Chapter 05

❝ Paulit-ulit ko noong sinasabi na hindi kita gusto

Dahil ayaw ko sa labi na lasang sigarilyo.

Pero matapos kong marinig ang sinabi mo

Noong araw na pinag-trip-an tayo

Nahirapan akong pigilan ang puso ko

Sa pagdagundong nito sa tuwa sa 'yo. ❞
   


Kinabukasan, akala ko, makakasabay na ako mag-lunch kina Eureka at Gilbert. Ihahanda ko na sana ang sarili ko sa mga tanong nila dahil nakita nila kami ni Klein na nagpapayungan kahapon kaso lumapit naman sa akin 'tong Klein na 'to habang nagliligpit ako ng mga gamit!

"Tara na, baka maubusan ulit tayo ng vacant table."

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya habang bahagyang nakaawang ang bibig.

"H-Huh?"

Tinapik ng dalawang daliri niya ang suot niyang relo. "Lunch."

Matapos niyang sabihin 'yon, nagsimula na siyang maglakad palabas ng classroom. Napalingon ako kay Eureka na nakahawak sa baba habang nakatingin sa akin nang may paghihinala.

"W-Wala 'yon!"

Humalukipkip siya. "Ikaw, ha."

Nag-iwas ako ng tingin bago nagmadaling tinapos ang pagligpit ng mga gamit. "Ano?"

"May naaamoy ako."

Nagbuntonghininga ako bago tumingin sa kan'ya. "Kung ano man ang naaamoy mo, hindi ako 'yon, okay? Sige na, una na ako. Kita tayo later!"

Pagkatapos kong sabihin 'yon, nagmadali akong lumabas ng classroom habang isinusukbit ang bag. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na pinansin pa. Tinakbo ko na lang ang hagdanan at mabilis na napahinto nang makita ro'n si Klein, mukhang naghihintay sa akin.

"You're in a rush again."

Inayos ko ang salamin kong medyo nagalaw sa pagmamadali ko. Pagkatapos, tumikhim ako kasabay ng pagtago ng kamay sa likuran ko.

"B-Baka kasi--"

Ngumiti siya. "Hindi naman kita iiwan." Bahagya siyang tumawa habang ako naman ay parang gusto nang sumabog aa sinabi niya. "Tara na."

Tumango ako saka kami sabay na naglakad pababa kasama ng ibang estudyante. Malalaki ang mga hakbang niya kaya naman binilisan ko na lang ang paglakad. Halos tumatakbo na nga ako, eh!

Ako ba talaga ang nagmamadali sa amin???

Nang makarating kami sa cafeteria, nakita namin na maraming estudyante na ang nandoon. Napasimangot ako habang iniikot ang paningin dahil ang dami talagang tao! Ganito talaga sa cafeteria kapag first month pa lang ng pasukan, eh!

Napabuntonghininga ako.

Sasabihin ko sana kay Klein na sa labas na lang ulit kami kumain nang magulat ako sa pagsasalita niya.

"Ayun!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng cafeteria. Napakunot-noo ako at gusto kong mag-react sa ginawa niya pero hindi ko na nagawa dahil aa pagkabigla!

Ano ba 'tong Olivarez na 'to!!!

Ilang sandali pa, huminto kami sa bakanteng table na may dalawang upuan sa dulong parte ng cafeteria. Iniwan niya ang bag sa isang upuan bago kinuha ang bag ko.

"D'yan ka na muna. Ako muna o-order. Baka mawalan tayo ng pwesto kapag walang bantay, eh," sabi niya matapos ibaba ang bag ko sa lamesa.

Napatango na lang ako habang pinanonood siyang maglakad palayo. Naupo na lang ako bago napatingin sa kamay kong hinawakan niya kanina.

Bakit ba sa tuwing hinahawakan niya ako, parang nagwawala ang buong pagkatao ko? It's not like I like him. Duh! 

Oo, matangkad siya--super! Matangos ilong niya! Makapal ang kilay niya! Matalino siya at gentleman! Pero hindi ko siya type!

I don't like guys who smoke cigarettes. At isa pa, sinasayang niya ang talino niya. Never siyang nakakompleto ng isang linggo na walang absent! Lagi rin siyang late! He's totally not my ideal type!

Ang hindi ko maintindihan, bakit ako nagkakaganito kasi??? It's not like I never had boyfriends before! Duh! Bata pa lang malandi na ako! I just got tired of dating men dahil the last time I did, I was fooled multiple times. Hays.

"Ate Solari!"

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng pinsan ko. Ngumiti ako nang malawak sa kan'ya. 

"Cali!"

Tumawa siya saka mas lumapit sa akin habang dala ang tray na may pagkain. "Wala kang kasama?"

