Chapter 35
Isinuot ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig habang nakaupo sa gilid ng kama niya. Gano’n din si Klein sa likuran ko.
Habang isinusuot ang shirt ko, nagpunta siya sa harap ko saka naupo nang bahagya sa sahig. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka ako tinitigan nang mabuti sa mga mata.
“I’m really sorry for everything I’ve said. I didn’t mean to hurt you . . . to make you cry,” he said as he pulled me closer, hugging me tight. “I’m so sorry, my love. I’m just so frustrated and . . . irritated everyday. I’m sorry.”
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa mga una niyang sinabi pero . . . it’s contradicting with the first thing that he made me remember.
My words are absolute.
I stand by my own words.
I really don’t think that he should say sorry to me if he believes that. Tulad ng sinabi niya, lahat ng lalabas sa bibig niya, paninindigan niya. Kaya sana . . . pinanindigan niya na lang at hindi na nag-sorry. Hindi ko tuloy alam ngayon kung dapat pa ba akong maniwala doon.
“I-It’s okay. Kasalanan ko rin kasi hindi ako sumunod sa ’yo.”
I moved away from his hug and finished putting my clothes on. Pagkatapos, tumayo ako’t kinuha ang bag na nasa sahig din ngayon, saka nag-ayos sa harap ng salamin niya.
“Love, hindi. Wala kang kasalanan. It’s my fault that I’m a mess now.”
I shook my head. “Hindi mo kasalanan na gan’yan ka ngayon. Hindi mo naman ginusto ‘yan, ‘di ba?”
He didn’t answer.
“Pero hindi ko rin kasalanan kung n-nami-miss na kita.”
I looked down on my lap and tears fell continuously because I’m really hurt with the way he treated me earlier.
“Gusto lang naman kitang makita. Gusto kong malaman kung maayos lang ang kalagayan mo dito habang gusto mo ng oras para sa sarili mo.”
Sobs escaped my lips as I wiped my tears away.
“’Yun lang naman ang gusto ko kasi . . . kasi wala ka namang nire-reply-an sa mga text ko sa ’yo. Nag-aalala lang naman ako kaya nandito ako ngayon. Masama ba ’yon?”
I looked at him. He’s looking at me like he wants to cry too. Patuloy rin ang paglunok niya pero hindi pa rin siya nagsasalita.
“Ayaw mo na ba?”
Umawang ang bibig niya sa itinanong ko.
“No way, hindi gano’n ’yon, Solari.”
I sniffed. “Natitiis mo na ako nang ganito katagal. Anong iisipin ko, ’di ba? Hindi ka nagsasabi kung maayos lang ba ang lagay mo dito at kung anong iniisip at nararamdaman mo.”
“Kasi hindi ko rin alam,” he said that made me stop from talking. “Hindi ko rin maipaliwanag yung nararamdaman ko at . . . at magulo ang isip ko. Kaya wala akong masabi kasi hindi ko rin alam kung saan magsisimula, eh.”
I looked down once again. “You should still let me know. You should still reply to my messages kahit isang beses lang. May karapatan ako do’n, Klein.” I looked straight in his eyes. “May karapatan ako sa ’yo. May karapatan akong malaman kung . . . m-mahal mo pa ba ako.”
He sighed as he held both of my hands. “Mahal na mahal kita. Hindi mawawala yung pagmamahal ko sa ’yo dahil lang nagkakaganito ako, Sol.”
Nang tawagin niya ulit akong gano’n, parang sumaya ang puso ko. Pakiramdam ko, ang tagal-tagal na ng panahon noong huling beses niya akong tinawag nito.
Hindi ko akalaing mami-miss ko 'yon, samantala noon, galit na galit ako kapag tinatawag niya akong gano’n.
“Magsasabi ka naman kasi . . . para hindi ako nagmumukhang tanga, Klein.”
He sighed, wiping my tears away.
“Nasasaktan kasi ako kapag hindi mo pinapansin yung mga text at tawag ko kahit na alam kong nababasa mo naman. Nasasaktan ako kapag binabalewala mo ako nang gano’n.”
