Chapter 25
❝ Akala ko matatagalan pa
Bago ko makompirma
Pero dahil sa pagmamahal mo
Hinulog mo ako nang hinulog . . .
At wala na akong balak pang umahon
Sa pagmamahal sa ’yo. ❞
Since maraming nadagdag na requirements sa ibang subject ngayong Grade 12 na kami, pinagpaliban na muna namin ang pag-survey sa junior department. We still have more than a month for this since October pa ang deadline.
"What's your plan for your birthday?" he asked as we walked hand in hand to the gate of the campus.
Nauna nang umalis sa amin si Eureka at Gilbert dahil mas mahirap ang topic nila kaya naman nag-survey na sila ngayon. Naiwan tuloy ulit ako nang mag-isa kay Klein.
Baka magsawa na sa akin 'to dahil palagi na lang kaming magkasama!
I shrugged. "Wala. Maghahanda at mag-iimbita ng mga friends and relatives."
He looked at me as he pulled me closer to him. "You don't want to hold a party?" I shook my head. "Sayang, gusto ko pa naman maging escort mo."
I laughed. "Hindi ako mahilig sa mga gano'ng party. Sayang lang ang pera. Ipunin na lang ni Papa pera niya para do'n tapos umuwi na siya ulit sa amin."
He sighed. "I can't wait to meet him."
I looked up at him and smiled widely. "Ako rin."
Sumakay kami ng jeep pauwi. Dahil mas malapit siya, mas mauna siyang bababa sa akin.
Hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi sa kan'ya na nag-download ako ng League Of Legends sa computer ko. Kasi naman, hindi ko pa rin natututunan! Tama nga siguro yung sinasabi ng iba dati na may parts na ginaya ng ML and LOL dahil halos pareho ang mechanics ng game, ang skills ng hero or champion, at iba pa.
Pero sobrang hirap niyang laruin! I just can't understand and I don't think I'll ever understand it. Nahihirapan ako sa skills pati sa paggamit ng mouse dahil minsan, hindi ko pala naitututok sa kalaban ang skills dahil nalilito ako na magkaiba ang dapat pag-focus-an: yung keyboard sa left hand at mouse naman sa right hand. Ang dami pang pinipindot!
Feeling ko, hanggang ML lang ang kaya ng braincells ko.
Klein bid a goodbye to me before leaving the jeepney.
Nang ako naman ang makauwi na, dumeretso ako sa k'warto para magbihis at magpahinga. Wala rin kasi si Mama kaya pakiramdam ko, nasa bahay siya ni Caleb. Medyo nawawala na rin yata ang galit at selos ko sa tuwing ginagawa ni Mama 'yon.
Siguro dahil masaya ako lately? O baka dahil may alam si Caleb na ginawa ko na hindi p'wedeng malaman ni Mama?
Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising na lang ako nang maramdaman na may kumikiliti sa talampakan ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata bago bumangon. Dahil wala na ang suot kong salamin kanina, hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng kung sino man itong nakaupo sa paanan ko.
Pero kahit gaano kalabo . . . alam kong siya 'yon.
"Oh? Bakit nandito ka?" tanong ko habang kinakapa sa side table ang salamin. Nang makuha, mabilis ko 'yong isinuot at nakita si Klein na nakapambahay na habang nakatingin sa akin. Tumingin ako sandali sa wall clock. "Gabi na pala, bakit nandito ka? Kumain ka na?"
Tuluyan na nga akong bumangon at naupo sa tabi niya.
Ngumiti siya. "Hindi lang ako makapaghintay na ibigay sa 'yo."
Napakunot-noo ako. "Ang alin? Teka, kanina ka pa ba dito? Alas-otso na mahigit," I said.
He chuckled. "Medyo kanina pa. Naabutan lang ako ng mama mo na naghihintay sa labas. Hindi ka kasi sumasagot ng tawag, eh."
Napakamot ako ng ulo. "Ahh, hindi ko naririnig." I chuckled. "Sorry. Kumain ka na?"
He nodded. "Oo, sabay kami ng mama mo."
I laughed. "Eh 'di sana all nag-dinner nang sabay!"
Tumawa na rin siya. Ilang sandali pa, kinuha niya ang kaliwa kong kamay. Hinagkan ng hinlalaki niya ang mga marka ng sugat ko sa ibaba ng hintuturo. 'Yan yata ang sugat na forever nang nasa akin.
"Dumating na raw kasi kanina yung in-order ko online," paliwanag niya. "Para sana 'to sa birthday mo kaso hindi na ako makapaghintay. Iba na lang ang ibibigay ko sa 'yo sa mismong birthday mo, hmm?"
