Chapter 06
❝ Ilan pa ang nagdaan at minahal ko
Bago ka dumating sa buhay ko.
Pero kahit kailan hindi ko naramdaman
Ang kilabutan dahil lang
Sa napakababaw na dahilan. ❞
Natapos din naman ang awkward moment ko na 'yon matapos akong pag-trip-an ni Eureka dahil sinundan niya ako sa CR para mag-sorry at sinabing nagbibiro lang siya. Hindi naman ako nagalit sa kan'ya dahil expected ko naman na 'yon at sadyang gano'n lang talaga siya sa simula pa lang.
Mabuti na lang talaga, normal lang na hindi kami nag-uusap ni Klein kapag afternoon class na.
Nang matapos ang klase para sa buong araw, dumeretso na ako sa bahay. Wala si Mama, as usual, pero may iniwan naman siyang pagkain para sa akin.
Napabuntonghininga ako bago dumeretso sa telephone para tumawag sa bahay nina Caleb. Ni-type ko ang number doon at hinintay na sagutin ang tawag ko. Ilang sandali lang, narinig ko ang boses ni Caleb.
"Hello?"
I sighed. "Pakausap nga sa nanay ko sandali."
"Ah, okay."
Ilang segundong natahimik ang kabilang linya bago ko narinig ang kaunting kaluskos saka nagsalita si Mama sa kabilang linya.
"Oh, Solari?"
I sighed. "'Ma, wala ka na naman dito!"
"Eh, naiinip ako, wala naman na akong gagawin d'yan, eh!"
Napairap na lang ako bago nagbuntonghininga ulit. "Magpapaalam ako. Darating ang classmate ko bukas, gagawa kami ng research."
"Ilan ba? Ipaghahanda ko kayo--"
"Hindi naman na kailangan. Gusto ko lang ipaalam kaagad sa 'yo kasi lalaki 'yon. Baka mamaya, ano isipin mo. Gagawa lang kami ng research, Mama."
"L-Lalaki?" sabi ni Mama sa tunog na nag-aalala. "Bakit lalaki?"
Bigla kong naalala ulit 'yung dahilan kung bakit ako na-late noon.
"Na-late kasi ako noong nakaraan, 'di ba? Hindi natuyo ang PE uniform ko kaya niremedyuhan ko pa. No choice, siya na lang ang walang partner noong time na 'yon dahil pareho kaming late."
"Ahh, gano'n ba? O sige, basta ipaghahanda ko na lang kayo ng miryenda ninyo."
Nakagat ko ang ilalim na labi ko dahil narinig ko ang guilt sa boses ni Mama. Siguradong nagi-guilty pa rin siya dahil doon sa pagpunta niya kay Caleb nang napakaaga, dahilan para ma-late ako.
"Okay na, 'Ma. Kaya na namin sarili namin. Sige na, kauuwi ko lang. Magpapahinga na ako."
"Oh, sige. Ipinagluto kita ng miryenda d'yan. Kumain ka."
"Oo, 'Ma. Sige."
Matapos n'on ay ibinaba ko na ang telephone at umakyat na papunta sa k'warto ko. Ibinaba ko ang bag sa study table ko bago kumuha ng damit na pampalit sa closet saka nagbihis.
Matapos magbihis, ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Hinubad ko ang suot na salamin at ibinaba sa side table, saka nagbukas ng Facebook sa cellphone.
Habang nag-i-scroll ako sa newsfeed, may notification naman akong natanggap.
Justine Klein Olivarez added you as a friend!
Accept | Decline
Napanguso ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Pinag-isipan ko pa kung i-a-accept ko ba kasi bigla kong naalala 'yung kagaguhan ni Eureka kanina. Bwisit na 'yan, gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa tuwing naaalala ko!
Palaging umiinit ang buong pagkatao ko dahil sa hiya! Hayop talagang Eureka 'yon! Kung hindi ko lang talaga siya best friend, hindi ko siya papansinin hanggang birthday niya!
In the end, napagdesisyunan kong i-accept siya dahil partner ko naman siya sa research. Mas makakapag-usap kami nang maayos sa Messenger dahil hindi naman ako madalas mag-load ng pang-text.
I mean, what for? May WiFi naman sa bahay at free calls and chats naman sa Messenger!
