Chapter 19

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Overall, champion ang section E sa festival. Maraming nagsabing unfair dahil pinagsanib ang dalawang section sa relay pero wala naman kaming magagawa dahil hindi naman kami ang nag-utos nun. Sabi nila, kahit man lang daw diniscipline na lang din ang section D at wala na sana pang pagmimerge na naganap pero wala rin silang nagawa dahil tapos na. First runner up naman ang section A, pero ang kinagulat ko nun naging masaya pa sila para samin.

Matapos ang nakakawindang na pangyayaring yun sa festival ay naging talk of the campus ang section namin. Wala lang naman samin yun. Marami ring nangyari matapos nun. Dahil matapos kaming awardan bilang champion sa kauna-unahang taon. Humingi rin ng tawad samin ang dean sa pangmamaliit niya sa section namin throughout these years. Pati na rin ang mga kasection namin sa mga lower level. At ang isa pa sa mga malaking ganap, nagkasundo ang section A at section E.

Oo, maski ako nga, hindi makapaniwala. Parang lahat ng nangyayari, panaginip lang. Simula rin nun, napansin kong parati nang magkasama sina Chiasa at Soujirou. Wala naman akong sinabi at naging masaya para sa kanilang dalawa. Turns out kasi matagal nang gusto ni Chiasa si Soujirou pero yung isa, dense masiyado. Grabe maglaro ang tadhana, hindi mo mamalayan na yung taong matagal mo ng hinahanap, nasa tabi mo lang pala.

Naging kasama na rin namin sila sa celebration. Windang na windang nga kaming lahat, e. Basta, hindi na lang kami bigla nakapagsalita nung sinabi nilang gusto nila kaming makaclose. Humingi na rin sila ng tawad samin. Anila, ganun talaga ang pananaw na pinamulat sa kanila ng mga nakakataas kaya wala rin silang nagawa. Hindi naman talaga namin tinitake at heart yun kasi siyempre, nakaya nga naming maging kakampi sila, diba?

Kaya simula rin nun, walang gap na ang section namin. Pero kapag may magandang nangyayari. Siyempre, may masama rin. Plano pala talaga kaming sabotahin ng iba't ibang section. Specifically, ang section B, C at D. Diba, nagtrinity pa sila? May isang kaklase sila na nagsabi samin matapos inanunsyo ang pagkapanalo namin.

Plano raw nilang lagyan ng tinik ang sapatos ni Soujirou pero di natuloy. At para sakin, plano naman nilang itago ang sapatos ko kaso di rin natuloy. Sa relay rin kasi nakasalalay ang pagkapanalo ng overall. Parang bonus na lang din talaga yung ibang sports. Kakausapin pa nga dapat ng ibang kasama namin sa section yun, pero pinigilan ko. Nanalo na kasi kami. Kung papatulan pa namin, parang kami pa rin ang natalo nun kasi napikon kami. Mabuti na lang din at nagpapigil sila. Matapos ang pagaanunsyo nun ay puro kasiyahan na lang ang kasunod. Marami kaming booths na pinuntahan. Para kasing arcade ang naging labas ng eskuwelahan namin pero may stall pa rin naman para sa mga pagkain.

Nakakagulantang din na nakipagbati sakin si Suzy kahit pa hindi naman kami talaga nagaway.

"Hindi pa rin kita gusto pero gusto kita maging kaibigan."

Nangunot ang noo ko. "Meron bang ganun?"

Napaisip naman siya. "Ah basta, frenemies na tayo ngayon. Naiintindihan mo?"

"Uh. . . puwedeng call a friend?"

"Andito na ako, may kailangan ka?"

Gumaan ang pakiramdam ko nung nagtawanan kaming dalawa. Alam ko sa sarili kong magaan na nga ang dalawa para samin. Mabait naman talaga si Suzy, wag mo lang siguro siyang ipoprovoke. Atsaka, wala lang talaga para sakin ang lahat pero siyempre, masaya ako kasi okay na kaming dalawa. Yung mga nakaaway ko rin na naging dahilan kung bakit ako napatapon dito ay humingi na ng tawad sa ginawa nila. Naalala ko magkakasama kami nina Chiasa nun nang makasalubong namin sila.

"Akabane!"

Nagulat ako nun nang lumuhod sa harapan naming tatlo yung tatlong babae rin na nakaaway ko dahil ipinagtanggol ko sila Chia.

"O, Honda? Anong meron?" Nagtatakang tanong ko.

