyo maayos na, ibinalik ko sa drawer ang kraft paper saka bumalik sa paghiga. Nagtuloy-tuloy naman sa pag-agos ang mga luha ko na para bang hindi pa sila tapos masaktan dahil sa mga nangyari noong nakaraan.
I guess . . . I’m not really fine.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Klein. Tapos naman na ang New Year celebration so feeling ko naman, makikipag-usap na ulit siya sa akin.
Pero hindi. Nakatatlong tawag ako sa kan’ya, wala siyang sinagot kahit na isa.
Ibinaba ko na ulit ang cellphone sa side table saka pinilit na matulog. Hindi ko na inalintana ang mga luhang patuloy pa rin na umaagos mula sa mga mata ko.
The following days, bumalik na kami sa work immersion. Napansin na rin yata ni Eureka ang pananahimik ko after three days namin sa pagpasok ngayong bagong taon.
“Ano? Break na kayo?” tanong niya habang nagsusulat ng iniutos sa kan'ya.
Umiling ako. “Kami pa.”
Itinuloy ko na ang pag-sort alphabetically ng client's account para sa nagdaang buwan ng December.
“Pa?” Tumawa siya. “Buti kung mawala ang word na ’yan? Girl, kung iiwan mo ’yan, dapat noon pa! Medyo nawala na ang tiwala kong maghihiwalay kayo, pero bahala ka na. Buhay mo naman ’yan. Kapag nasaktan ka, umiyak ka na lang ulit sa akin. Hindi naman kita itatakwil dahil lang marupok ka.”
Gusto kong tumawa sa mga sinasabi niya pero napaisip lang ako. Hindi ko pa rin ipinakita sa kan’ya na napaisip ako at mas itinuon na lang ang atensyon sa trabaho.
Hindi ko nga ba kayang iwan si Klein?
Bakit? Dahil ba naibigay ko na ang sarili ko sa kan’ya, sapat na bang dahilan ’yon para manatili sa kan’ya?
Lately, hindi naman na ako masaya. Hindi ko na rin masyadong iniisip yung mga araw na hindi niya ako kinakausap, tulad ngayon, dahil pakiramdam ko, wala nang sense kung i-stress-in ko pa ’yon.
I’ve been very stressed every night because of that nightmare. Hindi ko na magawang stress-in ang sarili ko para sa ibang bagay.
“Hindi ko rin alam,” tanging nasabi ko sa mahabang sinabi niya.
Weekend came, Klein’s still wasn’t around. He’s not calling me back, replying to my texts or coming to my house. Hindi rin siya pumasok pero may nagpasa ng weekly report niya. Kasamahan niya yata sa work immersion pero sa ibang section.
Wala siyang paramdam . . . at all.
I’m getting tired . . . so tired. And I’m feeling uneasy once again since I'm starting to be worried about him.
Hindi ko na naman siya ma-contact. Balak ko sana siyang puntahan ngayon sa kanila pero gusto ko munang tumawag para alam niya.
Habang nakaupo sa gilid ng kama, I tried calling him a number of times pero wala siyang sinagot kahit isa. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang dumilim ang paningin ko at muling nanunbalik sa akin ang nangyari noong gabi sa kalsada.
“Klein!!!”
Mabilis na nanikip ang dibdib ko nang maalala ko kung gaano ako kadesperada noong oras na ’yon para marinig niya ako . . . Para lumingon siya . . . para huwag humakbang pa nang palayo.
Napahawak ako nang mahigpit sa cellphone at sa bedsheet. Namanhid ang buong katawan ko at nagsisimula na rin ulit akong manginig. Malamig ang mga pawis ko at hindi ko na magawa pang magmulat ng mga mata.
Sa kabila ng lahat, sinubukan ko pa rin tawagan si Mama sa speed dial ko.
“Ohh! Nasa iisang bahay lang, tatawag-tawag--”
“M-Mama hindi ako . . . m-makahinga.”
Matapos kong sabihin ’yon, bumagsak ako sa sahig at hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos.
☀️
Nagising akong nasa ward na ng hospital at may nakasaksak na dextrose. Naka-oxygen na rin ako kaya alam ko na kung anong nangyari.
“Mama . . .”
Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakadukmo.
“Anak! Ano bang nangyari sa ’yo, ha?” nag-aalala niyang tanong kasabay ng paghawak sa kamay ko. “Ano bang nangyayari't naulit na naman ‘to? May problema ba? Hindi ka naman kasi nagsasabi sa akin, anak.”
I smiled a little. “Binabangungot lang ako lately, Mama. Akala ko, normal lang 'yon, eh.”
Umagos ang mga luha niya bago nag-iwas ng tingin sa akin.
“Tinatakot mo ako. Alam mo namang iisa ka lang tapos gan’yan ka pa. Alagaan mo naman ang sarili mo, Solari. Kapag may problema ka, makipag-usap ka sa akin. Alam kong sinabi namin na hahayaan ka na namin sa lahat ngayong legal na ang edad mo pero hindi naman kami titigil na maging magulang para sa ’yo.”
Pati ako, naiyak na naman nang dahil do’n. Sa kabila ng lahat, pinilit ko pa rin ang ngumiti.
“I’m sorry, Mama.”
Nagbuntonghininga siya. “Alagaan mo ang sarili mo, Solari. ’Wag gan’yan! Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka kaya ’wag mo akong pag-aalalahin nang ganito.”
Paulit-ulit akong tumango sa kan'ya kasabay ng paglunok at patuloy na pag-agos ng mga luha.
“Oo, ’Ma. Aalagaan ko na nang mabuti ang sarili ko . . . simula ngayon.”
;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top