Chapter 21
❝ Habang kausap ko si Eureka
Tungkol sa bagay na kailanman hindi ko nagawa
Hindi ko maialis sa isip ko na isipin ka
Alam kong bata pa tayo, pero pagdating sa ’yo
Ramdam kong handa ako . . .
Sa lahat ng bagay na sa aki’y hihingiin mo. ❞
Hindi na nagpahatid pa sa akin si Klein sa labas. Nang makaalis na siya, akala ko kakausapin pa ako ni Mama tungkol doon pero hindi naman na siya nagsalita. Hanggang sa kumain kami ng dinner, hindi siya nagtanong sa akin about kay Klein. Puro related lang sa research.
Nang matapos maligo at magkape, naghanda na ako sa pagtulog. Ang tagal ko nang nakahiga pero hindi ko pa rin magawang matulog dahil medyo naiilang ako kay Mama ngayon, tapos hindi ko alam paano aakto sa school sa Monday ngayong boyfriend ko na si Klein.
Hindi ko napigilan ang malawak na pagngiti nang dahil doon. Nagtalukbong ako ng kumot saka sumipa nang sumipa. Bigla kong naalala si Eureka kaya naman mabilis akong bumangon para kuhanin ang cellphone.
Pagka-unlock ko, nakita ko ang mga text ni Klein mula kanina.
Klein:
I’m home, my love.
Klein:
Eat your dinner. I’m going to eat mine now.
Klein:
Maybe you're tired so let’s just talk tomorrow, okay?
Klein:
Rest well, my Solari. Good night. ❤️
Napangiti ako matapos kong mabasa ang mga text na ’yon. Hindi na ako nag-reply pa. Sa halip, nag-text ako kay Eureka ng isang magandang balita.
Me:
Bakla, may jowa na ako. 🥰
I was about to put it back on the side table when it suddenly vibrated. Natatawa akong bumalik sa pagkakahiga bago binasa ang reply niya.
Eureka:
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA MALANDI KAAAAA
Eureka:
CONGRATS, BAKLA! Magmahalan kayo hanggang gusto n’yo! Mwa! 😘
I chuckled as I typed my reply.
Me:
Pupunta ako sa bahay n’yo bukas at ibabahagi ko sa ’yo ang magandang balita ayon kay Solari Dominguez. 🤣 Good night. 😘
S-in-end-an niya ako ng pagkahaba-habang tawa na hindi ko na ni-reply-an pa dahil nakapag-good night naman na ako sa kan’ya.
☀️
Kinabukasan, tanghali na akong nagising at ang una kong ginawa ay ch-in-eck ang cellphone. Napangiti ako, kasabay ng pagkagat ko sa ilalim ng labi nang makita ang pangalan ni Klein sa notification.
Klein:
Good morning, my Sol. ❤️
Lately, gumaganda yata sa pandinig at paningin ko ang nickname na ’yon? Lalo na kapag sa kan’ya nanggaling?
Mahina akong tumawa bago ni-reply-an ang text niya kaninang 9:30 a.m. Alam kong 11:30 na pero umaga pa rin naman ’yon!
Me:
Good morning! 😊
Ibababa ko na sana ang cellphone pero nag-reply kaagad siya.
Klein:
Do you have any plans today?
Me:
Uh, yup. Pupunta ako kay Eureka. Nagkausap kami kagabi. Hehe.
Klein:
Why did you not reply to my texts last night, then? :(
Me:
We've been together all day yesterday, Klein. Baka magsawa ka naman kaagad sakin. 😆
Klein:
Not gonna happen. 😛
Klein:
Enjoy gossiping with your best friend. 😘
Humagalpak ako ng tawa dahil doon saka nag-reply ulit.
Me:
Sure! Kain lang ako lunch. Hehe. Mwa. 😘 Kain ka na din!
Klein:
Hahaha. I want that kiss first thing tomorrow, okay? Eat well, my love.
Hindi na ako nag-reply pa. Ini-charge ko na muna ang cellphone bago lumabas ng k’warto para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkababa ko, nakita ko si Mama na nagluluto pa.
“Tanghali ka na namang bumangon, ano na namang ginawa mo’t napuyat ka!” bulyaw ni Mama habang hinahalo ng sandok ang niluluto.
Nagbuntonghininga ako bago kumuha ng tasa para magtimpla ng kape kahit na masyado nang late para dito.
Kasalanan ni Calista ’to!
