Chapter 37

  

 
Lumipas ang isang linggo, naging smoonth naman ang first week namin sa work immersion dito sa company. Strict ang empleyado pero mabait din naman sa amin.

Medyo natututunan na namin kung paano mag-photocopy at magtimpla ng kape nila. Charot.

“Sex ang love language ng jowa mo,” Eureka said in the middle of our lunch.

Mabilis na nag-init ang mukha ko kasabay ng pag-ikot ng paningin ko sa loob ng cafeteria ng company habang si Gilbert naman ay tawa nang tawa sa tabi ng kumakain na si Eureka.

“Eureka, Lunes na Lunes ‘yang bibig mo, ha!” bulyaw ko sa kan’ya bago napainom ng tubig.

Ibinaba niya ang kutsara’t tinidor na hawak bago tumingin sa akin. “Paanong hindi kasi! Tingnan mo nga, Friday at Saturday n’yong ginawa na akala mo miss na miss n’yo isa’t isa!”

I bit my lower lip. “Miss ko naman talaga siya.”

She sighed dramatically. “Alam ko! Alam ko yung ghosting phase niya sa ‘yo! Kung ako may jowa d’yan, iniwan ko na ‘yan, eh! Ewan ko ba sa ‘yo bakit hindi mo maiwan-iwan kahit na sinabi ko naman na sa ‘yo na binabawi ko na ang sinabi kong hindi ako papayag na maghihiwalay kayo!”

Napanguso ako bago napasilip kay Gilbert. “Hindi mo ba aawatin yung girlfriend mo?”

He shrugged. “Hindi lang dapat ako ang nakakaranas ng pagdidiwara niya.”

I chuckled. Nanay na nanay, eh.

“Ang sinasabi ko lang, Solari, alam kong mahal mo. Alam kong marami ka nang nasakripisyo d’yan sa relasiyon n’yo. Pero kung patatagalin pa at gano’n pa rin siya, hindi siya gumagawa ng paraan para mag-improve or maging better, para saan pa ang relasiyon? Ang nangyayari kasi, nagiging okay siya kapag walang tao sa paligid niya, including you.”

Para akong sinampal dahil do’n sa sinabi niyang ‘yon.

“Tapos, kapag okay na ulit kayo, ano mangyayari? Magsi-sex kayo na parang hindi kayo nag-usap for two weeks?” Umiling siya sa sobrang pagkadismaya bago muling kinuha ang kutsara’t tinidor. “That first time he neglected all of your messages was a waving red flag . . . and you’re a willing bull who ran for it.”

Itinuloy niya ang pagkain na parang hindi masasakit ang pananampal niya ng realidad sa akin.

“Hay nako, Solari! Sinasabi ko sa ‘yo, isang beses ka pang pumunta sa bahay nang umiiyak dahil lang sa lalaking ‘yan, ako na papatay d’yan, makita mo!”

Napanguso ako bago muling tumingin kay Gilbert. “Pakiawat na, please.”

Gilbert laughed as he shook his head. “No.”

I sighed. “Hindi ko kayang iwan.” I continued eating as I talked. “Hindi dahil malaki na ang nasakripisyo ko para sa kan’ya. Mahal ko siya. At alam kong kaya gano’n lang siya minsan . . . kasi hindi siya okay.”

“Alam ko, at hindi ka rehabilitation center o therapist, Solari! Hindi lang mental health niya ang nasisira. Sa ‘yo rin,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. “Tandaan mo na hindi ka rin okay. Hindi ka pa okay.”

Mabilis na nangilid ang mga luha ko bago itinuon ang atensiyon sa plato na may pagkain.

“Huwag mong ubusin ang sarili mo para sa kan’ya. You’ve done enough. At kung mangyayari ulit ‘yon at wala kang ibang gagawin kung hindi intindihin at mag-alala sa kan’ya, tigilan mo na. Ano na lang ang matitira sa ‘yo kung sakaling ikaw naman ang mangailangan?”

“Siya. Sabi niya, hindi niya ako iiwan,” sagot ko.

Tumawa siya. “Pero nangako ba siya? May pinangako man lang ba siya sa ‘yo?” I didn’t answer. “Wala, ‘di ba? Ibig lang sabihin niyan, wala rin siyang tiwala sa sarili niya. Natatakot din siyang mangako kasi alam niyang hindi niya matutupad, lalo na’t gan’yan siya!”

“Tama na,” sabi ko.

“Ayaw ko! Hindi ako titigil hangga’t hindi ka natatauhan!”

I chuckled as I looked at her. “Tatandaan ko lahat ng sinabi mo. At hindi ko uubusin ang sarili ko para sa kan’ya.”

She scoffed. “Siguraduhin mo lang kung ayaw mong pulbusin kita, Solari!”

Nagtawanan na lang kami bago itinuloy ang pagkain.

