Chapter 18

"Ready, get set, go!"

Mabilis akong tumakbo. Dinig na dinig sa buong oval ang sigawan ng mga tao. Relay na kasi ngayon at kanina pa ako nabibingi sa mga tili ng mga tao na para bang inaabangan kung sino ang madadapa samin ng mga kalaban ako.

Isa lang naman ang rule dito, wag na wag lilingon sa mga kalaban ko. Nauuna ako at medyo malayo pa ang tatakbuhin dahil sobrang laki ng oval. Mabuti na lang at hindi ako madaling hingalin. Pinanatili ko ring kasabayan ko pa rin ang mga kalaban. Eyes on the goal, Azusa.

Sa starting line pa rin naman kasi magaabang ang mga kakampi namin dahil nga kailangang isang ikot ang gagawin namin. Medyo malayo at nangunguna na ako sa mga kalaban ko pero nararamdaman kong malalagpasan din ako ng isa sa kanila. Minabuti kong jogging na lang muna ang gawin para hindi ako mabawasan ng lakas dahil nga malayo-layo pa talaga ang starting line kung saan kami nagsimula.

Ngunit pagdating sa gitna, pakiramdam ko minalas ako dahil sobrang sakit ng tagiliran ko. Natunawan naman ako bago sumalang, a? Nakita ko rin sa peripheral vision ko na mabilis na nakakasunod ang kalaban. Napapapikit na rin ako sa kirot dahil sobrang sakit talaga niya at malayo-layo pa rin pala ang tatakbuhin namin. Medyo nangunguna na rin sakin ang kalaban ko kaya naman medyo nagalanganin na ko. Patuloy lang kami sa paghingal at pagtakbo.

Hanggang sa medyo malayo na siya at malapit na sa starting line. Sa starting line kung saan nakatayo na si Eren ngayon. Seryoso lang siyang nakatitig sakin at wala akong mababakas na kung ano. Samantalang, bumabalik na sa pandinig ko ang sigawan at tilian ng mga audiences na nanonood. Nangingibabaw rin dun ang sigaw ni Chiasa, at ng buong section E.

"AZUSA!"

"GO, AKABANE! AKABANE! AKABANE!"

"AZUSA AKABANE! GO, SECTION E!"

Napalunok ako. Hindi ko magawang tingalain lahat ng taong sumisigaw ngayon para sakin. Nakita ko rin si Suzy sa may gilid at nakataas lang ang kaniyang kilay sakin na para bang sinasabi niyang, "subukan mong magpatalo, gigilitan kita!" Muli na naman akong napalunok at ibinalik ang tingin kay Eren. Hindi ko alam pero biglang bumagal ang mundo ko nang ngumiti siya sakin. Isang ngiting alam kong maaari kong baunin hanggang sa panaginip ko. Ngiting hindi ko alam pero nakapagpabago ng mundo ko.

"Don't say that if you still didn't try, coz you will never accomplish anything."

With that, nabuhayan ako ng loob. Ginawa ko na ang kanina ko pang plano. Advantage talaga sakin na hindi ako madaling hingalin bunga ng pagi-ensayo namin. Sa malalaking hakbang . . . hakbang na papunta sa katapusan. Papunta sa kaniya.

Hinanda ni Eren ang sarili niya hanggang sa tuluyan kong maiabot sa kaniya ang stick. Bigla namang bumalik sakin ang ingay ng mga sigawan at kamuntikan pa akong sumubsob sa track. Mabilis ang bawat paghingal ko pero hindi nun matanggal ang kasiyahan sa puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Posible ba yun? Yung tumibok yung puso mo ng ganun kabilis?

Siguro nga, posible. Dahil habang pinagmamasdan ko siyang nangunguna ngayon at punong-puno ng determinasyon ang kaniyang mukha ay hindi ko mapigilang ngumiti. Yiiih, parang tanga lang, self. Napalingon naman ako sa mga susunod sa linya at nakita kong pinagmamasdan ako ni Sho. Napalunok na naman ako. Akala ko magagalit siya pero tanging ngiti niya lang ang pinakita niya sakin.

Ngiting malungkot . . .

Naguilty naman ako agad. Alam kong sigurado pa rin akong siya yung sasabihan ko ng mga katagang yun dahil siya ang gusto ko. Tama. Kaya naman, wag na sana akong guluhin pa ng presensya ngayon ni Eren na patuloy sa pakikipag-unahan.