“Wala, Mama. Nahimbing lang ng tulog,” paliwanag ko bago humalik sa kan’ya sa pisngi. “Good morning!”
Maarte niyang pinahiran ang pisnging hinalikan ko, dahilan ng pagtawa ko. “Ay, nako! Hindi mo ako makukuha ng pahalik-halik mo!”
Kung hindi kita makukuha sa halik ko, Ma, siguradong si Klein, oo. Charot.
“Ikaw na bata ka, kapag nalaman ng ama mo na may nobyo ka, kagagalitan ka n’on!” dagdag niya bago pinatay ang kalan.
Nawala ang ngiti ko habang hinahalo ang kape saka naglakad papunta sa dining area at naupo sa isang upuan.
“Hindi mo pa naman sinasabi, Mama?” tanong ko.
Malakas siyang nagbuntonghininga. “Ay, nako! Ikaw ang magsabi! Sa akin, walang problema na magnobyo ka, Solari. Malaki tiwala ko sa ’yo. Kaso, isipin mo ’yung ama mong nasa malayo. Siguradong mag-aalala ’yon sa ’yo at sa pag-aaral mo dahil d’yan. Magpaliwanag ka sa kan’ya, ha?”
Tumango na lang ako hinipan ang kape saka humigop. Napangiwi pa ako dahil sa sobrang init! Pinanood ko si Mama na maghain ng pagkain sa lamesa habang nagdidiwara dahil sa pagkakape ko nang tanghaling tapat.
Nang matapos kumain, inutusan ako ni Mama na maghugas ng pinggan.
“Mama naman, eh!”
“Ano? Gusto mong may nobyo pero maghugas lang ng plato, inirereklamo mo pa!”
Nakasimangot akong isinuot ang plastic gloves saka nagsimula nang maghugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan niya.
Nang matapos, nagpaalam ako sa kan’ya na pupunta sa bahay ni Eureka. Tumingin pa siya nang nagdududa sa akin!
“Ay, nako, siguraduhin mo lang na sa bahay ni Eureka ang punta, ha, Solari! Malilintikan ka sa akin kapag kay Klein ka pumunta!” bulyaw niya habang nagwawalis sa living room.
Napaawang ang bibig ko at natawa nang bahagya dahil hindi makapaniwala sa sinabi niya.
“Mama, bakit naman ako magsisinungaling doon? Magsasabi ako ng totoo sa ’yo kung sa kan’ya ako pupunta, ’wag kang mag-alala, ha?”
Grabe, sobrang paranoid ni Mama! Ganito ba talaga ang mga magulang kapag nalaman nilang may jowa ang mga anak nila???
Umirap siya bago dinakot ang mga nawalis na alikabok gamit ang dust pan.
“Sinasabi ko sa ’yo, Solari. Kapag ikaw, nabuntis nang maaga . . .” mahinang sabi niya.
Humagalpak ako ng tawa. “Mama, seventeen pa lang ako! Hindi ko gagawin ang iniisip mo, masyado akong bata para d’yan, ’no! Magtiwala ka sa akin, ’Ma. Hindi kita bibiguin. Hindi ko sisirain tiwala mo. Hmm?”
Hindi na siya sumagot pa. Naiintindihan ko ang pagka-paranoid niya dahil nag-iisang anak lang naman ako tapos babae pa. Pero gusto ko lang i-assure sa kan’ya na hindi ko siya bibiguin. Magtatapos ako ng pag-aaral at magiging teacher dahil yon ang course na gusto niya na hindi niya nakuha.
Ako ang magtutupad ng pangarap mo, ’Ma, so, chill ka lang!
Matapos kong mapakalma ang tulirong isip ni Mama, umakyat na ako at kinuha ang bathrobe at towel sa k’warto saka naligo din sa itaas. Hindi na ako bumaba pa, tulad ng lagi kong ginagawa tuwing maliligo, dahil natutunan ko nang ma-appreciate ang CR dito sa itaas simula noong magpunta-punta dito si Klein nang maaga.
Nang matapos gumayak at mag-ayos nang kaunti, hinugot ko na mula sa charger ang cellphone ko at nag-text kay Eureka na papunta na. Nag-reply siya.
Eureka:
Go, bakla! Nakahanda na ang buong pagkatao ko sa chismis mo!
