Chapter 22

❝ Simula nang maging tayo

Dumami ang mga tanong sa isip ko

Isa na doon ang . . .

Bakit  sobrang iba ang pakiramdam kapag

Labi mo ang dumadampi sa labi ko?

Bakit sobrang saya ng puso ko

Sa maikling oras natin sa k’warto? ❞

  
Kinabukasan, una kong nabasa ay ang text ni Klein.

Klein:
Good morning, my love. I miss you. Can't wait to see you.

I smiled as I typed my reply.

Me:
Good morning! Let's eat our breakfast. See you later!

Klein:
Should I pick you up? Para sabay tayo pumasok. :)

Me:
Hindi na, wait mo na lang ako sa gate since mas malapit ka naman sa school.

Klein:
Okay, then. I'll wait for you. 😚

I sent him that same emoji and this fucker replied with an excited emoji! I chuckled as I charged my phone before I got out of my bed and left my room.

Mabilis lang akong gumayak at kumain ng breakfast dahil nang makababa ako, nakahanda na ang lahat. Gigisingin na lang daw ako ni Mama. Feeling ko rin hindi ako nakaligo nang maayos dahil pakiramdam ko, nagmamadali ako sa kilos ko.

Nakakaloka, ano ba itong ginagawa ko???

“’Ma, alis na ako!!!”

“Mag-iingat ka!”

Pagkatapos n’on, tumatakbo na akong lumabas ng bahay at tinungo ang sakayan ng jeep. Mabuti na lang at hindi ito naghintay na mapuno ng pasahero ang sasakyan niya dahil taxi lang daw siya kaya naman makakarating ako ro’n nang maaga, for sure!

Iniisip ko pa lang na naghihintay si Klein sa akin doon, kumakabog na ang dibdib ko.

Wala pang 7:00 a.m., nakarating na ang jeep na sinasakyan ko sa harap ng campus. Habang itinatabi ng driver ang sasakyan, sumilip ako sa labas at nakita na nakatayo si Klein sa waiting shed, nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakasandal sa pader. 

Napangiti ako nang malawak bago bumaba nang maitabi na nang maayos ng driver ang jeep.

Inayos ko ang buhok na medyo nagulo dahil sa hangin, maging ang pagkakasuot ng salamin ko, bago ko pinaghawak ang dalawang kamay ko sa likuran habang kinukutkot ang kuko ng bawat daliri nito. Tumikhim ako bago naglakad nang tahimik papalapit sa kan’ya.

Nang isa o dalawang metro na lang ang layo ko sa kan’ya, ngumiti siya nang malawak bago umalis sa pagkakasandal at naglakad papunta sa akin. 

Nakailang lunok na ba ako para mapakalma ang kabog ng dibdib ko? Aaahhh!!!

Huminto siya sa harap ko bago nagsalita. “Hi,” he greeted. “You’re early.”

I checked the time on my wrist watch. 6:50 a.m. pa lang. “Ahh, hindi kasi nagpuno ng pasahero sa jeep na nasakyan ko.”

He chuckled. “I just got here five minutes ago.” Naglahad siya ng kamay sa akin. “Let’s go?”

Napatitig ako ro’n. Ang dami kaagad pumasok sa isip ko nang makita ko ang palad niya.

Ito . . . Itong kamay na ’to . . . ang mga daliri niya sa kanang kamay na ito ang madalas humahawak sa sigarilyo. Malamang, ito rin ang kamay niyang madalas humawak ng shot glass sa tuwing umiinom siya.

I was about to put my hand on his when he pulled back and took my hand instead. He intertwined our fingers that made my mouth parted.

“Let’s go.”

This is the second time that he held my hand as we walked side by side! Kung sa unang beses, sobra ang kaba ko, mas lalo yata ngayon dahil malalaman na rin ng iba na boyfriend ko na siya!

Habang nag-i-scan kami ng ID sa gate, may nagmamadaling pumasok sa loob, dahilan para mabunggo ako at tumama kay Klein. Hindi naman na bago ’yon at wala na akong balak bigyan ng pansin, pero, iba ang napansin ko!

Nang tuluyang makapasok sa gate, tumingin ako sa kan’ya. Hawak niya pa rin ang kamay ko dahil yung isang kamay niya ang pinang-scan ng ID kanina.

“Huy,” I called him as we continued walking our way to our department’s building.

He sighed as he looked at me. “Huy ka rin. Bakit?”

Napanguso ako dahil parang hindi niya yata gusto nang tinatawag siyang gano’n. Pero saka ko na iisipin! Ito munang concern ko!

“Ang bango mo yata ngayon?”

He laughed as I saw his ears turn red. “Bakit? Mabaho ba ako sa pang-amoy mo noon?”

Pati ako ay napatawa nang dahil do’n. “I mean, hindi ka amoy yosi!”

