Chapter 2
"Paano nga ulit yun? Fine."
Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Kanina pa umalis yung batalyon ni Eren matapos akong mapapayag. Hindi ko naman alam na hindi pala nadala si Soujirou at aniya, hindi rin naman siya ganun naghihirap para hindi tapatan ang mga Naruse pero ibang usapan na kasi kapag section E at pamilya na niya ang haharap. Kaya pala, kaya pala ako ang hinarap nila.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya. Parang ang sarap na lang magpalamon sa lupa. Dumiretso ako sa rooftop ng section E matapos ang nakakapanindig balahibong tagpo na yun. Sa totoo lang, wala rin akong ideya kung paano ako napapayag nang ganun lang e. Alam ko naman sa sarili kong hindi ganun ang dapat kong isasagot kaso siyempre, iba pa rin ang mundo namin sa palabas.
Bumuntong hininga ako bago nahiga sa semento. Sumunod lang din ang mga kaibigan ko rito. Dito na kasi yung parang tagpuan naming magkakaibigan. Dito lang kasi kami nakakakuha ng "peace of mind."
"Ano nang balak mo ngayon, fine?"
Sinamaan ko ng tingin si Chiasa. Alam kong nanadya siya para lang asarin ako. May two weeks pa naman bago ang sports festival na yan at balita ko ay gaganapin yung practice outside the campus premises. Hindi ko naman mapigilan ang excitement ko. Pakiramdam ko kasi ito yung panibagong kabanata para saming section E.
"Meron na bang napagpilian kung saan magpapractice?"
Humiga rin sa tabi ko sina Chiasa. Huminga ako nang malalim. Hindi mapagkakailang sobrang sarap nga sa pakiramdam na makapagpahinga rito.
"Ang alam ko meron na. Naka-assign na raw sila sa iba't ibang bayan."
Mhm. Kung iisipin ay parang isang school trip na ang magaganap dahil sa mismong labas ng Uehara gaganapin ang pagpapractice.
"I'm sure marami na silang napili. Hanggang fourth year lang din naman ang magpapractice." Bumangon na ako matapos sabihin yun. "So? Saan tayo naka-assign?"
Bumuga silang pareho ng hangin. "Edogawa."
* * *
Binagsak ko ang libro ko sa lamesa. Tapos na ang panghuling klase namin sa araw na yun. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha kung bakit pati sa pagpapraktisan ay magiging unfair samin ang Uehara.
"Azusa, kung kausapin mo na lang kaya si Eren?"
Tumingala ako sa babaeng lumapit sakin. Si Kaede Ayano. Originally, siya ang president ng section namin at masasabi kong epektibo nga siya. Napapasunod niya kasi kami at the same time, sumusunod din siya samin. Niligpit ko muna ang mga libro kong nakapatong sa lamesa bago ko siya hinarap.
"Para saan pa? May plano na sila."
"Hindi mo ba napapakiramdaman na para nila tayong sinasabotahe?"
Sumandal ako sa upuan ko. "Hindi. . ."
Hindi ako magpapahuli dahil alam ko namang sinasabotahe talaga nila kami. Alam naman naming lahat na walang puwedeng pagpraktisan sa Edogawa. Ganun na ba talaga ang tingin nila samin? Threat? Di naman porket malalakas ang nasa section E ay magiging unfair na sila samin.
"Ako nang bahala." sabi ko na lang sa kaniya dahil lumalalim na rin ang iniisip niya.
Tumayo siya sa pagkaka-upo sa lamesa ko at tumango sakin. "Sige, Azusa. Malaki naman tiwala namin sainyo ni Soujirou."
Tumango lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis.
"Ano yun? Bakit may pagtitiwala?"
Hindi naman na ako nagulat sa pagsulpot niya sa likod ko. Parang kada tapos ng klase, nandiyan na talaga siya. Kinuha ko ang bag ko bago ako umalis sa puwesto ko.
"Kakausapin ko si Eren."
Nilagpasan ko siya pero rinig na rinig ko pa rin ang boses niya sa likod ko.
"Ha? Bakit? Para saan?"