Tumango siya bago lumapit sa akin, saka ako niyakap ulit.
“I’m sorry, love. I’m so sorry.”
That same day, umuwi ako nang maaga-aga pa. Tulad ng sinabi ni Kuya Lirio noong araw din na ’yon, tahimik lang si Klein kapag ganoong sitwasyon.
In my case, sumasagot naman siya paminsan-minsan, pero alam kong pinipilit niya lang ang sarili niya para sa akin . . . para kausapin ako kahit na wala siya sa mood.
The following days, nagkaroon ng mga text si Klein sa akin pero ramdam ko pa rin yung pagiging distant niya. So, hinayaan ko na muna siya ulit dahil alam kong hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya.
I suddenly feel guilty because I know that he’s doing all of that because he wants to prove that he still loves me . . . that what I’m thinking about him now isn’t true.
Hindi dapat ganito, eh. Dapat iniintindi ko siya dahil hindi nga siya okay.
Tulad ng sinabi ko sa kan’ya noon, hindi niya kasalanan na hindi siya okay ngayon. Hindi niya naman ginusto ‘yon. Wala namang may gusto n’on. It’s just that . . . sometimes, nagkakasakit talaga ang isip natin at hindi naman p’wedeng itanggi ‘yon dahil normal lang naman ‘yon.
Brain, after all, is a physical part of the body. Hindi man nakikita madalas yung sintomas nito . . . it’s still an illness. I should understand him and be there for him . . . assure him that I will never, ever, leave him.
After a week, simula noong pinuntahan ko siya sa kanila, nag-send ako sa kan’ya ng text bago matulog.
Me:
You don't have to try so hard kung hindi mo kaya, love. I'm here. I'm still here. I'll wait for you until you're already feeling better. Just talk to me if you’re already fine. Come to me if you have to. I love you.
After I sent him that message, he immediately replied.
Klein ❤️:
Thank you so much, love. I love you. I really do. If I could, I’d marry you right now. Thank you for understanding me. Please wait for me. Mahal kita.
I smiled as I read his message.
Kahit na papaano, gumaan na ang pakiramdam ko at kahit nasasaktan ako, at least ngayon, alam ko na hindi para sa wala ang sakit na ‘to.
He’s thinking of marrying me . . . at this age we’re in. I think this speaks volume, right?
But after that, I went to Eureka’s house and cried my heart out.
Nakakatuwa na gano’n na siya mag-isip ng tungkol sa aming dalawa pero . . . pero hindi naman naaalis yung sakit at pag-aalala.
☀️
T
he following days, dumalaw kami sa puntod ng mga mahal namin sa buhay dahil araw ng mga patay. It was a normal day, though nagkaroon lang ng kaunting reunion with some of my cousins and other relatives. Nag-aaya pa nga ng inuman, akala mo naman, umiinom talaga ako!
“Tara na, Solari! Eighteen ka na, p’wede ka na!” sabi ni Con.
“Hindi ako papayagan ni Mama, Constantine,” simpleng sabi ko na nagpamura sa kan’ya.
“Tang ina nitong amoy-araw na ‘to, minsan na nga lang magkita-kita, gan’yan pa itatawag sa akin!” sabi ni Con na nagpatawa sa lahat ng nandito ngayon. “Tita, bawal pa rin si Solari?”
Ngumiti si Mama. “Wala nang nagbabawal d’yan, matanda na ‘yan. Kaya na niya ang sarili niya!” sagot ni Mama.
Nagpalakpakan ang mga pinsan ko kasabay ng pag-chi-cheer. Kumapit pa sa akin si Veronica at Eunice na parang excited na excited.
“Kidnapin muna namin anak mo, Tita Luna!”
Luna . . .
Sa side talaga ni Papa, Tita Luna ang tawag sa kan’ya ng mga pinsan ko. Si Caleb lang yata ang tumatawag sa kan’yang Tita Esme. Paano ba naman kasi, ang haba ng pangalan: Luna Esmeralda Eusebio Dominguez. Kung anong haba ng pangalan niya, ‘yon namang ikli ng pangalan ko!
