Chapter 15
❝ Sa bawat paglipas ng mga araw
Na ikaw ay nakakasama ko
Dumarami ang nalalaman ko tungkol sa ’yo.
At dumarami rin ang mga dahilan ko
Kung bakit nararamdaman ko ang mga ’to. ❞
Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ng kamay ko, saka itinali gamit ang ponytail na nasa braso ko lang palagi.
Tapusin ko na nga itong isang tula na assignment ko kahit na hindi pa naman deadline! Sayang kasi ang oras ngayong vacant subject namin. Hindi na rin kasi ako sumama sa mga kaklase ko na kumain sa labas dahil ang init-init! Nakakatamad!
Nagsimula na akong mag-type sa laptop ko habang may nakabarang earphone sa magkabilang tainga. I know that library is a quiet place pero mayroon kasing iba na maingay mag-review! ’Yung parang bubuyog na bumubulong-bulong. Nakakairita kaya ’yon!
Habang nag-iisip ng idudugtong sa unang stanza na nagawa ko para sa isang tula na hindi ko naman kayang lagyan ng tamang sukat, napatigil ako dahil sa tumutugtog ngayon sa Spotify ko.
Breathe deep, breathe clear
Know that I'm here, know that I'm here
Waiting
Stay strong, stay gold
You don't have to fear, you don't have to fear
Waiting
I'll see you soon, I'll see you soon . . .
Napabuntonghininga ako bago itinuloy na ang pagtitipa sa laptop.
Ano naman kung siya ang sa kan’ya ko narinig ang kanta na ’to? Hindi naman siguro bawal pakinggan. Hindi naman siya ang nagmamay-ari ng kanta na ’to! Nagkataon lang na alam niya ang title at natatandaan niya kung saan ito kanta!
How could a heart like yours ever love a heart like mine?
How could I live before?
How could I have been so blind?
You opened up my eyes
You opened up my eyes . . .
Sa kalagitnaan ng pagta-type ko, napalingon ako sa kapapasok lang ng library. Napalunok ako bago inayos ang suot na salamin kasabay ng pag-upo ko nang maayos.
Argh! Hindi naman ito ang unang beses na magsasama kayo sa loob ng library na ’to, Solari! Bakit ba tense na tense ka pa rin? Normal lang naman na magkita kayo d’yan dahil sa iisang university lang kayo nag-aaral!
Patago akong sumulyap kay Klein. Nakita kong umupo siya sa table na hindi masyadong malayo sa akin. Magkaharap kami ngayon kahit na tatlong table yata ang pagitan namin.
Nag-angat siya ng tingin sa akin bago binuksan ang laptop, dahilan para maibalik ko ang tingin sa screen ng laptop ko.
Napanguso ako habang binabasa ang tula na ginawa ko. This is about Eureka and Gilbert. Sila ang ginawa kong inspiration para sa homework ko dahil ang kailangan kong gawin na tula ay tungkol sa isang taong nagmamahal.
Eh hindi naman ako in love. Paano ko naman magagawa na tungkol ’to sa sarili ko, ’di ba?
Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago kinuha ang cellphone sa table. Titingnan ko lang sana kung anong oras na pero nag-text pala ang class president namin!
Pres:
Solari, nasaan ka?
Mabilis akong nagtipa ng reply.
Me:
Nasa library. Why???
Pres:
Pakitulungan naman ako dito sa faculty, may pinapahanap kasi sa akin. Thank you.
Napanguso ako nang dahil do’n.
Bakit ba sa tuwing magpapatulong itong si Trevor, palaging ako nang ako ang hinahanap?
Napairap ako kasabay ng pagbuntonghininga bago niligpit ang gamit. Ibinalik ko na sa bag ang laptop at kinuha ang mga gamit, saka lumabas ng library.
Nadaanan ko pa si Klein na nakatingin sa akin pero hindi ko na lang pinansin.
Hmp. Lagi namang gan’yan ’yan. I already learned to live with my ex-boyfriend around me.
Somehow, I think it’s just fine to keep him around, kahit ganito lang. Kasi kahit naman naghiwalay kami noon, hindi naman ako tumigil mag-alala sa kan’ya.
I mean . . . I want to know if he has improved.
By seeing him here in this university, kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko kasi alam kong . . . buhay pa siya . . .
. . . na buhay siya.
Habang inaayos ang format ng mga related literature na nakuha namin, hindi ko napipigilan ang sumilip sa kan’ya from time to time.
Tumawa siya nang mahina bago nag-angat ng tingin sa akin. “Do you want to say something?”
