Chapter 3
Weird.
Bakit hindi ko magawang maakward kasama si Eren? Himala na hindi kami nagbangayan pagdating namin dito sa Ramen House. Para bang matagal na kaming kumakain talaga na magkasama dahil nagagawa naming tahimik na kumain na magkasabay.
O, siguro. . . nasanay lang kaming dalawa na may manners kapag kumakain?
"So, what is your plan?"
Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sa hinaba ng oras na tahimik lang kaming dalawa ay ngayon lang niya tinangkang basagin ang katahimikang namuo sa pagitan naming dalawa.
"Anong plan?" tanong ko matapos kong punasan ng table napkin ang gilid ng labi ko.
Hipokrita na ba ako kung sasabihin kong malakas pa rin talaga ang dating niya maski sa pag-inom niya lang ng tubig? Kagaya sa mga napapanood ko, parang ang sarap na idahilan na "babae" lang ako. Nagkakasala rin pero parang ang kadiri pakinggan nun.
"I thought you'll talk to me about the place."
Dun ko lang nakuha. Oo nga pala, pumunta pala talaga ako ron para kausapin siya tungkol sa lugar at hindi matuklasan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Suzy. Lastly, hindi rin para samahan siyang kumain dito sa Ramen House kahit pa nasa plano ko talagang dumiretso rito para maibsan ang kung anong iritang maaari kong maramdaman once na nakausap ko na siya.
"Yeah, ganun dapat. Pero iba ang nalaman ko."
Sumeryoso ang mukha niya.
"It's nothing."
Napangiwi ako. Kung makapagsalita 'to parang hindi babae ang kausap niya, a? I mean. . . "no offense, ha? Pero ang gago mo."
Tinawanan niya lang ako na ikinagulantang ko naman. Ang OA ba kung sasabihin kong nagulat ako kasi first time kong makakita ng ibang expression mula sa kaniya? Parang may magic sa kaniya na hindi ko malaman. Parang nahatak yung atensyon ko at parang sa tawa niya, sumisigaw yun na, "hoy, akin na atensyon mo." Kahit wala naman talagang ganun at nagiimahinasyon lang ako?
"I already know that."
"Mukhang sanay na sanay, a?"
Tumango-tango lang siya sakin. "Yeah, now tell me what you want."
"Ah, gusto ko sana sa Okinawa kami magpapractice."
"Okay."
Nanlaki ang mata ko. "Ha? Talaga?!"
"Yeah."
"Oh my ghad! Thank you, Eren! Thank—"
"But with our section."
* * *
Bumagsak ang katawan ko sa semento.
"Ano? Kasama ang section A?!"
Ipinikit ko lang ang mga mata ko. Kanina pa hindi maka-move on si Chiasa sa sinabi ko. Nandito ulit kasi kami sa rooftop kaya ang lakas ng loob magwala. Aniya, safe haven namin 'to kaya malaya siyang gawin ang kung ano man ang gusto niya.
"Oo nga raw, Chia. Ulit ulit? Matahimik ka nga."
Gumulong ako pakulob. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko para pumayag dun. Akala ko nga magagalit sakin ang section E pero hindi. Turns out, na-excite pa sila. Makakapaghanda raw sila once na paliguan kami ng insulto. Kasi iba ang ipapaligo nila sa mga 'to. Mapride rin kasi ang section namin. Hindi man halata pero nasa loob ang kulo niyan. Hindi naman kami masokista, e. Atsaka, hindi rin habang buhay hahayaan naming ma-bully kami.
Kaya nung dumating ang araw na yun, himalang tahimik ang pinagsamang section sa bus.
"Ano ba to, ghost town?"
