Chapter 11
❝ Kulang ang salitang dismayado
Para ipaliwanag ang nararamdaman ko
Matapos kong malaman kung anong
Klase ng tao ka sa nakaraan mo.
Nasasaktan din ako
Dahil gusto kitang gustuhin pero
Isa ka sa mga klase ng taong
Kinamumuhian ko. ❞
Nang mag-Friday, tulad ng palaging ginagawa ni Klein, sinundo niya ulit ako sa table namin ni Eureka. Siyempre, nagwala na naman ang kaibigan ko nang dahil do'n!
"Hindi!" bulyaw ni Eureka kay Klein. "Sa amin siya sasabay! Ikaw, ah! Sumosobra ka na!"
Napaawang ang bibig ko nang dahil do'n. Napalingon ako kay Klein na parang nalilito habang nakatingin kay Eureka.
"You can join us if you want, Eureka."
Humampas siya sa table kasabay ng pagtayo. "Talaga!"
Napalingon ako kay Gilbert na tumatawa bago niligpit ang gamit ni Eureka sa table at saka ito nilagay sa bag.
"Okay, hotheaded woman. Let's go and eat. You just successfully claimed your best friend from him," natatawang sabi ni Gilbert saka ni-zip ang bag ni Eureka.
Nagkatinginan kami ni Klein. Nagkibit-balikat siya habang bahagyang nakangiti. I bit my lower lip as I looked away.
"Let's go."
Isinukbit ko na ang bag at nagsimulang maglakad kasabay ni Klein. Nang makalabas kami ng classroom, may kumapit sa braso ko bago ako inilayo kay Klein.
"Bawal magsinungaling, ha!" sabi niya sa akin
Tinawanan ko na lang siya bago ako tumango.
Nang makarating kami sa cafeteria at maka-order ng pagkain, si Klein at Gilbert lang ang nakapagsimula kaagad. Nagkukwentuhan pa silang dalawa ng tungkol sa League Of Legends. Hindi ko gets ang mga sinasabi nila.
Nag-iwas ako ng tingin kay Eureka nang paningkitan niya ako ng mga mata. Tumikhim ako bago nagsimula na rin kumain.
Humalukipkip siya bago sumandal sa upuan.
"Kung hindi pa ako sumabay sa inyo, hindi pa kita makakasabay mag-lunch, eh."
Napatingin ako kay Klein na tahimik nang kumakain sa tabi ko, walang pakialam sa nang-i-interrogate na si Eureka sa harap namin.
"Klein."
Naibalik ko ang tingin kay Eureka. Nakita ko siyang nakatingin kay Klein na parang walang pakialam sa mundo basta siya, kumakain lang.
"Hmm?" sabi niya bago nag-angat ng tingin.
"May gusto ka ba sa kaibigan ko?"
Humagalpak ng tawa si Gilbert sa deretsong tanong ng girlfriend habang ako naman ay parang hiniwalayan ng kaluluwa nang dahil doon.
"Eureka!" pagsaway ko sa kan'ya.
Lumingon siya sa akin. "Bakla, Friday na ulit! Ngayon na lang kita nakasabay mag-lunch, eh! Okay lang naman sa akin na mag-jowa ka pero chikahan mo naman ako ng ganap sa life mo!" mahabang sabi niya sa tono na nagtatampo.
Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Kung alam niya lang kung gaano ko kagustong magkwento sa kan'ya! Pero natatakot lang ako na baka mamaya, matigil din!
Baka biglang matigil 'yung mga ginagawa ni Klein sa akin once naikwento ko na sa kan'ya. Ganoon naman kasi madalas, 'di ba? Kumbaga sa kasabihan ng mga matatanda--nauusog!
"W-Wala pa naman ikukwento--"
"Hay nako! Dati lang, kinukwentuhan mo ako kaagad! Ngayon, parang ang dami nang nangyayari sa buhay mo na hindi ko alam!"
Npalunok ako. Kilala talaga ako nitong Eureka na 'to, eh. Lahat ng lalaking nagdaan sa buhay ko, kilala niya at dumaan din sa kan'ya bago sila makarating sa akin. Siya rin ang kasama ko kapag natatapos ang relasyon ko sa kanila.
Siya ang pinakagalit sa lahat ng taong nanakit sa akin. Kaya naman sobrang na-a-appreciate ko na ganito siya sa akin ngayon. Alam kong nag-aalala siya.
Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Klein, gusto kong maging pribado na lang ang lahat hanggang wala pa namang nakokompirma.
Baka mamaya kasi . . . wala lang pala ang lahat.
Baka mamaya . . . once na ipagmalaki ko kay Eureka, bigla namang maputol o matigil at ipamukha sa akin ng mundo na research partner lang kami talaga.
Nagbuntonghininga ako. "Eureka, wala naman kasi . . ."
Nagbuntonghininga rin siya bago muling lumingon kay Klein. "Ano na? I was asking you, Olivarez."
