Chapter 27
❝ Ganito pala ang pakiramdam
Ng unti-unti ka nang binibitiwan;
Ng unti-unti kang pinakakawalan at hinahayaan.
Ayaw kong maramdaman ito sa ’yo.
Ayaw kong maramdaman natin sa isa't isa ito
Kaya sana . . . sa akin . . . ’wag na ’wag kang lalayo. ❞
Nang matapos na nga ang birthday ko, a week after, nagpatuloy na kami sa pag-survey sa junior department para sa research namin tuwing may free time kami.
Tulad ngayong katatapos lang namin kumain ng lunch. Nagpunta kami sa junior department kahit na sobrang tirik na tirik ang araw para tapusin na ang survey at makapag-tally na, tutal kaunti na lang naman.
Klein's always worrying about me dahil masyadong mainit ang sikat ng araw ngayong tanghaling-tapat. Sobrang hapdi sa balat at talagang tumatagaktak ang pawis namin sa paglalakad!
Mabuti na lang talaga, very cooperative ang mga nahahanap naming estudyante dahil sinasagutan talaga nila nang mabuti, hindi tulad ng reklamo ni Eureka na tinatanggihan at nilalampasan daw sila kapag tinatanong nila kung pwedeng pagsagutin ng form.
"Okay na 'to, tara na, love," he said after organizing all the questionnaires where the respondents put their answers.
Lumapit pa siya sa akin para punasan ang noo at leeg ko ng pawis bago kami naglakad paalis ng department. Kung bakit ba naman kasi sobrang open area ng daan papunta dito! Grabe, pawis na pawis kaagad kami, hindi pa man nakakapasok sa senior department!
Bumalik na kami sa classroom para ibaba ang mga gamit namin. Pagkatapos, lumabas ulit si Klein para magyosi habang ako naman ay pumunta ng CR para mag-ayos. Masyado akong na-haggard sa pagsa-survey!
Nauna akong nakabalik kay Klein, as usual. Akala ko nga mali-late pa siya. Mabuti, umabot siya sa classroom five minutes bago mag-ring ang bell. Then the class for the afternoon started.
☀️
Sa tuwing nagkakaroon kami ni Klein ng usad sa research, nag-chi-chill kami pareho sa sari-sarili naming buhay. Siya, naglalaro at nag-iinom sa kanila, habang ako naman, pinag-aaralang laruin ang League Of Legends.
Hindi niya pa rin nakikita hanggang ngayon dahil hindi ko naman inilagay sa lugar kung saan makikita niya na d-in-ownload ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit parang nahihiya akong malaman niya na sinusubukan kong aralin ang laro na gusto niya.
Baka isipin naman . . . masyado akong patay na patay sa kan'ya. Duh!
I mean, okay lang naman kung iisipin niya 'yon. Pero palagi kong iniisip yung sasabihin ng mga tao once malaman nila itong mga ginagawa ko para sa kan'ya.
Baka i-judge ako at sabihing, "Kababae mong tao, blah blah!"
I mean, ang dalas kasi nilang nililimitahan ang mga bagay na dapat ginagawa ng isang babae, lalo na sa relasyon. I just don't get the point. I don't agree with them but it always bothers me that people might talk about me behind my back.
"Ma, punta po ako kina Klein bukas. Baka ma-late ako ng uwi kasi magta-tally kami at gagawa ng research. Medyo maraming gagawin ngayon, eh. Malapit na ang deadline at kailangan may allowance bago 'yon dahil marami pang ire-revise," pagpapaalam at paliwanag ko pagkauwi sa bahay galing sa school.
"Ohh? Sa kanila ba kayo gagawa ngayon?" tanong niya habang nagtitiklop ng damit sa living room.
Tumango ako. "Oo, 'Ma. Last weekend, dito kami gumawa, eh."
Tumango siya bago tumingin sa akin. "Anong oras ka ba uuwi?"
Napanguso ako bago nagkibit-balikat. "Hindi ako sure. Baka late na."