Tumawa si Mama bago sumagot. “Ay, nako! Kay Klein na kayo magpaalam, ‘wag sa akin! Wala nang problema sa akin at matanda na ‘yang si Solari.”
Tiningnan ako gamit ang naniningkit na mga mata ng mga pinsan ko.
“Sino ‘yon?” tanong ni Veronica.
“May jowa na ‘to, Tita Luna?” tanong ni Eunice.
“Oo, meron! Hindi kasi kayo um-attend no’ng eighteenth birthday niya!” bulyaw ni Con sa dalawa.
Tumawa sila bago nagsalita si Veronica. “Nakita mong ang hectic ng schedule ng college, eh. Bumawi naman kami, ah!”
Tinawanan ko na lang sila dahil sa totoo lang, wala naman na sa akin kung magpunta sila o hindi. Hindi rin naman nila nakalimutan tapos nagpadala pa ng gifts sa parents nila. Nagkaroon din kami ng bukod na bonding.
“Nako, Tita Luna! Kumusta naman na kaya ngayon si Klein sa kan’ya?” pang-aasar pa ni Con.
Hinampas ko siya nang malakas. Ilang sandali pa, tumawa ulit sila tapos ay si Kuya Russ naman ang nagsalita.
“Binu-bully n’yo na naman si Sol, kayo talaga!”
Sinimangutan ko si Kuya Russ sa itinawag niya sa akin pero sa totoo lang, wala na yata akong sama ng loob sa nickname na ‘yon.
“Hoy, tinatrato ko nang maayos ‘yon!” sagot ko sa kanilang lahat.
“Nako, baka ginugulpi mo ‘yon, ah? Sana pala binalaan ko muna para nakapag-isip-isip siya nang mabuti,” dagdag na pang-aasar ni Con na tinawanan ulit ng lahat.
Nagtuloy-tuloy pa ang pang-aasar nila sa akin hanggang sa magkulay orange na ang langit kaya naman napagpasyahan naming umalis na. Tulad ng napag-usapan, hindi ako sa bahay dumeretso, kundi sa bahay nina Con, kasama ang iba pa naming mga pinsan.
Mabilis nilang s-in-et up ang inuman sa garden. Ang magkakapatid na sina Con, Veronica at Eunice ay nag-away-away pa dahil sa “ambagan” nila para sa pulutan.
Nang matigil na sila, nagbigay na lang ako kay Kuya Russ ng pera at sinabing ibigay ‘to sa tatlo. Nagkasundo-sundo naman dahil hindi naman maliit ang 500 pesos, excuse me!
Ilang sandali pa, dumating na rin ang iba pa naming pinsan na umuwi lang para magbihis, tapos dumeretso na rin dito. May mga dala silang chips na natira daw nila kanina sa sementeryo. Naging source of laughter na naman ‘yon tuloy bago tuluyang nagsimula ang inuman.
“Hoy, ang pait!” I said as I almost threw up!
Ano bang kinaaadikan ni Klein dito? This is so disgusting! Ew! Ang init-init pa sa bibig, feeling ko mag-aapoy na siya any time!
“Ayan, kasi! Kasalanan ‘to ni Tita Luna, ayaw ka pang payagan uminom noon!” sabi ni Veronica nang natatawa.
“Isusumbong kita!” bulyaw ni Con sa kan’ya.
“Eh ano naman? Samahan pa kita! Pangit mo!”
Pinagtawanan ko na lang sila.
“Bigyan n’yo kasing chaser! Pota, first time iinom tapos pinagpuro n’yo ng Tequila, mga gago!” bulyaw ni Ate Gail sa kanila.
Binigyan naman nila ako ng isang basong juice. Inasar-asar pa nga ako dahil baka raw gawin kong tubig ‘yon! Pumayag na lang ako nang makuha na kaagad yung bwisit na chaser na ‘yan, p’wede naman pala ‘yon!
Nagtuloy-tuloy na nga ang inuman, kwentuhan tungkol sa college lives nila, mga nagiging boyfriend at girlfriend nila, pati kung paano sila naghihiwalay.
