Chapter 9

Alam kong ilang linggo na ang nakalipas simula nung araw na yun. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang kalimutan na nasabi ko na nga sa kaniyang gusto ko siya, pero hindi niya pa rin nakuha. Seryoso? Hanggang saan 'tong bad luck ko?

"Azusa," hindi ako lumingon.

Nakakalungkot lang dahil pagkatapos din nung araw na yun ay hindi na rin kami nagkita. Nung mga sumunod na araw ay hindi na rin siya bumalik pa sa practice namin pati hanggang sa makabalik kami ng Uehara ay hindi na niya muling nagawang bumalik. Masakit? Malamang. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Ngayon lang ako na-excite nang ganito. Pero ang sakit pala. Ang sakit pa lang maramdaman nito. Sana . . . hindi na lang.

"Azusa, may klase na."

Napakamot ako sa ulo ko. Kagaya sa mga normal na araw, nandito na ulit kaming magkakaibigan sa rooftop ng building namin. Maaraw. Mahangin. Tahimik. Tamang-tama lang sa pag-iisip ko. Pero paano ko tuluyang maso-sort out 'to kung ganitong may istorbo? Kung umuwi na lang kaya ako sa dorm?

Azusa Akabane, ang pathetic mo. Talagang hindi ka papasok para lang makapagdrama ka sa non-existing mong lovelife? Siguro nga ganun. Wala na akong ibang maisip na paraan, e. Ang sakit lang kasi talaga.

Wala pa ngang naumpisahan. Tapos na agad.

"Iwan niyo na lang muna ako," sagot ko.

Huminga ako nang malalim bago bumuga. Ito rin pala yung magiging desisyon ko. Hindi ko na alam kung talaga bang umalis na yung mga kaibigan ko pero seriously, gusto ko lang mag-isip. Pero sa tingin ko, maling ideya pa rin yun. So, saan ako lulugar?

"Alam mo, Azusa. Hindi man ako kasing hilig niyo ni Yui magbasa ng manga, hindi man ako katulad niyo na pinapangarap na mailagay sa virtual world balang araw, pero kaibigan mo ako."

Nandito pa pala sila. Kung magiging honest lang ako sa mga sasabihin ko, hindi ako magdadalawang isip na amining nasasaktan ako. Ganito ba yung nararamdaman ng mga bida sa love story nila? Natutuwa pa naman ako. Kasi alam kong kapag nasasaktan sila. May tendency na mapapa-amin na sila sa partner nila which turns out na kalaban nila sa school pero bakit parang ang hirap? Bakit parang mas masakit pa 'to kaysa sa mga napapanood ko?

Kasi nga totoo.

"Hindi man ganun ka-ideal yung friendship natin, pero magkaibigan tayo. Kung may problema ka, sabihin mo."

Ganun ba talaga? Pero kung ganun ang gagawin ko, hindi ba parang umasa na lang din ako? Paano ko mapapangatawanan yung desisyon ko kung i-aasa ko lang sa iba? Paano ko makakayanan yung sakit ng mag-isa, kung aasa ako sa iba?

"Azusa, tandaan mo, inihiwalay ang realidad sa birtwal dahil hanggang dun lang yun. Lahat ng nakatira sa birtwal na mundo, hindi totoo. Kaya yung mga nararamdaman natin dun, yung mga pinaniniwalaan, hindi rin totoo." ani Yui.

Napayuko ako. "Alam ko naman, e. Hinding-hindi mapag-iisa ang totoong buhay sa pekeng mundo."

"Alam mo pala. Tama na yan. Marami pang iba diyan."

Natawa ako. Ang daling sabihin, ano? Ang daling sabihin na magmove on ka na, na meron namang iba, na marami pa pero kapag nandun ka na. Kapag tatalikuran mo na . . . ang sakit pa rin pala.

"Hindi ka namin makuha, Azzie. Ano bang nagustuhan mo sa kaniya?"