"Hmm? What's the question again?"
Napalunok ako kasabay ng pagtingin sa mga daliri ko sa kamay na nasa lap ko. Nakita ko na kinukutkot ko na pala ang mga kuko ko at base sa nararamdaman ko ngayon, mukhang kanina ko pa ginagawa 'to!
Argh!
"Gusto mo ba ang kaibigan ko?"
Klein smirked. "Sinong kaibigan? Marami kang kaibigan."
Eureka rolles her eyes. "My best friend! May gusto ka ba kay Solari o nilalandi mo lang siya dahil bored ka?!"
Parang kinurot ang dibdib ko sa sinabi ni Eureka. Well, pumasok naman na sa isip ko 'yon. Kaya nga hindi ko maikwento kaagad sa kan'ya dahil natatakot ako na baka mamaya, false hope lang 'yon.
Na nabo-bore lang itong lalaki sa tabi ko at wala lang siyang ibang magawang matino sa buhay niya.
"Ano?" tanong ulit ni Eureka nang hindi kaagad sumagot si Klein dahil uminom ito ng softdrink niya.
Nang maibaba ni Klein ang bote ng coke, tumingin siya kay Eureka saka ngumiti.
"Oo."
Para namang nagkaroon ng drums sa dibdib ko matapos kong marinig 'yon.
Tumili nang tumili si Eureka kasabay ng paghampas niya sa table. Napapaiwas na lang ako ng tingin sa ibang estudyante na kumakain sa loob ng cafeteria dahil nga nakuha na ni Eureka ang atensiyon nila.
"Eureka!" pagsaway ko sa kan'ya. "A-Ang ingay mo!"
Tumigil siya pero malawak pa rin ang ngiti habang nakatingin sa akin. "Gagi, sorry, kinilig ako! Dapat strict parent mo ako dito pero di ko napanindigan dahil sa Klein na 'to, eh!"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa. Pqtinai Gilbert, humagalpak na rin ng tawa nang dahil doon. Ilang sandali pa, ibinaling ulit ni Eureka ang atensiyon niya kay Klein at muling nagpakaseryoso.
"Seryoso ka ba, ha? Ayaw ko nang masaktan ang best friend ko! Kung paglalaruan mo siya, itigil mo na, ha! Oo, medyo boto ako sa 'yo kasi package deal ka ng ideal guy ni Solari pero aanhin namin ang lahat ng 'yon kung paglalaruan mo lang siya?" mahabang sabi ni Eureka. "Kung papaiyakin mo rin siya, kung sasaktan mo rin siya o kung lolokohin mo siya, 'wag mo nang ituloy pa ang ginagawa mo, ha!"
Napanguso ako bago uminom sa Mountain Dew ko. Mas lalo akong kinakabahan dahil sa ginagawa nitong Eureka na 'to, eh!
"Uhh, first, Solari is not a toy for me to play with. Second, I never had any intention of doing anything bad towards her. I'm still getting to know her more, and she is, for me, too. Hindi ko alam kung ano 'yung ideal man niya and I don't want to know because even though you told me that I have the things that Solari likes from a guy, I have a lot of bad things that you never know yet."
Natahimik kaming tatlo habang nakikinig sa mahabang sinasabi niya. This is the first time that he talked that long and I'm amazed . . . and anxious as well.
"Sa huling sinabi mo, Eureka, I don't have any plans to intentionally hurt her in any way. We're in the right age to know what's right and wrong. And I'm done playing with women's feelings. I never see the benefit of fooling a woman. I've done that, yes, and I don't want to do that anymore. I experienced being a cheater at wala namang magandang naging dulot 'yon sa buhay ko, so why would I do that again with someone who has been very kind and caring towards me?"
Parang natuyo ang lalamunan ko habang pinakikinggan ko lahat ng sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Eureka at pareho kaming nakaawang ang bibig, hindi makapaniwala sa mga naririnig namin. Lumingon ako kay Gilbert at nakitang nakangisi siya habang humihigop sa softdrink niya, nakatingin din kay Klein na para bang satisfied sa narinig.
Tumikhim si Klein bago nagsalitang muli.
"Lastly, about making Solari cry, I cannot promise you that. Well, I can never promise anything. We can't see what the future holds, right? Hindi rin naman natin hawak ang damdamin ng bawat isa. All I could do was to assure you all that everything I am saying right now is my truth."
He sighed as he sipped on his coke once again before he continued talking.
"I don't sugarcoat my feelings ever. I may not intentionally hurt her but, I was an asshole and I still think that I am until now, so I might still hurt her unintentionally. I might still make her cry . . . but I will never cheat or fool her. That's just one thing I'm really sure of."
Gusto ko nang pigilan pa ang usapan na ito dahil pakiramdam ko, sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko kasabay na parang kinukurot-kurot ito. Parang dudugo na rin ang mga daliri ko sa pagkutkot ko dito pero itong Gilbert naman na 'to, nagsalita pa!