Hindi ko pinansin ang mga reklamo ni Chiasa at patuloy na nanood lang ng palabas. Hindi ko kasi natapos to nung panoorin ko since naging busy ako sa school namin, kahit wala namang dapat pagka-busyhan. Tungkol lang yung story sa babaeng mahilig magbasa ng manga at manood ng anime, parang ako lang. Tapos, isang araw naka-encounter niya yung lalaking heartthrob sa kanila at dahil adik nga siya sa fictional, lahat ng nangyayari sa kanila ay itinuturing niyang parang isang libro hanggang sa naging turing niya lang dun sa love story nilang dalawa ay fictional story kaya nung naghiwalay sila ng lalaki, dun niya lang napagtanto yung kasalanan niya.
Masakit pa nga yung linya ng lalaki, sabi niya kasi, "kung turing mo lang pala sa storya nating dalawa ay fairytale edi may posibilidad na puwede mong punitin yung pahina kung saan napasaya kita."
Natauhan yung babae nun. Inisip niya, mas maganda pa rin pala talaga na tumingin ka sa mundo ng realidad. Kasi sa reality, totoo lahat yung pinararamdam sayo. Totoo lahat ng nararamdaman mo, hindi tulad sa virtual world, peke. Lahat nasa imahinasyon. Nagkabalikan naman sila nun at simula rin nun ay natigil din yung babae sa pagbabasa at panonood ng anime. Para kasi sa kaniya, iiwanan niya rin naman yung mundong yun kapag nagkataon. Inagahan niya lang.
Nang matapos yung movie, nagstop over din kami. Bumaba silang lahat para bumili ng mga pagkain nila. Samantalang, nagpaiwan lang ako sa loob. Ngayon lang kasi talaga ako makakahinga nang maluwag matapos ang torture na byaheng yun. Para kasi kaming nasa isang game at kung sino ang unang magsasalita o mang-iinsulto ang talo. Ibig sabihin kasi nun, hindi niya matatagalan yung presensya ng isa samin.
"What are you doing?"
Natigilan ako sa pamamaypay sa sarili ko. Napalingon ako sa gawi kung saan nagmula yung boses at nakita ko na naman siya. Si Eren. Oo nga pala, magkasama nga pala kami rito.
"Hindi ba halata? Nakahinga na ako nang maluwag."
Tumawa siya at umupo sa tabi ko. Napapansin ko masiyado na siyang nagiging open sakin. Hindi naman kami close talaga nito maski nung mga early years namin. At ang mga dahilan? Masiyadong marami. Basta, ayoko lang talagang dumikit sa kaniya noon.
Kaya ba ngayon, ayos ng close kayo?
Umiling ako. As if naman, gusto ko talagang close kami ngayon.
"Matagal pa ba silang babalik?"
"I don't know. I've given them one hour to stroll because Okinawa is still a long way drive."
Napakunot ang noo ko. "Ha?! E, halos kakaalis pa lang nila, a?"
"Yeah, and?"
"Malamang. Mamaya pa yun! Ano ba naman 'to, bababa na nga lang din ako."
Tumayo na ako at dumaan sa harapan ni Eren. Nakita kong parang nagstruggle pa siya nung nakalayo na ako sa kaniya.
"C. . .chotto matte!"
Napalingon ako sa kaniya nang maramdaman ko ang hawak niya sa braso ko. Iniisip ko na kasi kung ano bang mga bibilhin ko para kapag bumalik ako rito ay hindi na ako magugutom. Atsaka, bibili na lang din ako ng mga tsitsirya, para kapag nagutom ako sa byahe ay may makakain ako.
"Bakit?"
Huminga siya nang malalim. "I want to go with you."
Nagkibit balikat ako. "Okay."
* * *
Ito ang first time kong mag-out of town trip kasama ang section E. Noong mga nagdaang taon kasi ay puro section A, at talaga nga namang nakakaumay yun. Marami kaming nadaanan ni Eren na mga stall at wala kaming pinalagpas. Masaya naman siyang kasama. Wala siyang arte sa katawan. Kagaya lang din nung kumain kaming dalawa ng ramen nung inaya niya ako.
