Chapter 36
“Love . . .” I called him.
“Hmm . . .”
“Help me get up.”
Klein helped me sit from lying on the bed. I tried to open my eyes but my vision is blurry. Nasaan ba ang salamin ko?!
“Lasing na lasing ka,” he said. “Sana uminom ka lang hanggang sa kaya mo.”
Umiling ako nang umiling. “I enjoyed it!” I laughed before wrapping my arms on his nape. “I missed you.” I kissed him on his lips but he didn’t respond. “I miss you. Why are you here?”
He smiled. “You told me to come to you if I’m feeling better.”
Mabilis akong napangiti. “Are you feeling better?” He nodded. “Yehey!”
He chuckled. I kissed him again but he’s still not responding. Sumimangot ako.
“Why aren’t you kissing me?”
He smiled a little. “Saka na lang kapag hindi ka na lasing.”
Muli akong sumimangot. “Hindi ako lasing. Kiss me back . . .”
Umiling siya. “I’ll kiss you all you want when you’re finally sober.”
Hinampas ko siya kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. “You made me wait for almost two weeks and now you can’t even kiss me! Hindi mo na ba ako love?!”
“Mahal na mahal.”
Umiling ako nang umiling. “You don’t love me! You don’t even want to kiss me now!”
He chuckled as he pinched both my cheeks. “You’re cute.”
I shook my head. “No! I want you to kiss me. I missed you!”
He laughed before planting a soft kiss on my lips. “I missed you like crazy too, love, but I can’t do anything right now. You’re drunk.”
“I’m not!” I cried.
“You are.” He chuckled.
“Hindi mo na ako love!”
He laughed once again. “Kung p’wede nga lang, matagal na kitang pinakasalan.” Tumawa siya nang mahina bago bumulong. “I don’t think you’ll remember everything tomorrow but I hope you do. You’re really cute.”
Hinampas ko ulit siya saka umiyak nang umiyak. “Hindi mo alam kung gaano kasakit yung nararamdaman ko kapag . . . kapag hindi ka nagpaparamdam nang gano’n!”
I sobbed. “Lagi na lang akong nag-iisip. Lagi na lang akong nag-aalala. Nandito ako palagi para sa ‘yo pero hindi ko maiwasang . . . isipin na baka bigla kang mawala kapag hinayaan lang kita.”
Klein’s face became serious. I can see it clearly even though I’m not wearing my eyeglasses.
“Natatakot ako kapag iniisip ko na nagagawa mo akong tiisin. Na . . . nagagawa mong mabuhay sa araw-araw nang kaya mong hindi ako naririnig o nakakausap. Natatakot ako, Klein, kasi hindi gano’n yung nararamdaman ko. I miss you everyday. I want to see or hear you. I want to come to you but I respect the boundaries between us and the time that you need for yourself. I respect all of that!”
I harshly wiped my tears away with my arms.
“I just love you so bad . . . it always kills me everyday that you’re not with me. It always hurts me whenever you want your time for yourself. It kills me everyday . . . kasi hindi ko kaya. Pero kinakaya ko kasi gano’n ka, eh.”
Sunod-sunod na hikbi ang lumabas sa bibig ko matapos kong sabihin ‘yon. I was about to continue talking but he did it first.
“Hindi ko rin naman kinakaya. Wala lang akong magawa talaga kasi hindi nakikisama yung sarili kong katawan. I’m really sorry that you felt that way. I didn’t mean it. It’s just that . . . I’m really fucked up sometimes. My mind sometimes went into chaos and I didn't need anything or anyone but silence . . . space . . . at times like that. I’m really sorry.”
Pinahiga na niya ulit ako at pinunasan ang mga luha at pawis bago ako nilagyan ng kumot.
“Rest for now, Solari. You’ll see me again tomorrow.” He kissed my forehead. “I love you. Good night.”
And so, I closed my eyes. After doing that, I immediately fell asleep.
☀️
Kinabukasan, nagising ako na paulit-ulit na nagmumura nang dahil sa sakit ng ulo. Pumunta ako sa baba nang gegewang-gewang habang hawak ang magkabilang sentido.
‘Tang ina . . .
Oras na maupo sa dining area, nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko si Klein sa kusina na katulong si Mama sa pagluluto. Lumingon silang dalawa sa akin. Ngumiti sa akin si Klein habang si Mama naman, nagsimula na sa pagra-rap ng verse niya ngayong umaga.
