Chapter 34

  


The weeks went by really fast.

We defended our research smoothly from the panelists. Mabuti na lang din at napag-aralan naming mabuting dalawa ang mga p’wedeng ibutas sa amin kaya kahit na may ilang tanong na hindi nasagot at may mga kailangang alisin o idagdag bago ipa-hardbind at ipasa, all in all, it was a success.

It was such a success that we celebrated it in his house . . . inside his room . . . tangled with each other on his bed.

Napapailing na lang ako kapag naaalala ko lahat ng kalokohan naming dalawa ni Klein. I mean, who would have thought that someone as anxious as me before whenever he’s near, is now so confident and comfortable to do things with him?

“Ano ’yan?” tanong ni Eureka habang nakatingin sa keychain ng coin purse ko.

Mabilis ko itong itinago sa bag bago sumagot. “K-Keychain!”

Humagalpak siya ng tawa. “Keychain??? Gago, susi ng posas yan, ah!”

Muntik ko nang takpan ang bibig niya dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya n’on. Pati si Gilbert, humagalpak na rin ng tawa dahil do’n. Mabuti na lang, walang pakialam ang ibang estudyante na kasama namin sa pila.

It’s the enrollment season now for our second—and last!—semester this school year. Work immersion na lang naman ang gagawin kaya magiging magaan na rin. Bukod do’n, narrative report na lang ang magiging paper works namin. Kapag naipasa namin ’yon, we’ll all be candidates for graduation!

“So, anong oras pupunta ang kinky mong jowa?” tanong ni Eureka.

Napairap ako sa itinawag niya kay Klein. “Bibig mo, Eureka! Paduduguin ko na ’yan!”

She laughed. “Sorry na! So, nasaan na nga si Olivarez?”

Bahagya akong ngumiti bago sumagot. “He won’t come. Baka sa susunod na mag-enrol ’yon.”

“Bakit hindi pa siya sumabay sa atin?” Gilbert asked.

I pursed my lips, trying to come up for an explanation about his situation right now.

“Uhm, m-masama ang pakiramdam niya ngayon.”

Napatango silang dalawa. 

“Tinatamaan din pala ng sakit ’yon?” Eureka said as she chuckled.

It really did affect my mood today when she asked about him. Alam ko na hindi kami makakapag-enroll ngayon nang sabay, pero nalulungkot kasi ako.

It’s the third day that he’s not showing his face to me. Magti-text lang siya sa gabi kapag alam niyang tulog na ako. At yung mga text niya, once a day lang!

So far, two text messages pa lang ang nare-receive ko sa kan’ya. Nandoon na rin naman ang short explanation niya.

Klein ❤️:
Hello, love. I'm sorry, I just don't really feel fine right now. I can't talk or see you right now since I don't feel like doing anything. I hope you didn't skip any of your meals. I love you. Sleep well. Good night.

Klein ❤️:
Love, I hope you won't give up on me. I love you.

Muli akong napabuntonghininga nang makarating na kami sa harap ng registrar.

“Ang OJT coordinator daw this year ang magbibigay sa atin ng company para sa work immersion, ah?” sabi ni Eureka habang papunta na kami sa kabilang window para magbayad ng tuition.

Mabilis akong napalingon sa kan’ya bago kami naupo at muling pumila. “Sino namang nagsabi?”

“Yung ABM kong frenny. May bagsak siya, ’di ba? So yung OJT niya raw ay maging assistant mismo ng OJT coordinator habang ina-attend-an yung back subjects niya. ’Yon daw ang plano ngayon.”

Napasimangot naman ako dahil hindi ko alam ang tungkol doon. Natatakot din ako na i-base ang deployment sa dates ng pag-e-enroll ng students.

Kung mangyari ’yon, siguradong magkakahiwalay kami ng company ni Klein dahil masyadong maraming nag-enroll ngayon. Hindi ko naman siya p’wedeng pilitin na mag-enroll ngayon dahil alam kong hindi tama ’yon.

Hindi nga siya okay, eh.

“Kailan mo nalaman?” I asked.

“Kanina lang noong wala ka pa. Chinika sa amin habang nakapila kami dito dahil nadaanan niya kami.”

Napatango na lang ako at hindi na kumibo pa.

Magiging okay din naman siguro. May tiwala naman ako sa relasiyon naming dalawa. At isa pa, kung sakali man na ganoon nga, nandito naman si Eureka at Gilbert na kasabay kong mag-enroll. Hindi naman siguro ako magiging mag-isa.