Nang mag-uwian, nagpaalam na sila sa akin dahil may daraanan pa raw sila. Birthday daw kasi ng Papa ni Gilbert at magsi-celebrate sila ngayon. Isinasama nga ako pero ayaw ko naman dahil family bonding ’yon. Dumaan na muna ako sa malapit na 7/11 para bumili ng Slurpee dahil medyo mainit.

“Solari!”

Habang nagbabayad sa counter, napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Ate Valene na kapapasok lang kasama ang ibang katrabaho niya.

“Hello, Ate!” I said.

“Kumusta? Bakit ka nandito?” tanong niya.

Pinakita ko ang suot na ID ng company. “Work immersion, Ate.” I chuckled.

Tumango siya bago nagpaalam na muna sa mga kasama. “Uuwi ka na ba?”

I nodded. “Tapos na rin po, eh. Ikaw, Ate?”

“Dadaan pa ako sa lupa ni Klein. May pinapaasikaso kasi sa akin.”

Napakunot-noo ako nang dahil do’n. “Lupa niya? May sarili siyang lupa?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumawa si Ate Valene. “Oo, may sarili siyang lupa. Birthday gift sa kan’ya ni Papa.”

Napaawang ang bibig ko dahil . . . ang bongga naman nila magregalo! Eh ‘di sana all rich kid!

“Ohh . . . bongga, ah?” natatawang sabi ko.

Inaya ako ni Ate Valene na maupo sa bakante. Pinaghintay na rin niya ako dahil bibili lang din daw siya ng kan’ya. I nodded and patiently waited for her. In less than five minutes, nandito na ulit siya sa tabi ko.

“Hindi pala nabanggit ni Klein sa ‘yo?” tanong niya pagkaupo.

I shook my head. “Hindi po. Wala naman siyang sinabi.”

Tumango siya. “Palalagyan niya yata ng bahay ‘yon. Balak yata niya na doon tumira kapag nag-college. Tapos papaayos niya raw at palalakihin kapag nagsasama na kayo.”

Parang tumayo ang mga balahibo ko, kasabay ng pag-init ng buong katawan ko dahil sa sinabi niya.

“Kami? Magsasama?” hindi makapaniwang tanong ko.

Tumawa si Ate Valene. “Mukha lang gago ang kapatid ko pero iniisip niya na palagi ang future ninyong dalawa.”

Napaiwas ako ng tingin nang pakiramdam ko, naririnig niya rin ang napakabilis na tibok ng puso ko ngayon. Shuta . . . bakit ba gumagano’n si Klein?! Wala man lang sinasabi!

“K-Kailan niya sinabi ‘yon?” tanong ko.

“Lagi naman niyang sinasabi sa amin. Ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam,” she said before chuckling.

Napakagat ako sa kuko habang nag-iisip. Hindi ko yata kayang iwan si Mama mag-isa sa bahay kung aayain ako ni Klein na magsama na kami. P’wede naman siya tumira sa bahay kaso hindi siya sa tabi ko matutulog.

Hindi niya magugustuhan ‘yon, for sure.

“Pero hindi ka pipilitin n’on. Wala pa rin pera ‘yon pampagawa ng bahay kaya ‘wag kang ma-pressure!” Tumawa si Ate Valene bago humigop sa Slurpee. “Papahiramin lang ni Mama ‘yon ng pampagawa ng bahay pero sure naman na willing siya tumira mag-isa do’n kung sakali na hindi ka pa ready or hindi ka pumayag. Mas gusto pa nga n’on nang mag-isa sa bahay, eh.”

Marami pang ikinukwento si Ate Valene tungkol kay Klein. Apparently, this guy has been talking about me constantly with his family and other relatives, lalo na kapag nakakainom, simula noong maging kami. Ngayon lang daw nag-open nang gano’n si Klein sa kanila dahil hindi naman daw siya gano’n ka-vocal noong may mga girlfriend siya years ago.

Pagkauwi ko, nag-text kaagad ako kay Klein.

Me:
Hi. I’m home. Nagkita rin kami ng ate mo kanina sa 7/11. Malapit lang pala ang workplace niya sa company na kinukuhanan ko ng work immersion?

I

waited for a few minutes and then he replied.

Klein ❤️:
Ohh, oo nga pala, hindi ko nabanggit. Anong pinag-usapan n’yo?

Klein ❤️:
I’m home too, my love.

Me:
Can we meet? May gusto lang akong itanong.

N

agtagal ng ilang minuto bago pa siya mag-reply.

Klein ❤️:
Nakakakaba naman ‘to.

Me:
Hahaha di ka naman dapat kabahan! May itatanong lang! 😅

Me:
Should I come to you?

