Chapter 14
❝ Dumarami ang mga ginagawa mo.
Hindi ko maintindihan kung para saan 'yon.
Gulong-gulo ako noon.
Pero sa paglipas ng mga araw at buwan
Sa wakas, naintindihan ko na ang lahat. ❞
Napaligon ako nang kumatok si Mama sa pinto. Ilang sandali pa, bumukas na ito saka siya pumasok. Nagulat pa siya nang makitang gising na ako.
"Ohh? Gising ka na pala."
Ibinalik ko ang tingin sa salamin at itinuloy ang pag-a-apply ng lipstick. "Hindi na raw tuloy ang classmate ko sa appointment niya today kaya gagawa kami ng research ngayon sa kanila."
Nang makitang maayos na ako, inayos ko lang ulit ang suot na salamin bago kinuha ang maliit kong backpack, saka isinukbit. Tumingin ako sa suot kong relo.
10:15 a.m. na pala.
"Alis na ako, Mama!" sabi ko saka lumabas ng k'warto.
"Kumain ka muna!" paghabol niya sa akin.
"Nagkape na ako! Okay na 'yon!"
Narinig ko pa ang pagdidiwara niya habang pababa ako sa hagdan pero hindi ko na lang pinansin. It's too late for me to go to their house but I just felt the need to go . . . especially that the last thing he said last night before he fell asleep was he wanted to see me.
Hindi nga ako nakatulog kaagad kaiisip tungkol dito, eh.
I haven't been to their house yet pero pinaliwanag niya naman sa akin kung paano pumunta at kung anong kulay ng gate nila. Ibinigay niya rin sa akin ang complete address--with house number and a fucking zip code!--na para bang magpapadala ako sa kan'ya ng sulat.
The heck, Klein?
Nang makarating sa highway, naghintay ako ng jeep na masasakyan. Hindi rin naman nagtagal at may nakita ako na daraan sa barangay nina Klein kaya naman pinara ko kaagad 'yon bago sumakay.
Nang makapagbayad, nagpahinga na muna ako at ipinikit ang mga mata ko, tutal, medyo malayo pa naman.
Argh, ang sakit ng ulo ko!
Lately, dumadalas ang pagpupuyat ko, ha! Kung hindi sa calls with Klein, sa pag-iisip ng mga bagay tungkol sa kan'ya.
When did I start being all about him?!
After almost thirty minutes, pumara na ako dahil nakita ko ang simbahan na sinasabi niyang landmark malapit sa kanila. Nang makababa, hinanap ko ang kanto kung saan ako papasok para marating ang bahay nila.
I walked, and walked, looking for the blue gate with an open garage. Sinundan ko lang din talaga ang house number ng bawat bahay na nadaraanan ko kaya naman naging madali lang para sa akin.
Nang makita na ang bahay na hinahanap ko, huminto na muna ako bago kinuha sa bulsa ng pants ang cellphone. I dialed his number. Pinakinggan ko ang pagri-ring ng kabilang linya.
Ang tagal!
I was about to end the call and just press the doorbell when I crossed the road when suddenly, he answered it.
"Hey, good morning."
Nag-init ang mukha ko nang marinig ang boses niyang halatang kagigising lang! Napatingin pa ako sa paligid dahil nakakahiya naman kung may makakakita ng reaksiyon ko nang dahil do'n! Parang ang weird!
I cleared my throat. "K-Kagigising mo lang?" I asked.
He chuckled and that made my heart beat faster. "Yeah." I heard him move. "Is there a problem?"
I gulped before I crossed the road, coming closer to their house.
"I-I'm already here."
He became silent for a few seconds. "H-Here?"
"Outside your . . ." I gulped as I suddenly felt nervous. ". . . house."
Matapos kong sabihin 'yon, iba't ibang klase ng ingay ang narinig ko bago ko siya narinig na nagpaalam.
"Okay, then. Wait for me there, okay?"
Mabilis niya lang din pinatay ang tawag. Hindi man lang ako nakasagot sa kan'ya.
Ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa at naghintay na lang sa kan'ya. Iginala ko ang paningin sa lugar. Parang sa amin lang din pala. Medyo magkakalapit ang bahay at may ilang taong nagkalat sa labas. May ilan ding puno na makikita kaya kahit papaano, mahangin dito.
Pinagkaiba lang, medyo malalaki ang mga bahay ng mga taga-rito, pati ang bahay nila.
Base sa pagkakakita ko sa harap ng bahay nila, mas malaki ito kaysa sa bahay ni Caleb. Maluwang din kasi may dalawang sasakyan sa garahe nila at may terrace kung saan may nakita akong coffee table at dalawang bakal na upuan na usually, makikita sa harap ng bahay ng matatanda.
Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang gate ng bahay nila.
Akala ko si Klein na pero hindi!
"Hello. May kailangan ka?" mabait na tanong ng babae na lumabas sa gate.
Gusto kong hulaan kung sino siya. Hindi sila masyadong magkamukha ni Klein pero medyo matangkad din siya. Mas maputi siya kay Klein at nakasuot ng salamin tulad ko.
Ate kaya siya ni Klein? Hindi sila magkamunha pero hawig naman sila.
Tumikhim ako bago sumagot, kasabay ng pagkutkot ko ng kuko habang nakatago ang dalawang kamay ko sa likod.
"Uh, c-classmate po ako ni Klein. G-Gagawa po kami ng research ngayon."
Umawang ang bibig niya kasabay ng pagngiti. Ilang sandali pa, nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate.
"Halika, pasok ka! Ano na ngang pangalan mo?"
Nagsimula na kaming pumasok sa loob bago ako sumagot.
"Solari po."
Lumawak ang ngiti niya. "Ohh, ako si Valene! Ate ako ni Klein."
Tumango ako. "H-Hello po, Ate Valene."
Pilit akong ngumiti dahil sa totoo lang, kabang-kaba ako ngayon! Ano ba kasing ginagawa ni Klein, bakit ang tagal-tagal niya?!
Tumawa siya nang mahina. "Hintayin mo muna ang kapatid ko, ah? Mukhang tulog pa yata. Sandali, ah? Halika, upo ka na muna."
Tumango ako bago sumunod sa kan'ya. Pumasok kami sa loob ng bahay nila at pinaupo ako sa couch ng living room. Pagkatapos n'on, umalis siya at umakyat sa hagdan, iniwan akong mag-isa dito.
Inikot ko ang paningin sa loob ng bahay nila. Kulay cream at white ang pintura sa wall at ceiling. Malaki rin talaga ang bahay nila at maraming gamit. Parang latest pa ang mga appliances dahil mahahalata naman sa itsura nito na bago pa talaga. At sa kusina nila, malinis at kompleto ang gamit!
Maiinggit ang Mama ko kung sakaling makita niya 'to.
Ilang sandali pa, narinig ko ang nagmamadaling mga hakbang sa hagdan pababa hanggang sa nakita ko na si Klein na mukhang kasusuot lang ng t-shirt dahil lukot pa ito. Kasunod niya ang ate niyang dumeretso sa kusina.
"H-Hello . . ." Nag-iwas siya ng tingin bago lumapit sa akin. "Uhh, a-akala ko talaga hindi ka na pupunta. Sorry, pinaghintay kita."
Ngumiti ako. "It's okay."
Naupo siya sa solo couch malapit sa akin. "Uhh, kumain ka na ba?"
I shrugged. "Kumain ako kanina. Hindi rin naman ako gutom."
Hindi na siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bang nakatulala siya o baka may mali sa mukha ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil sa pagkailang.
"Uhm . . . s-should we start our . . . r-research today?"
Nang magsalita ako tungkol do'n, parang doon pa lang siya natauhan. Napaawang ang bibig niya bago tumayo saka pilit na tumawa.
"O-Oo. Sige, tara."