Nalaman ko lang talaga ang Okinawa noong nagkaroon kami ng trip na buong school din. Tapos, dahil mahilig ako nun sa sports. Isang umaga nun, napadpad ako sa arena. Malaki yung arena tapos halos lahat ng sports na puwede mong malaro, nandun. Sabi nga nila, kung sa academics, Uehara ang panlaban. At kung sa sports naman, Okinawa. Simula rin nung araw na yun, hindi na rin natanggal sa isip ko ang lugar na yun hanggang sa ito na nga. May use rin ang hindi ko pagkalimot dun.
At dahil din naman sa isang tao.
"Hindi ba one hour na?"
Napatingin siya sa relos niya at tumango. "Yeah."
"O, tara na. Baka maiwanan pa tayo ng bus."
Dala-dala ang mga pinamili ko, naglakad kaming dalawa pabalik ng bus. Medyo malayo na nga 'tong napuntahan namin, e. Hindi ko naman alam na nakaka-enjoy rin pa lang magstroll at magwindow shopping. Hindi naman sa wala akong ideya sa mga 'to, pero ngayon lang kasi talaga ako nakapagganito dahil hindi naman ako masiyadong gala talaga sa Uehara.
Nang makita na namin ang bus ay agad na kaming sumakay ron. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ng mga estudyamte nung nakaakyat na kami. Ako kasi pinauna niya. Mukhang pinatutunayan pa nitong "chivalry is not yet dead" kahit pa wala naman akong pakialam dun. Nadaanan ko pa si Suzy at nakita kong iniharang niya ang paa niya sa daan pero sorry siya, napansin ko. Yan tuloy. Imbis na ako ang patirin niya ay si Eren. Lahat sila napasinghap nun. Samantalang, dire-diretso naman ako sa upuan ko. Nakanganga nga lang na nakatitig sakin ang buong section E.
"E. . .eren."
Mukhang kinabahan ang loka. May patrip-trip pa kasing nalalaman. I bet sobrang napahiya si Eren. Hindi rin nakagalaw ang mga nasa section A. Mukhang naging bato na nga sila. Napa-tsk ako. Samantalang, lumipad naman ang tingin sakin ni Suzy, inirapan ko lang siya.
Patuloy pa rin ang paghingi niya ng tawad kay Eren, at ang isa, tuluyan na ngang nairita.
"Shut up!"
Muntik na akong matawa nun, buti napigilan ko.
"Uy, saan kayo galing ni Eren?"
"Kung makatanong ka parang parati kaming umaalis, a?"
"Bakit hindi ba? Nakita ko nga kayong kumain sa Ramenan kagabi."
Muntik na akong masamid sa kinakain ko nun. Napatingin sa banda namin ang section E at A. Napalunok naman ako sabay tingin kay Chiasa.
"Ano. . . paano?"
"May binili lang ako malapit dun tapos nakita ko kayo na nakapuwesto dun sa may bintana. Di mo ba alam na puwede kayong makita dun ng kahit sino? Duh."
Sa huli, hindi na rin ako nakipagtalo. Tama nga naman kasi siya. Atsaka, isang beses lang naman yun. Bakit ba ako nagpapaapekto na para bang normal na lang samin ang lumalabas?
Hindi na ako umimik nun at inantay na lang na makarating kami. Kagaya nga ng sinabi ni Eren, malayo nga yung Okinawa. Hindi ko lang din siguro napansin nung nagkatrip kami rito since second year pa naman yun. Totoo ngang kapag pinansin mo na ang isang bagay, parang nagiging mabilis at mabagal na yun para sayo.
Ilang sandali lang din naman ay nakarating na rin kami kaso nga lang, hapon na. Sabagay, nagkaroon pa kasi ng one hour stop over kaya hindi na rin napansin. Isa isang bumaba ang mga estudyante hanggang sa ako na lang ang natira. Wala na rin si Eren dahil siya ang makikipagcoordinate dun sa hotel na pagi-stayan namin. Oh, diba? Sosyal. Paano na lang kaya kung natuloy nga talaga kami sa Edogawa? Saan na lang kami pupulutin?
Ngunit hindi pa man ako nakakababa ng may humila na sakin. Si Eren.
"Come with me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top