Sasagot pa lang sana ako nang may magbaba na ng dalawang tray ng pagkain sa table namin. Napabuntonghininga ako bago itinuro si Klein sa kan'ya. Umawang ang bibig ni Calista bago tumingin sa akin nang makahulugan.

"Doon ka na nga sa classmates mo!"

Ngumisi si Calista bago tumingin kay Klein--at sa akin ulit--saka tuluyan nang umalis. Tumikhim ako bago tumayo.

"A-Ako naman ang o-order."

Napatigil ako nang inilapit sa akin ni Klein ang isang tray. "In-order na kita. Kumain ka na."

Napatingin ako sa mga pagkain. Wow, gusto ko lahat 'to, ah? Orange juice and kare-kare! May desert pang leche flan! I really like vegetable meals pero hindi naman ako vegetarian! Pero teka, paano naman niya malalaman 'yon?

Bumalik ako sa pagkakaupo. "Thank you." Kumuha ako ng pera sa bulsa at iniabot sa kan'ya. "Bayad--"

"Itabi mo na 'yan."

Napabuntonghininga ako. "Kahapon mo pa ako nililibre."

Tumingin siya sa akin. "Ano naman?"

Napakunot-noo ako. "Huh?"

Tumikhim aiya bago nagsimulang kumain. "Are you free tomorrow?"

"Ha?!" Parang nagulat siya sa malakas na pagtanong ko kaya napaiwas ako ng tingin at muling nagtanong ulit. "H-Huh?"

Uminom siya sa iced tea niya bago sumagot. "Saturday bukas. We can start doing the first chapter of our research in your place. Are you free?"

Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagtango nang bahagya bago sumagot.

"A-Ahh, o-oo."

Kung ano-ano na naman ang iniisip mo, Solari! Hay nako!

"Okay, I'll go to your house tomorrow."

Tumango ako. "Sabihan mo na lang ako kung anong oras."

He nodded and didn't talk anymore so I started eating my lunch. Tahimik lang kami. Hinayaan na namin ang ibang tao sa cafeteria ang mag-ingay para sa aming dalawa.

I saw him glancing at me from time to time while we eat. Nagpapatay-malisya na lang ako dahil ayaw ko namang bigyan ng meaning ang mga kaunting galaw niya sa akin. Parang mali naman 'yon.

Nakita kong natapos na siyang kumain. Nagmadali na rin tuloy ako dahil ayaw ko namang maiwan mag-isa dito, 'no!

"Wag ka sabi magmadali."

Napaangat ako ng tingin kay Klein habang ngumunguya. Ngumiti siya bago nagsalita ulit.

"Nandito pa ako, oh?"

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin saka itinuloy ang pagkain nang mas kalmado na.

"Sol."

Napabuntonghininga ako bago tumingin nang masama sa kan'ya.

"Kapag hindi ka tumigil ng katatawag sa akin niyan--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang iniabot niya sa akin ang cellphone niya--nakatapat pa mismo sa mukha ko!

"Put your number here. So that I can contact you whenever I need."

Napakunot-noo ako. "S-Saan naman?"

He smirked. "Research."

Napatango na lang ako bago kinuha ang cellphone niya at ni-type ang number ko. S-in-ave ko na rin 'yon gamit ang pangalan kong naka-caps lock.

SOLARI! 😡

Kapag ito talaga, tinawag pa akong Sol, sasamain na 'to sa akin!

Nang pindutin ko ang home ng cellphone niya, nakita ko na langit na may araw ang wallpaper niya. Mukhang self-capture 'yon pero ang ganda pa rin ng pagkakakuha.

Hindi ko na pinagtuunan pa 'yon ng pansin. Iniabot ko na ang cellphone niya sa kan'ya. "Naka-save na."

Tumango siya at ngumiti. "Thank you."

Nang pareho na kaming natapos kumain, lumabas na kami ng cafeteria para magkaroon ng table ang ibang hindi pa kumakain. Nagpaalam akong mauuna na sa kan'ya.

"Una na ako sa room! Thank you sa libreng lunch!"

Napakamot siya ng batok bago tumango. Ngumiti muna ako bago naglakad sa kabilang daan kung saan ang papunta sa building namin. Minadali ko ang paglalakad dahil masyadong mahapdi sa balat ang araw at tinatamad naman akong magbukas ng payong dahil hindi naman masyadong malayo ang building namin sa cafeteria.

Nang makarating sa room, inilabas ko ang book para sa Gen Math para mag-review. Hindi naman ako nahihirapan sa math subjects. I kinda like it but not really my favorite. I enjoy studying numbers and letters altogether sometimes.

Sa kalagitnaan ng pagre-review ko, narinig ko na may tumawag sa akin.

"Hoy, Solari!"

Tumingin ako sa kapapasok lang na si Eureka habang nakasunod sa kan'ya si Gilbert na nakikipag-usap sa ibang lalaki na classmate namin. Mabilis siyang naupo sa tabi ko bago inialis ang pagkakasukbit ng bag.

