Epilogue
"There's seven and whoever you can meet is your destiny."
Akala ko ikaw na. Although, ikaw naman talaga. Ikaw yung nagpahalik sakin sa realidad. Ikaw yung nagpamulat sakin sa sarili kong tadhana.
Ikaw. . .
Ikaw na hindi para sakin.
Ikaw na para sayo ay akin.
"Since when did you became a poet?"
Napakunot ang noo ko dahil napansin kong dinudungaw na niya pala ang papel ko.
"Bakit ka nakikibasa?"
Ngumiti siya sakin at umupo sa harapan ko. Nandito kaming dalawa sa lover's lane, pero hindi tulad ng iba, hindi kami sweet dahil busy ako sa sinusulat ko.
"Nothing. I just want to know."
"Know what?"
"If you're already started writing our story. . ."
Napa-snort ako. Mukha pa siyang nahihiya. Oo nga pala, simula nung naging kami, sinabihan niya akong isulat daw sa diary lahat ng nangyari samin mula sa simula. Nung tinanong ko siya kung bakit, ngumiti lang siya.
"I want our children to know our story."
Sa totoo lang, ayoko talaga since ang cheesy masiyado. Pero naisip ko rin naman, sabagay, mukhang gusto niya lang na may remembrance kami ng tungkol samin. Na kahit tapos na ang mga nangyari, kapag babalikan namin to, maalala pa rin namin lahat ng naramdaman namin nung nagsimula kaming dalawa.
Nga lang, hindi niya alam na naisingit ko ang tungkol saming dalawa ni Sho. Dapat diary lang, e. Ewan ko rin kung bakit naging story to. Hindi niya rin alam na matagal kong sinusulat to, at ito na nga.
Tapos na. At ubos na rin ang papel ko dahil sobrang haba ng mga senaryong sinusulat ko.
Alam kong nabanggit ko na rin na ayaw kong maging author. Pero hindi ko naman binanggit na ayokong maging author ng sariling kuwento ko, diba?
"Sinusulat ko na. Sa epilogue ako nagsimula."
Kumunot ang noo niya. "Huh? What? Why?"
"Dahil sa huli naman talaga tayo nagmula. At gagawa pa lang tayo ng simula. . ."
Mas lalong nangunot ang noo niya. "What? I thought I'm your prologue?"
"Ha? Saan mo naman napulot yan?"
"When you said you already figured out the one I like?"
Napaisip naman ako nun at nanlaki ang mata ko sa realisasyon.
"Whut? Akala ko si Yui yun?"
"Yui? Yui Hasegawa?"
Tumango-tango ako.
"We're cousins. How's that even possible?"
Nalaglag ang panga ako. "Pero. . . pero. . ."
Napakamot siya ng ulo. "I thought you already know."
"Mukha bang alam ko na? Magiging tayo ba kung alam ko na?" pangaasar ko sa kaniya.
Nanlaki ang mata niya. "So, you don't have any plans on confessing to me? Is it. . ."
Napahinga ako nang malalim. May insecurities din pala ang presidenteng to.
Hindi na ako nagsalita at hinila ang leeg niya.
Wala pang isang minuto ay nagtama na ang labi namin.
"And this is me kissing my reality. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top