Chapter 12

❝ Hindi ko maintindihan ang sarili ko

Kung bakit gano'n na lang ang epekto

Sa akin ng nalaman ko tungkol sa 'yo.

Ikaw naman ang nagsabing may gusto;

Hindi naman ako.

Bakit nawala ang gana ko na gawin

Ang mga dapat ko lang namang gawin? ❞

 
  
Nang makauwi ako sa bahay no'ng hapon, wala si Mama. Hindi na rin ako nagulat dahil sigurado namang nandoon sa bahay ni Caleb 'yon. Dumeretso na lang ako sa k'warto para magpahinga.

I still feel so tired. Sa tuwing naaalala ko lahat ng sinabi ni Klein kaninang lunch break, para akong paulit-ulit na napapagod kahit na wala naman akong ginagawa.

Ilang oras akong nakahiga matapos kong magbihis. Hindi ko man lang hinawakan ang cellphone ko dahil pakiramdam ko, wala akong ganang gumawa ng kahit na ano. Gusto ko lang mahiga at ipikit ang mga mata.

Gusto ko nga rin matulog pero hindi ko naman magawa dahil masyadong disturbed ang utak ko. Ang dami-daming iniisip na hindi naman na dapat isipin!

Nang mag-dinner, tinawag na ako ni Mama para kumain. Tamad na tamad akong sumunod sa kan'ya sa baba para kumain kami nang sabay. Nagdasal kami sandali bago nagsimulang kumain.

"Tumawag ang papa mo kanina, tinatanong ka. Akala ko natutulog ka kaya 'yon ang sinabi ko," panimula ni Mama nang magsimula kaming kumain.

"May sasabihin daw ba?" tamad na tanong ko.

"Kukumustahin yata ang pag-aaral mo. Ilang araw na ba kayo hindi nag-uusap?"

Nagkibit-balikat ako bago sumubo ng liempo. "Hindi ko nasasagot ang tawag niya, medyo busy ngayon, eh. Pinaliwanag ko naman sa kan'ya."

Tumango si Mama at hindi na nagsalita. Tahimik na lang kaming kumain.

Sa bawat pagsubo ko, hindi pa rin maaalis sa aking maalala ang mga nangyari kanina sa cafeteria at ang mga narinig ko. Kaya naman napapabuntonghininga na lang ako nang wala sa loob.

"May problema ka ba?"

Napaangat ako ng tingin kay Mama. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.

"H-Huh?"

"Ikaw. May problema ka ba? Bakit ba nakasimangot ka at napapabuntonghininga? May problema ba sa school n'yo?"

Napaawang ang bibig ko nang dahil do'n. Ngumiti ako sa kan'ya bago itinuloy ang pagkain.

"Pagod lang ako, Mama."

Nagbuntonghininga siya. "Kung may problema ka, magsabi ka sa akin."

Itinuloy na rin niya ang pagkain.

"Alam kong minsan, nagagalit ka na dahil palagi akong nandoon sa pinsan mo, pero naiintindihan mo naman, 'di ba? Wala siyang magulang na kasama. Ako lang ang p'wedeng magbigay ng kalinga sa kan'ya kahit na papaano. Ikaw, kasama mo naman ako dito. Kaya mo akong puntahan kahit kailan mo gusto at kailangan. Si Caleb, hindi."

Minsan, gusto ko na lang tumawa. Hindi naman 'yon ang pinoproblema ko ngayon. Ni hindi ko nga inisip 'yon sa maghapon, pero ngayong nabanggit niya, parang may mga sugat namang nabubuksan.

Nakagat ko ang ilalim na labi ko sa pagpipigil na maiyak. Uminom ako ng tubig sa baso bago tumawa.

"Oo naman, Mama. Alam ko naman 'yon. 'Wag kang mag-alala, naiintindihan ko."

Nagsalin siya ng tubig sa baso niya mula sa pitsel bago sumagot.