Humupa ang tawa niya bago tumingin ulit sa akin, saka ngumisi nang bahagya.

“I told you, I’ll kiss you before I smoke.”

Napaawang ang bibig ko kasabay ng pag-init ng mukha ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa paligid habang patuloy kaming naglalakad. Ang dami nang estudyante! Paano naman niya ako maiki-kiss?!

Sa room?! For sure na nandoon na rin ang classmates namin! Ano bang iniisip nitong lalaking ’to?!

Nang makarating kami sa room at maibaba ang mga bag sa sari-sarili naming upuan, inaya niya ulit akong lumabas dahil may pupuntahan daw kami saglit.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang pababa kami ng hagdanan.

“Sa STEM department.”

Napakunot lalo ang noo ko. “Hoy, ano namang gagawin natin doon?!”

“Wala, may sisingilin lang ako,” he said.

Nakahinga ako nang maluwag nang dahil doon. Tuluyan na akong sumama sa kan’ya at hindi na nagtanong pa. Habang paakyat kami sa STEM department, nadaanan pa namin si Caleb na paakyat na rin! Nakita ko na nakatingin siya sa kamay namin ni Klein na magkahawak at mukhang nag-iisip na.

Hay, nako! Bahala nga siya d’yan! Ano ba pakialam ko d’yan? Tama nang nanay ko na lang ang makialam sa kan’ya!

Nang makarating kami sa fourth floor, huminto kami sa Chem Lab na sobrang sarado. Nakababa din ang blinds at mukhang nakapatay ang ilaw. Nandito ba yung sisingilin niya?

Lumapit si Klein sa pinto saka ito binuksan. Pumasok kami sa loob ng madilim na laboratory saka niya ito isinarado ulit.

“Wala namang tao dito, pinagloloko mo ba ako?”

Tumawa siya bago humarap. “Ikaw kasi sisingilin ko.”

Napakunot-noo ako. “May utang ako sa ’yo?” tanong ko habang nakaturo pa sa sarili.

He laughed, slightly nodding. Napatili ako nang binuhat niya ako at ibinaba sa table na malapit sa amin.

“Klein, gago ka! Sasapakin kita!” bulyaw ko.

“Nasaan na?” tanong niya gamit ang mababang boses.

Napalunok ako, kasabay ng naramdaman kong pagpawis ng noo ko.

“Alin?”

“Kiss ko.”

Napalunok ako, kasabay ng mas mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang natuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya.

Bwisit, ako nga pala ang sisingilin . . .

“K-Klein, you can always k-kiss me, b-bakit kailangan pang itanong . . .” I said in my faint voice.

He chuckled as he held my back. “I want you to kiss me.”

Napakunot-noo ako, kasabay ng pagtawa. “Ano bang pinagkaiba?”

He shrugged. “Let’s see.”

He took both of my hands and wrapped it around his nape. Ibinalik niya ang mga kamay sa likod ko habang naghihintay sa akin.

Paano ko ba gagawin?! I’ve never initiated a kiss! I’ve never initiated anything in my past relationships! P’wede bang next time na lang ’yon?

“I-I don’t know how . . .” I admitted.

He chuckled. “Here.”

He lowered his face, which made me immediately close my eyes. In just a second, I felt his lips on mine. I was about to kiss back when he pulled away immediately!

“If you want more, come to me.”

Kinurot ko ang gilid ng leeg niya nang dahil doon. Tinawanan niya lang ako. Ilang beses akong nagbuntonghininga bago ako tumitig sa labi niya.

He really does have kissable lips. Ang plump ng lips niya! This is why I can’t stop thinking about the first time he kissed me! Ramdam na ramdam ko talaga, eh.

I sighed one last time as I closed my eyes. I leaned closer to him as my right hand went to his face, tracing the place of his lips. My thumb brushed on it and my heart started beating wildly again, before I crashed my lips on his.

His hand on my back held me tighter as he kissed me back. I wrapped my arms on his nape tighter too when he pulled me closer to him, making the kiss we’re sharing deeper. I felt his left hand go down to my hip as his right is on my head back, pulling me closer, kissing me more.

He stopped kissing me after a minute, or more. I don’t know. All I know is that . . . the kiss we shared lasted longer than the kiss that I shared with my ex! Parang . . . parang hindi lang isang minuto ’yon and at the same time, I wanted more.

But we’re both panting and I am almost lying on the table while Klein is standing in front of me--between my fucking thighs!--with his body slowly bent! This is such an awkward position, what the heck!

Umayos siya ng tayo kaya naman inayos ko na rin ang uniform kong medyo nagulo, saka bumaba na rin mula sa pagkakaupo ko sa table.

“L-Let’s go?” he said, looking nervous.

I nodded awkwardly as we both walked towards the door. Before he opened it, he looked at me as he gulped.

