Chapter 08

❝ Pinili ko ang kantang 'yon

Kasi naalala kita.

Hindi ka kasi masyadong nagsasalita

Kapag tayo'y magkasama.

Pero kapag tinitingnan ko ang 'yong mga mata

Marami kang gustong sabihin ang aking nakikita. ❞
  


    
"Solari!"

Argh! Ang aga-aga, ayan na naman si Mama! Sabado naman ngayon, bakit hindi pa ako hayaang matulog?!

"Solari! Lintik ka, nagpuyat ka na naman kasi!"

Napabuntonghininga ako kasabay ng pagkamot ko sa ulo bago bahagyang iminulat ang mga mata.

"Sabado ngayon, Mama!!!" Hinampas niya ang hita ko nang malakas. "Aray!!!"

"Tanghali na, nandito na ang bisita mo! Mag-ayos ka nga, tingnan mo ang sarili mo!!!"

Napadilat ako nang mabuti sa sinabi niya.

Teka, anong bisita ang sinasabi ni Mama?!

Ilang segundo pa akong napatulala sa kisame bago nagmadaling bumangon at bumaba ng higaan saka isinuot ang tsinelas. Humalukipkip si Mama bago itinuro ang ibaba.

"Nasa ibaba ang kaklase mo, gagawa na raw kayo ng research. Alam na kasing may bisita, hindi pa natulog nang maaga, eh!" dagdag na pagdidiwara ni Mama.

Kumabog ang dibdib ko kasabay ng pagnood ko sa kan'ya na lumabas ng k'warto. Bigla ay napakagat ako sa mga kuko bago pumunta sa closet at naghanap ng maisusuot.

Shit! Ano naman kung nandito siya?! Bakit ba bigla akong naging conscious sa sarili ko? Kailan pa ba ako nagsimulang maging ganito?!

Nang makakuha na ng maisusuot, lumabas na ako ng k'warto. Sumilip ako sa ibaba. Kahit na malabo ang paningin ko dahil hindi ko suot ang salamin ko, nakita ko siya na nasa sala habang ineestima ni Mama.

Gusto ko sana na sa ibaba maligo dahil mas komportable ako ro'n pero medyo imposible at komplikado ngayon kaya dito na lang sa itaas.

Dumeretso na ako sa bathroom sa itaas at nagsimula nang maligo. At dahil may naghihintay sa akin, nagmadali ako sa pagkilos. Hindi ko tuloy na-enjoy ang pagbabad ko sa tubig dahil do'n!

Nang matapos maligo, nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili sa k'warto. Nang mukhang presentable na ako sa umaga kahit na medyo basa pa ang buhok ko dahil minadali ko lang ang pag-blower, inihanda ko na ang sarili ko sa pagbaba.

Nang nasa harap na ako ng hagdan, bigla na naman akong kinabahan. Ilang beses akong lumunok bago humakbang sa unang baitang pababa saka inayos sa huling pagkakataon ang suot na salamin.

Pigil na pigil akong kutkutin ang mga kuko sa kamay dahil sigurado ako na mapapansin niyang kinakabahan ako ngayon . . . dahil lang nandito siya ngayon sa bahay ko.

I resorted to fixing my hair, tucking it behind my ears as I walked down the stairs to keep my hands busy . . . so my fingers won't start fidgeting.

Nang makarating ako sa sala, nakita ko siyang ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kan'ya bago marahan na napakamot sa ulo.

"S-Sorry. Kanina ka pa ba?" tanong ko.

Umiling siya. "Kadarating ko lang noong ginising ka."

Napatango na lang ako kasabay ng paglunok. Lumingon ako sa kusina at nakita si Mama na sinesenyasan ako. Ibinalik ko ang tingin kay Klein.

"Kain muna raw tayo sabi ni Mama."

Ngumiti siya. "Okay, then."

Nauna akong maglakad sa kan'ya papuntang kusina. Tinulungan ko na si Mama na maghanda ng mga plato, baso, kutsara't tinidor. Inilapag niya ang nilutong adobong manok sa tabi ng kanin na nasa malalim na bowl.

Pinaghila ko ng upuan si Klein. "U-Upo ka na."

Tumawa siya bago naglakad sa kabilang side ng table saka hinila ang upuan sa tapat ng hinila ko. "Upo ka na."

Napalingon ako kay Mama na pasimpleng tumitingin sa amin habang kinukuha ang juice sa ref. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko dahil do'n.

Ang cute ni Mama.