"Mabuti." Uminom siya sa baso bago muling nagsalita. "Hindi ba't aalis ka bukas? Anong oras kita gigisingin?"

Napatigil ako sa pagnguya ng baboy matapos maalala na Sabado nga pala bukas. Dapat, sa bahay ni Klein ako pupunta para gumawa ng research pero mukhang hindi na matutuloy.

Ngumiti ako kasabay ng pag-iling. "Baka hindi na tuloy, Mama. Busy yata ang kaklase ko bukas. Kaya ko naman gawin 'yon mag-isa kaya okay lang."

Pumalatak siya. "Basta't huwag mong hahayaan na gamitin ka nila para lang makapasa nang walang kahirap-hirap, ha?"

Tumango ako bilang tugon.

Nang matapos kaming kumain, inutusan niya akong maghugas ng pinggan. Wala akong gana magreklamo kay Mama kaya naman ginawa ko na lang nang walang angal.

Ilang sandali pa, nagbuntonghininga siya bago kinuha ang isang pares ng kitchen gloves at bahagya akong tinulak palayo sa sink.

"Ako na nga r'yan. Magpahinga ka na."

Napangiti ako nang bahagya dahil alam ko na nag-aalala siya sa akin. Gusto kong sabihin na wala naman siyang dapat ipag-alala . . . na okay lang naman talaga ako . . . pero wala rin kasi akong gana magsalita nang magsalita ngayon.

Napabuntonghininga ako bago magpaalam. "Sige, 'Ma. Akyat na ako. Good night."

Tumango lang siya bilang tugon.

Dumeretso na ako sa k'warto. Hinubad ko ang suot na salamin bago ibinagsak ang katawan sa kama.

Why am I even this disappointed? Wala pa nga kaming isang buwan na ganito, eh. Bakit ba ako nagpapaapekto?

Napabuntonghininga ako bago kinuha ang cellphone na nasa kama lang din. Kanina ko pa 'to hindi hinahawakan kaya hindi na rin ako nagulat na maraming notification para sa iba't ibang application.

Pero ang nagpatigil sa akin . . . I received a few text messages from Klein. I was hesitant if I'll open to read it kasi, kapag binuksan ko 'to, hindi ko mapipigilan ang sarili kong mag-reply.

I have always been like that to everyone. Bakit ba hindi ako marunong mag-ignore ng message once nabasa ko na?!

I sighed as I locked my phone once again and threw it on the bed. I shut my eyes as I lay my back on the bed.

Ano naman, Solari?

Ano naman kung cheater siya dati? Sinabi niya lang naman na gusto ka niya. Hindi naman ibig sabihin n'on na kailangan mo rin siyang gustuhin . . . na kailangan mo siyang maging boyfriend!

Kung may gusto siya sa 'yo but he was once a cheater, then ignore him! Just be professional and talk to him whenever you need it in your research paper!

I kicked the blanket multiple times as I got up from the bed.

"Bakit ba pinoproblema ko 'yon?!"

Umalis na ako sa kama at naupo sa swivel chair. Binuksan ko ang computer para simulan na ang chapter two ng research. Nang maging productive naman itong pagtatanga ko ngayon.

At isa pa, ayaw ko na rin pumunta sa bahay nila bukas. Kaya ko naman na 'to, hahanap lang naman ng related literature sa Google Scholar para sa research namin.

I sighed once again.

I focused on my research, trying to divert my attention to it, rather than thinking of something and someone I shouldn't be thinking of. 

Nakakailan na rin akong related literature at sa kabuuan ng mga oras na ginagawa ko 'yon, ilang beses akong napapalingon sa cellphone ko sa kama. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong na-tempt na kuhanin 'yon at basahin ang mga message mula kay Klein pero . . . natatakot ako.

Nagbuga ulit ako ng malalim na buntonghininga bago tumayo at kinuha ang towel at bathrobe, saka lumabas ng k'warto. Maliligo na lang ako sa baba, baka sakaling mahimasmasan din ako!