I chuckled, slightly nervous. "Ano ba 'yon? Hindi naman din kailangan, eh. Basta nandito ka, okay na ako."
His ears turned red as he smiled at me. Ilang sandali pa, kinuha niya sa bulsa ang isang maliit at kulay itim na box. Kumabog ang dibdib ko dahil do'n kasi pamilyar ang mga ganitong box, eh!
I mean, hindi ko naman ine-expect na magpo-propose siya, but receiving this kind of thing from your boyfriend can sometimes be really . . . pressuring.
He opened it and a beautiful silver, sunflower ring welcomed my eyes. Mayroon din itong dahon na nakahiwalay sa mismong bulaklak. Kumbaga, yung mismong singsing ang magkahiwalay.
Teka, paano ko ba i-e-explain ito? Ni hindi ako makapag-isip ng tama dahil sobrang ganda niya!
Hindi ko napigilan ang mahinang pagsinghap matapos makita nang mabuti 'yon, bago tumingin sa kan'ya. The happiness in his smile is really evident . . . like he got the reaction that he wanted from me.
"A-Ang ganda naman niyan . . ." I looked at the ring again. It's a fidget ring! You can make the sunflower spin! "Parang . . . parang ang mahal, ah?"
Tumawa siya bago kinuha ang singsing. Ipinakita niya ang mga salitang naka-engrave sa loob nito.
You are my sunshine.
"Hindi ko ine-expect na darating 'to nang maaga. Akala ko, a few days pa before ng birthday mo, but it actually came more than a week earlier than what I expected. I tried to stop myself from coming to you today but I just can't wait to put it on your finger."
Kinuha niya ang kamay ko. Sa halip na sa palasingsingan niya ilagay, inilagay niya ito sa hintuturo ko, kung saan may sugat ako palagi. Marahan niyang inilagay 'yon doon habang ako, hindi mapigilang mangilid ang mga luha.
"This ring doesn't make you promise anything. I just want to protect you in any way. I just don't want to see you hurt yourself whenever your mind is in chaos."
He smiled as he squeezed my hand slightly.
"It's not a promise ring, Solari. It is a protection ring. Wear it always. Never, ever, remove it. So, it would protect you from anything that might have hurt you. Hmm?"
Mabilis na umagos ang mga luha ko matapos marinig 'yon. Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya at magsisimula na sanang mag-panic pero umiling ako bago inilapit sa kan'ya ang mukha, saka siya hinalikan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago niya ako hinalikan pabalik.
I've never received this kind of treatment before.
I've never felt so protected like this.
I've never felt so loved this way.
Akala ko noon, matatagalan pa bago ko makompirma kung gusto ko lang ba siya o katulad niyang . . . mahal ko na rin siya. It wasn't because of the ring that made me confirm my feelings. It was the meaning behind it.
When I pulled away from the kiss, a sob escaped my lips. I looked straight into his eyes as sobs kept on coming out of my mouth and tears kept on streaming down my face.
"I love you."
His mouth parted. I felt his breath hit my lips.
"I love you, Klein. Thank you for loving me genuinely."
And with that, he kissed me again.
Mabilis na tumayo ang mga balahibo ko matapos maalala ang araw na 'yon dahil lang nakita ko ang maliit at itim na box kung nasaan ang singsing na binigay sa akin ng ex kong si Klein. Isinarado ko 'yon at ibinalik sa jewelry box, bago kinuha ang kwintas na ibinigay sa akin ni Papa noong graduation ko no’ng senior.
"Nandito na ang kaklase mo sa ibaba, hindi ka pa ba tapos gumayak?" tanong ni Mama na parang inip na inip na nakasandal sa hamba ng pintuan.
Nagbuntonghininga ako habang isinusuot ang kwintas. "Pakisabi na lang kay Trevor na pababa na ako, 'Ma."
Umirap pa sa akin si Mama. Sungit talaga! "Akala mo nama'y kasal na talaga ang pupuntahan! Akala ko ba, bibili ka pa lang ng isusuot mo?"
Tumayo ako sa harap ng dresser at sinukbit na ang shoulder bag. "Eh, ito kasi yung alahas na isusuot ko sa kasal ni Eureka. Natural, hahanapan ko ng damit na babagay dito!"
"Hmp, arte mo."
Tinawanan ko na lang si Mama at pinanood siyang lumabas ng k'warto. Kinuha ko na ang cellphone, wallet, at kung ano-ano pa, saka inilagay sa bag. Pagkatapos, tumingin muna ako sa harap ng salamin kung maayos naman ba ang suot ko.