Naglakad na ako papunta ro'n at naupo sa upuan na hinila ni Klein. Naglakad na siya papunta sa kabilang side at naupo sa upuan sa harap ko.

"Hindi ka na nakapag-breakfast. Kumain ka ng marami ngayon, ah?" sabi niya bago nilagyan ng kanin ang plato ko.

Lumingon ako kay Mama. "Kain na tayo, Mama."

Tumingin siya sa akin. "Mamaya na ako. Busog pa ako."

Ibinalik ko na ang tingin kay Klein. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na napakarami niyang inilagay na kanin sa plato ko!

Ano bang akala niya, malaki bodega ko sa tiyan?!

"Huy, ang dami nito! Hindi ko mauubos 'to!"

Ngumisi siya bago naglagay ng pagkain sa sariling plato. "Kaya mo 'yan."

Umiling ako. "Gagi, hindi! Ang dami nito!"

Tumawa siya. "Basta kainin mo lang 'yung kaya mo. Malay mo, kaya mo palang ubusin 'yan."

Napabuntonghininga na lang ako bago kami sabay na nagsimulang kumain ng lunch. 

Tahimik lang kaming dalawa. Tunog lang ng pagtama ng kutsara't tinidor sa plato ang maririnig dahil wala naman kaming sinasabi sa isa't isa. Wala rin kaming mapag-uusapan.

Napag-usapan na yata namin ang mga maliliit na bagay tungkol sa amin kaninang madaling-araw . . . kaya tuloy 11:00 a.m. na akong nagising.

Nauna siyang matapos kumain sa akin. Ako, sobrang busog na at pakiramdam ko'y sasabog na ang tiyan ko kaya naman ibinaba ko na ang hawak na kutsara't tinidor saka sumuko.

"Ayaw ko na talaga!"

Tumawa siya bago uminom ng juice saka nagsalita. "Lapit na, oh. Bilis naman sumuko."

Umiling ako bago uminom ng juice. "Hindi nga ako magana kumain tuwing pagkagising! Sobrang dami kasi ng nilagay mo na 'to, Klein!" reklamo ko.

Ngumiti siya bago nag-iwas ng tingin. Ilang sandali pa, nagbuga siya ng buntonghininga na para bang gusto niyang tumawa.

"O sige na, ikaw na bahala."

I smirked. Kahit na hindi ka pumayag, hindi ko talaga mauubos 'yon! Sino ka naman para sundin ko? Tss!

Tumayo na ako at nagsimula nang magligpit ng lamesa. Nakita ko pa na tumutulong siya sa akin kaya pinigilan ko.

"Doon ka na sa sala! Ako na dito."

Tumawa siya. "Sipag naman."

I flipped my hair before I continued cleaning the table. Ilang sandali pa, dumating si Mama.

"Ako na r'yan, Solari. Umakyat na kayo." Lumapit siya. "Buksan mo ang pinto, ha?" bulong niya.

Psh! Akala mo naman talaga may gagawin, eh!

Hindi na ako sumagot pa. Lumapit ako kay Klein. "Tara na sa itaas para makapagsimula."

Tumango siya at saka tumayo. Sabay kaming naglakad papunta sa k'warto ko sa itaas. Nang makarating kami sa harap ng k'warto ko, nag-alangan pa akong buksan ang pinto dahil baka mamaya, may naiwan pa palang kalat doon! Nakakahiya!

Nagbuga muna ako ng malalim na buntonghininga bago binuksan ang pinto.

"Pasok ka na."

Tumango siya bago pumasok sa loob. Kinuha ko ang pangkalang sa pinto para mapanatili itong nakabukas. Nang matapos ay humarap na ako kay Klein na nakatingin sa ginagawa ko. Mukhang nagtataka siya nang dahil doon.

"Ahh . . . g-gano'n talaga si Mama. Gusto niya nakabukas pinto ng k'warto ko, lalo na kapag may lalaking . . . b-bisita." Nilampasan ko na siya at naupo sa swivel chair saka in-open ang computer. "Upo ka muna."

Itinuro ko sa kan'ya ang upuan sa study table. Tapos n'on, hindi ko na siya tiningnan pa. Narinig ko na lang ang paglakad niya at pag-upo sa gilid ng kama ko na malapit sa akin ngayon.

Napatingin tuloy ulit ako sa kan'ya nang dahil doon kasi mas pinili niya talagang umupo sa kama kahit na may upuan naman akong itinuro sa kan'ya???