I scrolled for a few more minutes, which turned into hours. Akala ko magme-message pa siya once ma-receive niya ang notification na in-accept ko na siya. Pero hindi! Hindi siya nag-message!
Hmp! Corny mo, Olivarez!
I locked my phone and left it on my bed before I wore my eyeglasses again and went downstairs. Ni-heat ko muna ulit ang noodles na niluto ni Mama dahil malamig na no'ng bumaba ako. Nagtimpla na rin ako ng kape dahil nahawa na ako kay Calista sa pagiging adik niya dito.
Totoo nga namang coffee is life. Feeling ko, masarap ang kape kahit na fifty degrees celsius ang buong Pilipinas!
Charot.
Nang matapos akong magmiryenda, bumalik ako sa k'warto. Ibinagsak ko ulit ang katawan sa kama. Hindi na ako nag-abala pang maghubad ng salamin. I opened my Twitter because there are lots and funnier memes there than on Facebook. I love the Twitter app above anything! Nandito na yata ang buong buhay ko.
After liking and retweeting every funny and relatable tweet I saw, which took almost thirty minutes, wala pa rin akong natanggap na chat kay Klein.
Napanguso ako habang nagtitipa ng tweet ko.
Solari ✨ @solariwrites
Corny. Para saan 'yung pag-add kung hanggang doon lang? 🙄
Hindi ko na alam kung bakit dismayadong-dismayado ako na walang message sa akin si Klein. Bakit ba ako nag-e-expect na magme-message 'yon?! Partner ko lang naman siya sa research! Hindi ko naman siya gusto!
Duh! Ang baho ng bibig, amoy sigarilyo!
Napapabuntonghininga na lang ako nang paulit-ulit habang nagtu-Twitter. Hindi ko talaga maintindihan kung anong ikinakasama ng loob ko ngayon!
Hindi ko na namalayan pa ang oras. Narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng k'warto ko, dahilan para mapalingon ako ro'n. Nakita ko si Mama na nakatayo habang nakatingin sa akin.
Lumapit siya sa akin nang may salubong na kilay.
"Ikaw talaga, ang babaeng tao mo, nakaangat pa ang paa mo! Ang ikli-ikli ng short mo, Solari, ha!" bulyaw niya sa akin kasabay ng paghampas sa hita ko.
"Aray!" reklamo ko bago humiga nang maayos. "Nasa k'warto naman ako, ah! Ako lang naman ang nandito palagi! Ano naman kung mag-bold ako dito?" Pinalo niya ulit ako nang bahagya. "Aray, 'Ma!" Napanguso na lang ako kasabay ng bawat pag-iwas sa mga hampas niya.
"Huwag kang gagan'yan-gan'yan bukas kasama ang kaklase mong lalaki, ha! Subukan mo lang isarado ang pinto, Solari! Tatanggalin ko 'yang pinto mo!"
Napairap na lang ako at napanguso bago itinuloy ang pagsi-cellphone.
Nakakainis talaga, palagi na ngang nandoon sa anak-anakan niya, puro diwara pa ang gagawin sa akin pagkauwi! Hay nako, kung bastos na anak lang talaga ako, naku talaga, Mama!
"Nagluto ako doon kina Caleb. Nag-uwi na ako ng hapunan natin. Halika, kumain na tayo."
Matapos niyang sabihin 'yon, lumabas na siya ng k'warto. Nagbuntonghininga muna ako bago tumayo at iniwan ang cellphone sa kama, saka sumunod sa kan'ya pababa.
Tahimik lang kami sa hapag-kainan. Wala naman siyang itinatanong sa akin. Wala rin naman akong ikukwento sa kan'ya dahil wala pa naman masyadong ginagawa sa school. Hindi rin naman siya nagtatanong ng ibang bagay kaya wala akong masabi.
Minsan tuloy iniisip ko, ganoon din siya kay Caleb? O baka mas nagtatanong siya sa kan'ya?
Bigla akong nalungkot nang maisip na . . . baka mas interesado na siya sa mga nangyayari kay Caleb kaysa sa akin.
"Ano bang gagawin n'yo bukas ng kaklase mo?"