Tinawanan ko na lang siya at hindi na nag-reply pa. Kinuha ko ang maliit kong sling bag saka inilagay doon ang mga gamit ko bago lumabas ng k’warto. Nang makapagpaalam kay Mama, lumabas na ako ng bahay at dumeretso sa sakayan ng tricycle, saka nagpahatid sa bahay nina Eureka.
Wala pang ten minutes, nasa harap na ako ng gate na maroon ng bahay nila. Nagbayad ako sa driver bago bumaba. Pinindot ko ang doorbell at wala pang isang minuto, lumabas na si Eureka na malawak ang mga ngiti habang tumatakbo papunta sa gate, saka ako pinagbuksan.
“Baklaaa! Congrats, hindi ka na third wheel!!!”
Tinawanan ko siya. “Sana may miryenda pagpasok.”
Kinurot niya ako sa tagiliran. “Shuta, ipagluluto ka pa ni Mama ng kung ano mang ire-request mo, Solari! Gano’n ka kamahal ng nanay ko!”
Hindi na kami nagtagal pa sa labas. Dumeretso kami sa k’warto niya. Nakabukas ang TV sa loob nito at nanonood siya ng Game Of Thrones. Nilipat na muna niya ang pinanonood at naghanap ng iba since hindi ko naman napanood ’yon at mukhang nasa kalagitnaan na siya ng season.
“So, paano naging kayo???” tanong niya.
Ibinaba ko ang bag sa isang tabi at nahiga sa kama niya, saka nagsimulang ikwento ang lahat-lahat sa kan’ya habang naghahanap siya ng mapapanood. Tawa siya nang tawa noong kinwento ko ang backstory ng first kiss namin at kung paano ako mag-panic dahil lang sa PowerPoint na akala ko, walang backup!
“Napakatanga mo!” sabi niya nang tawa nang tawa. “Hayop ka, i-eject mo muna kasi yung flash drive pag tapos ka na, lalo na kapag nasa computer shop ka!”
Hinampas ko siya ng unan. “Alam ko ’yon, ’no! Eh, akala ko na-eject ko na. Nawala sa loob ko!”
Matapos tumawa, ngumisi siya saka sinundot nang paulit-ulit ang tagiliran ko. “Pero dahil sa katangahan, nagka-jowa. Ayiee! Malandi ka!” I laughed at her cute remark. “Feeling ko nga ang perfect n’yo na, bakla! Alam mo ’yon, ngayon lang ako kinilig sa jowa mo! Yung mga ex mo, wala namang epekto sa akin pero kapag siya, iba! Para kayong fated!”
Umakto ako nang nasusuka sa sinabi niya. “Pwede ba!” I rolled my eyes that made her laugh louder.
My smile slowly vanished when I remembered Klein’s confession about his past.
“Oh, bakit sumimangot ka?”
I sighed. “Remember what he said before? He used to be a cheater.”
Tiningnan niya ako na parang ang tanga ko sa sinabi ko. “Bakla, the keyword is there! Used to! Ano pa bang i-o-overthink mo? Baklang ’to!”
I pouted slightly before I told her the things that Klein told me. Feeling ko naman hindi mali na sabihin ’to since best friend ko naman si Eureka at mukhang handa naman siyang ikwento ulit ang nakaraan niya sakaling tanungin siya.
“Putang ina, ang bata naman tinigasan niyan!” sabi niya saka humagalpak ng tawa. Nag-init ang mukha ko kasabay ng paghampas ko nang paulit-ulit dahil sa sinabi niya. “Aray! Bakit ba, totoo naman, ah!”
Nagbuntonghininga na lang ako bago itinuloy ang pagkukwento. Yung kaninang tawa nang tawa, naging seryoso na, hanggang sa nalungkot at nakisimpatya na rin kay Klein noong sinabi ko na he was cheated on multiple times.
“Well, that’s awful but it’s the price he had to pay for what he did before and to be the person that he is now.” She shrugged. “Try mo rin muna. Nagsisimula pa lang naman kayo. Don’t let yourself fall harder with him kasi baka kapag nagkataong tama ka nga, na baka p’wedeng bumalik siya sa kung sino siya noon, ikaw rin. Ikaw ang masasaktan.”
Nagbuntonghininga ako bago niyakap ang anak nila ni Gilbert na malaking teddy bear.
“Hindi naman napipigilan ’yon. You can’t stop yourself from falling harder with someone. What if I actually did? What if hindi ko makontrol yung sarili ko?”
