Chapter 32
❝ Sabi ng iba, nakakakilig kapag
Nakita mong takot silang maiwan;
Takot silang bitiwan.
Pero iba ang naramdaman ko
Nang makita ko ang takot sa ’yo.
Nasaktan ako nang totoo
At ayaw ko nang makita pa ulit sa ’yo ’yon. ❞
Umagang-umaga pa lang ng Lunes, nag-text na ako kay Klein para bumati ng good morning. Sinabi ko rin na papunta na ako ng campus. I waited for his reply pero nakarating na ako sa eskwelahan, wala pa rin.
Naghintay ako sa kan’ya sa usual spot kung saan niya ako hinihintay. Baka masyado lang akong maagang pumasok ngayon, tutal 07:05 a.m. pa lang naman. Ilang minuto pa akong naghintay at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nakakaramdam ako ng kaba.
“Bakla!”
Napalingon ako sa papalapit sa akin na si Eureka habang nakasunod sa kan’ya si Gilbert. Tumawa siya pagkarating sa harap ko.
“Himala at nandito ka pa! 07:15 na, ah?”
Napasimangot ako. “Wala pa si Klein.”
Ngumuso si Eureka. “Hindi ba nag-text sa ’yo?” I shook my head. “Tawagan mo na kaya.”
“Sinubukan ko na pero hindi naman siya sumasagot.”
Suminghap siya nang malakas. “Ano bang problema n’on?!”
“Bakit hindi mo na lang sa room siya hintayin? Malay mo nandoon na rin pala siya,” singit ni Gilbert.
Napasimangot ako dahil kung nandoon na nga siya, bakit hindi siya nagpasabi na hindi niya ako mahihintay?
Tulad ng sinabi ni Gilbert, doon na nga lang ako maghihintay sa kan’ya kung sakaling wala pa siya. Bumalik tuloy ako sa pagiging third wheel sa relasyon nilang dalawa!
Pagkarating namin sa room, marami-rami na kaming classmates ang nandoon pero wala pa rin si Klein. Nagwo-worry tuloy ako dahil baka mamaya, napasobra naman masyado ang pag-inom niya.
Dumating na si Sir Garcia at nag-ring na ang bell pero hindi ko siya nakitang pumasok. Ni hindi man lang nag-reply sa napakarami kong text sa kan’ya.
Buong maghapon, wala akong gana sa lahat. Pakikinig sa profs, pagkain ng lunch, pakikipagkwentuhan kay Eureka . . . wala lahat.
Nag-aalala ako. Ano na bang nangyayari kay Klein?
Napabuntonghininga ako nang hinarang ako ni Eureka habang papalabas kami ng campus.
“Nagwo-worry na ako sa ’yo, bakla. Kapag nakita ko yung lalaking ’yan, uupakan ko talaga ’yan!” naiiritang sabi niya na tinawanan ni Gilbert na nasa likod niya.
Bahagya akong napanguso. “Baka may problema lang. Baka may nangyari.”
She sighed. “Eh hindi nga nagre-reply o tumatawag sa ’yo pabalik! Ayos lang naman kung absent siya, pero hello??? Magsabi naman siya o magparamdam naman siya sa ’yo!”
“Puntahan mo na kaya?” tanong ni Gilbert.
Napakunot-noo ako. “Bakit ako pupunta? Wala naman kaming gagawing research ngayon. At isa pa, anong sasabihin ng mga makakakita sa akin kapag pumunta ako ro'n nang walang pasabi? Wala naman doon ang parents niya dahil siguradong nasa trabaho pa.”
Umirap si Eureka. “Ano naman kung makita ka nilang pupunta sa bahay niya ngayon? May ginagawa ba kayong masama?” iritang sabi ni Eureka. Nag-init ang mukha ko. “Hindi sila ang nagpapakain sa ’yo, Solari! At boyfriend mo yung tao, wala na silang pakialam kahit na ano pang gawin ninyo ro’n!”
Tuwing weekend lang din naman kasi ako pumupunta sa bahay ni Klein para gumawa ng research. Nitong birthday niya lang ako pumunta nang hindi weekend tapos kasama ko pa siya.
Nahihiya pa ako. Baka mamaya, walang magbukas ng gate para sa akin doon. Paano kung wala rin siya doon?
“Puntahan mo na. Hatid ka namin. Gusto mo bang sumama kami?” tanong ni Gilbert.
Umiling ako. “Hindi na, malapit lang naman. Maaabala ko pa ang date n'yo.” I chuckled. “Sige, tara.”
Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Sumakay na rin kami pero this time, ako ang maunang bababa sa kanila dahil sa aming apat, si Klein ang pinakamalapit ang bahay sa school.
Nang nasa harap na kami ng simbahan, pumara na ako at nagpaalam kina Eureka. Pagkababa, mabagal akong naglakad papasok sa kanto habang ini-scroll ang contacts sa cellphone ko. Nang makita ang number ni Ate Valene, tinawagan ko siya. Mabilis lang din niya itong sinagot.
“Hello, bebe!” masayang sabi niya pagkasagot ng tawag.
“H-Hello po.”
“May problema ba?”
I smiled as I continued walking. “Wala naman, Ate. Magtatanong lang sana ako.”
“Ano ’yon?”
“Nasa bahay po ba ninyo si Klein?” I gulped. “Hindi po kasi siya pumasok st hindi po siya nagpaparamdam simula kahapon.”
Sandali siyang natahimik bago nagbuntonghininga. “Hay, nako. Nagsisimula na naman ang kapatid ko,” sabi niya na nagpakunot-noo sa akin. “Nand’yan lang ’yon sa k’warto niya. Puntahan mo na lang. Kausap-kausapin mo nang lumabas sa totoong mundo.”
Nang makarating sa harap ng gate na blue nila, nakita ko na bahagyang nakaawang ang gate. Mukhang may lumabas o pumasok. Hindi man lang isinarado!
“N-Nandito na po ako sa harap. Ayos lang po bang pumasok? Nakabukas kasi ang gate, Ate.”
Bahagya siyang tumawa. “Oo, pasok ka lang! Deretso ka na sa k’warto niya at nandoon lang ’yon, sigurado! Sige na, bebe. Work na ako. Tawag ka na lang ulit kapag may kailangan ka pa, ha?”
Matapos makapagpaalam, pinatay na niya ang tawag. Ibinulsa ko na lang ang cellphone sa blouse ko at marahang pumasok sa loob ng gate. Tumingin pa ako sa paligid at may mangilan-ngilang tao lang na nandoon at mukhang wala namang pakialam sa akin.
Nang makarating sa loob ng bahay, mukhang walang katao-tao dahil walang nakabukas na ilaw at wala rin ibang maririnig kung hindi ang huni ng ibon na nasa garden nila at ang pagtahol ng asong si Bruno na nakakulong naman.
Marahan kong tinahak ang hagdan papunta sa k’warto niya habang pinaglalaruan ang singsing. Kung wala ito, paniguradong may bagong mga galos na naman ako doon ngayon!
It is, indeed, a protection ring.
Nang makarating ako sa harap ng k’warto niya, may naririnig akong mga tunog sa loob. Mukhang may nagbabarilan. Hindi ko alam kung naglalaro ba siya o nanonood pero nakatodo yata ang volume sa speaker!
Kumatok ako ng ilang beses pero hindi niya ako pinakinggan. Hinintay ko na mawala panandalian ang tunog ng nagbabarilan bago kumatok ulit.
“K-Klein . . .”
Matapos kong banggitin ang pangalan niya, nawala ang tunog ng bumabarik kanina at puro pamamaril na lang yata ng ibang tao o kalaban ’yon.
Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Nakita ko ang may kahabaang buhok niyang gulo-gulo, pati na rin ang damit niya na gusot, at ang matamlay niyang mukha. Amoy na amoy ko ang usok ng sigarilyo sa kan’ya na parang katatapos niya lang.
“Hindi ka nagsabi, love . . .” sabi niya na siyang nagpagulat sa akin.
Ako pa ang hindi nagsabi? Hindi ba siya ang hindi nagsasabi?
“P-Pasok ka.”
Nakita kong nakapatay ang ilaw ng k’warto niya pagkapasok ko. Sarado ang lahat ng bintana at natatakpan ito ng kurtina kaya walang kahit na anong liwanag ang pumapasok sa loob, maliban sa ilaw na ibinibigay ng monitor at ng mechanical keyboard at mouse niya. Nakita ko aa gilid nito ang ash tray na puno ng cigarette butts.
Mukhang naparami siya ngayon, ah?
May nakita pa akong isang kaha doon na hindi pa nabubuksan. Baka binili niya kanina at naiwang nakabukas ang gate.
Naupo ako sa gilid ng kama at tiningnan ang ginagawa niya sa computer. Naglalaro siya ng Valorant at hindi kumikilos ang player niya ngayon.