Klein ❤️:
Ako na lang pupunta d’yan, love. Baka awayin mo pa ako, wala akong kakampi dito. At least, nandyan mama mo para kampihan ako. 🤪

Hindi ko napigilan ang sarili na tumawa nang malakas bago nag-reply sa kan’ya. 

Me:
Haha wala si mama dito. 😝

Klein ❤️:
Pupunta pa rin ako dyan. On the way na ako. 🤪

Nang dahil sa sinabi niya, nag-ayos tuloy ako nang mabuti at nagpabango pa. Parang first time niyang pupunta sa bahay ko kung umasta ako, ah!

Grabe.

Ilang sandali pa, narinig ko na ang pagtunog ng doorbell. Mabilis akong lumabas ng bahay saka siya pinagbuksan. Humalik kaagad siya sa akin bago kami pumasok dalawa.

“Ano ba yung itatanong mo?” tanong niya habang paakyat kami sa hagdan.

“Tungkol lang sa pinag-usapan namin ni Ate Valene,” I said.

“Ano naman ’yon?”

Nang makarating sa loob ng k’warto, isinarado ko ang pinto and for the first time, I locked it.

He chuckled. “Wow, this is the first time you clicked it.”

“Mag-uusap lang tayo, ’wag kang masyadong umasa.” I winked.

Tumawa siya bago naupo sa gilid ng kama saka ako pinaupo sa kandungan niya.

“So, what is this question that seems so important?”

Napanguso ako bago iniyakap ang mga braso sa batok niya. “May sinabi sa akin si Ate Valene. May inaasikaso raw siya about sa . . . lupa mo.”

Napaawang ang bibig niya bago tumawa namg bahagya. “Madaldal talaga ’yon.” He chuckled once again. “Ano pang sinabi niya?”

“Na . . . patatayuan mo raw ng bahay at doon ka raw titira kapag nag-college. At palalakihin mo rin kapag . . . n-nagsasama na tayo.”

Mabilis na namula ang mukha niya matapos kong sabihin ’yon. Tumawa pa siya habang ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay niyang nakahawak sa baywang ko.

“I-I’m sorry, hindi ko nabanggit.”

Napatango ako. “So . . . it’s true?” He gulped before nodding. “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?”

He sighed before giving me a small smile. “I was planning to tell you that at our graduation. Kaso naunahan ako ni Ate.” He chuckled.

I smiled a little. “Why are you including me in your plans in the future? Why do you want us to live together?”

Kumunot-noo siya bago tumawa. “Because I love you. Because I can’t imagine my life without you.”

Napalunok ako, kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. “Talaga?”

He chuckled. “Oo.”

“What if hindi ako pumayag?”

Ngumiti siya nang maliit. “I can’t force you but you can still go to my house anytime. Alam ko namang hindi mo kayang iwan si mama mo dito ngayon kaya inihanda ko na ang sarili ko d’yan. Still, I want to build a house for the both of us . . . para kapag handa ka na sa buhay na kasama ako, may uuwian na tayo.”

I smiled as tears fell from my eyes. I kissed him because of that. After a few seconds, I broke the kiss.

“Do you really want me to be your wife?”

He laughed. “Kung p’wede lang kaagad, matagal ka nang kasal sa akin.”

I smiled. “When do you want to marry me?” I asked.

He cupped my face and planted a soft kiss on my lips. “We can marry now, if you want. But we’ll have to live like this for a while until we can stand on our own feet. Of course, we need a job so we can feed each other’s tummy, right?” 

He chuckled. I listened to him intently.

“But the most ideal for me to marry you is . . . when I finally landed a stable job. Ibig sabihin, kaya ko nang suportahan ang pamilyang mabubuo natin pagdating ng araw na ’yon. Kaya ko na kayong buhayin ng mga magiging anak natin.”

I smiled at the last thing he said. “Ilang anak ang gusto mo?”

“Marami! Isang dosena, love!” Tumawa siya nang hinampas ko siya sa dibdib. “Joke lang. Pero kung ilan ang kaya mo, siyempre gawin natin.”

I chuckled. “Gusto ko rin ng marami.”

He claimed my lips after that. His hands traveled inside my clothes which made me gasp as I pulled away.

“May baon ka?” I asked.

He shook his head. “Believe in my power of withdrawal, love.”

Sinampal ko siya nang pabiro na siyang tinawanan niya bago ako umalis sa kandungan niya at kinuha ang long wallet sa bag. May mga inilagay siya sa mga singit-singit n’on para raw in case of emergency, may magamit kami.

Bwisit na ’to! Handang-handa, eh!

Ibinato ko sa kan’ya ang nakitang condom bago muling naupo sa kandungan niya.

“You can’t make me pregnant right now, we’re still very young and studying, okay?” He nodded. “Saka na ’yon, hmm? Saka na ang maraming anak.”

He chuckled before claiming my lips once again as he lay me down on my bed.

And we did it . . . for the first time in my room.

 
  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top