Nagbuntonghininga siya. "Kapag hindi kayang umuwi at kung wala ka nang masasakyan, doon ka na mag-stay muna at bukas na nang umaga umuwi." Nakita ko ang paglunok niya. "Tiwala naman ako sa inyo, lalo na sa 'yo, anak. Nasa legal at wastong edad ka na. Alam mo na ang tama at mali."
Hindi ako nakasagot nang dahil do'n.
There's a big part in my heart that feels hurt because of what she said. Hindi ko alam kung sa sinabi nga ba niya 'yon o dahil sa tono ng boses niya. Her lively voice wasn't there. I was expecting her nagging voice saying that to me pero hindi 'yon ang nahimigan ko sa boses niya.
Parang ang lungkot naman niya.
Nang paakyat na ako sa hagdanan, tinawag niya ulit ako, dahilan para lumingon ako.
"Ilagay mo na nga muna ito sa k'warto ko. Pagkatapos, iakyat mo na rin itong mga damit mo sa k'warto mo."
Tumango ako bago bumalik at kinuha ang mga nakatiklop niyang damit sa center table. Naglakad ako papasok sa k'warto niya habang dala ang patong-patong na nakatiklop na damit. Mabuti na lang at nakabukas na ang pinto ng k'warto niya kaya hindi na ako mahihirapan.
Pagkarating ko sa harap ng damitan niya, binuksan ko 'yon at marahang ibinaba ang mga damit na maayos nang nakatupi. Pagkatapos, isinarado ko na ang damitan saka naglakad paalis. Nadaanan ko naman ang antique niyang dresser kaya napalingon ako ro'n at nagsalamin. Nakita ko kung gaano kagulo at lagkit tingnan ang buhok ko ngayon.
"Nakakaloka talaga mag-jeep! Akala mo nakipagsabunutan ako!" bulyaw ko sa sarili bago hinila ang drawer para kumuha ng suklay.
Pagkabukas, nagulat pa ako nang makita ang door stopper ko na nandoon. Alam kong akin 'to dahil si Mama ang bumili n'on at wala naman silang ganito. Hindi rin siya bibili ng dinosaur na design para sa kanila.
I've been using this door stopper for many years kaya alam kong sa akin 'to. Hindi ko alam kung bakit sa unang pagkakataon, nawala siya do'n noong birthday ko at nakita ito dito.
"Hindi ka pa tapos?"
Napalingon ako kay Mama na kapapasok lang, may dala na ring damit.
"M-Ma . . ."
"Hindi mo pa isinama 'to," sabi niya habang dala ang mga underwear niyang nakatupi rin.
"'Ma, ang tagal ko nang hinahanap 'to, nandito lang pala 'to," sabi ko habang ipinapakita ang door stopper.
Nagbuntonghininga siya bago kinuha 'yon sa akin, dahilan para magulat ako.
"Hindi mo na kailangan 'to. Eighteen ka na. Hindi mo na kailangang gawin ang mga ganitong bagay para sa amin ng papa mo."
Napakunot-noo ako kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. "A-Ano bang sinasabi mo, Mama?"
Tumingin siya sa akin nang deretso. "Ang sinasabi ko lang, buong-buo na ang karapatan mo para sa sarili mo . . . para magkaroon ka ng privacy. Hindi mo na kailangang panatilihing nakabukas ang pinto mo para sa amin sa tuwing may bisita ka, lalo na kapag nand'yan ang nobyo mo. Ibinibigay na namin ng papa mo sa 'yo yung kalayaan na nararapat lang para sa 'yo."
Suminghot ako, kasabay ng pagpatak ng mga luha, matapos marinig ulit ang ganoong tono ng pananalita ni Mama. Mabilis kong pinunasan 'yon na parang bata bago nagsalita.
"Mama naman. Gusto ko pa rin buksan ang pinto ko para makita mo na wala akong ibang ginagawa kapag may bisita ako. Oo, m-minsan masyado kaming malapit ni Klein. Alam ko rin na nakita mo na kaming nag-kiss kasi nakita kita, 'Ma. Pero hanggang do'n lang naman 'yon. Gusto kong makita mo pa rin ako sa lahat ng oras na gusto mo, 'Ma."