"Oh, tapos na kayo kaagad mag-lunch?"

Tumango siya bago tumingin sa akin. "Minadali ko ang lunch para masolo kita! Nakita kong naghiwalay kayo ng landas ni Olivarez kanina!"

Tumawa ako dahil ramdam ko ang gigil niya na kumuha ng tsismis sa buhay ko. Wala talagang pinagbago simula noong Grade 7 pa lang kami, eh.

"Ano na? Bakit gano'n? Ang close n'yo kaagad, one week pa lang kayong mag-partner, ah!"

Napairap ako bago isinarado ang aklat. Iginalaw ko ang salamin bago sumagot.  "Hindi kami close, Eureka! P'wede ba?" Umirap ako. Pabiro niya akong sinakal. "Aaack!"

Tumawa siya bago ako binitiwan. "Nakita ko pagkaangat-angat mo pa braso mo para lang mapayungan ang higanteng 'yon! 'Yun ba ang hindi close???"

Humalukipkip ako. "Hindi kami close! Nahiya lang ako kasi may payong ako tapos hahayaan ko siyang mabilad sa araw! At isa pa, siya ang nakakuha ng approval para sa title namin. Isang try niya lang, nakuha niya kaagad ang "oo" ni sir. Samantala ako, nakailang title pa pero hindi na-approve kahit na isa!"

Tumingin siya nang nanunukso habang nakangisi. "Pero kahit naaa! Ang sweet n'yo kaya kahapon! Hindi kami gano'n ka-close ni Gilbert noong first week ng friendship namin!" Tumili pa ang bruha habang inaalog-alog ako! "Bakla, hindi ka na lugi! Matangkad, gwapo, matalino! Package deal, bakla! Take all!"

Umirap ulit ako sa sinabi niya bago binuksan ulit ang aklat. "Hindi ko siya type, Eureka."

OA siyang nagbuntonghininga. "Bakit naman?!"

Nagkibit-balikat ako. "Nagyoyosi siya."

"And so what?! Hindi naman siguro habang-buhay niyang gagawin 'yon!"

"Kahit na! Kadiri kaya! Last ex ko, gano'n din! Hindi masar--" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto kung ano ang muntik na masabi ko. "I mean, h-hindi pleasing ang a-amoy!"

Humagalpak ng tawa si Eureka habang hinahampas-hampas ako. "Gago ka!"

"Aray!!!"

"Hindi tayo mag-best friend for nothing! I know what you're about to say!" She laughed louder. "Hindi nga naman masarap ang lasa ng yosi!"

Tinakpan ko ang bibig ni Eureka nang makita si Klein na pumasok ng classroom. Lalo siyang tumawa nang makita na nag-panic ako sa pagpasok nito. Tumingin sa akin si Klein nang nagtataka pero itinuloy pa rin ang paglalakad papunta sa upuan niya.

"Eureka, manahimik ka na nga!"

Tinanggal niya ang pagkakatakip ko sa bibig niya bago nilingon si Klein na kadaraan lang sa gawi namin.

"Olivarez!"

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang pagtawag. "Eureka! Ano ba?!" nagpa-panic na sabi ko habang pinipigilan siya sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Hmm?" sagot ni Klein pagkaupo niya sa upuan.

Napalunok ako at nagsimula nang kagatin ang mga kuko sa daliri dahil sa kaba sa nangyayari ngayon sa buhay ko.

Shuta ka, Eureka! Subukan mo lang talaga!!!

"Ayaw ni Solari ng labi na lasang yosi, Klein!"

Matapos niyang sabihin 'yon, humagalpak siya ng tawa, habang ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa ginawa niya!

Tumingin ako nang masama kay Eureka habang ramdam na ramdam ko ang hiya. Dedepensahan ko na sana ang sarili ko at sasakalin itong babaeng 'to kasi akala ko, tapos na ang kalbaryo ng buhay ko pero hindi pa pala!

Tumawa nang mahina si Klein, dahilan para mapalingon kaming dalawa ni Eureka.

"I can brush my teeth or gargle a mouthwash for her, Eureka."

Tumili si Eureka nang napakalakas bago ako inalog-alog nang walang tigil. Tili siya nang tili habang ako, hindi makakilos dahil sa sinabi niya.

Bwisit!

Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Pero bakit . . . bakit gusto ko rin ngumiti?!

Kinurot ko sa tagiliran si Eureka bago nagpaalam na magsi-CR na muna.

   

Sulitin ko lang ang mga oras na nakakapagsulat ako kahit phone lang. Usually kasi, tinatamad ako. Ngayon, medyo may sipag kaya sulitin na natin! 😁

I hope you enjoyed this chapter! 💛

  
🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top