Chapter 4

Pumwesto ako sa gilid at pinagmasdan sila. Ang unang sasalang ay ang mga maglalaro sa sprint. Nasa gilid ko naman si Soujirou, siya ang may hawak ng record pati na rin ng stopwatch. Mainit sa buong oval pero wala lang samin yun. Naka-ilang laps din sila ng jogging kanina at pag-akyat sa bundok. I suppose hindi naman na sila hihingalin nun. Nakahiwalay rin ang section namin sa first section. Hindi naman kasi porket magkakasama kami sa isang hotel ay makakasama na rin namin sila sa pagpapractice.

"Ready," Inayos ko ang pito na nasa ilalim ng leeg ko. Pinagmasdan ko naman ang mga nasa may track na.

"Get set. Go." Pumito ako nang malakas.

Itinaas ko kaagad ang salamin ko habang pinapanood silang tumakbo. Nangunguna si Yui sa puwesto. Oo, hindi man halata pero may pagkasporty rin talaga si Yui at ito ang specialty niya, one hundred meter dash. Nasa dulo naman ang pinakamabagal sa kanila si Yamaken. Pinaghalo ko muna kasi ang lalaki sa babae. Wala pa naman sa actual. Atsaka, para na rin malaman ko kung saan sila bagay na ilagay.

Nang tuluyan na nanguna si Yui ay agad na tumabi sakin si Soujirou. "Ilan?"

"14.5 seconds."

Huminga ako nang malalim. Puwede na. Dun ko na lang inirecord ang pangalan ni Yui sa one hundred meter dash. Ang sabi naman ay dapat pangdalawahan kaya naman kinuha ko na rin ang pumapangalawa sa kaniya na may fifteen point six seconds na record, si Kaede.

Lumipat naman kami ng panibago which is ang long and high jump. Dahil medyo matagal tagal na, naisip kong ako na lang ulit ang lalaban dito. Dalawa rin kami. Ako at si Soujirou. Ako sa long jump at siya naman sa high jump. Hindi na kasi ako ulit sumubok sa high jump dahil dati hindi ako sa foam sumubsob kundi sa semento. Hindi ko kasi nalagpasan. Malayo layo na rin naman ang inabot ng binti ko. At kagaya pa rin ng dati, masakit pa rin siya sa puwetan.

"Akabane, break muna."

Napabaling ako kay Soujirou na hingal na hingal. Tumango lang ako sa kaniya. Hindi naman kasi lahat kami ay walang ginagawa. Hindi ko hinahayaang ganun. Habang tinatry namin ang ibang mga events sa track and field which is relay, meter dash, javelin throw, disc throw at mga jump ay patuloy pa rin ang jogging ng iba sa kanila na hindi pa nasasalang.

Dumiretso kami sa hagdan malapit sa bench kung saan nakalapag ang mga dala naming bag. Wala na kaming panahong pumunta pa sa bayan para lang kumain. Atsaka, ayos na rin yun. Maunting pahinga lang naman ang kailangan namin at babalik na ulit kami sa pagpapractice.

"Grabe Yui, 'di ka pa rin pala nalilipasan 'no?"

Napatingin ako kay Chiasa na todo yugyog kay Yui na umiinom ng tubig. Mabuti nga hindi siya nasamid. Napailing na lang ako sabay kuha ng telepono kong flip flop sa duffel bag ko. Sa totoo lang, naku-cute-an pa rin ako sa cellphone ko. Wala pa akong balak palitan 'to. Siguro kapag alam kong deserving na ako kahit pa marami na talagang nagamit ng smartphone ngayon.

Binasa ko lahat ng mensahe na nakuha ko nitong mga nakaraang araw pero isang mensahe lang din ang nakakuha ng atensyon ko.

From: Kaijo Eren

Let's eat ramen.

Napakunot ang noo ko. Hindi ba masiyado na siyang naadik sa ramen? Atsaka, nasa practice kami tapos magaaya siya ng ramen?

Doon ko lang din napansin ang time na nagsend ang message niya.

"Five am?!"

* * *

"Dismissed."

Mukha namang nakahinga nang maluwag ang buong section E matapos kong sabihin yun. Mahabang araw na ang iginugol namin para lang sa pursigidong practice na 'to. Bukas naman ay ibang sports event naman ang papraktisin namin. Sadyang dito ko lang kinuhanan nang malaking effort dahil ito ang main event ng sports festival. Weird, right? Dahil kung gagawin mo lang subject ang mga ito. Mapupunta ang track and field sa "minor" subjects lang pero hindi ko rin maintindihan kung bakit ito ang mas binibigyan ng pansin kaysa sa ibang sports.

"Azusa, merienda tayo."

Agad akong umiling sa imbitasyon ni Chiasa sakin. Balak ko kasing magpahangin muna ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero baka babalik din ako sa hotel para matulog. Naghiwalay rin kami ng daan ni Chiasa matapos nun. Aniya, pupunta silang down town para magkaraoke kasama ang iba naming kaklase. Wala lang naman sakin yun. Deserve nilang magpahinga. Sobra-sobra rin kasi yung effort nila kahit pa man first day pa lang ngayon at meron pa kaming natitirang anim na araw.

"Ano naman kaya ang mangyayari sa anim na araw na yun?"

"Maybe, you can finally develop your feelings with someone."

Natigilan ako. Napalingon ako sa taong dumating and swear walang mapaglagyan ang gulat ko.

"Sho. . ."

Napatingin siya sakin at sumaludo. "Long time no see, Akabane."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top