"You won't promise anything but you're sure that you won't cheat on her?" he asked.
Klein smiled. "Like I've said, I already experienced being a cheater and it never did me any good. I am the person who learns from experience and once I learned that there's no good thing in doing something, once I experienced something that does not make me a better person, I never did that same thing anymore. "
Klein looked at me and smiled before his attention went back to Gilbert.
"I may have done it once and I'll call it a mistake--a wrong decision I came up with. But never will I make the same mistake twice because that will not be called a mistake anymore. It will be my choice already. And right now, I chose to be a better person and not repeat the same mistake I did."
The table became more silent after we heard him talk that long. It was the first time that we heard him talk like that and it feels really new to us.
'Yun nga lang, matapos kong marinig ang lahat, naghalo-halo naman ang nararamdaman ko. I really hate cheater and I don't want to have anything to do with them but . . . now that Klein said all that, parang nalungkot naman ako.
Just when I enjoy being with him, saka ko pa malalaman na minsan na siyang naging cheater.
This is why I don't want to feel ecstatic over something--especially if it's because of a person. Para kasing binabawi rin sa akin 'yung saya.
Nagiging malungkot . . . nagiging masakit.
This is also why I haven't talked with Eureka about Klein, yet. Kasi once nagkukwento ako sa kan'ya, I get a little too excited and really happy! Then hours or days after, magkakaproblema.
Nang matapos kaming kumain, bumalik na kaming tatlo sa classroom habang si Klein naman ay lumabas ng campus para manigarilyo.
Nang makapasok na kami sa room, nagsimula na ulit magtanong si Eureka.
"Are you alright?" she asked. I nodded with a smile. "I'm sorry about earlier, gusto ko lang talagang i-try si Klein. Hindi ko naman alam na dati pala siyang cheater," malungkot na sabi niya.
Bahagya akong tumawa bago kumuha ng book sa bag para mag-review sa lesson mamaya.
"It's okay! Mainam nga 'yon, nalaman kaagad natin bago pa man din magtagal, 'di ba?" I sighed as I turned my attention to the book. "I think it's a sign to not be too comfortable being with him. Tutal, pagkatapos naman ng research, we'll be back to our old lifestyle without each other."
Eureka sighed before making me look at her. "Bakla, akala ko ba gusto mong magsulat ng magagandang stories??? Hindi ba, sabi mo, kailangan ng character ang redemption arc or character development para masabing maganda ang story? Hindi ka ba naniniwala na baka tapos na talaga si Klein sa phase na 'yon at nagkaroon na talaga siya ng character development?"
Hindi ako nagsalita. Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang gusto niya pang dagdagan ang sinasabi niya, kaya hinayaan ko siya.
"I mean . . . may point naman siya! Wala naman talagang magandang dulot ang pagiging cheater sa buhay, ah? He's smart! Everything he said a while ago made sense to me! Prangka siya, oo, at red flag na wala siyang binibitiwang pangako, pero . . . I really get him for some reason, eh. Hindi ka ba naniniwalang the Klein who likes you now is the better version of the Klein who used to cheat before?"
I sighed before I turned to my book again.
"Hindi naman basta-basta nagkakaroon ng character development ang isang tao, Eureka. And I think it's too early to say that he is already the better version of himself. We're only seventeen. Marami pang p'wedeng mangyari. I don't believe a person can easily learn from their big mistakes at that age. Teenager pa rin tayo. He was once a playful guy in his teenage years . . . and he can still be that same playful guy now because he is, still, in his teenage years."
Bayolente siyang nagbuntonghininga. "Solari, hindi lahat ng tao, katulad ng ex mong gago!"
Napaangat ako ng tingin sa narinig. Sakto naman na nakita kong papasok na si Klein kaya ibinaling ko kaagad ang tingin ko kay Eureka.
She sighed. "What if he's telling the truth? What if he really deserves a chance from you?"
I smiled a little. "What if he's all talk?"
Umawang ang bibig niya for a few seconds. Naramdaman ko pa na nagdaan si Klein sa gilid ko kaya kumabog ang dibdib ko.
"What if you're afraid to take a risk with him now, especially that you're slowly falling for him?"
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "I never fall for someone so easily, Eureka."
She smiled genuinely. "But you don't see yourself now, Solari. Nakikita ko ang pagbabago mo. You were sad a while ago after hearing everything that he said. You were disappointed because after all the things that happened to the both of you the past weeks, he turned out to be a cheater back then."
I couldn't talk. This is the first time that I want to walk out from the scene kasi pakiramdam ko, kapag nanatili pa ako rito, baka mag-away lang kami.
Worst, baka umiyak ako.
She patted my head. "Solari, we're not the same person that we were yesterday. We are learning everyday. Being just a teenager won't keep us from learning based on our experience."
She smiled genuinely once again.
"I want to see you with Klein everyday, Solari. You were the happiest when you're with him."
◖⚆ᴥ⚆◗
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top