"We're sorry, Akabane, Yui and Chiasa. Gusto lang namin humingi ng tawad sa nangyari last year. And to you, Azusa. Pasensya na kasi dahil samin napatapon ka sa section E."

Nagkatinginan kami nila Yui. Alam namin sa puntong yun wala kaming sama ng loob sa tatlo. Dahil kung hindi rin sa kanila, baka hindi rin ako tuluyang napunta sa section E. Baka maging patuloy ako na santa-santita.

"Tumayo kayo diyan." Inalalayan ko sila na agad naman nilang sinunod. Kasi kung hindi, tatapakan ko na lang sila. Joke. "Matagal na namin kayong pinatawad kahit na wala naman kami talagang sama ng loob sainyo."

Nanlaki ang mata nila nun. "Pero. . ."

"Hush, ang mahalaga maayos na tayo, diba?"

Tumingin siya sa mga kasama niya at parang mga wala rin silang magawa dahil ako na nagsabi.

Siguro ganun talaga ang buhay, kung sino yung inakala mong kaaway mo. Sa huli, sila pa rin talaga ang magiging matalik mong kaibigan. Kaya in the end, naging okay na kaming lahat.

* * *

"Ano yan? Mukhang pasan mo mundo, a?"

Napalingon ako sa dumating. Si Soujirou pala. Iika-ika pa rin siyang umupo sa tabi ko.

"Ano yan? Mukhang pilay ka, a." pangaasar ko na ikinabugnot naman niya.

Natawa ako kaya mas lalo siyang napasimangot.

"Lakas mo, a? Kung pilayan din kaya kita?" banat niya.

"Aba, pumapatol pa rin ang pilantod, a." Natatawang ani ko.

Napailing na lang siya sakin kaya binelatan ko siya. Kala niya mananalo siya sakin? Ha!

Natahimik naman kami nun at parehas kaming napalingon sa dagat. Sa totoo lang, wala rin akong ideya kung bakit dito ako dinala ng paa ko para magpahangin. Siguro, sawa na ko sa hangin sa rooftop kaya dito naman. Joke hehe.

"Nakapagisip ka na?"

Napatingin ako sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya nang malalim at napatingin sa langit. Seriously, ano bang meron sa langit at hilig nila yung tingalain? Nandun ba yung kausap nila? Pero nawala sa isip ko yun nang magsalita siya.

"Nakuwento sakin ni Sho yung plano niyo."

Nangunot ang noo ko. Tatanungin ko pa sana siya kung anong plano nang pumasok sa isip ko ang pinagusapan namin nung gabing inaya niya ako sa tulay. Oo nga pala, may problema pa pala akong dapat harapin.

"Malapit na ang fireworks," aniya.

Last week of festival. Tama. Last week na ngayon ng festival. Ito yung mga moment sa palabas na parang ang sarap magtago. Yung tipo bang hindi ka na kailanman makikita nila kailanman o kahit na matulog ka na lang forever para di ka na makaharap sa problema mo? Ito na yun.

"Ano? Sigurado ka pa rin ba?"

Hindi na naman ako nakaimik. Alam ko na ilang oras na lang ay katapusan na ng kuwento ko dahil panibagong kabanata na naman ang mabubuksan ko.

"Kailan ko ba talagang pumili?" wala sa sariling tanong ko.

"Aba, oo naman. Unless, gusto mo silang pagsabayin."

Tama. Tama nga naman. Pero dahil gusto kong maibsan ang nararamdaman kong kaba nilingon ko siya.

"Ikaw? Ganiyan ginawa mo samin ni Chiasa, no?"

Mukha siyang nataranta sa sinabi ko at napaayos siya ng upo. Nakirutan pa siya sa paa niya kaya nawala ang tawa ko.

"Hala ka, puputulan ka na ng paa."

Sinamaan niya ako ng tingin. "At kasalanan mo."

"Ito naman. Napakaserious mo sa buhay."

"Kasi kung hindi mo seseryosohin, habang buhay ka na lang bang mananatili sa hindi mo naman mundo?"

Napataas ang kilay ko. "So, anong sinasabi mo? Takasan ko yung mundo ko, ganun ba?"

"Hindi mo ko nakukuha, Azusa."

"E, kasi hindi mo naman pinaiintindi."

"Kanino mo ba nararamdaman yung totoo?"

Napatingin ako sa kaniya. "May nararamdaman bang peke?"

Umiling siya. "Pero may nararamdamang infatuation. Puppy love. At purong paghanga lang."

Nangunot ang noo ko. "Kailan ka pa naging makata?"

"Ngayon lang."

"Hindi ka talaga magsiseryoso, no?"