“Darating ka rin sa point na iiwan mo yung taong mahal mo kasi pagod ka na!” malakas na sabi ni Veronica saka tumawa nang malakas. Ilang sandali pa, bumuhos na ang mga luha niya na naging dahilan na naman ng tawanan namin. “‘Tang inang ‘yon, bakit pumayag!!!”
Napapailing na lang ako bago kumuha ng barbecue sa lamesa. Tinampal naman ni Con ang kamay ko nang dahil do’n.
“Aray, ah!” bulyaw ko sa kan’ya.
“Hindi ‘to mukbang! Kanina ka pa, ah!”
“Eh para saan ba yung pagkain na ‘yan? Display?!”
Tumawa si Con bago naunang kumuha sa akin ng barbecue. Inirapan ko na lang siya bago kumuha ulit ng sa akin. Gusto pala siya mauuna! Bwisit na ‘yon!
Natuon ang atensyon naming lahat kay Veronica na iyak pa rin nang iyak habang si Con naman ay pinagtatawanan ang kapatid. Nakikita ko ang paminsan-minsang paggalaw ng panga niya habang tumatawa. Hindi ko tuloy alam kung natatawa ba talaga siyang umiiyak ang ate niya o nagagalit siya.
“Ang pangit-pangit mo, tumigil ka na, ah!” bulyaw niya rito na tinawanan namin ni Kuya Russ.
“‘Tang ina nitong Constantine na ‘to, kung tinutulungan mo ‘ko dito, ‘di ba!” bulyaw ni Eunice na para bang mas matanda pa siya dito.
Tumawa ulit si Con. “Aba, uminom-inom siya nang sunod-sunod, eh. Kasalanan niya na ‘yan!”
Nang makalma na si Veronica, nagtuloy-tuloy ang inuman at kwentuhan na parang walang nangyari . . . hanggang sa ako na nga ang nalasing. Narinig ko ang malakas na tawanan nila habang isinasakay ako sa sasakyan.
“Tang ina, baka sukahan niyan yung kotse ko!” bulyaw ni Kuya Russ.
“Oh, ano? Mas importante ang sasakyan kaysa sa pinsan, Russel?” tanong ni Ate Gail.
Naririnig ko ang shutter ng camera at nasisilaw din sa flash ng camera nila pero hindi ko na pinansin. Gusto ko lang matulog ngayon at mahiga.
Pero gusto ko pang uminom! This is fucking awesome! It feels like I’m on a fucking clouds!
“Asan na yung shot ko!!!” malakas na sabi ko.
Nagtawanan ang lahat ng nasa loob.
“Nandoon sa inyo, maghintay ka!” bulyaw ni Eunice.
Ilang sandali pa, naramdaman kong ibinababa na nila ako ng sasakyan. May pumasan sa akin pero hindi ko alam kung sino at wala na akong pakialam. Hindi ko nga magawang buksan ang mga mata ko o igalaw ang kamay ko kahit na gising naman ako’t naririnig silang pinagtatawanan ako.
“Pucha, ang bigat naman nitong pangit na ‘to!” bulyaw ni Con. “Bakit ba ako nagbuhat dito, Kuya Russ!!!”
Hanggang sa narinig ko na si Mama na pinapapasok kami, pati ang pagdidiwara niya.
“‘Yan na nga ba ang sinasabi ko sa batang ‘yan, hay nako!”
Dumami pa nang dumami ang sinasabi niya hanggang sa naramdaman kong nakahiga na ako sa kama. Inayos nila ako’t binalot ng kumot.
“Ako na po muna dito.”
Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na ang tagal ko nang hindi naririnig.
“Sige, hijo. Pagkatapos, umuwi ka na’t masyado nang malalim ang gabi. Hindi ko akalaing aabot sila nang gan’yan katagal kaya pinaghintay na kita. Pasensiya na.”
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Klein.
“Ayos lang ho ‘yon. Saglit lang naman ang paghihintay na ginawa ko, kompara sa ginagawa niya para sa akin.”
Mabagal na pumatak ang mga luha ko nang dahil do’n.
;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top