"Ang tagal na panahon na nung nagkakilala kayo, a. Ni wala nga kayong contact throughout those years tapos ngayong nagkita ulit kayo . . . meron na?"

Napangiti ako. "Matagal na . . . matagal na 'tong nandito. Siguro ngayon lang lumabas kasi ngayon lang ulit kami nagkita pero alam kong matagal na."

"First love dies, Azusa."

"Maybe it's just infatuation."

Sana nga ganun lang para hindi kasing sakit nung naamin ko sa sarili kong friendzoned lang yun pero ganito na kasakit.

* * *

Natapos ang araw na yun na dala dala ko pa rin yung sakit sa dibdib ko. Isang linggo na lang at sports festival na. Hindi rin naman nasayang yung pagka-cutting namin kasi puro lang naman practice ang ginawa buong maghapon. Mukhang walang masasatisfy sa dalawang linggong binigay samin.

Ano bang normal na ginagawa kapag ganitong mag-isa ka lang, wala kang kasama tapos iniisip mo lang yung taong nambasted sayo kahit na wala pa nga kayong nauumpisahan?

Ay hindi, meron na pala. Umamin na nga ako sa kaniya pero basted pa rin. Hindi naman ako botcha para ma-double dead, a? Pero bakit pakiramdam ko, binuhay niya ako ulit para patayin . . . ulit?

Sa hinaba ng panahon na hindi ko nakakasama si Mama, ngayon ko lang naramdaman 'to. Na kailangan ko pa rin pala ng ina na masasandalan at masasabihan sa mga ganitong pagkakataon. Ang hirap pala kasi kapag ipinipilit mong "strong independent woman" ka, pero sa huli, kailangan mo pa rin pala ng taong sasalo sayo sa panahon ng kalungkutan mo.

Napatingin ako sa book shelf kong puno ng libro. Yung iba napalanunan ko pa sa mga pa-raffle. Tapos yung iba naman, personal kong binili ng ipon ko. Bata pa kasi ako. Naisip ko, mahirap yung hingi ka lang ng hingi sa magulang mo lalo na't yung perang ginagasta mo, e, hindi mo naman pinaghirapan. Kaya nung mga panahong adik na adik ako sa wattpad app. Nagtrabaho ako ng part-time hanggang sa maka-ipon ako para makabili ng mga librong 'to.

Bumangon ako at lumapit sa book shelf. Sa mga ganitong panahon, naalala kong hindi sapat ang unan at soundtrip. Pero puwede namang self-pampered: unan, soundtrip, foodtrip at magbabasa ng libro.

Kinuha ko na rin ang wallet ko na nasa gilid ng kama ko. Nakapatong yun sa lamesa. Sinilip ko at may natitira pa naman ako para sa pang-allowance ko. Hindi naman kasi ako masiyadong gumagastos. Nagluluto ako para sa sarili ko bilang lunch at meron din para sa break time kaya hindi ako namomroblema sa isang buwan ko kahit na andami pa namang natitira sa pera ko.

Iniisip ko kung ano yung pagkaing puwede kong makain sa ganitong oras pero sa isang bagay lang bumagsak ang isip ko . . .

Ramen.

* * *

"Ramen. . . ramen. . . ramen."

No choice ako kundi ramen. Dahil wala na ring ibang bukas na store kundi ang ramen house pati na rin ang convenience store. Pero imbis na dumiretso dun ay dito ako dinala ng mga paa ko.

Nasa labas pa lang ako ng ramen house pero kitang-kita ko pa rin ang mga taong nasa loob. Hindi naman na ganun karami. Sabagay, anong oras na rin pero isa lang ang napansin ko dun. At yun ang pinakamas kinagulat ko.

"Siya ba ang tinutukoy niyang "someone"?"

Mula rito sa kinatatayuan ko, kitang-kita kong masayang nag-uusap sina Yui at si Eren habang kumakain ng . . . ramen.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top