Nanlaki ang mga mata ko bago ibinalik ang tingin sa monitor at ginalaw-galaw ang mouse, kunwari’y busy kahit hindi naman masyado.
“W-Wala.” I chuckled. “M-Marunong ka pala maggitara.”
Tapos na siyang maghanap ng related literature kaya naman sinabi kong ako naman ang mag-aayos ng format. Naupo siya sa upuan na malapit. He was silent earlier kaya akala ko, wala siyang ginagawa. Nagulat na lang din ako na naririnig ko ang tunog ng string ng gitara.
Bahagya siyang tumawa. “I used to play in a band.”
Nanlaki ang mga mata ko bago tuluyang ibinaling ang buong atensiyon sa kan’ya, kasabay ng pag-ikot ko ng swivel chair para makaharap sa kan’ya nang mabuti.
“Talaga?! Wow! Are you the vocalist? Ano ang usually tinutugtog n’yo? Anong name ng band mo? Do you si--”
He chuckled. “Chill.”
Napakagat ako sa ilalim na labi bago ibinalik ang atensiyon sa ginagawa ko kanina.
“Hindi ako ang vocalist. I just play the guitar . . . but I can sing. I can--meaning, kaya ko lang. Pero hindi ako magaling.”
Napanguso ako dahil it’s a lie! Narinig ko na siyang kumanta noong nasa amin kami! Ang ganda ng boses niya na napa-tweet pa ako nang dahil do’n!
“Do you want me to play a song?” he asked.
Tumingin ako sa kan’ya at paulit-ulit na tumango. Ngumiti siya bago itinuon ang paningin sa gitara at nagsimulang tumugtog.
At first, hindi ko maisip kung anong kanta ba itong tinutugtog niya. Pero nang magsimula siyang kumanta, hindi ko napigilan ang tumawa.
“Baby it's late; can you take me home?
Bring me somewhere we can be alone
'Cause, you know, I'm a little tipsy
Light me up and, baby, kiss me
Come and, baby, do it quickly
I don't wanna talk so keep my mouth busy
Little missy . . .”
“Bakit ’yan?!” tumatawang tanong ko.
Hindi niya ako pinansin. Tumawa lang siya at itinuloy ang pagkanta hanggang sa mag-chorus na.
“Baby, make me feel like I never felt before
Hold me close by your side
Baby, never let me go through the night
As I open my eyes
Baby, kiss me from my nose down to my . . .”
Muli akong tumawa dahil alam naman naming pareho kung anong ibig sabihin ng kantang ’yon! That song was already old enough for me to know kahit hindi na masyadong napapatugtog ’yon ngayon. Ewan ko ba, bakit ’yon una niyang tinugtog!
“Bakit ba ’yan???” tanong ko nang matapos na niya ang unang chorus.
Tumigil siya saka tumawa. “Ano bang gusto mo? ’Yun una kong naisip, eh,” sabi niya bago nag-iwas ng tingin.
“Hmmm . . .”
I started thinking of a song title pero wala akong maisip na ipatugtog sa kan’ya. Ayaw ko naman ipatugtog sa kan’ya ang Speechless dahil mataas ’yon at feeling ko, bagay sa voice niya ang chill song.
“Anything na chill lang? I think bagay ’yon sa voice mo.”
Ngumuso siya habang nagpa-plucking sa gitara kahit na wala naman siyang nabubuong kanta doon. Ilang sandali pa, nagsalita siya.
“Ahh, alam ko na.”
Umayos ulit siya ng upo habang nasa kandungan niya ang gitara. Binago na niya ang tinutugtog at nagsimula nang kumanta ng isang kanta na pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung saan ko narinig.
“Breathe deep, breathe clear . . .
Know that I'm here, know that I'm here . . .
Waiting . . .”
Mabilis na tumaas ang balahibo ko sa ganda ng pagkakanta niya sa unang mga linya habang magaan na pinatutugtog ang gitara.
“Stay strong, stay gold . . .
You don't have to fear, you don't have to fear
Waiting . . .
I'll see you soon, I'll see you soon . . .”
I really am sure that I’ve heard this song somewhere but I can’t remember when and where! Alam ko dahil natatandaan ko ang unang-unang line ng kanta!
“How could a heart like yours ever love a heart like mine?”
Napalunok ako kasabay ng pagtitig ko sa kan’ya sa bawat pagbigkas niya ng lyrics ng kanta.
“How could I live before?
How could I have been so blind?
You opened up my eyes
You opened up my eyes . . .”
He’s very handsome.
His voice is not that special but it is, indeed, very beautiful. Ang sarap pakinggan. Kung p’wede lang na kumanta na lang siya nang kumanta sa buong maghapon, I’d gladly listen to him without any complain.