Tumayo na ako at sinundan siya. Nakita ko ang ate niya na nakatingin sa akin at nakangiti. Bahagya akong tumango rito nang nakangiti bago ako sumunod kay Klein sa hagdan.
Nang makarating kami sa harap ng isang puting pinto, binuksan niya kaagad 'yon saka kami pumasok. Ilang sandali pa, nagsalita siya.
"Uhh . . ."
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Nakahawak pa rin siya sa doorknob ng pinto.
"Hmm?"
Tumikhim siya bago nag-iwas ng tingin. "Ayos lang ba sa 'yong . . . isarado ko 'yung p-pinto?"
Napatingin tuloy ako ro'n nang wala sa oras. Ilang segundo pa akong nag-isip. Sa huli, tumingin ako sa kan'ya at ngumiti.
"Sige."
Ngumiti rin siya bago isinarado ang pinto. Pinaupo niya ako sa upuan ng study table habang siya ay naupo naman sa swivel chair sa harap ng computer niya.
Nanlaki pa ang mga mata ko dahil mukhang mamahaling gaming PC ito, ah?! Ang ganda ng set-up! Lahat, umiilaw!
Napanguso pa ako nang marinig ko ang pagta-type niya. Naka-mechanical keyboard din siya! Gusto ko rin n'on!
"Wait lang, ah?" sabi niya pagkalingon sa akin.
Tumango ako bilang tugon.
Inikot ko ang paningin sa loob ng k'warto niya. Halos katulad lang din ng sa akin. Pareho kaming maraming gamit. Ako, more on books. Siya naman ay more on computer accessories. Pinagkaiba lang siguro, mas malaki ang kama ko kaysa sa kan'ya at . . . mas makalat ako.
"Heto, ikaw na ang magsimula. Ano na ba ang gagawin natin?" tanong niya bago tumayo.
Tumayo na rin ako at lumapit. "Uh, may nagawa ako kahapon. Nandito." Kinuha ko ang flash drive sa bag at iniabot sa kan'ya. "Dadagdagan na lang ng fifteen pang related literature. Tapos, relevance and justification na."
Tumango siya bago isinaksak ang flash drive sa CPU. Siya na ang nag-open ng file sa PC habang ako naman ay naupo na lang sa swivel chair niya, pinanonood siyang igalaw-galaw ang mouse at pumindot sa maganda niyang mechanical keyboard habang nasa likod ko lang siya.
Napalunok ako nang mapagtanto kung ano ang posisyon namin ngayon.
"U-Uh, s-sige, ako na," sabi ko. "Simulan ko na u-ulit."
Tumigil siya sandali bago binitiwan ang mouse at keyboard. Lumingon ako sa kan'ya at nakitang nakatingin lang siya sa akin.
"Sige, ano, kuha lang ako ng pagkain natin."
Tumango ako bilang tugon.
Ibinalik ko na ang atensiyon sa monitor at ini-scan ang mga nagawa ko. Bago nagsimula, inipon ko na muna ang buhok ko sa isang kamay saka ito itinali gamit ang ponytail na palaging nasa braso ko.
Okay, ready ba ulit ako makipagbakbakan kay Google Scholar!
Nagsisimula pa lang akong mag-search sa Google Scholar nang maramdaman kong may humila ng tali sa buhok ko, dahilan para mapalingon ako do'n.
Napakunot-noo ako nang makita na nandoon pa rin siya! Akala ko naman nakaalis na 'to ng k'warto!
"Uy, bakit?" tanong ko.
Ilang beses siyang lumunok bago ibinulsa ang ponytail ko.
"'Wag."
Matapos niyang sabihin 'yon, binuksan niya lang ang aircon bago lumabas na ng k'warto. Malakas pa ang pagkakasarado niya ng pinto na para bang nagmamadali siya, dahilan para muntik na akong mapatalon sa gulat.
Ano ba nangyayari do'n?
Ibinalik ko na ulit ang atensiyon sa monitor at itinuloy ang pagsi-search ng related literature.
Balik na muna tayo kay college Solari. 😆
ಠಿヮಠ
🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top