Naka-blouse na naka-tuck in sa short lang kasi ako, tapos sandals. P'wede naman na siguro 'to. Tutal, sumabit lang naman sa akin itong si Trevor kahit na hindi naman siya sasama talaga sa kasal dahil hindi pala p'wedeng mag-plus one. Sobrang limited lang daw sa reception.
Bago lumabas, nakita ko ang kaliwang index finger ko na may sugat. Sobrang sagad din ng kuko ko palagi na parang bata dahil nga bumalik ang mannerism ko years ago. Parang feeling ko, mas malala pa ngayon, eh.
Bumalik ako sa harap ng dresser at kumuha ng isang band aid na puti na may design na araw sa gitna. Inilagay ko ito sa sugat bago tuluyang lumabas ng k'warto. Dumeretso na rin ako pababa ng hagdan habang inaayos ang buhok at suot na salamin. Nakita ko si Trevor na nakikipag-usap kay Mama sa living room bago lumingon sa akin saka ngumiti.
"Oh, ayan na pala ang maarte kong anak!" sabi ni Mama na tinawanan ni Trevor. "Oh, sige. Mag-iingat kayo!"
"Sige po, Tita. Maraming salamat po."
Sabay na kaming lumabas ng bahay ni Trevor. Sumakay kami ng jeep papuntang SM. Sa halip na ako ang magbayad ng pamasahe dahil ako naman talaga ang pupunta doon, si Trevor ang nauna sa aking magpaabot ng pera sa mga katabi naming pasahero.
"Hmm, bakit mo binayaran?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Sumabit lang ako sa 'yo kahit ayaw mo, eh." He chuckled.
Tinawanan ko na lang siya. "Salamat sa treat, Mr. President."
He chuckled, shaking his head. "Don't call me that. Alam mong hindi ko naman gusto ang posisyon na 'yan."
I smirked. "Psh! Bagay lang nga sa 'yo. Ang sipag, eh."
He sighed, shaking his head once again. "Let's not talk about school, please. Nakaka-stress na kaagad."
I agreed immediately since it's really stressful to think about school right now. Sobrang daming requirements tapos kapag nagpa-quiz pa ang mga professor, sabay-sabay palagi! Pati sa mga paper works, sabay-sabay din ang deadline na ibinibigay nila!
Nakakaloka! Wala ba silang GC para pag-usapan ang tungkol sa pagbibigay ng deadlines sa estudyante nila?!
Nang makarating kami sa mall, bumaba na kami ng jeep. As we walked inside the place, we continued talking about what type of dress I wanted to buy. Wala raw kasi siyang alam sa gano'n. Gusto niya lang daw talagang mag-chill ngayon.
"Simple lang. Pink raw ang theme so I need a color pink cocktail dress."
Napatango siya bago kami pumasok sa isang store. "Ohh, then I'll try to help."
I smiled. "Thanks! Kukuha na lang ako ng mga damit, then tingnan mo kung bagay sa akin."
He smiled then followed me as I walked around the store, looking for every pink cocktail dress. Kinuha ko ang bawat design na makita ko at isinampay sa braso. Trevor, on the other hand, also gives me the pink dress that he thinks is pretty.
Nang makarami na, pumunta na ako sa fitting room habang naghihintay siya sa labas. Every time I finished fitting a dress, lumalabas ako at pinapakita sa kan'ya. Pero lahat ng reaksiyon niya, iisa lang.
I sighed for the sixth time after receiving the same reaction from him. "Ano? Puro two thumbs up lang tayo dito?" I said, chuckling.
Tumawa siya bago napahawak sa batok. "Everything looks good on you. I can't choose." Napatikhim ako bago lumingon sa saleslady na nagpigil ng tawa matapos marinig 'yon. "Just choose what's best for you. At kung saan ka pinakakomportable, Solari." He smiled.
Tumango na lang ako bago bumalik sa loob. Kinuha ko ang cellphone kung saan may mga mirror selfie ako suot ang mga sinukat ko saka tiningnan kung ano ba ang pinakamaganda ro'n. Though I already have one I've been eyeing for quite a moment, I still want to make sure.
It's my best friend's wedding. I want to look decent!
Nang makapagdesisyon, isinuot ko na ulit ang mga damit ko. Lumabas na ako at isinoli ang mga hindi ko napili habang nakasunod sa akin si Trevor. Dumeretso na ako sa counter para bayaran ang binili ko.