She inhaled deeply, looking away, as she heaved a sigh. "P'wede naman akong kumatok kapag gusto kong pumasok para makita ka."
"Pero iba pa rin kasi yung nand'yan lang yung pinto na nakabukas."
Umiling siya sa sinabi ko bago tumalikod sa akin at binuksan ang damitan. Doon niya itinago ang door stopper ko pero hindi pa rin umaalis doon. Parang may ginagawa siya pero parang wala naman.
"Hindi habang-buhay, itatali ka namin sa amin, Solari. Hindi habang-buhay, gugustuhin mong nakabukas ang pinto mo dahil magkakaroon ka pa rin ng ilang sandali sa buhay na gusto mong sarado ang lahat . . . na gusto mong mapag-isa o magkaroon ng privacy."
Suminghot siya, dahilan para makompirma kong umiiyak na rin siya.
"Balang-araw, magkakaroon ka rin ng sariling pamilya at aalis ng bahay na 'to para manirahan kasama ang pamilya mo. Hindi ko sinasabing ngayon 'yon o sa mga susunod na buwan o taon, pero mainam nang magsanay tayo kaagad sa paunti-unti, kaysa mahirapan tayo pare-parehong bumitiw sa mga taong nakasanayan nating bukas palagi ang pinto para sa atin."
"Mama naman . . ." I sobbed.
Lumingon siya sa akin nang namumula ang mga mata pero wala namang bakas ng luha sa pisngi. "Solari, napagdesisyunan na namin nang matagal ng papa mo na hayaan kang lumipad nang sarili mo. Hahayaan ka namin sa mga bagay na gusto mong gawin kapag sumapit na ang eighteenth birthday mo." Lumunok siya ng isang beses bago nag-iwas ng tingin. "Alam mo naman ang mga limitasyon mo, anak. Nagtitiwala kami sa 'yo kaya ginagawa namin 'to. Kaya hahayaan ka namin."
Lumapit siya sa akin saka pinunasan ang mga luha kong patuloy na umagos sa pisngi.
"Anak, mahal na mahal ka namin, kaya pakakawalan ka namin para gawin mo ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay. Hindi ka namin ikukulong dito at limitahan ang dapat mo lang gawin. Deserved mong maranasan ang lahat ng bagay na gusto mong maranasan sa buhay, anak. Basta siguraduhin mo lang na ligtas ka sa lahat ng oras at hindi ka ikapapahamak nito, hmm? Mahal na mahal ka namin ng papa mo. At naniniwala kami sa 'yo, anak."
Matapos niyang sabihin 'yon, yumakap ako sa kan'ya saka umiyak nang umiyak.
Hindi ko lubos akalaing iiyak ako nang ganito kalala nang dahil lang sa pagkuha niya ng door stopper ko. Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko na nandito lang 'yon kasi noong birthday ko, nakita ko pa 'yon na nandoon. Noong matutulog na ako, wala na.
Hindi ko naman inasahang si Mama pala ang kukuha at magtatago n'on. At ginawa niya 'yon bilang sign ng unti-unti niyang pagbitiw sa akin . . . dahil lang eighteen na ako.
I don't mind letting my door open for them to see what I'm doing for the rest of my life. Gusto ko rin 'yon dahil natutuwa ako kapag nakikita ko sila ni Papa na sumisilip doon para tingnan kung ano nang ginagawa ko, lalo na kapag kasama ko ang classmates o friends ko.
Feeling ko tuloy . . . ang tanda-tanda ko na.
Well . . . maybe it's one of the things I should let go, now that I'm at a legal age. Pakiramdam ko, teenager pa rin ako na kailangang-kailangan ang kalinga ng magulang. Ang hirap . . . at ang sakit.
But I think it has to happen. Tama naman lahat ng sinabi ni Mama. We can't depend on someone to let their door open for us forever. Tama siya sa lahat but . . . I think I need time to accept that I'm an adult now.
Gosh . . . I'm an adult now. Parang ang surreal.
I'm going to miss Mama peeking at my door to see if Klein and I are doing stuff that we shouldn't do.
I'm going to miss being a child in my mom's eyes. I'm going to miss my teenage years. Really.
;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top