She sighed as she took her baby away from me. “Trust him siguro. Make your relationship work. Communicate with him. Always. In everything.”
Ilang minuto siyang natahimik. Naupo siya mula sa pagkakahiga at tiningnan ako nang seryoso.
“Solari . . .”
Nakakunot-noo akong napalingon sa kan’ya. Parang kinabahan naman ako bigla.
“Oh?”
“You know that Gilbert and I are doing it . . . right?”
Mabilis na nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
“Oo, alam na alam ko! Bakit sasabihin pa? What’s the fucking point???” iritang sabi ko na tinawanan niya nang malakas.
“Tanga, ito kasi!” Pinakalma niya ang sarili mula sa malakas na pagtawa bago itinuloy ang sinasabi. “When we first did it, it was a mutual decision. We’re not drunk nor emotional. Walang away or manipulation na naganap. We just happened to . . . you know . . . feel like we should do it.”
Mas lalong uminit ang pakiramdam ko nang humagikgik siya! Pota! Ako pa nakaramdam ng hiya, eh!
“’Wag kang mag-aalala, Eureka, hindi ko gagawin ’yon kasama siya!”
Tumingin siya nang masama sa akin. “Gaga! Sinabi ko rin ’yan! Oh, ano? Kinain ko lang ang sinabi ko!” She sighed. “Ang sinasabi ko lang, your boyfriend, Klein, used to be very sexual with his girls before. If there is something that someone cannot stop doing easily after doing it once, that is . . . sex.”
Hinampas ko ulit siya nang malakas dahil doon.
“Aray, totoo naman!” Hinampas niya ako pabalik bago humalukipkip. “I mean, hindi ko naman nilalahat. Pero may mga tao kasing naaadik d’yan. Sometimes, they developed a habit of doing it with just, literally, anyone. Kaya nga may naghahanap ng fuck buddy, eh.”
I shut my mouth because I finally realized her point. Okay, pagbibigyan kita ngayon, Eureka.
“What if he asked you to do it with him? What will you do?”
Mas lalo akong natahimik dahil I used to have an ex-boyfriend who would ask me for that pero mabilis kong dine-decline. I never imagined myself doing it with them! Ew!
“I’m not saying that sex is bad. Pero sa edad natin, oo yata? Kasi minor pa tayo. I mean, ikaw! Kasi eighteen na kami ni Gilbert! Kaso malandi kasi ako kaya ginawa namin ’yan noong seventeen pa lang kami pero ’wag kang mag-alala dahil maingat kami.”
She laughed as she watched me acted vomiting for the nth time.
“Ang sa akin lang, kung gagawin mo ’yon kasama siya, do not let him manipulate you into doing it with him. Walang problema sa akin kahit mag-sex kayo araw-araw! Basta mag-iingat kayo, ha?"
I took a deep breath as I felt another secondhand embarrassment because of what she said.
“Malapit ko nang tahiin ’yang bunganga mo, Eureka!”
Tumawa siya bago itinuloy ang sinasabi. “Ang sa akin lang, if you’ll do it, make him have your consent . . . your willingness. Okay lang din kung hindi mo gawin ’yon with him. Walang problema. Tulad ng sinabi ko kanina, Solari, communicate always. In everything.” She smiled. “If he leaves you because of that, sorry but he’s not the one. Hmm?”
I nodded slightly as I tried to remember all the things she said.
“Pero sa ngayon, ’wag mo munang isipin ’yan. Enjoy n’yo muna yung simpleng landian, tutal malandi naman kayong dalawa!” Nagtawanan kami. “Na-bring up ko lang dahil nga nakwento mo kanina na he used to do it. Baka lang kasi gawin niya rin sa ’yo at pilitin ka. I’m just worried about you.”
I smiled genuinely as I showed her my finger forming heart. “Thank you, Mama Eureka.”
She immediately shut her mouth like she didn’t expect what he heard as her eyes watered.
“Wow, I like that.”
I smiled. “You want na?”
Tumawa siya nang malakas. “Gustong-gusto ko pero ’wag ngayon! Papatayin ako ni Daddy! Ga-graduate muna ako ng college!”
Itinuloy naming dalawa ang pagkukwentuhan hanggang sa dumilim na. Inaya ako ng Mama niya na doon na mag-dinner but I politely declined since I know Mama’s waiting for me to eat our dinner together.
:)
Will add the introductory poem later when I woke up. Good morning.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top