Chapter 7

"There are things that we can do and there are things that we can't."

"Kagaya ng ano?"

"Making the person we like to like us back."

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang mapait. Sa tinagal kong nagbabasa at nanonood, ito yung pinaka-unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Posible pala yun, 'no? Yung makaya mong pagsabayin yung nararamdaman mo pero nakatuon lang yun sa iisang tao? Yung kaya mong masaktan. At the same time, kaya mo ring gustuhin pa rin siya.

Natatawa na lang ako na wala pa ngang nauumpisahan, tapos na agad.

"Naranasan mo na ba?"

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam na kaya ko pala talagang hindi maawkward kapag kasama ko siya. Basta ba, wag niya akong papaandaran ng pagiging council president niya. Kasi pakiramdam ko, kailangan kong maging perpekto kapag kasama ko siya.

"Mhm. But I never told her that I like her. How about you?" Tumingin siya sakin.

We are more than of what meets the eye. Yun agad ang naisip ko nung oras na nakipagtitigan siya sakin. Hindi ko mapigilang hindi maisip kung meron ba sa buhay niyang nagkamali na siya. O kung meron bang maski isang beses sa buhay niya na lumabas siya sa comfort zone niya.

"Me neither."

Sa huli, pinili ko na lang na iwasan yung titig niya kasi kapag ipagpapatuloy ko pa baka bigla ko na lang maisip na gusto kong magsipag mag-aral.

"I see."

Natahimik na kami matapos nun. Habang ako, hindi pa rin matanggal sa isip ko ang iba't ibang posibilidad kung umamin ako kay Sho kahit pa man hindi kami talaga ganun magkakilala. Meron talagang mga tao na hindi marunong makuntento sa kung anong ibinigay sa kanila. At ako yun.

"Maybe, it's just puppy love." Muling basag ni Eren sa katahimikan.

"Hindi ko alam. Ngayon ko lang 'to naramdaman."

Humarap siya sakin. Tanging bitwin lang ang nagbibigay ilaw samin at ang hangin ang nagbibigay comfort sakin. Ang tunog na nagmumula sa maliliit na hampas ng tubig sa buhangin ang nagdadagdag kalma sakin.

"Since when?"

* * *

"Excuse me, excuse me!"

Napapagilid ako dahil sa mga estudyanteng patuloy na takbo ng takbo. Dinig ko dumating na raw ang mga athlete na mula pa ng iba't ibang eskuwelahan at bayan. Dito kasi hineld ang Olympics sa Uehara para ngayong taon. Maingay ang buong hallway dahil sa tilian at sigawan ng mga babaeng estudyante na hindi naman talaga hilig ng sports.

"Totoo bang nandiyan na mga taga Okinawa?"

Napabaling ang tingin ko sa babaeng pumantay ng tayo sakin. Nandito kasi ako sa gilid ng corridor. Para naman hindi na sila mahirapan pang makipagagawan ng hallway, diba?

"Hindi ko alam."

Totoo naman. Wala akong ideya tungkol sa ganiyan at wala akong hilig sa sports. Bumaba na lang ulit ang tingin ko sa libro na binili ko noong nagpunta akong national bookstore.

"Psh."

Napailing na lang ako sa babae ng tuluyan na siyang umalis. Nang mawala na siya sa paningin ko ay sinarado ko na ang libro ko at nakahinga ako nang maluwag.

"Para kang nagpipigil ng hininga, a?"

Halos mapatalon ako dahil sa lalaking sumulpot sa harapan ko. Pawis na pawis siya at nakasuot pa ng sando na mukhang pangsports. Nakashort din siya at may tuwalya sa kaniyang leeg. Mas matangkad siya sakin kaya kailangan ko pa siyang tingalain.

"O, sorry. Mukhang nagulat pa yata kita."

Tinignan ko lang siya at binigyan ng weird look na parang sinasabibg, "ooookay, tapos?"

Umangat ang kamay niya at nilagay yun sa ulo ko, pinat niya ang ulo ko na ikinagulat ko.

"Mukha ka namang matino. Good job. Wag kang gagaya sa kanila, ha?"

Umalis na siya matapos nun.

* * *

"I see. Is that the reason why you came to like him?"

Huminga ako nang malalim. Alam kong tatanungin niya ako nito. Para kasing ang babaw ng dahilan nang pagpat niya sa ulo ko kung tutuusin. Pero hindi ko siya dun nagustuhan. Ni hindi ko nga alam na magugustuhan ko siya dahil lang sa sobrang galing niyang tumalon sa high jump.

"Nagustuhan ko siya dahil pakiramdam ko ang taas ng pangarap niya."

"Ha?"

Tumawa ako. "Weird, diba? Ni wala nga akong alam tungkol sa personal information niya aside sa alam ko kung saan siya nag-aaral at tanging pangalan lang niya, e. Siyempre, hindi rin papahuli na alam ko yung sports na hilig niya."

Tumango-tango siya sakin kaya nagpatuloy ako.

"Malabo man pakinggan. Pero nung una ko siyang nakitang mataas ang talon . . . pakiramdam ko may unang beses ng tao na nagbago ng pananaw ko."

Tumango ako at nagpatuloy. "Binago niya ang pananaw ko. Maniniwala ka bang wala akong pangarap dati?"

"Is it even possible?"

"Siguro para sakin, oo. Kasi ganun ako dati. Pangarap ko lang maging artista at makapunta ng Japan. Pero kahit sa pangarap kong yun, nagdadalawang isip pa ko."

"Even now?"

Napaisip ako. "May hint pa rin na gusto kong maging artista at makapunta ng Japan. Pero ngayon . . ."

Tumaas ang kilay niya. "Ngayon?"

Napangiti ako. Ang cute pala niya magtagalog.

"Gusto ko na lang maging ako."

Napakunot ang noo niya. "Ha?"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagpagpag. Bumaling ako sa kaniya at tinulungan ko siyang bumangon din na agad naman niyang ginawa. Tinulungan ko siyang pagpagan ang sarili niya at naglakad kaming muli palayo.

"Tara. Kain tayong ramen." aya ko.

Hindi niya pa siguro magigets ngayon.

"Yeah, let's go."

"Bakit mo nga pala gustong-gusto kumain nun?"

He smiled. His eyes were twinkling. Para bang iniisip niya na ang ramen ay ang babaeng gusto niya. "Because of someone."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top