“‘Yan ang sinasabi ko! Iinom nang iinom, hindi naman pala kaya ang sarili! Alam mo ba kung gaano karami ang naghatid sa ‘yo kagabi? Alam mo ba kung ano-ano raw ang pinaggagawa mo ro’n at pinagsasabi, ha?!”
Napayuko na lang ako habang hawak ang napakasakit kong ulo.
“Mama, mamaya ka na mag-rap, masakit na ulo ko, please.”
“Aba’t nagrereklamo ka pa! Kasalanan mo naman ‘yan! Sa susunod na uminom ka, yung kaya mo lang, hindi yung gan’yan, Solari! Pasalamat ka, hindi kita sinumbong sa ama mo!”
Tumawa nang mahina si Klein. “Sa susunod na inom niya, Tita, kasama na niya ako, kaya hindi na siya aabot sa gan’yan.”
Maraming diwara pa ang lumabas sa bibig ni Mama bago siya tuluyang huminto. Ilang sandali pa, naglapag si Klein sa harap ko ng bowl na may chicken soup, at sa tabi nito ay kape.
“Kumain ka muna nang mabawasan hangover mo.”
Tumango ako. “Thank you.” Hinalo ko ang soup bago nagtanong nang nakaiwas ang tingin sa kan’ya. “Kumusta ka na?”
Naghila siya ng upuan saka naupo sa tabi ko. “Okay na ako. Napag-usapan na natin ‘to kagabi, love.” He chuckled.
Napatingin ako nang masama sa kan’ya. “Kung makatawa ‘to . . .” sabi ko nang may pagbabanta.
Mas lalo siyang tumawa bago nangalumbaba sa kanan habang nakatingin sa akin. “Ang cute mo malasing pero ‘wag mo nang uulitin yung gano’n, love, please.”
Napanguso ako bago sinimulan nang kumain. Unang subo ko pa lang, guminhawa na kaagad ang pakiramdam ko. Masakit pa rin ang ulo pero may ginhawa akong naramdaman nang dahil do’n.
“Bakit? Bakit ‘wag ko nang uulitin?” tanong ko habang nakatuon ang atensiyon sa pagkain.
“You’re crying.” I heard him sigh. “Seeing you cry . . .” He chuckled. “. . . it always kills me.”
Lumingon ako sa kan’ya at nakita ang malungkot niyang mga mata.
“I don’t want you to cry again so, from now on, I will try my best not to make you cry again. Okay?”
He will try his best, he said. But he never said that he promise to do it.
Tumango ako saka ngumiti. “Naniniwala ako sa ‘yo.”
Pinanood niya akong kumain ng breakfast ko. Tapos na raw sila ni Mama at itong pinapakain niya sa akin ay siya ang gumawa. Itinuro niya raw kay Mama dahil ‘yon ang ginagawa ni Ate Valene sa kan’ya sa tuwing nalalasing siya nang sobra.
May mga ilan pa siyang kinwento hanggang sa nagkwento na siya about school.
“Nakapag-enroll na ako no’ng isang araw.”
Napalingon ako sa kan’ya habang humihigop sa kape. “Huh? Bakit hindi ka nagsabi? Sinong kasama mo?”
He shook his head. “Ako lang mag-isa. Sinakto ko sa oras na malapit nang mag-cut off, saka ako pumunta. Mas mabilis ang proseso. Yun nga lang, hindi tayo magkasabay.”
Napanguso ako bago naalala ang sinabi ni Eureka. “Alam mo ba na OJT Coordinator na raw ang magbibigay ng company sa atin para makuha yung work immersion natin?”
“Huh? Sinong may sabi?” tanong niya.
Nakasimangot akong tumingin sa kan’ya. “Si Eureka. Sabi ng friend niya sa ABM, gano’n daw ang plano at ibabalita yata sa first day. Yung friend niya na ‘yon, kukuhanin mismo ang work immersion niya bilang assistant ng OJT Coordinator kaya malaki ang chance na totoo ‘yon.”
Iniisip ko pa lang na magkahiwalay kami sa isang buong sem ni Klein, nalulungkot na talaga ako. Ito ngang two weeks na hindi kami nagkita at nakapag-usap masyado, para na akong pinapatay sa hirap at sakit.
Feeling ko, masyado akong dumepende sa kan’y simula noong maging kami.
“Hayaan na natin, love. Wala tayong magagawa. Kaya naman natin ‘yon, hindi naman siguro tayo magiging LDR.” He chuckled.