Tinignan ko naman si Yui at si Soujirou na mamaya pa lalaban. Umiwas lang sila pareho nang titig. Mukhang may alam sila na hindi ko alam at mas pinili na lang manahimik o talagang may iniiwasan sila na hindi nila kayang makipagtitigan sakin kaya mas pinili na lang nilang hindi ako titigan.

Tuluyan na ngang nanguna sa linya si Eren at naabot na niya ang stick kay Sho at mabilis itong tumakbo. Tuloy pa rin ang hiyawan habang pinapanood nila ang lalaking idolo ng karamihan sa high jump na tumatakbo sa relay. Pumalit naman sa puwesto si Suzy. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kaniya ngayong papalapit na sa puwesto ko si Eren.

"Asuza. . ."

Ngumiti lang ako sa kaniya. Wala na talaga siyang suot na salamin ngayon. Mukhang napagtanto niyang ang baduy sa kaniya dahil nagmumukha siyang striktong geek sa porma niya. Though wala namang mali sa porma niya dahil estudyante pa rin siya at bagay naman sa kaniya ang uniporme namin. Still, hindi ko lang mapigilang mapuna.

Hindi kasi si Eren yung tipo nina Sho at Soujirou na pumorma. More on formal si Eren since siya ang namumuno sa council dito sa buong Uehara High. Kumpleto ang pagkakasara ng uniporme. Maayos na pagkakalagay ng necktie. Hindi naman batak at hindi rin naman nagkulang sa tela yung slacks niya. Maayos din at bagay naman sa kaniya yung blazer namin. Actually, mas lalo ngang nakakapagpadagdag sa appeal niya yung salamin niya. Para siyang professor. Hot na professor. Kaso naalala kong ipinagbabawal palang magkarelasyon ang propesor at ang estudyante kaya ipinagpaliban ko ang isiping yun.

At ayun nga, unlike kanila Sho, si Sho tatlong butones niya ang parating nakabukas. Hindi rin niya sinusuot ang blazer namin pero bagay pa rin naman sa kaniya. Ganun din yung mga type ko. Yung tipong bad boy ang datingan kahit hindi naman bad boy si Sho, mukha lang. Samantalang, loose naman ang necktie masiyado ni Soujirou at tatlong butones din ang nakabukas.

Hindi ko nga rin maintindihan kung kailan ba ako nahilig sa lalaking simple pero maayos pumorma.

Kailan pa nanalo ang good boy sa storya ng bad boy at . . . bad girl in the making?

"Bagay sayo," basag ko sa katahimikan naming dalawa.

Napalingon siya sakin. "Nani?"

Natawa naman ako nung magsalita siya ng nihongo. Baka sa susunod niyan hindi na lang siya bilinggual. Baka monolinggual na. At tuluyan na kaming hindi magkaintindihang dalawa.

"Yan. . ." Tinuro ko ang mukha niyang walang salamin na suot. "Bagay sayo."

Napangiti kaming pareho sa isa't isa. Sa totoo lang, wala rin akong ideya kung bakit parang bigla na namang bumagal ang mundo naming dalawa. Parang biglaan na lang tanging pagngiti na lang niya ang nakikita ko at hindi na ang kasama naming tumatakbo at nakasalalay ang pagkapanalo ng mga section namin. Hindi ko alam kung bakit siya. Kung bakit siya na lang yung naalala at tinitignan ko. Kung bakit siya na lang ang iniisip ko.

"Azusa. . ."

Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Hmm?"

"Aishiteruyo. . ."

Nanlaki ang mata ko pero bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na lang na may pumitik ng noo ko. "Aray!"

Nakita kong nakatingin pa rin sakin si Eren, pero mukhang naguguluhan na siya sa inaasal ko. Nagsquint pa ako ng mata dalawang beses pero ganun pa rin siya.

WAIT!

Imagination ko lang ba yun?!

"Are you okay?"

Nalaglag ang panga ko. Halos lumuwa ang mata ko at lumaki ang butas ng ilong ko. Napatalikod naman ako sa kaniya at kinagat ko ang daliri ko. Pahiya level 101 ako.

What the fudge? So, imagination lang talaga yun?!

Naramdaman kong tinapik ako ni Eren sa balikat pero hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya. Namula kasi bigla ang pisngi ko dahil sa hiya. HOMAAAAYGHAD, baka anong isipin niya! Sabihin pa niyang pinagnanasaan ko siya. Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko yun? Gusto ko na ba siya? Pero hindi! Hindi maaari dahil si Sho ang gusto ko!