Napaangat ako ng tingin kay Mama. Ilang segundo pa ang nagdaan bago ako nakasagot.
"Uhh, sisimulan namin ang chapter one sa research. Siya nakaisip ng approved title para sa project namin kaya siguro mas alam niya ang mga gagawin," paliwanag ko.
Tumango-tango siya. "Matalino ba 'yan? Anong pangalan?"
Sumubo ako ng pagkain at ngumuya bago sumagot. "Matalino siya talaga, hindi lang siguro halata base sa pagkakakilala ko. Klein ang pangalan niya."
Tumawa si Mama. "Parang tatak ng brief ng Papa mo."
Humagalpak ako ng tawa nang dahil doon. Hindi ko man lang naisip 'yon! Oo nga, Calvin Klein! Loko talaga 'tong nanay ko, eh!
Nang matapos kaming kumain, aakyat na sana ako nang tinawag niya ako.
"Maghugas ka ng pinggan, Solari."
Napasimangot ako nang dahil doon. "Mama, ikaw na!"
Tumingin siya nang masama sa akin. "Tumigil ka. Hindi ka na nga marunong magluto, pati paghuhugas ng pinggan, tinatanggihan mo pa."
Nang iniwan niya ako sa dining area, wala na akong nagawa kung hindi ligpitin ang mga pinagkainan sa lamesa bago dinala sa sink at hinugasan nang punong-puno ng sama ng loob ang bawat pinggan, baso, kutsara't tinidor at kung ano-ano pa.
Nang matapos ako sa kusina, bumalik na ako sa k'warto. Nakita ko ang computer ko na nakapatay at medyo maalikabok. Bigla kong naalala si Klein dahil pupunta nga pala siya dito bukas! Tapos ang kalat ng k'warto ko! Nakakahiya!
Bwisit na 'yan, sa susunod nga sa kanila na lang kami gumawa! Nakakatamad pa namang maglinis ng k'warto para lang sa ibang tao!
Bumalik ako sa baba para kuhanin ang walis, dust pan pati ang mahabang pang-agiw dahil kulang na lang ay lagyan ng sign na Happy Halloween ang k'warto ko sa dami ng spider webs.
Nakakahiya kapag nakita 'to ng ibang tao!!!
"Gabing-gabi naman 'yang paglilinis mo ng k'warto!" rinig kong sabi ni Mama habang tinatanggal ko ang mga spider web na nasa ceiling. "Matulog ka na at ipagpabukas na 'yan!"
"Hindi ko alam anong oras darating bukas 'yon. Tapusin ko na ngayon para walang problema," paliwanag ko habang inaabot ang mga agiw nang nakatuntong sa upuan.
Narinig ko na lang na naglakad siya palayo kaya naman itinuloy ko na ulit ang mga ginagawa ko. Matapos kong magwalis at mag-agiw, pinunasan ko ang mga gamit sa loob: ang computer, study table, cabinet, pati ang mga succulents sa bintana, ang lamp kong maliit at ang ilan pang mga halatang maalikabok.
Hindi ko rin pinalampas ang bookshelf at floating shelves ko kahit na imposibleng pansinin niya pa 'yon.
Ang dami-dami ko naman kasing gamit!
Pasado alas-onse na nang matapos ako. Pawis na pawis ang buong katawan ko kaya naman nagpahinga na muna ako sa swivel chair bago lumabas ng k'warto at bumaba para maligo.
Nang matapos maligo, nagtimpla na muna ako ng kape bago umakyat pabalik sa k'warto ko. Ibinaba ko ang coffee mug at ang hinubad na salamin sa side table bago ibinagsak ang katawan at ipinikit ang mga mata.
I stayed that way for a few minutes, making my body rest on a flat and soft bed. I wasn't thinking of anything. Gusto ko lang talagang magpahinga!
Pero mabilis na napamulat ako ng mga mata nang bigla kong maalala 'yung pagngisi ni Klein kanina bago sinabi 'yung "I can brush my teeth or gargle a mouthwash for her, Eureka."
Napahugot ako ng malalim na hininga bago bumangon para uminom ng kape.
Ayan, tama 'yan! Magkape ka, Solari! Nang kabahan ka naman d'yan, kung ano-ano nang naiisip mo!