"Di mo naman siniseryoso."

Nagkibit balikat ako. "Sabagay, di ka naman kaseryo-seryoso."

Nanlaki ang mata niya. "Aba't—"

Natawa ako. "Biro lang. Pero realtalk, paano mo mapagkakaiba ang nararamdaman mo sa dalawang tao?"

"Hala ka, balak mo ngang pagsabayin sila."

Kinagat ko ang labi ko. "Hindi nga, e! Pero naguguluhan ako."

Tumawa siya. Hindi siya umimik nun kaya naman napaisip na naman ako tungkol sa nararamdaman ko. Alam ko naman kung kanino aamin si Eren, e. Sa kay Yui. E, kaso paano ako?

Anong paano ka, Azusa? May Sho Watanabe ka!

Ahhhh, oo nga pala.

"Kanino mo ba nararamdaman na hindi mo naihahalo yung mundong pinangarap mo sa taong gusto mo?"

Alam ko ang sagot nito pero ayaw kong kumpirmahin. Napatingin siya sakin pero hindi ko siya nilingon pabalik.

"Alam mo kung anong nagustuhan ko sayo?"

"Ano?"

"Nagustuhan kita kasi maprinsipyo ka. Mabait ka. Hindi nga lang halata sa demeanor at kilos mo, pero mabait ka."

"Ohws, pano mo nasabi?"

Natawa siya. "Nung panahong pinagtanggol mo sina Chiasa kaya ka napunta sa section namin."

"I see." Atleast, naliwanagan na ako.

"Pero alam kong hindi talaga ako sigurado sa nararamdaman ko sayo kasi . . ."

Napatingin ako sa kaniya. "Kasi?" Ano ba to, pabitin pa.

"Si Chiasa yung nangingibabaw."

Napa-O ang labi ko at tumingin sa kaniya na parang nangaasar.

"Muntanga."

"Yiiih, matagal mo na pala siyang gusto, ha?" Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya.

"Umayos ka nga."

Nagpout lang ako. Minsan na lang ako makapangasar, e.

"Pero yun, yung taong inaakala mong siya na, hindi pa pala. Kasi yung nararamdaman mo para sa kaniya, temporary lang pala. Kumbaga, pinaranas lang sayo kung paano ka magkagusto at pinaexperience lang din sayo kung ano yung mga bagay na dapat paghandaan mo."

"Posible bang . . . posible bang mapabago ka rin niya?" Kasi yun ang nararamdaman ko kay Sho. Yung dating plain na pangarap ko, o more like, wala akong pangarap. Binago niya yung pananaw ko kasi gusto ko na lang maging ako.

That means, ako. Yung walang halong pangarap kong maging ibang tao. Maging isang aktres o di kaya maging isang fictional character ng libro. Yung ako lang. Kasi ako to at wala ng iba. Yung ganun. Yung realidad. Yung ako sa realidad. Pero nga lang, hindi pa rin nun matatanggal sakin yung pagkagusto kong maranasan yung mga nangyayari sa palabas man o sa libro kaya hindi ko alam. Kaya nga rin ako nagdadalawang isip, e. Kasi hindi ko pa alam.

"Posible. Ganun yung naramdaman ko sayo. Dati, gago lang ako."

"Pero ngayon, mas gago na."

Natawa siya. "Oo, naglevel up pero iba. Kasi ngayon, kaya ko nang panindigan yung responsibilidad ko sa mga bagay na nagawa ko. Nakaya ko nang harapin. Pero siyempre, yung pinaramdam sakin ni Chiasa, balanse. Kasi nakakaya kong maging marami para sa kaniya. Nakakaya kong ipakita yung mga bagay na hindi ko naman napapakita sayo. Nakakaya kong—"

"Ano bang hindi ko nakita sayo?"

"Charms ko."

Natawa kami. Totoo nga. Kasi kung nahulog ako sa "charms" niya, baka siya rin yun.

"Pero ayun nga, nakakaya mong maging marami. Hindi yung magaan lang yung sarili, ha? Kasi meron talaga tayong nagugustuhan na kaya nating maging sarili natin kapag kasama siya at the same time pinipilit natin yung sarili nating maging ibang tao. Pero sa taong yun, sa taong siya na talaga, iisang tao lang din tayo. Pero lahat ng emosyon, naibubuhos natin pero sa taong lang yun."

Nanlaki ang mata ko.

"Pero siguro, iba iba rin kasi—"

Napatayo ako na ikinagulantang naman niya. "ALAM KO NA!"

"Ha? Alam ang ano?"