Ngumuso ako bago tumingin nang masama sa kan’ya. “Baka may makita kang mas maganda do’n!”
Tumawa siya nang malakas. “Ikaw na nga pinakamaganda, eh. Ang imposible naman na may mas maganda pa sa ‘yo.” He chuckled when he saw my face heated. “At kailan ba ako tumingin sa iba?” Inilabas niya ang cellphone sa bulsa at ipinakita ang picture ko ro’n. “Nandito lang palagi ang mata ko kapag wala ka.”
Kinurot ko siya sa tiyan. Tumawa siya bago ako hinila saka niyakap nang mahigpit.
“I’m really sorry for not being with you the past two weeks. I will do my best to be the best boyfriend you’ll ever have.”
I chuckled before hugging him back. “Boyfriend lang?”
He kissed my temple. “To be the best husband for my future wife.”
☀️
W
e celebrated our third monthsary just a day after our first day of school. Malungkot kami pareho dahil totoo nga ang chismis! Magkahiwalay kami ng company ni Klein!
“Nakakainis ka kasi, hindi ka pa sumabay, eh,” bulyaw ko sa kan’ya habang kumakain kami ng Jollibee meal sa loob ng k’warto ko.
Tumawa siya nang dahil do’n. “Love, the announcement has been made last week. Mag-start na tayo ng work immersion natin, galit na galit ka pa rin!” He laughed louder.
Hinampas ko siya nang malakas sa hita niya. “Bwisit ka! Magti-third wheel tuloy ulit ako kina Eureka at Gilbert simula bukas!”
Tumawa si Klein bago inilagay ang balat ng chickenjoy niya sa pagkain ko. “Mas cute naman tayo sa kanilang dalawa, hayaan mo na sila.”
Tumawa na lang ako dahil siguradong babanatan siya ni Eureka kung maririnig siya nito.
Isang linggo na ang nagdaan matapos ang third monthsary namin pero hindi ko pa rin matanggap yung katotohanang third wheel na naman ako! Bwisit! Feeling ko tuloy, tawang-tawa si Eureka sa akin dahil bumalik na naman ako sa mga panahong single ako’t naiirita sa landian nilang dalawa!
“Anong oras kang uuwi?” tanong ko matapos naming kumain at ligpitin ang mga pinagkainan namin.
Kumunot-noo siya sa akin. “Bakit? Gusto mo na ba akong umuwi?” malungkot na sabi niya.
Pinagtawanan ko siya nang dahil do’n. “Hindi naman! I mean, kaninang umaga pa tayo nandito! Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Maggagabi na kaya!”
Tumawa siya bago ako hinila papunta sa higaan saka ako niyakap. “Mas gusto nila ‘to kaysa yung nakakulong ako sa k’warto. ‘Wag mo silang alalahanin.”
Tumango na lang ako saka yumakap sa kan’ya pabalik. “Si Mama naman, kanina pa rin nandoon kina Caleb. Kawawa rin yung pinsan ko na ‘yon, sa totoo lang. Para namang pinabayaan na lang siya.”
I heard him sigh. “Bakit kasi hindi mo kinukumusta? Puntahan mo rin paminsan-minsan.”
I snorted. “Ayaw ko nga! Hindi kaya ng pride ko, ‘no! Nakakapagselos pa rin kaya kapag mas mabait si Mama sa kan’ya kaysa sa akin!” I sighed as I hugged him tighter. “Pero ngayon, parang naiintindihan ko na rin. Hindi ko na lang din talaga minsan naiiwasan.”
He chuckled. “‘Wag ka nang selosa. Kahit naman anong mangyari, ikaw pa rin ang anak ng mama mo.”
Napatango na lang ako saka ngumiti.
We cuddled and talked about how we’ll manage our relationship for this semester. We agreed not to see each other everyday para hindi hassle since sobrang layo ng company niya, compared sa company ko. Mag-uusap na lang daw kami palagi. Magkikita rin naman every Friday, tuwing pasahan ng weekly report kaya okay na rin.
Nang mag-8:30 p.m., kumain na kami nang sabay dahil may iniuwi na pagkain si Mama, iniluto niya raw sa bahay ni Caleb.
Apparently, my cousin’s not eating since yesterday so she had to stay all day to see if his appetite is back. Mabuti na lang talaga at makulit ang nanay ko.
Pagkatapos n’on, umuwi na rin si Klein.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top