Matapos makainom ng kape, kinuha ko ang cellphone at binuksan ang Twitter app. Nag-type ulit ako ng tweet ko, tulad ng palagi kong ginagawa sa tuwing may gusto akong sabihin na hindi ko naman masabi.
Solari ✨ @solariwrites
Nababaliw ka naaAaAaaaaAaaAaa bwisit kaaaa, Solari!!! 😤🤬
Nagbuntonghininga ako bago humiga ulit sa kama. Nagbukas ako ng Facebook at nag-scroll ulit sa newsfeed. Ilang minuto pa ang nagdaan nang maka-receive ako ng text sa isang unregistered number. Napakunot-noo ako.
"Alas dose y media na, sino naman 'tong magti-text na 'to?"
Binuksan ko ang message at binasa.
+639632235929
Why are you still awake?
Lalong kumunot ang noo ko.
Me:
And who are you???
It took me a few minutes before I received reply.
+639632235929
Klein. :)
Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagtibok nang mabilis ng puso ko. Parang kaninanlang, dismayado ako dahil wala siyang chat after ko siya i-accept. Ngayon, nag-text na siya. Hindi ko naman alam ano ire-react ko.
And so, I saved his number with his name.
Me:
Ahhh...
Me:
Bakit mo alam na gising pa ako???
Klein:
Saw you online sa Facebook.
Me:
You should've sent me a chat instead, hindi naman ako laging may load. 😆
Klein:
Ingay ng Messenger, eh. Sakit sa ulo ng tunog. 😁
Ohhh . . . marami sigurong nagcha-chat dito. Hmmm . . .
Me:
Can't relate. Wala naman akong nakaka-chat. 🥱
It took me a few minutes--once again--before I received his reply.
Klein:
Wala din akong ka-chat sa Messenger. Group chats lang.
Me:
There's a mute button for a reason. 😉
Klein:
Haha, yeah. I just really hate the sound of its notification so I prefer my phone in silent or vibrate mode. I rarely use that app. I prefer texting or another messaging app without the annoying notification sound.
Gusto kong tumawa kasi bigla siyang nagpaliwanag pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil wala namang nakakatawa doon! Ewan ko ba anong nginingiti-ngiti ko dito, parang nagpaliwanag lang 'yung tao, eh!
Me:
Hahaha. Chill. You don't need to explain. 😅
Klein:
Hahaha. Sorry. I just don't want you getting the wrong idea.
I giggled as I typed my reply.
Me:
Don't mind meee. Ako lang to, ano ba. 😆
Klein:
Lang?
Me:
I mean, I'm just your research partner. Don't be bothered with everything I might think of you because honestly, wala naman akong iniisip! 😄
Syempre, joke lang yung wala akong iniisip! Judgemental ang utak ko at well-behaved naman ang bibig ko kaya lahat ng panghuhusga, nasa utak ko lang palagi!
At oo, iniisip kong babaero itong Olivarez na 'to! Feeling ko naman, tama ako. Nadulas na nga siya kasi maingay raw ang Messenger.
Hmp!
Klein:
Hahahahaha
Klein:
I actually don't like this whole text or chat thing.
Napaangat ako ng kaliwang kilay matapos mabasa ang huling text niya. I mean, ikaw ang unang nag-text??? Shunga ka???
I was about to reply when he sent me another message.
Klein:
Are you busy?
And another one!!!
Klein:
Can I call you instead?
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko matapos kong mabasa ang huling text kasabay ng pagkagat ko sa mga kuko ko.
Teka lang naman! Parang . . . parang tumatayo balahibo ko, ah? For what???
For what itong goosebumps na ito, ha?!?!
I wanted to dedicated this chapter to onshethereal because I really appreciated and loved the messages she sent me when she read Cigarettes And Regrets. She's been reading even my other works and I'm really glad that she saw me matured on my writing endeavors, especially in Habit Series. Huhu.
Thank you, She! Bukas ko pa mailalagay ang dedication ng chapter kasi naka-phone lang ako! 😄 Sana magustuhan mo rin ang story ni Solari, Klein, at ang mga tula nila. 💛
Edit: the chapter is already dedicated! Hahaha! I hope you liked it. ♥
Have a blissful 2022, everyone!!! 🥰
-mari 🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top