“Solari . . .”

Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya. “H-Hmm?”

He gulped again. “L-Let’s not go back here again, what do you think?”

I awkwardly laughed as I scratched my scalp slightly. “O-Oo. ’Wag nga.”

Nang makalabas kami ng Chem Lab, kaunti pa rin ang estudyante na dumaraan. Wala pa yata kaming ten minutes sa loob kaya ano bang ine-expect ko?

Kinuha ulit ni Klein ang kamay ko saka kami sabay na bumaba sa hagdan. Hindi nakatakas ang likod ng payatot kong pinsan na si Caleb na nagmamadaling bumaba!!!

Gago na ’yon, chismoso rin, eh!

“W-Wait lang!”

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka nagmadaling bumaba ng hagdan. Sinundan ko ng tingin si Caleb na pumasok sa classroom sa second floor. Papasok na rin sana ako kaso nakatingin sa akin ang mga kaklase niya.

“Caleb!”

Patay-malisya siyang nag-angat ng tingin sa akin bago tumayo saka lumapit. Pinasunod ko siya sa akin, palayo sa mga tao.

“Bakit, Solari?”

Wala, hindi talaga marunong tumawag ng ate ito!

“Saan ka nanggaling? Nakita kita nagmamadaling bumaba, ah!”

Napalingon ako sa tumayo sa tabi ko. Nakita ko si Klein na nakatingin sa akin nang nagtataka.

“May dinaanan lang.”

Nag-iwas siya ng tingin, sabay ng pamumula ng tainga niya. Oras na makita ko ’yon, naramdaman ko rin ang pag-init ng buong katawan ko.

“Caleb.”

Nagbuntonghininga siya bago tamad na ibinalik sa akin ang tingin. “Wala akong nakita.”

Mabilis na nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. “W-Wala naman kaming ginawa!”

Tumawa si Klein nang dahil doon. 

“Wala naman akong sinabi,” mahinang sabi ni Caleb, namumula pa rin ang tainga.

Tumikhim ako. “Boyfriend ko si Klein.” 

Tumingin ulit si Caleb na parang nagtatanong yata sa akin kung anong pakialam niya. Bwisit siya!

“Wala kaming ginawang masama.”

Nagkibit-balikat lang siya.

“At . . .” Nag-iwas ako ng tingin. “Wala kang sasabihin kay Mama sa kung ano mang nakita mo, ha?”

Muling tumikhim si Caleb. “Solari, wala talaga akong nakita.”

Umawang ang bibig ko nang dahil doon. “H-Huh?”

“Wala akong nakita. Basta alam ko lang.”

Naramdaman kong humawak sa baywang ko si Klein bago nagsalita. “Let’s go back.”

Tumango ako pero kinausap ko ulit si Caleb. “Wala ka rin alam, ha? Kung hindi . . .”

Kung hindi ano, Solari? Anong maipapanakot mo d’yan sa pinsan mong mayaman dahil may sariling mundo?!

“Ano?” curious na tanong niya.

“Wala. Basta alam mo na ’yong gagawin, ha? Bye!”

Matapos n’on, umalis na kami ni Klein sa STEM buIlding. Hindi ko lubos akalain na darating ako sa punto ng buhay ko na makikiusap ako kay Caleb para sa kaligtasan ko!!!

“Chismoso ’yon, pasensiyahan mo na,” sabi ko matapos kuhanin ulit ni Klein ang kamay ko.

He laughed. “I think he’s just worried about you.”

I rolled my eyes. “Walang magagawa ang worry niya, ’no. Wala naman akong ginagawang masama. Psh.”

Matapos niya akong maihatid sa harap ng classroom, nagpaalam siyang lalabas ulit para magyosi. Tiningnan ko ang oras at may twenty minutes pa naman so sabi ko na lang na bilisan niya.

Pero sana pala sumama na lang ako kay Klein kasi pagpasok ko sa loob  nakita ko si Eureka na nakahalukipkip habang nasa harap niya ang bag ko at bag ni Klein na magkatabi sa table namin.

“Hmmm . . .” sabi niya bago ngumuso at humawak sa baba.

Madrama akong nagbuntonghininga bago ako naupo sa upuan. “Kapagod! Nakakairita talaga si Klein! Sinama pa ako para maningil sa nagkakautang sa kan’ya!”

Nagpunta sa harap ko si Eureka at inilapit ang mukha. “Mukhang nabayaran naman nang bongga ang utang, may interes pa nga yata, eh.”

Matapos niyang sabihin ’yon, marahan niyang ipinahid ang panyo niyang puti sa gilid ng labi ko at ipinakita ang kulay pink na nakuha niya doon. Ngumisi siya na parang isang detective na nakapag-solve ng isang mahalagang kaso.

Napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin, bago siya tumatawang naupo sa tabi ko.

  
:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top