Nang matapos mag-enroll ngayon, lumabas na ako ng campus at naghintay ng jeep para umuwi. Napapaisip pa rin ako sa kalagayan ngayon ni Klein.

Sana okay na siya.

“Solari!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako nang makita ko si Kuya Lirio na naglalakad papalapit sa akin.

I waved my hand. “Kuya Lirio!”

He chuckled. “Kumusta?”

I smiled a little. “Okay naman. Nag-enroll ako today.”

Kumunot-noo siya. “Hindi mo kasabay si Klein?”

I sighed, looking at the road, where numerous cars were passing by. “Ito na ang pangatlong araw na hindi kami nag-uusap. Hindi yata ulit siya okay ngayon.” Lumingon ako kay Kuya Lirio. “Was he always like that?”

Bahagya siyang tumawa bago nagbukas ng candy saka ito isinubo.

“Hindi kasi sanay na palaging may kasama ’yan,” he started. “Kahit noon pa, lagi din siyang napapagod sa pakikihalubilo sa tao. Minsan pumupunta pa rin ako sa kan’ya kahit na gano’n pero wala. Silent treatment. ’Di talaga siya nagsasalita. ’Di niya rin ako kinakausap.”

Napatango ako at nakaramdam ng iba't ibang emosyon nang dahil do’n. Gusto kong huminga nang maluwag dahil ganoon pala talaga siya. Pero gusto ko rin malungkot at masaktan kasi alam kong . . . hindi siya okay kahit noon pa.

“A-Ano naman ang ginagawa niya kapag gano’n?”

Suminghap siya. “Hmm, ano nga ba?” Ilang segundo pa siyang nag-isip bago dinugtungan ang sinasabi. “Wala. Natutulog, nagyoyosi, naglalaro, o nanonood ng kung anong makita niya sa YouTube.”

Napatango na lang ako. “W-Wala naman siyang ginagawang . . . ikapapahamak niya, ’di ba?”

Bahagya siyang tumawa. “Wala. Pero magulo utak niyan.”

Napalingon ako sa kan’ya. “Huh?”

Humalukipkip siya bago tumingin sa malayo. “Naalala ko lang noon, itinanong niya sa akin, paano raw kung hindi siya nag-exist sa mundo, may pinagkaiba raw ba kaya?” He sighed. “Marami siyang tanong na hindi masarap sa pandinig, eh.”

“Tulad ng? A-Ano pa?” kinakabahang tanong ko.

“Paano raw kaya kung nasagasaan siya nang malala at hindi na nabuhay, ano raw kaya ang pakiramdam. Mga gano’n . . .”

Napaiwas ako ng tingin, kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko.

“Pero iniisip niya lang ’yon. ’Wag kang mag-alala sa kan’ya. Limang taon na kaming magkaibigan kaya normal na sa akin ’yon, pati yung pagiging mailap niya sa tao paminsan-minsan. ’Wag ka nang mag-alala sa kan’ya.”

I chuckled. “Paanong hindi ako mag-aalala? Girlfriend niya ako.”

“I-I mean, magtiwala ka lang sa kan’ya. Hindi niya ipapahamak ang sarili niya, lalo na ngayong dumating ka sa buhay niya. Mahal ka n’on pero bigyan mo muna siya ng panahon para sa sarili niya ngayon.”

Tumango na lang ako bilang tugon sa mga sinabi niya.

“Bakit nga pala nandito ka?” I asked.

He chuckled. “Galing ako sa computer shop. Kakain muna sana ako kasi kanina pa ako nandoon, kaso nakita kita kaya pinuntahan na kita.”

Tumango ako. “Hindi kayo nagsasawa sa laro na ’yan?” I chuckled.

“Hindi.” He laughed. “Nang dahil din doon, nagkakilala kami ni Klein, kung hindi mo lang alam.”

Muli akong tumango.

Marami pa siyang ikinwento tungkol kay Klein, hanggang sa kinailangan ko nang magpaalam sa kan’ya dahil nand’yan na ang jeep na sasakyan ko pauwi.

Habang naghihintay pa ng pasahero ang driver  nag-text ako kay Klein.

Me:
Love, can I come? I miss you. :(

I

waited for his reply. Umaasa akong hindi siya magre-reply dahil gano’n naman siya the past two days. Hindi siya nagre-reply dahil wala siya sa mood makipag-usap sa mga tao—kahit sa akin. Naiintindihan ko naman, though . . . nangungulila ako nang sobra sa kan’ya.