Nakaramdam ulit ako ng hiya dahil hindi naman malaki ang k'warto ko! I mean, okay, malaki na rin pero ang dami ko kasing gamit kaya parang ang liit! Hindi ko nga alam paano ko napagkasya ang bookshelf, floating shelves sa wall, tapos itong PC at swivel chair pa saka 'yung malaki kong closet.

May isa pa ngang study table sa gilid ng pintuan aside dito sa pinapatungan ng computer ko sa gilid ng kama. Tapos may side table pa ulit sa kaliwa ng kama ko kung nasaan ang lamp ko at ang alarm clock. May drawer naman 'yon na kasama kaya nandoon ang ibang gamit ko.

'Yung upuan ng study table lang tuloy ang naipapagamit kong upuan kina Gilbert habang si Eureka naman ay dinadamba kaagad ang kama ko.

Pero hindi naman  super makipot ang k'warto ko. May space naman where I can move freely. Kasya naman ang limang tao at makakagalaw din nang komportable. Wala lang talaga masyadong mauupuan.

Si Eureka ang malaki k'warto, eh! Dalawang k'warto ko siguro ang katumbas n'on!

Pinatunog ko ang daliri sa table habang hinihintay na magbukas ang computer. Lumingon ako kay Klein na iniikot ang paningin sa kabuuan ng k'warto ko. Napatikhim ako nang dahil do'n, dahilan para lumingon siya sa akin.

"M-Mabagal kasi talagang mag-open 'to. P-Pero hindi naman siya ma-lag gamitin, don't worry."

He laughed. "It's okay." Ibinalik niya ang tingin sa dingding. "May gitara ka pala."

Napalingon ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ro'n ang gitara ko na kulay red and orange na parang flame kung titingnan ang design. Nakasabit lang doon at halatang hindi na nagagamit.

Tumango ako bago ibinalik ang tingin sa screen. "Oo. Hindi ko na nagagamit."

"Bakit naman?"

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nag-open na ang PC. Ni-refresh ko ito nang paulit-ulit kasabay ng pagsagot sa kan'ya.

"Walang time. I lost interest in it too. Hirap ako sa flat and sharp chords, eh. Basic chords lang nakaya ko noon."

I saw him nodded. "Marunong ka pa rin hanggang ngayon?"

I shrugged as I opened the Chrome. "Hindi na siguro."

I fixed my eyeglasses as I typed the site of YouTube before looking at him. Napatigil pa ako nang nakita na nakatingin siya. Tumikhim ako bago ibinalik ang tingin sa screen.

"G-Gusto mong music habang g-gumagawa tayo?" I asked.

He chuckled. "It's okay."

Tumango ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko na pinansin ang kaba at ni-search na lang ang isa sa mga palagi kong pinatutugtog lately

Well . . . for a reason.

"Alam mo ba 'to?" I asked.

"Alin?"

Lumingon ako sa kan'ya. "Speechless." 

He leaned closer to the monitor that made my eyes widened. He read the title of the song as his eyes squinted. Malabo rin ba ang mga mata niya?

"Ohhh, hindi pa. Favorite mo?"

I gulped before looking back at the monitor. "As of now, yes."

He nodded. "Go and play it."

I nodded before clicking the official YouTube audio of the song. The video started to load.

Napahawak  na lang ako sa sentido nang dalawang fifteen seconds advertisement ang unang nag-play.

I sighed in frustration. "This is why I prefer Spotify when listening to music, eh. Sobrang daming ads!" reklamo ko.

He laughed. "Buy a premium account, then."

Tumingin ako sa kan'ya. "I'm poor."

"Ako rin."

We laughed.

Ilang sandali pa, tumugtog na ang kanta. Nag-open na ulit ako ng bagong tab para sa Google at in-open ko na rin ang Word.

"You say you'll be down in five
The smell of your perfume
Is floatin' down the stairs
You're fixin' up your hair like you do . . ."

He chuckled. "Wow."

Lumingon ako sa kan'ya. "Why?"

He shrugged. "I just remembered something because of the first lines of the song."

Napaawang ako ng bibig bago ibinalik ang tingin sa monitor.

Ano kaya 'yon? Does it remind him of someone? Hmmm . . .

I moved my eyeglasses as I started typing on Word.

"Okay, let's start now."

     

The song I mentioned and used in this chapter is one of my favorite songs. It's entitled Speechless by Dan and Shay. 💛

I hope you liked this chapter! 🥰
  

🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top