Nilingon ko siya at nginitian. "Trust me."
Tuluyan na akong umalis sa building ng section E.
Dapat uwian na namin ngayon. Kanina pa kasi ang bell. Marami na rin akong estudyante na nakikitang umaalis ng campus pero heto ako, pupunta pa sa teritoryo ng mga dragon. Hindi naman lingid sakin kung saan papunta yun dahil nga dati akong nasa section A. Ang kaibahan nga lang, malayo layo ang nilalakbay ko dahil sobrang layo rin ng building namin sa building ng vowel letter na yun.
Marami akong nakakasalubong habang papaakyat ako ng building at ramdam ko ang titig nila sakin, hindi ko na lang pinansin at nagdire-diretso ako.
"Eren."
Hindi ko na pala kailangang puntahan siya sa mismong cursed section na yun. Pero. . . si Suzy yun, a! At si . . . Eren. Anong ginagawa ng mga 'to? Nakatalikod sakin si Eren at si Suzy kaya naman kahit na alam kong hindi nila ako makikita ay nagtago pa rin ako sa gilid.
"Eren, when you will come back to me. . ."
Nanlaki ang mga mata ko. Naging sila?! At ano naman kung ganun nga?
"There's nothing going on in between us, Suzy."
Napalunok ako at mas idinikit pa ang tainga ko sa pader.
"But you said that you want to date me. . . right?"
"Did I?"
"Yeah. . ."
"Ah, yes. I just said that to get rid of your annoying friends."
Gago? Gago.
"But. . ."
"I never liked you, Suzy."
Napaatras ako pero kung minamalas ka nga naman. Napapikit ako kasabay nang pagkabagsak ko sa semento. Parehas na napalingon sa banda ko sina Eren at si Suzy.
"Hi." Kumaway ako.
Mabilis ang mga hakbang ni Eren na lumapit sakin at sa isang iglap lang ay naramdaman ko na ang katawan ko na lumutang sa ere.
"Let's go."
"T—teka. . ."
Napalingon pa ako kay Suzy na napaluhod na lang sa semento pero parang wala lang yun kay Eren dahil dire-diretso lang ang lakad niya hanggang sa makaalis kami ng building na yun. Wala na akong maaninag na mga estudyante at kahit sa section E ay sarado na rin ang building.
Tanging yapak na lang ng sapatos ni Eren ang maririnig sa buong Uehara.
"Hoy, ayos lang bang iwanan siya dun?"
Naalala ko si Suzy at ang itsura niya. Pero wala pa ring pagbabago sa mukha ni Eren. Tuloy tuloy lang ang lakad niya hanggang sa makalabas na kami ng Uehara. Nakita ko pa ang kotse niyang nakaparking na agad niyang nilapitan habang buhat-buhat pa rin ako.
"Someone's going to pick her up."
Tatanungin ko pa sana kung ano yung sinasabi niya ng maalala ko si Suzy nga pala ang tinanong ko sa kaniya. Binuksan niya ang shot gun seat at inilagay ako ron bago siya umikot at pumasok sa driver's seat.
"What are you doing there?"
Napalingon ako sa kaniya. "Ha?"
"To the building. What are you doing there?"
Atsaka ko lang naalala ang pakay ko. Oo nga pala!
"Ah, kakausapin sana kita."
Nilingon niya ako at swear kaunti na lang ay puwede nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Napahilig naman ako sa pinto.
"Why?"
"P. . .puwedeng lumayo ka muna?"
Ginawa nga niya. Nakahinga naman ako nang maluwag.
"Now, tell me. Why?"
"Uh, kasi ang unfair ng ginawa niyo? Bakit kami lang ang nasa Edogawa gayong wala namang puwedeng pagpraktisan dun?!"
Natawa siya. "I knew it."
"Ha?"
Umiling lang siya sakin bago niya pinaandar ang kotse niya.
"Hoy, anong meron?!" tanong ko pa.
Humawak siya sa labi niya bago muling napangiti. Nababaliw na yata 'to. Hinawakan na niya ang kambyo nun.
"Nothing. Let's eat ramen."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top