Tama. Si Sho Watanabe lang ang tanging lalaking gusto ko at wala nang iba! Ilang araw na lang naman at matatapos na ang festival na to, at makakamit ko na rin ang gusto kong sagot katulad ng paghihintay niya ng tanong ko kaya walang problema.

Muli kong hinarap si Eren na parang walang nangyari. Pero damnation! Bakit ganiyan siya makatingin?! Para talaga niya akong hinihipnotismo!

"A. . . ayos lang ako." ngumiti ako sa kaniya.

Myghad, ilang beses na akong nauutal sa harapan niya, ha? Ano yun? Hobby?

Mabuti na lang talaga at hindi na siya nagtanong pa. Bumalik ang atensyon naming dalawa sa huling tatakbo. Si Soujirou. Merong mga instances na napapalingon pa rin ako sa kay Eren, pero most of the time, lagi kong itinutuon ang atensyon ko sa mga manlalaro kaya nga nung sumubsob sa oval si Soujirou ay napatayo kaming lahat.

Natahimik din lahat ng taong patuloy na nagchicheer sa mga section at manok nila. Patuloy pa rin naman sa pagpagtakbo ang ilan at nakakahabol na rin sila. Naunahan na rin si Soujirou ng kalaban niya which is ang section B, ang pumapangalawa samin. Kinabahan ako bigla. Hindi para sa championship namin kundi para kay Soujirou. Mukha kasi siyang hirap na hirap. Gusto ko sana siyang puntahan pero pinigilan lang ako ni Eren.

"We can't go there."

Halata rin ang lungkot sa kaniya pero alam kong wala kaming magagawa. Kinagat ko na lang ang daliri ko, tanda ng pagiging kabado ko sa mga pangyayari. Isa na to sa mga mannerism ko na nadadala ko sa mga ganitong situwasyon. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako. Paano kung mabalian siya ng buto? Although sprain or strain lang na tatagal ng dalawang linggo ang puwedeng matamo niya. Still, hindi pa rin matanggal sakin ang kaba.

Lumapit sa kaniya ang isa sa mga facilitator nitong relay. Nasa half na sila, at malayo pa rin naman ang tinatakbo ng iba sa kanila. Sa ngayon, ang nauuna na talaga sa puwesto ay ang section B or C.

Hinarap ko ang section A at E na magkakahilera pala sa puwesto. Mukhang unti-unti na silang napanghihinaan ng loob. Alam ko kasi na ang pagkabagsak ng section namin ay siyang pagkabagsak din ng section nina Eren.

Napalingon naman ako kay Eren. Nakayuko na rin siya pero nakahawak pa rin sa balikat ko. Para bang chinicheer up niya pa rin ako kahit na lugong-lugo rin naman siya sa sitwasyon. Yuyuko na rin sana ako nang makarinig kami ng sigaw na nakapagpabuhay ng nararamdaman namin.

"ALMIGHTY SOUJIROU!"

Napalingon kami sa sumigaw na yun at nakita si Chiasa na pulang-pula.

"THE ALMIGHTY SOUJIROU OF SECTION E, SINONG MAY SABING SUMUKO KA?!"

Nalaglag ang panga ko. Nalaglag din ang panga ni Soujirou ng lingunin ko siya. Nakita kong malapit na sa finish line ang kalaban dahil nasa half na siya ng oval.

"WAG KANG SUSUKO MAGKAKALOVELIFE KA PA!"

Maraming nagtawanan sa sinabi niyang yun at isa na rin kami dun. Sumunod na rin ang chant na sinisigaw ang pangalan ni Soujirou. Kagaya sakin kanina lahat sila ay chinicheer ang pangalan ni Soujirou.

"SOUJIROU! SOUJIROU! SOUJIROU!"

Hindi rin ako makapaniwala na isa rin sa nagchicheer samin ay ang section nina Eren. At katulad nga sa mga kasabihan, may isang himala.

Mabilis na ngayong humahabol si Soujirou sa kalaban. Malapit na siya at ilang dangkal na lang pero mas bumibilis ang speed ni Soujirou na mas lalong nagbigay buhay saming lahat at nakisigaw na rin.

"SOUJIROU! SOUJIROU! SOUJIROU!"

"SECTION E! SECTION E! SECTION E!"

Nagulat na lang ako dahil namumula na si Soujirou at para na siyang magigilitan ng ugat dahil sa sobrang paghahabol niya. Pero mas nakakagulat ang mga sumunod na nangyari. . .

Nanalo kami.

At nasprain siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top