Tapos na ba siyang mag-League Of Legends? Pero ngayon ko pa lang nagagamay laruin ’yon. Ayaw na ba niya n’on?
Naupo siya sa tabi ko saka ako niyakap nang mahigpit mula sa likuran.
“I’m sorry, love,” he said as the smell of cigarette entered my nose.
Napalingon ako sa kan’ya. “S-Sorry saan?”
He sighed as he hugged me tighter, resting his chin on my shoulder. “Hindi ako nagre-reply sa texts at chats mo. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag mo. I’m sorry, love.”
Hearing his apologies, I confirmed that he read all of my messages and received all of my calls. Hindi niya lang talaga sinagot ’yon intentionally. It hurt me and I won’t hide it from him but I know that he won’t do things without a good or a valid reason.
“Hindi naman sorry kailangan ko. Explanation. W-What’s happening?” I gulped, worrying about him. “M-May nangyari bang hindi maganda noong Saturday?”
He shook his head, sighing deeply. “Wala. Everything happened the way it should be. We drank alcohol all day until we passed out.” He slightly chuckled but the tiredness in his voice is still evident. “I just . . . I just feel so tired.”
Nang dahil do’n, mas lalo akong napalingon sa kan’ya kasabay ng paghawak sa mga kamay niyang nasa tiyan ko na. Tuluyan na akong humarap sa kan’ya, kasabay ng paghawak niya nang mahigpit pabalik sa kamay ko.
“Then . . . do you still want to rest? Masyado ka sigurong maraming ginawa noong Saturday kaya sobrang pagod ka ngayon.” I gulped. “Do you want to eat? Ipag-o-order kita.”
Umiling siya bago muling nagbuntonghininga. “Wala akong ginawa. I’m just . . . tired of people.”
Napakunot-noo ako. “W-What?”
He sighed, looking straight into my eyes. “I’m not the best person to be around with people for a long time. It’s taking every ounce of my energy. It’s burning me out.”
He looked down on our hands, tightly holding each other’s, while I was nervously listening to whatever he had to say.
“I’ve never told you about this, but I had a few moments in my life that . . . I am shutting everyone out. And it happened yesterday once again. I don’t want to talk, see or hear anyone. I can’t even reply to your texts or answer your calls, which is making me frustrated as hell.”
I didn’t understand his explanation at first but as silence embraced the both of us, that’s when I realized that it was him, asking for his alone time.
“A-Are you getting tired of me, being around you anymore?” I said as my eyes started to heat. “D-Do you want me to . . . to leave for a while?”
Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin matapos marinig ’yon. “No,” matigas na sabi niya. “You’re not leaving me.”
Fear is drawn all over his face and I couldn’t be hurt more because this is the first time I’ve ever seen him this way. And I don’t want to see this same expression from him ever again.
He pulled me closer, hugging me tight. “Huwag mo akong iiwan.”
I gulped as I tapped his back slightly with my hands. “Hindi naman kita iiwan. Baka lang kailangan mo ng me-time.”
He shook his head. “I don’t need it. Just . . . Just stay with me all the time. Be with me in every chance that we'll get. Don't ever think of leaving me, kahit saglit na panahon lang, kasi hindi ko gusto ng oras para sa sarili ko. Gusto ko na nandyan ka lang palagi.” He gulped. “I don't want to feel this way but I can't really help it. I always feel so tired whenever I am around people for quite a while. I can’t understand it.”
I nodded. “I understand. I’m sorry. Hindi kita iiwan.”
His hug tightened and I felt safe. I closed my eyes as I rested my chin on his shoulder.
“Don't give up on me,” he said. “I love you so bad, Solari.”
I hugged him tighter. “I love you. And I'm not going to give up on you.”
I stayed with him inside his room as we cuddled with each other. I also ate dinner with him. Nagpaalam naman ako kay Mama at sinabi ang totoo . . . na hindi maayos si Klein. Naintindihan naman niya.
Matapos kong manatili sa tabi niya . . . nakita kong nanunbalik ang sigla at saya niya.
Kinwentuhan ko siya nang kinwentuhan. Noong una, wala siyang gana sa pag-respond. Hanggang sa tumatawa at ngumingiti na siya ulit after a few hours since I arrived here.
He even took a bath after two days of not doing it, brushed his teeth so hard so he could kiss me until he wants to.
And then I left and went home, feeling like I’m the best girlfriend in the world.
;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top