“Do you know that song?”
Nagulat pa ako nang magsalita siya! Shuta, tapos na ba n’on?! Hindi ba siya kakanta ulit? Hindi ba niya tatapusin?!
Nag-iwas ako ng tingin sa kan’ya. Humarap ulit ako sa monitor para ayusin ang format ng RRL namin bago sumagot.
“Familiar b-but I can’t remember when or where I heard that.”
I heard him chuckle. “If you watched the movie If I Stay, you would know.”
Mabilis akong napalingon sa kan’ya nang matandaan na--sa wakas!--kung saan ko narinig ang kanta.
“OMG! ’Yan ’yung kinakanta ni Adam kay Mia habang naka-coma siya! That one na nakapasa sa university si Mia and Adam is willing to come with her if she’ll stay with him . . . if she’ll wake up and be with him! I cried a bucket of tears watching that part!”
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita siyang nakaawang ang bibig habang nakatitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin nang dahil do’n kasabay ng mahinang pagtawa niya.
“Y-Yeah.” He laughed. “The song that Adam wrote for Mia. The song that brought her back to life.”
Ahhh . . . I suddenly want to have a movie marathon of anything I’ll see on my Netflix. Nakaka-miss naman kaso wala naman din time magtanga-tanga ngayon.
Lumingon ako sa kan’ya at ngumiti nang bahagya. “It’s actually a nice movie.”
“Yeah. But the book is better.”
Nanlaki ang mata ko bago tuluyang lumingon sa kan’ya. “You also read romance novels?!”
He chuckled as he put his guitar down. “Oo naman. Ate Valene loved books too, like you.” He smiled. “That’s why I became interested in you more when you said that you like writing stories.”
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Ibinalik ko na ang atensyon sa monitor at itinuloy ang ginagawa.
“I just want to remind you about something I told you before,” he said. “My words are absolute . . . and I’ll never lie when it comes to what I feel for you.”
Halos pigilan ko na ang sarili ko sa paghinga lalo na ngayong nagsasalita siya tungkol sa bagay na ’yon.
Putek, bakit ba kami napunta sa usapang ’to?!
“And everything I said yesterday when we're with Eureka and Gilbert, I mean all of it. Everything I told you last night, you might think that I won’t remember because I was drinking but . . . I do remember. And I can tell you right now everything that I said last night. Saan mo ba ako gustong magsalita?”
Mabilis akong lumingon sa kan’ya at umiling, saka ngumiti. “O-Okay na! Naniniwala na ako.” I laughed awkwardly as I turned to the monitor once again.
“Do you mean that?”
I chuckled. “Oo naman!”
I heard his breathing . . . like he chuckled in a very low voice. “Then . . . thank you.”
Mabilis akong lumingon. “For what?”
He smiled. “For being here.”
Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagtango.
Maybe what he meant about that is . . . the last thing he told me last night before he fell asleep, I guess?
Ngumiti ako sa kan’ya pabalik. “Thank you rin.”
Napakunot-noo siya. “For what?”
I shrugged. “For liking me.”
He chuckled. “Thank you for letting me like you.”
“Then, thank you for thanking me?”
Nagtawanan kaming dalawa dahil pawala na nang pawala ng sense ang pinag-uusapan naming dalawa. Hanggang sa katahimikan na naman ang nanaig sa lugar pero kahit gano’n, hindi na ako nakakaramdam ng awkwadsness.
Wow.
“Do you . . . want to watch a movie some time?”
Napalingon ulit ako sa kan’ya. “Huh?”
He shrugged. “I just guessed that you like watching movies.”
I chuckled. “I like watching movies and series.” Ibinalik ko na ang tingin sa monitor at itinuloy ang pag-aayos ng format. “But I usually to do that while stsying at home. I have a Netflix account for a reason.”
“Ako rin naman. I like watching movies and series as I lay on my bed comfortably.” He chuckled. “Can we . . . watch a movie together?”
Napalunok ako. “Netflix?” He nodded. “Paano?”
He shrugged. “Rave? Discord? Anything that will let us share each other’s screen?”
Napaisip naman ako nang dahil do’n.
Medyo komplikadong manood ng movie or series ngayon sa dami ng dapat gawin. May research pa and other projects sa ibang subject.
Ibinalik ko ang tingin sa kan’ya. “Next time, kapag hindi na tayo masyadong busy, okay?”
He nodded. “Sure.” He heaved a deep sigh. “Thank you.”