Gusto ko sanang maligo nang matagal kaso tinatamad naman ako. Para bang lahat ng bagay, nakakatamad gawin ngayong araw.

Haaay!

Saglit lang akong naligo. Nang matapos, nagtimpla na muna ako ng kape sa kusina bago umakyat pabalik sa k'warto ko. Nang maibaba sa study table ang coffee mug, kumuha ako ng underwear, t-shirt at pajama sa closet ko saka nagbihis.

Habang isinusuot ko ang t-shirt, napalingon ako sa cellphone kong nasa kama na umilaw. May nag-text na naman.

Isinuot ko na nang mabuti ang t-shirt saka ibinalot sa tuwalya ang buhok bago kinuha ang cellphone. Tiningnan ko sa notification panel kung ano ang recent notification na nakuha ko at nakita na text 'yon mula kay Klein.

Ngayon ko lang din napagtanto na 11:00 p.m. na pala. Ang bilis naman ng oras. 

Kinuha ko ang salamin sa computer table saka isinuot. Nagbuga muna ako ng malalim na buntonghininga bago binuksan ang mga text ni Klein.

Klein:
Hi. :)
17:12

Klein:
Sa tingin mo, anong oras ka makakapunta sa bahay?
17:42

Klein:
Hey, are you busy?
19:30

Klein:
Uhh, can I call you later? I just want to talk to you about something...
19:32

Klein:
Tulog ka na?
23:01

Napalunok ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pinipigilan ko ang sariling paghinga habang binabasa ko ang mga text niya. Ngayon ko lang napagtanto ang mga ginagawa ko.

I gulped once again as I typed my reply.

Me:
Hey. Do you need anything?

Ibababa ko na sana ang cellphone para tanggalin ang tuwalyang nakabalot sa buhok ko nang mag-vibrate kaagad ang cellphone ko.

Klein:
Ohh, you're awake. Hahaha.

Klein:
Are you busy?

I bit my lower lip.

Me:
Uhh, I'm doing the RRL for our research. Why?

Hindi tulad kanina, ilang minuto na ang nagdaan pero wala pa rin siyang reply. Ibinaba ko na muna ang cellphone bago tinanggal ang tuwalya sa ulo. Kinuskos ko pa ang buhok ng tuwalya ng ilang minuto hanggang sa nakita kong umilaw ulit ang cellphone ko.

Isinampay ko na ang tuwalya bago kinuha ang cellphone sa kama at binasa ang reply ni Klein.

Klein:
Uhm, why are you doing that? Aren't we supposed to do that tomorrow here in my house?

I bit my fingernail as I tried to come up with a good reason for that. Nang makaisip na, nagsimula na akong mag-type ng reply.

Me:
Hindi kasi ako makakapunta bukas. I'm sorry. I have other plans tomorrow and sayang ang oras kasi kanina kaya ginawa ko na.

Ilang minuto pa ulit ang hinintay ko para sa reply niya. I'm starting to feel guilty as time passes by. Nagiging anxious na rin ako kasi feeling ko, magagalit siya.

Nagulat pa ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

Klein:
You should've told me earlier, Solari.

Sunod-sunod na paghinga ang tanging nagawa ko matapos kong mabasa ang reply niya. Ilang sandali pa, nag-text ulit siya.

Klein:
Can I just call, instead?

I gulped as I quickly typed my reply.

Me:
I'm really busy right now, I'm sorry.

Klein:
But you take your time to reply to my messages? Kaya nga tatawag na lag ako para hindi ako masyadong makaabala. 

Klein:
This is for our research, Solari.

Muli akong napakagat sa mga kuko ko habang pinag-iisipan kung anong sasabihin ko. Habang nag-iisip, kinuha ko na muna ang kape sa study table. Medyo naginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba na nararamdaman ngayon pero hindi ko na 'yon pinansin pa. 

Uminom na muna ako ng kape bago nag-reply sa kan'ya.

Me:
Okay, then.
     

(✿☉。☉)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top