Pero nagulat ako nang mag-vibrate ang cellphone ko at naka-receive ng reply sa kan’ya. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko pero hindi ko pa rin ‘yon binabasa. Para akong takot na takot at excited din at the same time. Pinaglaruan ko pa ng ilang segundo ang singsing bago ako tumikhim saka binuksan ang text niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mabasa ang reply niya. Nagsimulang magbutil-butil ang pawis sa noo ko habang ang kamay ko namang nakahawak sa cellphone ay bahagyang nanginginig.

Klein ❤️:
‘Wag muna, please…

Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa niyang reply-an ang text kong ito pero ang napakarami kong text simula pa noong isang araw, hindi. Hindi nga rin siya sumagot noong sinabi ko kaninang miss ko na siya.

Hindi na ba niya ako mahal?

Ayaw na ba niya sa akin?

Sawa na ba siya sa akin?

A lot of questions were running through my mind every time Klein’s acting like that. Pati sarili kong worth, tinanong ko na rin.

Tulad ng . . . nagagawa niya ba akong tiisin nang ganito ngayon kasi nakuha na niya ang lahat sa akin?

Alam na alam niyang mahal ko siya at maiintindihan ko ang lahat sa isang paliwanag niya lang, pero nasasaktan ako sa tuwing ganito siya. I’m worried but I’m also hurt.

Nang umalis ang jeep, ibinalik ko sa bag ang cellphone ko at nagbayad ng pamasahe hanggang sa binababaan ni Klein kapag pauwi.

I know this is a clingy and toxic behavior but I can’t let him do that to me. I need to see what’s happening with him.

I’m worried and . . . hurt. I need to see him kahit na ayaw niya.

Pagkarating ko sa harap ng simbahan na binababaan niya, pumara ako at saka bumaba ng jeep. Kabang-kaba ako habang papasok ng kanto dahil hindi ko naman alam kung anong aabutan ko pagkarating ko sa bahay nila.

Nang nasa harap na ako ng blue na gate nila, nakita kong bahagya ulit na nakaawang ‘yon kaya sigurado akong lumabas ulit siya kanina para sa sigarilyo niya. Paulit-ulit kong pinaikot ang bulaklak ng singsing ko bago ako humugot ng malalim na buntonghininga, saka pumasok sa loob.

Tulad noong nakaraan, wala ulit katao-tao sa loob. Tahol lang ni Bruno at huni ng mga ibon ang naririnig ko. Marahan akong umakyat papunta sa k’warto ni Klein. Pagkarating, itinapat ko ang tainga sa pinto saka pinakinggan ang tunog sa loob.

Hindi tulad noon, walang maingay na nagbabarilan. Pero may naririnig pa rin akong tunog. Mukhang nanonood naman siya ngayon.

Pinihit ko ang doorknob at nalamang naka-lock ito. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang sinuway ko ang sinabi niya, pero kailangan ko siyang makita ngayon.

Kailangan ko ‘to . . . nang mabawasan naman ang pag-aalala ko.

Kumatok ako sa pinto ng ilang beses. “K-Klein . . .”

Naghintay ako na pagbuksan niya. Dahil sa pag-reply niya kanina, inisip ko tuloy na hindi niya ako pagbubuksan. Pero nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang pag-unlock ng doorknob, kasabay ng pagbukas ng pinto.

Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya at nakita ang seryoso at tamad niyang expression. Ngumiti ako sa kan’ya, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko sa saya.

Grabe . . . miss na miss na kita.

Magsasalita na sana ako nang mapatigil ako sa biglaang pagsasalita niya.

“Sabi ko sa ‘yo, ‘wag muna, ‘di ba?” kalmadong sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Para akong sinuntok sa dibdib nang marinig ko ‘yon kaya naman napayuko na lang ulit ako, kasabay ng pagpapaikot sa singsing na ibinigay niya, habang pinakikinggan ang sumunod na sinabi niya.

“Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko? Ayaw ko munang makita ang kahit na sino, Solari.”

Pati . . . ako?

“Kaya bakit nandito ka ngayon? Akala ko ba naiintindihan mo ako?”

Mabilis na umagos ang mga luha ko bago tumalikod sa kan’ya.

“I’m sorry. N-Nag-aalala lang naman ako at saka . . . nami-miss na kita.” Pinunasan ko ang mga luha ko. “Sige, uwi na ako.”

Pagkatapos kong sabihin ‘yon, nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdan pero hindi pa man ako nakakatapak sa unang baitang nito, naramdaman ko na ang paghawak niya sa akin sa braso, kasabay ng paghila papasok sa loob ng k’warto niya.

:)
 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top