Chapter 5

Chivalry is not yet dead and Sho Watanabe is the proof.

Nakilala ko si Sho, dahil siya ang kilalang record breaker ng Okinawa. Napapanood ko siya sa mga balita, nababasa sa mga newspaper at napapakinggan sa mga radyo. Nalaman ko lang din ang existence niya nung nasa sophomore year pa lang ako at simula rin nung araw na yun ay hindi ko na siya tinigilan.

Naalala kong gusto ko nga rin pumasok sa Okinawa High para lang makasama siya. Siya rin ang tanging dahilan kung bakit nagustuhan ko na rin ang track and field. Wala naman kasi talaga akong ibang buhay dati kundi ang mga libro, manga, anime at live actions pero pinamulat sakin ni Sho na malaki pa ang mundo ko hanggang sa nadiskubre ko ang track and field.

Ang hipokrita man pakinggan pero ayaw ko rin talaga ng track and field noon kahit pa yun talaga ang main sport ng Uehara. Hindi ako nanonood kapag may tournament na sa eskuwelahan namin ginaganap pero noong nagsophomore rin ako, dun ko tuluyang nabigyan ng pansin ang sports na track and field. Magaling si Sho. He can even surpass Eren Naruse lalo na't puro academic lang naman ang pinagtutuunan ng pansin ng isang yun. Isa pa, isa rin ito sa dahilan kung bakit ko gusto rito sa Okinawa.

Dahil sa gusto kong makita si Sho Watanabe.

Nung araw na dumating kami rito, sabi ko sa sarili ko, negative one ang magiging chansa na makita ko rito si Sho. Isa sa mga dahilan nun ay wala namang dahilan para magkita kami dahil wala naman siyang alam sa existence ko.

Ay mali!

"I can already see you. Why won't you go out?"

Napalunok ako. Hindi ako makapaniwalang dito ko pa makikita yung lalaking pinapangarap ko. Hindi man niya ako naalala pero atleast. . . napansin niya ako, diba?

Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko at inilagay ko sa likod ko. Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito pero siguro nga, tama rin ang naging desisyon ko. Dahil nakita ko siya.

Nakita ko si Sho Watanabe.

So, basically, kilala na niya ako. Sophomore rin ako nung time na nagkaroon ng trip to Okinawa ang Uehara. Hindi naman ako nagi-expect na makikita ko siya rito nun dahil nagiikot-ikot lang talaga ako. Atsaka, simula rin nung nakita ko siya sa Olympics na ginanap sa Uehara ay hindi ko na rin maialis ang interes ko sa track and field. Sabi ko pa nun dati, aaralin ko ang track and field para kapag nagkita kami ay may mapag-uusapan kami pero matagal din bago nangyari yun at nung nangyari nga, iba naman ang pinag-usapan namin.

"There's seven and whoever you can meet is your destiny."

Indeed. It's a great miracle.

Nung mga panahong yun, sa dami ng taong pumapasok at lumalabas sa buhay ko, iniisip ko kung sino ang pitong yun na maaaring maging himala para sakin pero hanggang ngayong nagkita na kami ay wala pa rin.

"Paano mo nalaman yung pangalan ko?"

Tumawa siya. "Isn't it your surname?"

Natawa na lang din ako sa kalokohan ko. Oo nga pala. Pero magiging ayos lang kaya kung hihilingin kong sana pangalan ko na lang yung alam niya? Dahil ako, buong pangalan niya ang alam ko.

"So, what are you doing here?"

Sabay kaming naglakad. Hindi ko naman napansin na natigil pala ako sa lugar kung saan kami unang nagkita. Nasa gilid kasi ako kung saan kitang-kita ko ang araw na papalubog na. Sure, naging mahabang araw nga 'to para samin. Dun ko lang din napansin na naka-uniform pa siya at may dalang bike. Mukhang galing pa siyang eskuwelahan at dumiretso lang din dito.

"Ah, may practice trip kasi kami." Nahihiyang sabi ko.

Para akong highschool student na kinikilig sa crush ko at nung umamin ay nakaramdam ng hiya. And truth to be told, crush ko nga talaga siya.

"Practice? Tournament?"

Napatango ako. "Yeah, for sports festival."

Natahimik na kaming dalawa nun. Wala na rin akong maisip pa kasing sasabihin at sa totoo lang, kahit sa simpleng pananahimik lang naming dalawa, hindi ko magawang hindi maakward. Unlike sa kapag kasama ko si Eren, hindi ako mapakali. Iyon ang pinakatotoo sa lahat ng "totoo." Pero meron ba nun?

At bakit kailangan talagang maisingit si Naruse sa eksena? Wala rito yung tao. Bumuga ako nang hininga.

"Ano . . ."

"Hmm?"

"Parte ka pa rin ba ng athletics?"

Hindi siya nakasagot nun. Para bang masiyado ng sensitive ang topic na yun para sa kaniya, kaya hindi na rin ako nagtangkang magtanong pa. Patuloy pa rin kaming naglalakad kahit pa wala na akong ideya kung saan ba talaga kami pumunta.

Ayos lang si Sho Watanabe naman yan.

Napangiti ako. Hindi ko alam na kaya ko pa lang maging masaya ng ganito. Para kasing kapag kasama ko siya, nakakaya kong maging sarili ko at kapag kasama ko si Eren, parang bawat galaw ko ay dapat kalkulado ko dahil kapag nagkamali ako ay malaki ang chansang punahin niya ang pagkakamali kong yun.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong kumakain ng ramen kasama si Sho. Oo, hindi si Eren kundi si Sho. Hindi ko alam kung bakit ba ako napapalibutan ng mga taong mahilig kumain ng ramen. Hindi naman sa nagrireklamo ako, ha? Pero. . . wala bang may mahilig ng siomai diyan? Medyo nakakaumay rin kasi paminsan ang ramen atsaka isa o dalawang beses lang talaga akong tumikim nun.

"I quitted."

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Halata namang ako ang kinakausap niya, e. Pero hindi ko maintindihan . . . bakit siya nag-quit?

"Pero . . . bakit?"

Ngumiti siya sakin. Pero yung ngiting yun ay hindi umabot sa tainga niya. Parang half-baked lang. Half-heartedly. Hindi ko maintindihan.

"There are things that are happening because of some reason."

Napakagat ako ng labi. Ito na naman tayo sa words of wisdom niya. Alam kong kung para akong magsalita e para bang matagal na kaming magkakilala. Pero yun kasi ang pinararamdam niya. Yun ang nararamdaman ko.

"Puwede bang zest-o na lang?"

Napatingin siya sakin at natawa. Alam ko namang gets niya ang sinabi ko, e. At yun ang nagustuhan ko sa kaniya, nakukuha niya ang humor ko. Madali siyang pakisamahan. Nga lang, bigla kong hiniling na sana pala ay hindi na lang niya nagigets ang humor ko.

"Can you be my bestfriend?"

Dahil hindi ito ang pinangarap kong tanong mula sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top