Malaki ang ngiting napatingin ako sa kaniya. "Salamat!"

Mabilis akong tumakbo paalis ng lugar na yun. Kahit pa wala akong dala kundi ang tanging sarili ko lang at hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Nasa may bridge na ako ng lover's lane nang marinig kong inaanunsyo na ang time ng fireworks. Naririnig kong nagkacount down na rin sila. Mas lalo kong binilisan ang takbo.

Pero ang tanong: saan ko sila hahanapin?

Nakalabas na ako ng lugar na yun at mula rito ay nakikita ko na ang lights patungo sa quadrangle. Marami akong estudyanteng nakakasalubong pero hindi ko alintana ang mga yun. Nakita ko pa si Chiasa na kumakaway sakin.

"Azusa!"

"Chiasa!"

Niyakap namin ang isa't isa bago naghiwalay.

"Grabe parang ten years di nagkita?" Natatawang aniya.

Magtatanong na sana ako kung nasaan si Eren nang may tumapik sa balikat ko.

"Rooftop."

Tumango naman ako at agad silang tinalikuran. Magtatanong pa sana si Chiasa pero kumaway na ako sa kaniya habang tumatakbo. Mamaya na lang ako magpapaliwanag. Sa totoo lang, ang ganda talaga ng disenyo nila sa quadrangle pero hindi ko magawang maappreciate sa ngayon dahil may kailangan akong abutan. Wala namang deadline, pero feeling ko lang

Malalaki ang mga hakbang ko paakyat ng hagdan. Naririnig ko na rin na ten seconds na lang. May nakita pa akong magkasama na fourth year highschool na section A at E. Mukhang may date pa ang mga to.

"Five. . ."

Hala, ito na!

"Four. . ."

Malapit na ako sa rooftop.

"Three. . ."

Pagbukas ko ng pinto at nakita ko siya.

"Two. . ."

At nang tatawagin ko sana ay humarap siya nang kusa. . . na agad kong ikinadismaya.

"One. . ."

Malakas na putukan ng fireworks ang narinig ko. Napaangat ang tingin ko sa langit at hindi ko maiwasang mamangha. Ang ganda. . .

Ang ganda panoorin ng fireworks sana kasama siya. . . pero may kasama rin siyang iba.

Hindi ko namalayang nasa harap niya pala si Yui, at ngayon nakangiti na sila sa isa't isa.

"Azusa. . ."

Napalingon ako sa likod at kung minamalas ka nga naman.

"Sho. . ."

* * *

Spell awkward? KAMI.

Patuloy pa rin ang pagputok ng mga fireworks at patuloy rin ang pagkabog ng dibdib ko. Tahimik kaming apat dito at nagmumukha talaga kaming tanga. Specially, ako. Feeling ko gulong-gulo yung buhok ko, e.

"O, Azusa. . . anong ginagawa mo rito?" Inosenteng tanong ni Yui.

Napalunok ako sabay tingin kay Eren. Napatingin ako ulit kay Yui, tapos kay Eren.

"Azusa. . ."

Napapikit ako at handa na sanang umamin nang maunahan niya ako.

"Congrats."

Napadilat ako ng mata, nagtataka. "Ha?"

Ngumiti lang siya sakin at naglakad palapit. "Congrats, Azusa."

"Ha, teka? Bakit? Nanalo ba ako sa lotto?" Nalilito pa rin ako!

Tumawa lang siya at kinuha ang kamay ko.

"Alam kong kasalanan ko to, pero siguro nga. . . siguro nga, ito talaga ang kapalaran natin."

Nalilito ko pa rin siyang tinignan.

"Alam kong sigurado ka pa rin, Azusa, kaya sabihin mo na."

Natigilan ako. Naiisip niyang . . . sigurado pa rin ako sa kaniya?

"Pero Sho. . ."

"Sige na. Sabihin mo na, Azusa. . ."

"Sho, gusto kong sabihin na. . ."

Tinignan niya ako sa mata. Gusto kong sabihin na sigurado ako, pero hindi na ikaw. . .

"Ano yun?"

Huminga ako nang malalim sabay tingin kanila Eren, at binalik sa kaniya. Desidido na ako.

Pumikit ako at nagsalita. "Gusto kong sabihin na si Eren ang gusto ko."

Natahimik kaming lahat. Pati yung fireworks effect kanina, nawala. Teka, anong nangyari? Hinihintay kong may manampal sakin, pero wala!

Unti-unting dinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko dahil nakangiti pa rin sakin si Sho.

"Nagawa mo."

"Ha?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top