Ipinagpatuloy na namin ang paggawa ng chapter two ng research. At dahil sobrang haba nitong first part since twenty related literature ang hiningi sa amin, hindi na namin nagawa ang relevance and justification which is part two ng chapter two.
Marami pa namang oras para gawin ’yon. We still have two weeks before the midterm. Chapter three naman ay hindi pa kailangan since sa Finals pa raw, kasabay ng chapter four and five.
“Sa tingin mo, maraming ipapaayos sa atin?” tanong ko habang sini-save ang natapos namin ngayon.
Tumango siya. “Expect red marks on every page of it,” he said before laughing.
“Psh.” I sighed before looking at him. “Anyway, uuwi na rin ako. Tutal, may natapos naman na tayo.”
After I clicked the eject of my flash drive. Tnanggal ko na 'yon sa CPU niya bago tumayo.
“Aren’t you going to eat dinner first before you leave?” he asked as he watched me take my things.
I shook my head. “My mom already ate her lunch alone. I can’t let her eat her dinner alone in our home tonight.” I smiled. “Thank you, Klein!”
Tumango siya. “Thank you rin. Hatid na kita sa sakayan mo.”
Lumabas na kami ng k’warto niya. Nang bumaba kami, nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko na nandoon na ang parents niya samantala kanina, ang ate niya lang ang nandito!
“’Ma, uuwi na raw si Solari.”
Lumingon ang mga magulang niya sa amin na nanonood sa TV nila. “Ha? Bakit hindi ka pa dito kumain ng dinner, hija?”
I smiled. “Mag-isa lang po kasi magdi-dinner ang Mama ko kung dito po ako kakain. Maraming salamat po.”
“O, sige. Ingat! Balik ka, ah? Klein, ihatid mo siya!”
Ngumiti at tumango sa akin ang Papa niya habang si Ate Valene naman na nasa living room din habang nilalaro ang malaki niyang pusa ay nagpaalam sa akin.
“Bye, Solari! Balik ka!”
Tumango ako at ngumiti bago kami lumabas ni Klein ng bahay nila.
Malamig na ang hangin at madilim na ang kalangitan. Baka 7:00 p.m. na ako makauwi nito. Mukhang traffic pa naman ngayon.
“Balik ka raw,” natatawang sabi ni Klein habang naglalakad kami palayo sa bahay nila.
I chuckled. “Kapag gagawa na ulit ng research, sige.”
“Kahit hindi naman gumawa ng research, p’wede kang bumalik palagi.”
I tried to stop myself from smiling. “O-Okay, s-subukan ko.”
Nang maihatid ako sa sakayan ng jeep, sinamahan niya ako hanggang sa tuluyan na akong makasakay. Umalis lang din siya doon nang makasakay na ako at makaalis.
Tulad ng inaasahan ko, traffic nga dahil weekend ngayon at nadadaanan pa ang isang mall dito. 7:05 p.m. na nang makarating ako sa bahay.
“’Ma, kumain ka na?!” malakas na sabi ko oras na makapasok ako ng bahay.
Napasimangot ako dahil walang sumagot. Inikot ko pa ang kabuuan ng bahay at hinanap pa si Mama sa likod pati sa bawat k’warto pero wala siya.
Napabuntonghininga ako bago bumalik sa living room para tumawag sa bahay ni Caleb. Ilang sandali pa bago niya sinagot niya ang telepono.
“Solari . . .” boses ni Caleb.
Napairap ako sa kawalan. “Nand’yan si Mama?”
“Ahh, oo. Kumakain kami ngayon. Kakausapin mo ba siya?”
Nangilid ang mga luha ko bago ibinaba nang malakas ang telepono. Pumunta ako sa kusina para kumain dahil nagugutom na rin ako.
May pagkain namang nakahanda pero bakit doon pa siya kumain?
Padabog akong kumuha ng plato, kutsara at tinidor, saka kumain mag-isa. Sa bawat pagsubo ko ng kanin, hindi ko mapigilang masaktan.
Bakit ba parang mas mahal niya pa ’yung anak ng kapatid niya, kaysa sa sarili niyang anak?
Palagi ko siyang iniisip pero siya, mas iniisip pa yata ’yung Caleb na ’yon kaysa sa akin!
Mabilis na pumatak ang mga luha ko bago sumubo ulit ng kanin. Sumubo ulit ako kasabay ng bawat hikbi ko, bago ako uminom ng tubig.
Sana pala, doon na lang ako kumain. May makakasabay pa ako at hindi ko mararamdaman lahat ng nararamdaman ko ngayon.
☀️
The songs I used for this chapter are:
Heart Like Yours by Willamette Stone
Kiss by Thyro
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top