I was about to pay for my dress when he handed his card to the cashier. Tiningnan ko siya nang masama dahil do'n at nag-wait sa cashier.
"Don't do that," I said, giving him a warning.
Umawang ang bibig niya bago nag-iwas ng tingin. "That's the dress that I want for you, too. Hayaan mo na. Hindi naman masyadong mahal."
Umiling ako. "Hindi na kita isasama sa susunod. Hindi na kita tutulungan kapag kailangan mo ng tulong, bahala ka."
In the end, binawi niya ang credit card. Nakangiti akong nag-abot ng bayad na cash sa cashier. Matapos ibalot ang binili ko sa napakagandang paper bag nila saka ako suklian, lumabas na kaming dalawa.
Nagbuntonghininga siya bago kinuha sa kamay ko ang paper bag. "Such a shame, I won't see you wear that on d-day."
I chuckled as I looked at him. "Well, sayang nga. Wala akong kasama pero kilala ko naman ang ibang bisita. Pero hayaan mo, sa kasal ko, invited kita, 'wag kang mag-alala."
Tumawa siya nang pilit bago nag-iwas ng tingin. "M-May pupuntahan ka pa?" he asked.
I nodded. "Bibili akong wedding gift."
"Do you have something in mind?"
I nodded as we rode the escalator. "Mahilig silang magsuot ng mga pang-couple na gamit. Couple jacket, shoes, shirt, necklace, basta! Mahilig sila sa magkaparehong design." I chuckled. "I'm thinking of buying them something like that. Couple knitted sweater sana."
Napatango naman si Trevor. "That's good but it's not really cold here in the Philippines, though."
I chuckled, looking at him. "They always go to Australia if given a chance since Gilbert's father is living and working there."
Napatango na lang si Trevor.
Nang makarating kami sa fourth floor, napatigil naman ako sa paglalakad. Mabilis din na nawala ang mga ngiti ko dahil sa nakita.
"Ohh, Solari!"
There's Gilbert with a smile on his face . . . together with Klein who's seriously staring at me . . . and the guy beside me.
Pilit akong ngumiti bago lumapit sa kanila. “Hi, Gilbert!” Lumingon ako kay Klein saka ito binigyan ng tango. Tumingin lang siya sa akin.
“Wow, may kasama ka pala,” Gilbert said as he chuckled.
“Ohh, he’s Trevor. Classmate ko.”
Nakipagkamay si Trevor kay Gilbert na nakangiti nitong tinanggap. Pinanood ko na mag-alok siya ng handshake kay Klein. Ilang segundo nitong pinanatili ang dalawang kamay sa bulsa ng short na suot habang nakataas ang kilay, bago lumingon sa akin sandali, saka nagbuntonghininga. Sa huli, nakipagkilala na rin siya dito.
“Klein.”
“Ohh, nice to meet you.”
I smiled at Trevor because of that. Bumaling ako kay Gilbert.
“Bakit nandito pala kayo?” I asked.
He shrugged. “May pinabili lang sa akin si Mom na kailangan raw para sa after party sa bahay pagkatapos ng sa reception. Eh nakakatamad umalis mag-isa, so inaya ko na rin itong isa na walang magawa sa buhay,” paliwanag niya bago tumawa.
Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Klein nang dahil do’n. Ngumiti na lang ako kay Gilbert.
“Ikaw, bakit ka nandito?”
I shrugged. “Nagpasama ako kay Trevor, bumili ako ng damit na isusuot ko para sa kasal n’yo and ngayon, bibili na ako ng gift.” I chuckled.
“Hindi mo na ba kayang mag-isa?”
Napalingon kaming tatlo sa mahinang bulong ni Klein pero hindi niya yata in-expect na maririnig namin. Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko at pagbutil ng pawis ko sa noo. My fingers started fidgeting behind my back once again.
“H-Huh?”
“Ahh, wala ’yon,” sagot na lang ni Gilbert bago tumawa. “Sige, Solari. Mauna na kami.”
Matapos niyang magpaalam sa akin at kay Trevor, umalis na sila habang ako, nanatili pa rin na nakatayo at hindi makapaniwala sa narinig.
Did he just . . . insult me?
“May problema ba ’yon sa ’yo?” Trevor asked. “Ayos ka lang ba, Solari?”
I gulped as I tried to smile at him. “Ahh, o-oo. L-Let’s go.”
Nauna na akong maglakad sa kan’ya papasok sa isang store.
Kailan pa naging bastos ang bibig mo, Olivarez? I’ve never had a memory of you, talking to me like that. Ngayon lang.
What does the years did you while we’re apart?
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top